Posts tagged with "Pagkilala sa Diyos"



Pelikula ng Ebanghelyo · 12. April 2020
Ngayon, ang lahat ng uri ng mga sakuna sa buong mundo ay lalong lumalala. Lalo na, ang coronavirus sa Wuhan, China ay kumakalat ng malawak sa mahigit na 170 mga bansa, at ang malaking salot na ito ay nagbabanta sa buhay at kalusugan ng bawat tao; Samantala, ang mga sakuna tulad ng mga sandstorms, mga bagyo, mga lindol at baha, ay madalas na nagaganap
Pelikula ng Ebanghelyo · 08. April 2020
Dalawang libong taon ang nakaraan, ipinangako ng Panginoong Jesus sa atin, “Narito, Ako'y madaling pumaparito” (Pahayag 22:12). Sa nakalipas na dalawang libong taon, napakaraming mga Kristiyano ang kumapit sa pangakong ito, masigasig at sabik na sabik sa pagbabalik ng Panginoon.
Pelikula ng Ebanghelyo · 01. April 2020
Si Zheng Mu'en ay kapanalig sa isang simbahang Kristiyanong Chinese sa US, matagal na nanalig sa Panginoon, at marubdob na naglingkod at gumugol para sa Panginoon. Isang araw, nagpatotoo sa kanya ang kanyang tita na nagbalik na ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at hatulan at dalisayin ang tao sa mga huling araw, isang balitang labis niyang ikinatuwa.
Awit ng papuri · 31. March 2020
Diyos ay naging tao, isang karaniwang tao, na nagdala ng gawain at atas ng Diyos. Ibig sabihi'y binalikat N'ya ang gawai't nagdusa na 'di matitiis ng karaniwang tao. Kita sa hirap Niyang tapat Siya sa tao, na siyang kabayaran, para mailigtas Niya ang tao, tubusin sa sala nila't tapusin ang yugtong ito.
Mga Pagbasa · 05. March 2020
Bawa’t isa sa inyo ay dapat magsuring muli ng inyong buhay-pananampalataya sa Diyos para makita kung, sa paghahabol sa Diyos, ay tunay na naunawaan mo, tunay na naintindihan, at tunay na nakilala mo ang Diyos, kung tunay na alam mo kung anong saloobin ang tinitiis ng Diyos sa iba’t ibang uri ng tao, at kung tunay na nauunawaan mo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyo at ano ang pakahulugan ng Diyos sa bawa’t kilos mo.
Pelikula ng Ebanghelyo · 02. March 2020
Dalawang libong taon na ang nakararaan, iprinoposiya ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20).
Mga Pagbigkas ni Cristo · 13. July 2019
Ang pagkilala sa gawa ng Diyos sa mga panahong ito, sa pinakamalaking bahagi, ay ang pagkilala sa Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw, kung ano ang Kanyang pangunahing ministeryo, at kung ano ang Kanyang pakay na gagawin sa daigdig. Akin nang nabanggit sa Aking mga sinabi na ang Diyos ay naparito sa lupa (sa mga huling araw) upang magbigay-halimbawa bago lumisan. Paano ipinakikita ng Diyos ang halimbawang ito?
Mga Pagbigkas ni Cristo · 15. June 2019
Lahat kayo ay nagagalak na tumanggap ng mga gantimpala sa harap ng Diyos at maging layon ng Kanyang pabor sa Kanyang mga mata. Ito ang inaasam ng bawa’t isa pagkatapos niyang magsimulang manampalataya sa Diyos, sapagka’t ang tao ay buong-pusong nagsisikap para sa mas mataas na mga bagay at walang sinuman ang handang mapag-iwanan ng iba. Ito ang pamamaraan ng tao.
Mga Pagbigkas ni Cristo · 23. May 2019
Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos sa impluwensya ni Satanas nang walang matatakasan. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos nitong napapasailalim sa pagpoproseso ni Satanas, ay nagiging pasamâ nang pasamâ.
Awit ng papuri · 18. May 2019
Pangunahing ginagamit ng Diyos ng mga huling araw ang salita para gawing perpekto ang tao, hindi tanda't kababalaghan para pahirapan o hikayatin s'ya, dahil hindi maipaliliwanag ng mga ito ang kapangyarihan ng Diyos.

Show more