Posts tagged with "Hymn Videos"



Awit ng papuri · 09. December 2019
La … la la la … la la la…. La … la la la … la la la … la…. Araw ng kat'wira'y sumisikat mula sa Silangan. O D'yos! L'walhati Mo, pinuno ang langit at lupa. Giliw ko, pag-ibig Mo ay pumaligid sa puso ko. Mga taong hanap ay katotohanan, pag-ibig ay sa D'yos. Paggising mag-isa sa madaling-araw, pagnilay sa salita ng D'yos saya ang ramdam. Mga salitang magiliw, parang inang mapagmahal, mga salitang paghatol parang amang mahigpit. (Ha...)
Awit ng papuri · 07. December 2019
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao Nakakamangha at kahanga-hanga Unang naipakita sa Bibliya Sa istorya ni Adan at Eba Nakaka-antig at madamdamin Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
Awit ng papuri · 03. December 2019
Mga kapatid, pumarito tayo sa harap ng Diyos, kumanta't sumayaw sa pagpuri sa Diyos. 'Di mahalaga sa Diyos kung mga sayaw nati'y matikas. Tunay na papuri'y nagdudulot ng kagalakan sa Diyos. Kung gusto mong purihin Siya nang buong puso mo, sumali na sa sayaw ngayon ng walang pagpipigil. Kumai't uminom tayo ng Kanyang salita, manalangin at igalang Siya; pamumuhay sa harap Niya'y may galak at matamis. Ang tunay na papuri'y nagpapalaya sa ating espiritu.
Awit ng papuri · 01. December 2019
Diyos ang Tagapaglikha at ang tao'y Kanyang nilikha. Tila iba ang hanay, ngunit lahat ng gawa ng Diyos ay higit pa sa kanilang ugnayan. Mahal ng Diyos ang tao, laging alaga't malasakit binibigay. Walang kapaguran, Siya'y nagbibigay, hindi ramdam ang kalabisan, o na kailangan Niya ng pagkilala.
Awit ng papuri · 21. November 2019
Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, Ikaw ay Manunubos na nagbalik. Ikaw ay nangungusap sa lahat ng tao, gamit ang katotohanan upang hatulan at dalisayin sila. Ang Iyong mga salita ay puno ng awtoridad at kapangyarihan, nagdadalisay sa tiwaling disposisyon ng tao Ang Iyong mga salita ay naghahayag ng pagkamakapangyarihan, at mas higit ang pagkamatuwid ng Diyos. Ang salita ng Diyos ay humahatol sa dating mundo, humahatol sa lahat ng bayan at lahat ng mga tao.
Awit ng papuri · 19. November 2019
Noo'y 'di malinaw sa layon ng buhay, ngayo'y alam ko na. Hinanap ko'y estado at kasikatan. Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa 'kin lamang. Sa dasal sambit dati'y magagandang salita, pero ang buhay ko ay hindi akma. Pananampalataya ko'y sa bukas ipinagbahala, katotohana't realidad sa akin ay wala. Pananampalataya'y kulong sa ritwal at patakaran;
Awit ng papuri · 15. November 2019
Tagalog church songs | "Tunay na Ligaya ang Maging Taong Tapat"
Unawa sa katotohana’y nagpapalaya sa espiritu’t nagpapasaya. Tunay nga! Ako’y puno ng tiwala sa salita ng Diyos at walang duda. Paano tayo magdududa pa? Ako’y di negatibo, di umuurong, at kailanma’y di mawawalan ng pag-asa. Masdan mo! Tangan ko aking tungkulin buong puso’t isipan, at di nagbibigay-pansin sa laman. Ako’y di rin masama! Bagama’t ako’y mababa, puso ko’y hindi madaya. Totoo?
Awit ng papuri · 13. November 2019
Balik sa pamilya ng Diyos, sabik at masaya. Makilala Ka'y karangalan ko, puso ko'y alay sa 'Yo tunay na Diyos, ibinigay ko ang aking puso sa Iyo. Lambak ng Luhang ma'y dinaanan, rikit ng Diyos kita. Pag-ibig sa Diyos lumalago, galak ko'y galing Sa 'Yo. Ganda ng Diyos, at likha Niya, puso'y kapit sa Kanya. Pag-ibig ko sa Diyos di-sapat, awit sa puso ko'y umigkas.
Awit ng papuri · 09. November 2019
Buhay nati'y makabuluhan. Buhay nati'y makabuluhan. Ngayo'y nakakatagpo natin ang Diyos, gawain Niya'y nararanasan. Nakilala Siya sa katawang-tao, praktikal at totoo. Nakita natin ang kahanga-hanga't nakakamanghang gawain Niya. Buhay nati'y laging makabuluhan. Pinagtitibay nating si Cristo ang katotohana't buhay! Niyayakap ang hiwaga ng buhay ng tao. Paa nati'y nasa pinakamaliwanag na landas tungo sa buhay.
Awit ng papuri · 04. November 2019
Marami akong nagawang di ko maaatim na gunitain. Nasayang ko ang napakaraming oras. Nag-uumapaw ang malaking pagsisisi at utang na loob sa puso ko. Lagi ako noong humingi ng kapalit kapag gumugol ako para sa Diyos. Nang di ko natanggap ang mga pagpapalang gusto kong matanggap, inisip kong talikuran ang Diyos, ngunit malinaw pa sa aking isipan ang Kanyang pag-ibig at di ko malimutan.

Show more