Tagalog Christian Song | "Dapat Mong Makilala ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Gawain"
Verse 1
Diyos ay naging tao,
isang karaniwang tao,
na nagdala ng gawain at atas ng Diyos.
Ibig sabihi'y binalikat N'ya ang gawai't nagdusa
na 'di matitiis ng karaniwang tao.
Kita sa hirap Niyang tapat Siya sa tao,
na siyang kabayaran,
para mailigtas Niya ang tao,
tubusin sa sala nila't tapusin ang yugtong ito.
Ibig sabihi'y tutubusin ng D'yos
ang tao mula sa krus.
Bridge 1
Ito'y halagang binayaran ng buhay,
na 'di kayang bayaran ng mga nilalang.
Dahil taglay Niya ang diwa ng Diyos,
Kaya Niya ang gawain at pagdurusang ito.
Walang nilalang ang makakagawa
ng ginagawa Niya.
Ito ang gawain ng Diyos
sa Kapanahunan ng Biyaya,
isang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon.
Verse 2
Muling naging tao ang Diyos
sa Kapanahunan ng Kaharian,
sa paraang ginawa Niya iyon noong una.
Kanyang salita'y ipinapahayag pa rin Niya,
ginagawa ang dapat Niyang gawin
nang walang pasubali.
Nagtitiis at nagpaparaya rin Siya
sa pagsuway at kamangmangan ng tao,
laging ipinapahayag ang Kanyang disposisyon
at kalooban kasabay niyon.
Bridge 2
Kaya, mula nang likhain ang tao hanggang ngayon,
disposisyon at kalooban ng Diyos,
kung ano ang mayroon at kung ano Siya
ay lagi nang ipinapaalam sa lahat,
hindi sadyang itinago kailanman.
Ang totoo'y walang pakialam ang tao
sa ginagawa't kalooban ng Diyos.
Kaya nga, ito mismo ang dahilan
kaya wala silang gaanong alam
tungkol sa Kanya.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
_________________________________________________
Rekomendasyon: Ano ang tunay na pananalig sa Diyos? Paano dapat manalig sa Diyos ang isang tao para matamo ang Kanyang papuri?
Write a comment