Mga Pagbigkas ni Cristo | Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan
Ang pagkilala sa gawa ng Diyos sa mga panahong ito, sa pinakamalaking bahagi, ay ang pagkilala sa Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw, kung ano ang Kanyang pangunahing ministeryo, at kung ano ang Kanyang pakay na gagawin sa daigdig. Akin nang nabanggit sa Aking mga sinabi na ang Diyos ay naparito sa lupa (sa mga huling araw) upang magbigay-halimbawa bago lumisan. Paano ipinakikita ng Diyos ang halimbawang ito? Sa pamamagitan ng pagsasalita, sa pamamagitan ng paggawa at pagsasalita sa buong lupain. Ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw; Siya ay nagsasalita lamang, nang sa gayon ang daigdig ay maging isang mundo ng mga salita, upang ang bawa’t tao ay mapaglaanan at maliwanagan ng Kanyang mga salita, at upang ang espiritu ng tao ay magising at siya ay malinawan tungkol sa mga pangitain. Sa mga huling araw, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa pangunahin na upang magbahagi ng Kanyang mga salita. Noong dumating si Jesus, pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at tinupad ang gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus. Tinapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan, at pinawalang-saysay ang lahat ng lumang mga bagay. Tinapos ng pagdating ni Jesus ang Kapanahunan ng Kautusan at inihatid ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay nagdala ng katapusan sa Kapanahunan ng Biyaya. Naparito Siya pangunahin na upang bigkasin ang Kanyang mga salita, upang gamitin ang mga salita para gawing perpekto ang tao, upang paliwanagin at liwanagan ang tao, at upang alisin ang lugar ng malabong Diyos sa loob ng puso ng tao. Hindi ito ang yugto ng gawain na ginawa ni Jesus noong Siya ay dumating. Noong dumating si Jesus, nagpakita Siya ng maraming himala, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at isinakatuparan Niya ang gawain ng pagtubos ng pagpapapako sa krus. Bunga nito, sa kanyang mga pagkaintindi, naniniwala ang tao na ganito dapat ang Diyos. Dahil noong dumating si Jesus, hindi Niya ginawang alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao; noong Siya ay dumating, Siya ay ipinako sa krus, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ang lugar na kinalalagyan ng malabong Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na mga salita at aktwal na gawa, Kanyang pagkilos sa buong lupain, at ng natatanging tunay at normal na gawaing Kanyang isinasakatuparan kasama ng tao, Kanyang sinasanhi ang tao na ganap na maunawaan ang pagiging-tunay ng Diyos, at inaalis ang kinalalagyan ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw.
Ano ang dapat ninyong malaman:
1. Ang gawain ng Diyos ay hindi higit-sa-natural, at hindi kayo dapat magkimkim ng mga pagkaintindi ukol dito.
2. Dapat ninyong maunawaan ang pangunahing gawaing isasakatuparan sa pagparito ng Diyos na nagkatawang-tao sa panahong ito.
Hindi Siya dumating upang magpagaling, o magpalayas ng mga demonyo, o upang magpakita ng mga milagro, at hindi Siya naparito upang palaganapin ang ebanghelyo ng pagsisisi, o pagkalooban ang tao ng katubusan. Iyan ay dahil naisakatuparan na ni Jesus ang gawaing ito, at hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Sa kasalukuyan, naparito ang Diyos upang dalhin sa katapusan ang Kapanahunan ng Biyaya at tanggalin ang lahat ng kaugalian ng Kapanahunan ng Biyaya. Ang praktikal na Diyos ay naparito upang ipakita na Siya ay totoo. Noong dumating si Jesus, Siya ay nagwika ng kaunting mga salita; una sa lahat, nagpakita Siya ng mga milagro, nagpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagpagaling at nagpalayas ng mga demonyo, kung hindi, nagwika Siya ng mga propesiya upang mapaniwala ang tao, at upang tulungan ang tao na makita na Siya ay totoong Diyos, at isang mahinahong Diyos na walang kinakatigan. Sa huli, kinumpleto Niya ang gawain ng pagpapapako sa krus. Ang Diyos ng kasalukuyan ay hindi nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, ni hindi Siya nagpapagaling at nagpapalayas ng mga demonyo. Noong dumating si Jesus, kinatawan ng gawaing Kanyang ginawa ang isang bahagi ng Diyos, nguni’t sa kasalukuyan ay dumating ang Diyos upang isagawa ang yugto ng gawain na nararapat, dahil ang Diyos ay hindi umuulit ng parehong gawain; Siya ang Diyos na laging bago at hindi naluluma, at dahil dito lahat nang nakikita mo ngayon ay ang mga salita at gawain ng praktikal na Diyos.
Ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay dumating pangunahin upang wikain ang Kanyang mga salita, upang ipaliwanag ang lahat ng kinakailangan sa buhay ng tao, upang ituro kung ano ang dapat pasukin ng tao, upang ipakita sa tao ang mga gawa ng Diyos, at upang ipakita sa tao ang karunungan, walang-hanggang kapangyarihan, at pagiging-kamangha-mangha ng Diyos. Sa pamamagitan ng maraming paraan kung paano nagwiwika ang Diyos, nakikita ng tao ang pagiging-kataas-taasan ng Diyos, ang kalakihan ng Diyos, at, higit pa rito, ang kababaang-loob at pagiging-kubli ng Diyos. Nakikita ng tao na ang Diyos ay kataas-taasan, nguni’t Siya rin ay mapagkumbaba at nakakubli, at maaaring maging pinakamababa sa lahat. Ilan sa Kanyang mga salita ay winika nang tuwiran mula sa perspektibo ng Espiritu, ilan sa Kanyang mga salita ay winika nang direkta mula sa perspektibo ng tao, at ilan sa Kanyang mga salita ay winika mula sa perspektibo ng ikatlong panauhan. Dito maaaring makita na ang pamamaraan ng gawain ng Diyos ay higit na paiba-iba at sa pamamagitan ng mga salita na pinahihintulutan Niya ang tao na makita ito. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay parehong normal at totoo, at dahil dito ang pangkat ng mga tao sa mga huling araw ay isinasailalim sa pinakamatindi sa lahat ng mga pagsubok. Dahil sa pagiging-karaniwan at pagiging-tunay ng Diyos, ang lahat ng tao ay pumasok sa gitna ng mga pagsubok na iyon; na lumusong ang tao sa mga pagsubok ng Diyos ay dahil sa pagiging-karaniwan at pagiging-tunay ng Diyos. Noong panahon ni Jesus, walang mga pagkaintindi o mga pagsubok. Dahil karamihan sa gawain na naisakatuparan ni Jesus ay ayon sa mga pagkaintindi ng tao, sinunod Siya ng mga tao, at wala silang naging mga pagkaintindi tungkol sa Kanya. Ang mga pagsubok sa kasalukuyan ay ang pinakamatinding kinakaharap ng tao, at kapag sinabi na ang mga taong ito ay nakalabas mula sa malaking kapighatian, ito ang matinding paghihirap na tinutukoy dito. Sa kasalukuyan, nangungusap ang Diyos sa mga tao upang lumikha sa kanila ng pananampalataya, pag-ibig, pagdurusa, at pagsunod. Ang mga salitang winika ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay naaayon sa sangkap ng kalikasan ng tao, ayon sa asal ng tao, at ayon sa kung saan dapat pumasok ang tao sa kasalukuyan. Ang Kanyang paraan ng pananalita[a] ay kapwa totoo at normal: Hindi Siya nangungusap nang patungkol sa kinabukasan, ni hindi rin Siya lumilingon sa nakaraan; nangungusap lamang Siya tungkol doon sa kung ano ang dapat na mapasok, maisagawa, at maintindihan sa kasalukuyan. Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang tao na darating na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, at kayang palayasin ang mga demonyo, at magpagaling, at magpakita ng maraming milagro, at kung ang taong ito ay nagsasabing sila si Jesus na dumating, kung gayon ay ito ang huwad na masasamang espiritu, at ang kanilang paggaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at ang Diyos ay hindi na kailanman magsasagawa ng yugtong iyon ng gawain. Ang gawain ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao; halimbawa, hinulaan na ng Lumang Tipan ang pagdating ng Mesiyas, nguni’t ang nangyari ay dumating si Jesus, kung kaya’t hindi tama na dumating ang isa pang Mesiyas. Dumating na nang minsan si Jesus, at ito ay magiging mali kapag si Jesus ay darating pang muli sa panahong ito. Mayroong isang pangalan para sa bawa’t kapanahunan, at bawa’t pangalan ay inilalarawan ng kapanahunan. Sa mga pagkaintindi ng tao, ang Diyos ay dapat na laging magpakita ng mga tanda at kababalaghan, dapat laging magpagaling at magpalayas ng mga demonyo, at dapat laging maging katulad ni Jesus, nguni’t sa panahon ngayon ang Diyos ay hindi na katulad noon. Kung, nitong mga huling araw, ang Diyos ay nagpapakita pa rin ng mga tanda at kababalaghan, at nagpapalayas pa rin ng mga demonyo at nagpapagaling—kung ginawa Niya nang eksakto ang ginawa ni Jesus—kung gayon, uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at ang gawain ni Jesus ay walang magiging kabuluhan o silbi. Kaya, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawa’t panahon. Kapag ang isang yugto ng Kanyang gawain ay nakumpleto na, ito ay agad na ginagaya ng mga masasamang espiritu, at matapos simulan ni Satanas na sundan ang yapak ng Diyos, ang Diyos ay nagpapalit ng pamamaraan; kapag nakumpleto na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ito ay ginagaya ng mga masasamang espiritu. Kailangan ninyong maging malinaw tungkol sa mga bagay na ito. Bakit ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan ay kaiba sa gawain ni Jesus? Bakit hindi nagpapakita ang Diyos ngayon ng mga tanda at kababalaghan, hindi nagpapalayas ng mga demonyo, at hindi nagpapagaling? Kung ang gawain ni Jesus ay kapareho ng gawain na naisakatuparan noong Kapanahunan ng Kautusan, maaari ba Siyang naging kinatawan ng Diyos ng Kapanahunan ng Biyaya? Maaari bang nakumpleto ni Jesus ang gawain ng pagpapapako sa krus? Kung, gaya noong Kapanahunan ng Kautusan, pumasok si Jesus sa templo at pinanatili ang Araw ng Pamamahinga, kung gayon ay wala sanang umusig sa Kanya at tinanggap Siya ng lahat. Kung gayon, napako kaya Siya sa krus? Nakumpleto kaya Niya ang gawain ng pagtubos? Ano ang magiging punto kung ang Diyos na nagkatawang-tao nitong mga huling araw ay nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, gaya ni Jesus? Kung ginagawa lamang ng Diyos ang isa pang yugto ng Kanyang gawain sa mga huling araw, isang kumakatawan sa isang bahagi ng Kanyang plano sa pamamahala, maaaring makatamo ang tao ng mas malalim na pagkakilala sa Diyos, at doon lamang maaaring makumpleto ang plano sa pamamahala ng Diyos.
Sa panahon ng mga huling araw naparito ang Diyos pangunahin na upang wikain ang Kanyang mga salita. Nagsasalita Siya mula sa perspektibo ng Espiritu, mula sa perspektibo ng tao, at mula sa perspektibo ng ikatlong panauhan; nagsasalita Siya sa iba’t-ibang paraan, gamit ang isang paraan sa isang panahon, at gumagamit ng mga paraan ng pagsasalita upang baguhin ang mga pagkaintindi ng tao at alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao. Ito ang pangunahing gawain na naisakatuparan ng Diyos. Dahil naniniwala ang tao na naparito ang Diyos upang magpagaling, magpalayas ng mga demonyo, magpamalas ng mga milagro, at upang magkaloob ng mga materyal na biyaya sa tao, isinasagawa ng Diyos ang yugtong ito ng gawain—ang gawain ng pagkastigo at paghatol—upang alisin ang mga gayong bagay mula sa mga pagkaintindi ng tao, upang malaman ng tao ang pagiging-tunay at pagiging-karaniwan ng Diyos, at upang ang imahe ni Jesus ay maaaring maalis sa kanyang puso at mapalitan ng bagong imahe ng Diyos. Sa oras na ang imahe ng Diyos sa puso ng tao ay maging luma, ito ay nagiging isang idolo. Nang dumating si Jesus at isinagawa ang yugtong iyon ng gawain, hindi Niya kinatawan ang kabuuan ng Diyos. Nagpakita Siya ng mga tanda at mga kababalaghan, nagwika ng ilang mga salita, at sa bandang huli ay napako sa krus, at kumatawan Siya sa isang bahagi ng Diyos. Hindi Siya maaaring kumatawan sa kabuuan ng Diyos, nguni’t kumatawan sa Diyos sa paggawa ng isang bahagi ng gawain ng Diyos. Iyan ay dahil ang Diyos ay labis na dakila, at lubhang kamangha-mangha, at hindi maarok, at dahil ginagawa lamang ng Diyos ang isang bahagi ng Kanyang gawain sa bawa’t panahon. Ang pangunahing gawain ng Diyos sa panahong ito ay ang pagkakaloob ng mga salita para sa buhay ng tao, ang pagbubunyag ng sangkap at kalikasan ng tao at tiwaling disposisyon ng tao, ang pag-aalis ng mga relihiyosong pagkaintindi, piyudal na pag-iisip, makalumang pag-iisip, pati na rin ang kaalaman at kultura ng tao. Dapat mailantad ang lahat ng ito at malinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Nitong mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, at hindi mga tanda at kababalaghan, upang gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita para ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makita ng tao ang karunungan at ang kagandahan ng Diyos, at maunawaan ang disposisyon ng Diyos, upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, makita ng tao ang mga gawa ng Diyos. Noong Kapanahunan ng Kautusan, pinangunahan ni Jehova si Moises palabas ng Ehipto sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at nagwika ng ilang mga salita sa mga Israelita; noong panahong iyon, ang ilang bahagi ng mga gawa ng Diyos ay ginawang payak, nguni’t dahil ang kakayahan ng tao ay limitado at walang anumang makakapagpakumpleto ng kanyang kaalaman, ipinagpatuloy ng Diyos ang pagwiwika at paggawa. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nakitang muli ng tao ang bahagi ng mga gawa ng Diyos. Nakaya ni Jesus na magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpagaling at magpalayas ng mga demonyo, at mapako sa krus, tatlong araw matapos noon Siya ay muling nabuhay at nagpakita sa laman sa harap ng tao. Tungkol sa Diyos, wala nang iba pang nalaman ang tao bukod dito. Ang nalalaman lamang ng tao ay ang mga ipinakikita ng Diyos sa kanya, at kung ang Diyos ay wala nang ipakikita sa tao, kung gayon ay hanggang doon lamang ang hangganan ng Diyos para sa tao. Dahil dito, ang Diyos ay nagpapatuloy sa paggawa, upang ang pagkakilala ng tao sa Kanya ay maging mas malalim, at upang unti-unti niyang malaman ang sangkap ng Diyos. Gumagamit ang Diyos ng Kanyang mga salita upang gawing perpekto ang tao. Ang iyong tiwaling disposiyon ay isinisiwalat ng mga salita ng Diyos, at ang iyong mga relihiyosong pagkaintindi ay pinapalitan ng katotohanan ng Diyos. Ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, una sa lahat, ay dumating dito upang isakatuparan ang mga salita na “ang Salita ay nagiging katawang-tao, ang Salita ay dumarating sa katawang-tao, at ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao.” at kung wala kang sapat na kaalaman tungkol dito, kung ganoon hindi mo pa rin kayang tumayo nang matatag; sa panahon ng mga huling araw, unang-unang layunin ng Diyos ang makagawa ng isang yugto ng gawain kung saan ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao, at ito ay isang bahagi ng plano sa pamamahala ng Diyos. Kaya naman, ang inyong pagkakilala ay dapat maging malinaw; hindi alintana ang paraan kung paano gumagawa ang Diyos, hindi pinahihintulutan ng Diyos ang tao na limitahan Siya. Kung hindi ginawa ng Diyos ang gawaing ito sa panahon ng mga huling araw, kung gayon ang pagkakilala ng tao tungkol sa Kanya ay hindi maaaring lumawak pa. Malalaman mo lamang na ang Diyos ay maaaring mapako sa krus at maaaring wasakin ang Sodoma, at si Jesus ay maaaring maibangon mula sa mga patay at magpakita kay Pedro…. Nguni’t hindi mo kailanman masasabi na matutupad ng mga salita ng Diyos ang lahat, at maaaring lupigin ang tao. Sa pamamagitan lamang ng pagdaranas sa mga salita ng Diyos na maaari kang makapagsalita tungkol sa gayong pagkakilala, at kung higit pang gawain ng Diyos ang iyong maranasan, higit ding magiging lubos ang pagkakilala mo sa Kanya. Doon mo lamang maititigil ang paglilimita sa Diyos sa iyong mga pagkaintindi. Nakikilala ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pagdanas ng Kanyang gawain, at walang iba pang tamang paraan upang kilalanin ang Diyos. Sa kasalukuyan, maraming tao ang walang ginagawa kung hindi maghintay lamang na makakita ng mga tanda at mga kababalaghan at ng panahon ng delubyo. Naniniwala ka ba sa Diyos, o ikaw ba ay naniniwala sa delubyo? Kung ikaw ay maghihintay hanggang sa delubyo ay magiging napakahuli na ang lahat, at kung ang Diyos ay hindi magpapadala ng delubyo, Siya ba ay hindi na Diyos? Naniniwala ka ba sa mga tanda at kababalaghan, o ikaw ba ay naniniwala sa Diyos Mismo? Hindi nagpakita si Jesus ng mga tanda at kababalaghan noong Siya ay pinagtawanan ng iba; hindi ba Siya Diyos? Naniniwala ka ba sa mga tanda at mga kababalaghan, o naniniwala ka ba sa sangkap ng Diyos? Ang mga pananaw ng tao tungkol sa paniniwala sa Diyos ay mali! Si Jehova ay nagwika ng maraming mga salita noong Kapanahunan ng Kautusan, nguni’t kahit ngayon ang ilan sa mga iyon ay hindi pa naisasakatuparan. Masasabi mo bang si Jehova ay hindi Diyos?
Sa kasalukuyan, dapat maging malinaw sa inyong lahat na, sa mga huling araw, ito ang pangunahing katotohanan ng “ang Salita ay nagiging katawang-tao” na isinasakatuparan ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na gawain sa daigdig, pinahihintulutan Niya ang tao upang makilala Siya, at upang makiisa sa Kanya, at upang makita ang Kanya mismong mga gawa. Pinahihintulutan Niya ang tao na makita nang malinaw na kaya Niyang magpakita ng mga tanda at kababalaghan at may mga panahon din na hindi Niya kayang gumawa ng mga ito, at ito ay nababatay sa kapanahunan. Mula rito, maaari mong makita na ang Diyos ay hindi hindi-kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, bagkus ay binabago ang Kanyang paggawa ayon sa Kanyang gawain, at ayon sa kapanahunan. Sa kasalukuyang yugto ng gawain, hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan; na kaya Siya ay nagpakita ng ilang mga tanda at kababalaghan sa kapanahunan ni Jesus ay dahil sa kakaiba ang gawain Niya nang panahong iyon. Hindi na ginagawa ng Diyos ang gawaing iyon ngayon, at ang ilang tao ay naniniwala na wala Siyang kakayahang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, o di kaya naman ay iniisip nila na kung hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, ay hindi Siya Diyos. Hindi ba iyon isang kamalian? Ang Diyos ay kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, nguni’t Siya ay kumikilos sa ibang kapanahunan, kaya naman hindi Siya gumagawa ng nasabing gawain. Dahil ito ay sa ibang kapanahunan, at dahil ito ay ibang yugto ng gawain ng Diyos, maging ang mga gawang ginawang payak ng Diyos ay kakaiba rin. Ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi ang paniniwala sa mga tanda at kababalaghan, ni hindi ang paniniwala sa mga milagro, bagkus ang paniniwala sa Kanyang tunay na gawain sa bagong kapanahunan. Nakikilala ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pamamaraan nang paggawa ng Diyos, at ang pagkakilalang ito ang nagbubunga sa tao ng paniniwala sa Diyos, na ang ibig sabihin, ang pananampalataya sa gawain at mga gawa ng Diyos. Sa yugtong ito ng gawain, ang Diyos ang pangunahing nagsasalita. Huwag kang maghintay na makakita ng mga tanda at kababalaghan; hindi mo makikita ang mga ito! Dahil hindi ka ipinanganak noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung ikaw nga ay ipinanganak noon, nakakita ka sana ng mga tanda at kababalaghan, nguni’t ikaw ay ipinanganak nitong mga huling araw, at dahil dito ay maaari mo lamang makita ang pagiging-tunay at pagiging-karaniwan ng Diyos. Huwag umasa na makita ang higit-sa-karaniwang Jesus nitong mga huling araw. Ang makikita mo lamang ay ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao, na hindi kaiba mula sa sinumang ordinaryong tao. Sa bawa’t kapanahunan, ginagawang malinaw ng Diyos ang mga iba’t-ibang gawa. Sa bawa’t kapanahunan, ginagawa Niyang payak ang ilang bahagi ng mga gawa ng Diyos, at ang gawain ng bawa’t kapanahunan ay kumakatawan sa isang bahagi ng disposisyon ng Diyos, at kumakatawan sa isang bahagi ng mga gawa ng Diyos. Ang mga gawang Kanyang ginagawang payak ay magkakaiba ayon sa kapanahunan kung kailan Siya ay kumikilos, nguni’t lahat ng mga iyon ay nagsasanhi sa tao ng pagkakilala sa Diyos na mas malalim, isang paniniwala sa Diyos na mas mapagkumbaba, at mas totoo. Naniniwala ang tao sa Diyos dahil sa lahat ng gawa ng Diyos, at dahil ang Diyos ay labis na kamangha-mangha, labis na dakila, dahil Siya ay Makapangyarihan-sa-lahat, at hindi maarok. Kung naniniwala ka sa Diyos dahil kaya Niyang magpakita ng mga tanda at kababalaghan at kayang magpagaling at magpalayas ng mga demonyo, kung gayon ang iyong pananaw ay mali, at ang ilang tao ay magsasabi sa iyo, “Hindi ba ang mga masasamang espiritu ay kaya ring gawin ang mga bagay na iyon?” Hindi ba ito upang mapagkamalan ang imahe ng Diyos sa imahe ni Satanas? Sa kasalukuyan, ang paniniwala ng tao sa Diyos ay dahil sa Kanyang maraming mga gawa at dahil sa maraming kaparaanan kung saan Siya ay gumagawa at nagwiwika. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga pagbigkas upang lupigin ang tao at gawin siyang perpekto. Naniniwala ang tao sa Diyos dahil sa Kanyang maraming mga gawa, hindi dahil kaya Niyang magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at nauunawan lamang Siya ng tao dahil nakikita nila ang Kanyang mga gawa. Sa pamamagitan lamang ng pagkakaalam ng mga aktwal na gawa ng Diyos, kung paano Siya gumagawa, ang matalinong mga pamamaraan na Kanyang ginagamit, paano Siya nagwiwika, at kung paano Niya ginagawang perpekto ang tao—sa pamamagitan lamang ng pagkakaalam ng mga aspetong ito—saka mo maaabot ang pagiging-tunay ng Diyos at maiintindihan ang Kanyang disposisyon. Kung ano ang Kanyang nais, kung ano ang Kanyang kinasusuklaman, kung paano Siya gumagawa sa tao—sa pamamagitan ng pagkaunawa sa mga nais at hindi-nais ng Diyos, maaari mong pag-ibahin kung alin ang positibo at negatibo, at sa pamamagitan ng iyong pagkakilala sa Diyos ay mayroong pag-unlad sa iyong buhay. Sa madaling salita, kailangan mong magkaroon ng pagkakilala sa gawa ng Diyos, at dapat mong ituwid ang iyong mga pananaw tungkol sa paniniwala sa Diyos.
Mga Talababa:
a. Ang orihinal na teksto ay naglalaman ng salitang “Ito.”
Write a comment