Dapat ninyong malaman ang tungkol sa kuwentong napapaloob at ang paglikha ng Biblia. Ang kaalamang ito ay hindi pinanghahawakan niyaong mga hindi nakakatanggap sa bagong gawain ng Diyos.
Kapag ipinatutupad ng Diyos ang Kanyang gawain, Siya ay dumarating hindi upang makibahagi sa anumang pagtatayo o mga pagkilos, kundi upang tuparin ang Kanyang ministeryo. Sa bawat pagkakataon na Siya ay nagiging katawang-tao, ito ay para lamang maisakatuparan ang isang yugto ng gawain at magbukas ng isang bagong kapanahunan.