Posts tagged with "Papuri"



Awit ng papuri · 31. December 2019
Gawain ng Diyos ang pumapatnubay sa buong sansinukob at, higit pa rito, ang kidlat ay direktang kumikislap mula Silangan hanggang Kanluran.
Awit ng papuri · 25. December 2019
Ibinigay ng Diyos luwalhati Niya sa Israel at inalis ito mula roon, dala ang mga Israelita't lahat ng tao sa Silangan. Lahat sila'y inakay ng D'yos sa liwanag nang sila'y muling magkasama't makisama sa liwanag, 'di na kailangang hanapin, hanapin ang liwanag.
Awit ng papuri · 27. July 2019
Kaharian ng Diyos dumating sa lupa; persona ng Diyos puno't mayaman. Sinong titigil at 'di magsasaya? Sinong tatayo at 'di sasayaw? O Zion, itaas ang bandila ng tagumpay upang magdiwang para sa Diyos. Awitin ang iyong awit ng tagumpay upang ipalaganap ang Kanyang ngalang banal sa buong mundo. 'Di mabilang na tao pumupuri sa Diyos at tinataas ngalan N'ya. Tinitingnan nila mga gawa N'ya. Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.
Awit ng papuri · 20. July 2019
Sa panahong ito, matutupad ng Diyos sa inyo: na lahat isinasagawa ang katotohanan N'ya, na ang lahat ay isasabuhay ang Kanyang salita at iibigin Siya sa kanilang mga puso. Ang salita ng Diyos ay ang pundasyon ng kanilang buhay. Lahat sila ay may mga pusong natatakot sa Diyos. Sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, sila'y mamumuno at maghahari kasama ng Diyos. Ang salita ng Diyos lamang ang nagbibigay ng buhay sa tao.
Awit ng papuri · 12. July 2019
Matapos maging tao ang Diyos, at namuhay kasama ng tao, nakita Niya kasamaan at kalagayan ng buhay nila. Sa katawang-tao'y nadama Niya ang kawalang kakayahan ng tao, na kaawa-awa, naramdaman Niya ang kanilang kalungkutan. Mas lalong nahabag ang Diyos sa kalagayan ng tao, at mas mapagmalasakit sa Kanyang mga taga-sunod dahil namuhay sa katawang-tao.
Awit ng papuri · 08. July 2019
Kung 'di ako iniligtas ng Diyos, palaboy pa rin hanggang ngayon, naghihirap, nagkakasala; bawa't araw walang pag-asa. Kung 'di ako iniligtas ng Diyos, niyuyurakan pa rin ng d'yablo, nabitag sa sala't layaw nito, mangmang sa kahihinatnan ng buhay ko. Makapangyarihang Diyos ang nagliligtas sa akin, salita N'ya'y dinadalisay ako. Sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, tiwaling disposisyon ko'y nabago.
Awit ng papuri · 04. July 2019
Ang kapalaran ng tao at ng sansinukob ay mahigpit na nakaugnay sa kapangyarihan ng Manlilikha. Ito'y 'di mahihiwalay sa Kanyang awtoridad at lahat ng inaayos Niya. At sa mga batas ng lahat ng bagay, mauunawaan ng tao ang kapangyarihan ng pamumuno Niya, pagsasaayos ng kamay Niya, sa lahat ng pinamumunuan at isinasaayos Niya. Sa batas para makaligtas, sa kapalaran ng lahat ng bagay, alam ng tao kung paano mamuno ang Diyos sa lahat.
Awit ng papuri · 30. June 2019
Di malinaw para kanino dapat mabuhay ang tao. Ngayo'y alam ko na. Dati buhay ko'y akin lamang, hanap lamang ay estado at kasikatan. Dasal sa D'yos puno ng pinong mga salita, datapwa't kapit sa sarili kong paraan ng buhay. Pananampalataya batay sa kinabukasan at kapalaran, walang katotohanan o realidad. Mga ritwal at mga tuntunin, kinukulong pananampalataya; ang nasa akin ay pawang kawalan. Bigo sa buhay-tao, 'di karapat-dapat sa pag-ibig ng D'yos sa akin. II
Awit ng papuri · 26. June 2019
Gumising, mga kapatid! Gumising, mga kapatid! Ang araw ng Diyos ay 'di maaantala. Ang oras ay buhay, ang pagsunggab sa oras ay nagliligtas ng buhay. Hindi malayo ang oras! Kung kayo'y kumukuha ng eksamin ngunit hindi nakapasa, maaari kayong muling sumubok at mag-aral ng mabuti. Ngunit dapat ninyong malaman na ang araw ng Diyos ay hindi maaantala. Maniwala sa Diyos, na inyong Tagapagligtas! Siya ang inyong Makapangyarihan!Manatiling nagbabantay! Ang panahong nawala ay 'di na magbabalik.
Awit ng papuri · 22. June 2019
Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita; isang pagtitipon ng mga nagmamahal sa Diyos. Na walang kinikilingan; malapit na samasama, ang tamis at saya sa puso'y umaapaw. Pagsisisi sala'y iniwan natin kahapon; ngayon tayo'y nagkakaintindihan, namumuhay sa pag-ibig ng Diyos. Gaano kasaya kung tayo'y nagkakaintindihan at walang katiwalian. Mga kapatid na nagmamahal, tayo ay pamilya. Na walang kinikilingan, malapit na samasama.

Show more