· 

Tagalog Praise Song | Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

 

Tagalog Praise Song | Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

I

Di malinaw para kanino dapat mabuhay ang tao. Ngayo'y alam ko na.

Dati buhay ko'y akin lamang, hanap lamang ay estado at kasikatan.

Dasal sa D'yos puno ng pinong mga salita, datapwa't kapit sa sarili kong paraan ng buhay.

Pananampalataya batay sa kinabukasan at kapalaran, walang katotohanan o realidad.

Mga ritwal at mga tuntunin, kinukulong pananampalataya; ang nasa akin ay pawang kawalan.

Bigo sa buhay-tao, 'di karapat-dapat sa pag-ibig ng D'yos sa akin.

II

Puso'y nagisíng na, sabi sa akin ay suklian ang pag-ibig ng D'yos.

Muhi sa sarili dahil walang budhi, D'yos sinusuway at dinudurog puso N'ya.

Kailanman ay 'di minahal puso ng D'yos;

kailanman ay walang malasakit sa Kanyang mga salita.

Walang konsensya, walang pandama, ako ba ay tao pa?

Hatol ng D'yos ipinakita sa akin, ako ay sinirang lubha ni Satanas.

Mundo'y masama, pulos bitag; katotohanan dapat piliin ng mananampalataya.

O mahal na D'yos, labis Mo akong mahal, lahat ginawa Mo upang ako ay maligtas.

Ang ginawa Mo para sa akin, lagi kong tatandaan! 'Di ko lilimutin kailanman.

Mahalin puso ng D'yos, siyang aking nais. Buong-loob kong tutugisin ang katotohanan.

Sarili'y ginugugol sa D'yos, sarili'y inaalay sa Kanya upang tugunan Kanyang pag-ibig,

sarili'y inaalay sa Kanya upang tugunan Kanyang pag-ibig.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

 

Write a comment

Comments: 0