Pakinggan Ang Tinig ng Diyos at Salubungin ang Kanyang Pagbabalik
Dalawang libong taon ang nakaraan, ipinangako ng Panginoong Jesus sa atin, “Narito, Ako'y madaling pumaparito” (Pahayag 22:12). Sa nakalipas na dalawang libong taon, napakaraming mga Kristiyano ang kumapit sa pangakong ito, masigasig at sabik na sabik sa pagbabalik ng Panginoon. Ngayon ang mga sakuna ay higit pang lumalala, at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay pangunahing mga natupad na. Tayo ay mas higit na nananabik sa pagbabalik ng Panginoon. Kaya paano natin masasalubong ang pagdating ng Panginoon?
Ito ay nakapropesiya sa Pahayag, “Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko” 9Pahayag 3:20). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7). Sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27).
Maaari nating makita mula sa mga talatang i to na ang Panginoon ay magbibigkas ng Kanyang mga salita at gagamitin ang Kanyang mga salita upang kumatok sa pintuan ng ating mga puso kapag Siya ay bumalik. Iyon ay nagsasabi na, kung maaari o hindi na masalubong natin ang Panginoon kapag Siya ay nagbalik ay depende kung kaya natin o hindi na makilala ang tinig ng Diyos. Paano natin makikilala ang tinig ng Diyos?
_________________________________________________
Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?
Write a comment