· 

Himno|Paghahandog ng Taimtim na Puso sa Diyos

Himno|Paghahandog ng Taimtim na Puso sa Diyos

 

I

Mga kapatid, pumarito tayo sa harap ng Diyos,

kumanta't sumayaw sa pagpuri sa Diyos.

 'Di mahalaga sa Diyos kung mga sayaw nati'y matikas.

Tunay na papuri'y nagdudulot ng kagalakan sa Diyos.

Kung gusto mong purihin Siya nang buong puso mo,

sumali na sa sayaw ngayon ng walang pagpipigil.

Kumai't uminom tayo ng Kanyang salita, 

manalangin at igalang Siya;

pamumuhay sa harap Niya'y may galak at matamis.

Ang tunay na papuri'y nagpapalaya sa ating espiritu. 

Lahat ng kaluwalhatia'y sa Diyos.

Ang pagpuri sa Diyos nang buong puso nati'y 

nagdudulot ng kagalakan at ang biyaya't

pagpapala ng Diyos ay darating sa atin.

II

Mga kapatid, halina't purihin ang Diyos.

Ihandog natin ang ating taimtim na mga puso.

Bilang mga nilalang ay pinupuri natin ang Diyos sa sukdulan,

tungkulin nating purihin Siya nang buong puso.

Anong palad nating maitaas sa harap ng Diyos,

salamat sa malalim na biyaya't pag-ibig ng Diyos.

Yaong mga nagpupuri sa Diyos

nagtatamo ng mga pagpapala N'ya,

lahat ng pera't tanyag ng mundo 'di ma'aring palitan ito.

Dumadalo tayo sa piging ng kaharian ng langit,

walang haring mas pinagpala kaysa sa atin.

Ngayo'y nabubuhay tayo sa kaharian,

tinataas tayo ng Diyos na maging bayan Niya.

Lahat ng kaluwalhatia'y sa Makapangyarihang Diyos.

Yaong may mga pusong mapagmahal sa Diyos 

halina't purihin Siya.

Lahat ng kaluwalhatia'y sa Makapangyarihang Diyos.

Yaong may mga pusong mapagmahal sa Diyos 

halina't purihin Siya. Purihin Siya.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Rekomendasyon: Tagalog Christian Songs