· 

Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (3)

 

Kapag ipinatutupad ng Diyos ang Kanyang gawain, Siya ay dumarating hindi upang makibahagi sa anumang pagtatayo o mga pagkilos, kundi upang tuparin ang Kanyang ministeryo. Sa bawat pagkakataon na Siya ay nagiging katawang-tao, ito ay para lamang maisakatuparan ang isang yugto ng gawain at magbukas ng isang bagong kapanahunan. Ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian ay dumating na, at ang pagsasanay para sa kaharian. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi ang gawain ng tao, hindi ito upang hubugin ang tao sa isang partikular na antas; ito ay para buuin lamang ang isang bahagi ng gawain ng Diyos. Ang Kanyang ginagawa ay hindi gawain ng tao, hindi ito upang makamit ang ilang resulta sa paggawa sa tao bago Niya lisanin ang lupa; ito ay upang tuparin ang Kanyang ministeryo at tapusin ang gawain na kailangan Niya, na gumawa ng angkop na mga pagsasaayos para sa Kanyang gawain sa lupa, at sa gayon ay maging maluwalhati. Ang gawain ng nagkatawang-tao na Diyos ay hindi tulad ng mga tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Kapag dumarating ang Diyos para gawin ang Kanyang gawain sa lupa, ang isinasaalang-alang Niya lamang ay ang katuparan ng Kanyang ministeryo. Patungkol naman sa lahat ng iba pang mga bagay na walang kinalaman sa Kanyang ministeryo, hindi Siya halos nakikibahagi, maging hanggang sa punto ng pagwawalang-bahala. Isinasagawa lamang Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at pinakahuli sa Kanyang isinasaalang-alang ay ang tungkol sa gawaing dapat gawin ng tao. Ang gawain na ginagawa Niya ay tumutukoy lamang sa kapanahunang kinapapalooban Niya at sa ministeryo na dapat Niyang tuparin, na para bang ang iba pang bagay ay nakasalalay sa labas ng saklaw Niya. Hindi Niya binibigyan ang Kanyang sarili ng mas maraming payak na kaalaman tungkol sa pamumuhay bilang tao, ni natututo Siya ng higit na kasanayan sa pakikipagkapwa, ni sinasangkapan ang Sarili Niya ng ano pa mang naiintindihan ng tao. Hindi man lang Siya nag-aalala ng lahat ng dapat taglayin ng tao at ang tanging ginagawa Niya ay ang gawain na Kanyang tungkulin. At kaya, sa paningin ng tao, ang nagkatawang-tao na Diyos ay kulang, na hanggang sa hindi man lang Niya pinapansin ang maraming bagay na dapat mayroon ang tao, at bukod pa sa walang pang-unawa sa mga ganitong bagay. Ang mga gayong bagay tulad ng pangkaraniwang kaalaman tungkol sa buhay, pati na ang mga prinsipyo na sumasakop sa personal na pag-uugali at pakikipag-ugnayan sa iba, na lumilitaw na walang kaugnayan sa Kanya. Ngunit, hindi mo lang mararamdaman mula sa nagkatawang-tao na Diyos ang kahit na kaunting pahiwatig ng pagiging di-normal. Ibig sabihin, pinananatili lamang ng Kanyang pagkatao ang Kanyang buhay bilang isang karaniwang tao at ang karaniwang pangangatwiran ng Kanyang pag-iisip, na nagbibigay sa Kanya ng kakayahang kumilala sa pagitan ng tama at mali. Gayunman, hindi Siya binigyan ng anupamang bagay, na kung ano ang dapat taglayin lamang ng tao (mga nilikhang tao). Ang Diyos ay naging tao lamang upang matupad ang Kanyang ministeryo. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta sa isang buong kapanahunan, hindi sa sinumang tao o anumang lugar kundi sa buong sansinukob. Ito ang direksyon ng Kanyang gawain at ang prinsipyo kung saan Siya ay gumagawa. Walang sinuman ang makakapagpabago nito, at walang paraan na magiging kabahagi ang tao dito. Sa bawat pagkakataong ang Diyos ay nagiging katawang-tao, dinadala Niya sa Kanya ang gawain ng gayong kapanahunan, at walang balak ng pamumuhay kasama ng tao sa loob ng dalawampu, tatlumpu, apatnapu, o kahit pitumpu o walumpu na mga taon upang maaaring mas mahusay niyang maunawaan at makamit ang kabatiran sa Kanya. Walang pangangailangan para sa ganyan! Gawin man iyon ay walang paraan na mapapalalim ang kaalamang taglay ng tao ukol sa likas na disposisyon ng Diyos; sa halip, makakadagdag lang ito sa kanyang mga pagkaunawa at magsasanhi sa kanyang mga pagkaunawa at mga saloobin na maging makaluma. At kaya bumabagay ito na inyong maintindihang lahat kung ano talaga ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Tiyak na hindi kayo mabibigong maunawaan ang mga salitang Aking sinabi sa inyo: “Hindi upang maranasan ang buhay ng isang karaniwang tao na Ako ay pumarito”? Nalimutan ba ninyo ang mga salitang: “Ang Diyos ay dumarating sa lupa hindi upang isabuhay ang buhay ng isang karaniwang tao”? Hindi ninyo nauunawaan ang layunin ng Diyos na maging tao, ni nalalaman ninyo ang kahulugan ng “Paanong ang Diyos ay makakarating sa lupa sa layuning maranasan ang buhay ng isang nilalang?” Dumarating ang Diyos sa mundo para ganapin lamang ang Kanyang gawain, at kaya ang Kanyang gawain sa mundo ay hindi nagtagal. Dumarating Siya sa mundo na walang layunin ng pagsasanhi sa Espiritu ng Diyos na linangin ang Kanyang katawang-tao tungo sa isang pambihirang tao na mamumuno sa iglesia. Kapag dumarating ang Diyos sa mundo, ito ay ang Salita na nagiging tao; gayunman, ang tao, ay hindi nakakakilala ng Kanyang gawain at sapilitang ipinalalagay ang mga bagay sa Kanya. Ngunit dapat ninyong matantong lahat na ang Diyos ay ang “Salita na nagkatawang- tao,” hindi isang laman na nalinang ng Espiritu ng Diyos upang akuin ang tungkulin ng Diyos sa ngayon. Ang Diyos Mismo ay hindi produkto ng paglilinang, ngunit ang Salita na nagkatawang-tao, at ngayon ay opisyal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain sa inyong lahat. Nalalaman at kinikilala ninyong lahat na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay isang katotohanang katunayan, ngunit nagkukunwari kayo sa isang pagkaunawa na lampas sa inyong kakayahang isagawa. Mula sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos hanggang sa kahalagahan at katuturan ng Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ninyo kayang matarok ang mga ito kahit kaunti at sumusunod lamang sa iba sa kawili-wiling pagbigkas ng mga salita mula sa memorya. Naniniwala ka ba sa nagkatawang-taong Diyos na maging gaya ng iyong inaakala?

 

Nagiging tao lamang ang Diyos upang pamunuan ang kapanahunan at simulan ang bagong gawain. Kinakailangan para sa nyong maunawaan ang puntong ito. Ibang-iba ito sa tungkulin ng tao, at talagang magkaiba ang dalawa. Ang tao ay nangangailangan na malinang at magawang perpekto sa mahabang panahon bago siya maaaring magamit upang isagawa ang gawain, at ang uri ng pagkatao na kinakailangan ay natatanging nasa mataas na antas. Hindi lamang dapat mapanatili ng tao ang kanyang normal na pantaong kapangyarihan ng pangangatwiran, ngunit dapat mas lalo pa niyang maunawaan ang maraming prinsipyo at patakaran ng pamamahala ng kanyang pag-uugali kaugnay sa iba, at higit sa rito ay dapat mangakong lalo pa siyang mag-aaral tungkol sa karunungan at kaalamn sa etika ng tao. Ito ang nararapat na ipagkaloob sa tao. Gayunman, ito ay hindi para sa Diyos na naging tao, dahil ang Kanyang gawain ay hindi kumakatawan sa tao o sa gawain ng tao; sa halip, ito ay isang tuwirang pagpapahayag ng kung ano Siya at isang tuwirang pagsasagawa ng gawain na dapat Niyang gawin. (Natural, isinasagawa ang Kanyang gawain sa angkop na panahon, at hindi lang basta-basta at sapalaran, at sinisimulan kapag oras na para tuparin ang Kanyang ministeryo.) Hindi Siya nakikibahagi sa buhay ng tao o gawain ng tao, iyon ay, ang Kanyang pagkatao ay hindi binigyan ng alinman sa mga ito (bagaman hindi ito nakakaapekto sa Kanyang gawain). Tinutupad Niya lamang ang Kanyang ministeryo kapag oras na para gawin Niya ito; anuman ang Kanyang katayuan, ipinagpapatuloy Niya lamang ang gawain na dapat Niyang gawin. Anuman ang alam ng tao sa Kanya at anuman ang opinion ng tao sa Kanya, ang Kanyang gawain ay hindi buong naaapektuhan. Halimbawa, nang isinagawa ni Jesus ang Kanyang gawain; wala talagang nakakilala kung sino Siya, ngunit ipinagpatuloy Niya lamang ang Kanyang gawain. Wala sa mga ito ang nakahadlang sa Kanya sa pagsasagawa ng gawain na kinakailangan Niya. Samakatuwid, hindi muna Niya inamin o ipinahayag ang Kanyang sariling pagkakakilanlan, at pinasunod lamang Niya ang tao sa Kanya. Natural na hindi lamang ito ang pagpapakumbaba ng Diyos; ito rin ay ang paraan na kung saan ang Diyos ay gumawa sa katawang-tao. Sa ganitong paraan lamang Siya maaaring gumawa, dahil ang tao ay walang paraan ng pagkilala sa Kanya sa pamamagitan ng mata lamang. At kahit na nakilala Siya ng tao, hindi makakayang makatulong ang tao sa Kanyang gawain. At saka, hindi Siya naging tao para malaman ng tao ang Kanyang katawang-tao; ito ay upang isagawa ang gawain at tuparin ang Kanyang ministeryo. Sa kadahilanang ito, hindi Niya binigyang kahalagahan na isapubliko ang Kanyang pagkakakilanlan. Nang natapos na Niya ang lahat ng gawain na dapat Niyang gawin, ang Kanyang buong pagkakakilanlan at katayuan ay natural na naging malinaw sa tao. Ang Diyos na naging tao ay nanatiling tahimik at hindi kailanman gumawa ng kahit anong mga pahayag. Hindi Niya pinapansin ang tao o kung paano nagagawa ng tao ang pagsunod sa Kanya, ngunit ipinagpapatuloy lamang Niya ang pagtupad sa Kanyang ministeryo at pagsasagawa ng gawain na dapat Niyang gawin. Walang sinuman ang kayang makahadlang sa gawain Niya. Kapag dumarating ang oras para sa Kanya na matapos ang Kanyang gawain, walang pagkabigo itong matatapos at madadala sa katapusan, at walang kayang magdikta kung hindi man. Tanging pagkatapos Niyang lisanin ang tao sa pagkumpleto ng Kanyang gawain na mauunawaan ang gawain na ginagawa Niya, kahit na hindi pa ganap na malinaw. At aabutin ng mahabang panahon para lubusang maunawaan ng tao ang layunin sa kung saan una Niyang isinagawa ang Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain sa kapanahunan ng nagkatawang-tao na Diyos ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang isang bahagi ay binubuo ng gawain na ang katawang-tao ng Diyos Mismo ang gumagawa at ang mga salita ng katawang-tao ng Diyos Mismo ang nagsasalita. Sa sandaling ang ministeryo ng Kanyang katawang-tao ay ganap na matupad, ang isa pang bahagi ng gawain ay nanatiling isasagawa ng mga ginagamit ng Banal na Espiritu. Ito na ang panahon na dapat tuparin ng tao ang kanyang tungkulin, dahil binuksan na ng Diyos ang daan, at kinakailangan na itong lakaran ng tao mismo. Ibig sabihin, ang Diyos na nagkatawang-tao ay isinasagawa ang isang bahagi ng gawain, at pagkatapos ang Banal na Espiritu pati na rin yaong mga ginamit ng Banal na Espiritu ang papalit sa gawaing ito. Samakatuwid, dapat malaman ng tao kung ano ang gawaing pangunahin na isasagawa ng Diyos na nagkatawang-tao sa yugtong ito at dapat niyang maunawaang ganap kung ano ang kahalagahan ng Diyos na nagkakatawang-tao at kung ano ang gawaing dapat Niyang gawin, sa halip na humihingi sa Diyos alinsunod sa mga hinihingi sa tao. Dito nakasalalay ang pagkakamali ng tao, ang kanyang pagkaunawa, at lalo na ang kanyang pagsuway.

 

Ang Diyos ay nagkakatawang-tao hindi para sa layuning tulutan ang tao na makilala ang Kanyang katawang-tao, o tulutan ang tao na makita ang mga kaibahan sa pagitan ng katawan ng Diyos na nagkatawang-tao at yaong sa tao; ni ang Diyos ay nagiging tao upang sanayin ang kakayahan ng tao sa pagkilatis, at lalo pa ang ginagawa nga Niya na may intensiyong tulutan ang tao na sambahin ang katawang-tao ng Diyos, sa gayon nagtatagumpay ng dakilang pagkaluwalhati. Wala sa mga bagay na ito ang orihinal na intensiyon ng Diyos sa pagiging katawang-tao. Ni ang Diyos ay maging tao upang hatulan ang tao, ni ibunyag ang tao nang sadya, ni gawing mahirap ang mga bagay para sa kanya. Wala sa mga bagay na ito ang orihinal na intensiyon ng Diyos. Tuwing ang Diyos ay nagkakatawang-tao, ito ay isang anyo ng gawaing hindi maiiwasan. Ito ay para sa kapakinabangan ng Kanyang lalong malaking gawain at sa Kanyang lalong malaking pamamahala kaya Siya kumikilos gaya ng ginagawa Niya, at hindi para sa mga dahilang naiisip ng tao. Ang Diyos ay dumarating lamang sa mundo ayon sa hinihingi ng Kanyang gawain, at kung kinakailangan lamang. Hindi Siya napaparito sa mundo na may intenisyong ng paglilibot sa buong mundo, kundi isagawa ang gawaing dapat Niyang gawin. Bakit pa Niya tatanggapin ang naturang mabigat na pasanin at haharapin ang mga naturang malubhang panganib upang isagawa ang gawaing ito? Ang Diyos ay nagkakatawang-tao lamang kapag kailangan Niya, at palaging may natatanging kabuluhan. Kung ito lamang ay para sa kapakanan ng pagpapahintulot sa mga tao na makita Siya at upang mabuksan ang kanilang mga abot-tanaw, kung gayon Siya, nang may ganap na katiyakan, ay hindi kailanman tutungo sa mga tao nang basta-basta. Siya ay dumarating sa mundo para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala at ng Kanyang mas malaking gawain, at upang maaari Siyang makakuha ng mas maraming tao. Siya ay dumarating upang kumatawan sa kapanahunan, at dumarating Siya upang talunin si Satanas, at upang talunin si Satanas Siya ay nagkakatawang-tao. Higit pa, Siya ay dumarating upang gabayan ang buong lahi ng tao sa kanilang pamumuhay ng kanilang mga buhay. Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa Kanyang pamamahala, at ito ay may kinalaman sa gawain sa buong sansinukob. Kung ang Diyos ay naging tao lamang upang pahintulutan ang mga tao na makilala ang Kanyang katawang-tao at buksan ang mga mata ng mga tao, kung gayon bakit hindi Siya maglalakbay sa bawat bansa? Hindi ba ito isang bagay na napakadali? Ngunit hindi Niya ginawa ito, sa halip ay pumili ng isang angkop na lugar upang manirahan at simulan ang gawain na dapat Niyang gawin. Tanging ang katawang-tao na ito ang malaki ang kahalagahan. Kinakatawana Niya ang buong kapanahunan, at isinasagawa rin ang gawain ng buong kapanahunan; pareho Niyang dinadala ang naunang kapanahunan sa katapusan at inihahatid sa bago. Ang lahat ng ito ay isang mahalagang bagay na may kinalaman sa pamamahala ng Diyos, at ito ang kahalagahan ng isang yugto ng gawain na isinagawa ng Diyos na dumating sa lupa. Nang dumating si Jesus sa lupa, nagsalita lamang Siya ng ilang salita at ipinatupad ang ilang gawain; hindi Niya pinag-alala ang Kanyang Sarili sa buhay ng tao, at umalis sa lalong madaling panahon nang makumpleto Niya ang Kanyang gawain. Ngayon, kapag natapos Ko ang pagsasalita at pagpapasa ng Aking mga salita sa inyo, at kapag naunawaan na ninyong lahat, ang hakbang na ito ng Aking gawain ay magwawakas na, kahit na ano pa ang inyong magiging buhay. Mayroon dapat sa hinaharap na ilang tao na magpapatuloy sa hakbang na ito sa Aking gawain at magpapatuloy na gagawa sa lupa alinsunod sa mga salitang ito; sa panahong iyon ang gawain ng tao at ang pagtatayo ng tao ay magsisimula. Ngunit sa ngayon, ginagawa lamang ng Diyos ang Kanyang gawain ng Diyos upang matupad ang Kanyang ministeryo at mabuo ang isang hakbang ng Kanyang gawain. Ang Diyos ay gumagawa sa isang paraan na hindi kagaya ng sa tao. Gusto ng tao ang mga pagkakatipon at mga pagtitipon, at naglalagay ng importansya sa seremonya, samantalang ang pinaka-kinamumuhian ng Diyos ay talagang ang mga pagkakatipon at mga pagpupulong ng tao. Ang Diyos ay nakikipag-usap at nagsasalita sa tao nang hindi pormal; ito ang gawain ng Diyos, na pambihirang nagpapalaya at nagpapalaya rin sa inyo. Gayunman, lubos Kong kinamumuhian ang makipagtipon sa inyo, at hindi Ko magawang masanay sa isang buhay na masyadong mahigpit kagaya ng sa inyo. Pinaka-kinamumuhian Ko ang mga patakaran; naglalagay sila ng mga pagpipigil sa tao hanggang sa puntong ginagawa silang takot na kumilos, takot magsalita, at takot umawit, ang kanyang mga mata ay nakatitig nang diretso sa iyo. Lubos Kong kinamumuhian ang inyong paraan ng pagtitipon at lubos Kong kinamumuhian ang malalaking pagkakatipon. Talagang ayaw Kong makipagtipon sa inyo sa paraang ito, sapagkat ang paraang ito ng pamumuhay ay nakapagpapadama ng pagkagapos at kayo ay sumusunod sa napakaraming seremonya at napakaraming patakaran. Kung pinahintulutan kayo na manguna sa mga tao ay aakayin ninyo silang lahat sa mga sakop ng mga patakaran at mga tao ay hindi magkakaroon ng anumang paraan na maiisantabi ang mga patakaran sa ilalim ng inyong pangunguna; sa halip ang kapaligiran ng relihiyon ay lalo lamang magiging higit na matindi, at ang pagsasagawa ng tao ay patuloy lamang sa paglaganap. Patuloy na nangangaral at nagsasalita ang ilang tao kapag sila ay nagkakatipon at hindi kailanman nakakaramdam ng pagod, at ang ilan ay mangangaral sa loob ng sandosenang araw nang hindi humihinto. Ang lahat ng ito ay ibinibilang na malalaking pagkakatipon at mga pagpupulong ng tao; walang kinalaman ang mga ito sa buhay ng pagkain at pag-inom, ng pagtatamasa, o ng pagpapalaya sa espiritu. Ang lahat ng ito ay mga pagpupulong! Ang mga pagpupulong ng inyong mga ka-manggagawa, gayundin ang malalaki at maliliit na pagkakatipon, lahat ay kasuklam-suklam sa Akin, at hindi Ako kailanman nakaramdam ng anumang interes sa mga ito. Ito ang prinsipyo kung saan Ako gumagawa: Hindi Ako nakahandang mangaral sa panahon ng mga pagkakatipon, ni gusto Kong magpahayag ng anumang bagay sa isang malaking pampublikong pagtitipon, at lalong hindi na tipunin kayong lahat sa loob ng ilang araw sa isang natatanging pagpupulong. Hindi kaaya-aya sa Akin na kayong lahat ay dapat nangakaupo, nang matino at maayos, sa isang pagtitipon; kinasusuklaman Kong makita na nabubuhay kayo sa loob ng mga hangganan ng anumang naturang seremonya, at higit pa, tumatanggi Akong maging bahagi sa isanggayong seremonya ninyo. Habang lalo ninyong ginagawa ito, lalo itong nagiging kasuklam-suklam sa Akin. Wala Akong ni katiting na interes sa inyong mga seremonya at mga patakaran na ito; gaano man kaganda ang trabaho na nagagawa ninyo ukol rito, itinuturing Ko ang lahat ng ito na kasuklam-suklam. Hindi sa ang inyong mga pagsasaayos ay hindi angkop o na kayo ay masyadong mababang-uri; kinasusuklaman Ko ang inyong uri ng pamumuhay, at higit pa, hindi Ko magawang masanay dito. Hindi ninyo nauunawaan ni kaunti ang gawain na nais Kong gawin. Noon, nang ipinatupad ni Jesus ang Kanyang gawain sa isang partikular na lugar at doon ay natapos mangaral ng isang sermon, pangungunahan Niya ang Kanyang mga disipulo at lilisanin ang lungsod; umaalis mula sa maraming tao, pinangunahan Niya ang ilang minamahal na disipulo at nagsalita sa kanila tungkol sa mga paraang nababagay sa kanilang pang-unawa. Madalas Siyang gumawa sa gayong paraan. Ang Kanyang gawain sa gitna ng maraming tao ay kaunti at malayo ang agwat. Alinsunod sa kung ano ang inyong hinihiling sa Kanya, hindi dapat taglayin ng Diyos na nagkatawang-tao ang buhay ng isang karaniwang tao; dapat Niyang ipatupad ang Kanyang gawain, at dapat Siyang magsalita kahit Siya man ay nakaupo, nakatayo, o naglalakad. Dapat Siyang gumawa sa lahat ng pagkakataon at hindi kailanman maaaring tumigil sa Kanyang “pagtakbo,” kung hindi Siya ay mapapabayaan Niya ang Kanyang mga pananagutan. Ang mga kahilingan bang ito ng tao ay angkop sa pakiramdam ng tao? Nasaan ang inyong katapatan? Hindi ba kayo humihingi nang labis? Kailangan ba Kita upang masuri mo Ako habang gumagawa Ako? Kailangan ba Kitang mangasiwa habang tinutupad Ko ang Aking ministeryo? Nalalaman Kong maigi kung anong gawain ang kailangan Kong gawin at kung kailan Ko ito kailangang gawin; hindi kailangan ang iba para manghimasok. Maaaring marahil para sa iyo ay mukhang hindi pa Ako nakagawa ng ganoon kadami, ngunit sa sandaling iyon ang Aking gawain ay nagwakas na. Gawing halimbawa ang mga salita ni Jesus sa Apat na Ebanghelyo: Hindi ba limitado rin ang mga ito? Sa panahong iyon, kapag pumasok si Jesus sa sinagoga at nangaral ng isang sermon, natapos Niya ito sa loob lamang ng ilang minuto, at kapag natapos na Siya sa pagsasalita, pinangunahan Niya ang Kanyang mga disipulo papunta sa bangka at lumisan nang walang anumang paliwanag. Sa pinakamadalas, yaong mga nasa sinagoga ay nagpapaliwanagan nito sa kanilang kalagitnaan, ngunit ang bagay na iyon ay wala nang anumang kinalaman kay Jesus. Ginagawa lamang ng Diyos ang gawain na kailangan Niyang gawin, at walang anumang labis at higit dito. Sa kasalukuyan, marami ang nais Akong magsalita pa nang marami at magsabi nang marami, kahit ilang oras sa isang araw. Gaya ng inyong nakikita, ang Diyos ay humihinto na maging Diyos malibang kung magsasalita Siya, at tanging Siya na nagsasalita ay Diyos. Bulag kayong lahat! Malulupit lahat! Mangmang na mga bagay lahat na walang saysay! Masyado kayong maraming pagkaunawa! Lumabis ang inyong mga kahilingan! Hindi kayo makatao! Hindi ninyo nauunawaan ni katiting kung ano ang ibig sabihin ng Diyos! Naniniwala kayo na ang lahat ng agsasalita at mga mananalumpati ay Diyos, na sinumang nakahandang tustusan kayo ng mga salita ay inyong ama. Sabihin sa Akin, ang lahat ba ng inyong anyo sa inyong “mahusay na nabuo” na mga katangian at “di-karaniwan” ay nagtataglay pa rin ng kahit na kakatiting na katuturan? Hindi pa ba ninyo nalalaman ang araw sa langit! Ang bawat isa sa inyo ay mistulang isang sakim at tiwali na mga opisyal, kaya paano kayo makakakita ng katuturan? Paano kayo makakapagtangi sa pagitan ng tama at mali? Marami na Akong ipinagkaloob sa inyo, ngunit ilan sa inyo ang nagpahalaga nito? Sino ang lubos na nagtataglay nito? Hindi ninyo alam kung sino itong nagbukas ng daan kung saan kayo naglalakad sa kasalukuyan, kaya patuloy kayong gumagawa ng mga kahilingan sa Akin, ginagawa sa Akin ang mga ganitong nakakatawa at kakatwang kahilingan. Hindi ba kayo pulang-pula sa pagkapahiya? Hindi ba Ako nagsalita nang sapat? Hindi ba Ako nakagawa nang sapat? Sino sa inyo ang tunay na mamahalin ang Aking mga salita bilang isang kayamanan? Labis-labis na pinapupurihan ninyo Ako sa Aking harapan, ngunit nagsisinungaling at nandaraya kapag wala na kayo! Ang inyong mga kilos ay talagang karumal-dumal at kasuklam-suklam ang mga ito sa Akin! Alam Ko na hinihiling ninyong Ako ay magsalita at gumawa nang walang iba pang dahilan kaysa pagsawaan ng inyong mga mata at palawakin ang inyong mga pananaw, hindi para sa kapakanan ng pagbabago ng inyong mga buhay. Gaano na ba karami ang Aking sinalita sa inyo? Ang inyong mga buhay ay nagbago na dapat nagbago nang matagal na panahon, kaya bakit patuloy pa rin kayo ngayon na pabalik-balik sa inyong lumang kalagayan hanggang ngayon? Posible ba na ninakaw ang mga salita Ko mula sa inyo at hindi ninyo natanggap ang mga ito? Para sabihin ang katotohanan, ayaw Ko nang magsalita pa sa mabababang-uring kagaya ninyo- walang magiging kabuluhan ito! Ayaw Ko nang gumawa ng gayon karaming walang kabuluhang gawain! Ang ninanais lamang ninyo ay ang lawakan ang inyong mga pananaw o mapagsawa ang inyong mga mata, at hindi upang kamtin ang buhay! Nililinlang ninyong lahat ang inyong mga sarili! Tatanungin Ko kayo, gaano karami sa Aking sinalita sa inyo nang harap-harapan ang inyong naisagawa? Ang tanging ginagawa ninyo ay mandaya upang linlangin ang iba! Kinamumuhian Ko sa inyo yaong mga nagagalak sa pagmamasid bilang manonood, at itinuturing Ko ang inyong pagiging pagkamausisa bilang lubos na kasuklam-suklam. Kung hindi kayo nandirito upang hangarin ang tunay na daan o uhaw para sa katotohanan, kung gayon kayo yaong Aking mga layon ng Aking pagkamuhi! Alam Ko na nakikinig kayo sa Aking pagsasalita lamang upang masiyahan ang inyong pagiging mausisa o upang tuparin ang isa o isa pa sa inyong mga sakim na pagnanasa. Hindi ninyo taglay ang kaisipan ng paghahangad sa pag-iral ng katotohanan o ng pagsaliksik sa tamang landas para sa pagpasok sa buhay; ang mga kahilingang ito ay hindi lamang umiiral sa gitna ninyo. Ang ginagawa lamang ninyo ay tratuhin ang Diyos gaya ng isang laruan na inyong pinag-aaralan at hinahangaan. Masyadong kakaunti ang inyong pagkagusto sa paghahangad ng buhay, ngunit malaki ang pagnanasa na maging mausisa! Ang pagpapaliwanag sa daan ng buhay sa gayong mga tao ay katulad ng pakikipag-usap nang walang saysay; maaari ding huwag na lang Akong magsalita! Hayaang sabihin Ko sa inyo! Kung naghahangad lamang kayo na mapunan ang kakulangan sa loob ng inyong puso, kung gayon pinakamainam na huwag na kayong lumapit sa Akin! Kailangan ninyong bigyang-halaga ang inyong mga buhay! Huwag linlangin ang inyong mga sarili! Pinakamabuti na huwag ninyong gawin ang inyong pagiging mausisa bilang saligan para sa inyong paghahangad ng buhay, o gamitin ito bilang isang pagdadahilan para hilinging makipag-usap Ako sa inyo. Ang mga ito ay lahat pandaraya kung saan masyado kayong bihasa! Muli Ko kayong tatanungin: Gaano karami sa hinihiling Ko sa inyo na pumasok ang inyong totoong pinasok? Natarok mo bang lahat ang Aking nasabi sa iyo? Nagawa mo bang isagawa ang lahat ng Aking nasabi sa iyo?

 

Ang gawain ng bawat kapanahunan ay pinasisimulan ng Diyos Mismo, ngunit dapat mong malaman na, anuman ang paraan kung saan gumagawa ang Diyos, hindi Siya dumarating upang magsimula ng isang kilusan, o magdaos ng espesyal na mga pagpupulong, o magtatag ng anumang uri ng organisasyon sa inyong ngalan. Siya ay dumarating lamang upang tuparin ang gawain na dapat Niyang gawin. Ang Kanyang gawain ay hindi nararanasan ang mga bagay na pumipigil sa sinumang tao. Ginagawa Niya ang Kanyang gawain sa kung paano Niya naisin; kahit na ano ang isipin o alam ng tao dito, ang alalahanin lamang Niya ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang gawain. Mula ng paglikha ng mundo hanggang sa kasalukuyan, nagkaroon na ng tatlong yugto ng gawain; mula kay Jehova hanggang kay Jesus, at mula sa Kapanahunan ng Kautusan hanggang sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay hindi kailanman nagtawag ng espesyal na pagpupulong para sa tao, o pinagtipun-tipon man ang lahat ng sangkatauhan upang magkaroon ng espesyal na pandaigdigang pagpupulong at sa gayon ay palawakin ang sakop ng Kanyang gawain. Ang ginagawa lamang Niya ay ang isagawa ang paunang gawain ng isang buong kapanahunan sa isang angkop na panahon at sa isang angkop na lugar, at sa gayon dinadala sa kapanahunan at inaakay ang lahi ng tao na mamuhay ng kanilang mga buhay. Ang mga espesyal na pagpupulong ay ang mga pagsasama-sama ng tao; gawain ng tao ang sama-samang pagtitipon ng mga tao upang ipagdiwang ang mga araw ng kapistahan. Hindi sinusunod ng Diyos ang mga araw na kapistahan at, higit pa rito, itinuturing ang mga ito na kasuklam-suklam; hindi Siya nagdadaos ng espesyal na mga pagpupulong at lalo pang itinuturing na kasuklam-suklam ang mga ito. Ngayon dapat mong ganap na maunawaan kung ano ang gawain na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao.

 

Write a comment

Comments: 0