· 

Tagalog Christian Song| "Kung 'Di Ako Iniligtas ng D'yos" | Binigyan Ako ng Diyos ng Bagong Buhay

Tagalog Christian Song | "Kung 'Di Ako Iniligtas ng D'yos" | Binigyan Ako ng Diyos ng Bagong Buhay

I

Kung 'di ako iniligtas ng Diyos, palaboy pa rin hanggang ngayon,

naghihirap, nagkakasala; bawa't araw walang pag-asa.

Kung 'di ako iniligtas ng Diyos, niyuyurakan pa rin ng d'yablo,

nabitag sa sala't layaw nito, mangmang sa kahihinatnan ng buhay ko.

Makapangyarihang Diyos ang nagliligtas sa akin, salita N'ya'y dinadalisay ako.

Sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, tiwaling disposisyon ko'y nabago.

Lahat ng katotohanang binibigkas ng Diyos bigay sa 'ki'y bagong buhay.

Diyos nakita ko nang harapan, tunay N'yang pag-ibig naranasan.

Sa wakas natanto kong mapagmahal na kamay ng Diyos ang nanguna sa akin,

na marinig boses N'ya't maitaas sa harap ng trono N'ya,

makadalo sa piging ni Kristo't matamo, kadalisaya't pagkaperpekto. 

Ang inaasam ng ilang taon ay natupad din, ang kaligtasan ng Diyos ay akin.

II

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Write a comment

Comments: 0