· 

Tagalog Christian Song | "Nagbalik na ang Diyos na may Tagumpay"

 

Tagalog Christian Song | "Nagbalik na ang Diyos na may Tagumpay"

 

I

Diyos Mismo'y nakaharap sa sansinukob,

sa Silangan Siya ay nagpakita na!

Sino'ng nangangahas di lumuhod at sambahin Siya?

Sino'ng nangangahas di Siya tawaging totoong Diyos?

Sino'ng nangangahas na di tingalain Siya 

na may paggalang sa puso nila?

Sino'ng nangangahas di magpuri't magalak?

Naririnig ng mga tao ng Diyos ang Kanyang tinig.

O, Sion! Magalak at umawit! 

Nagbalik na ang Diyos na may tagumpay!

Lahat ng tao, humanay ngayon! 

Mga nilikha sa lupa, huwag kikilos!

II

Gagawin Niya lahat para lahat 

magpuri't gumalang sa Kanya.

Ito ang Kanyang huling layon 

sa 6,000 taon ng plano ng pamamahala.

Ito ang Kanyang naipasiya.

Ang mga tao ng Diyos ay babalik lahat sa bundok 

ng Diyos at sa Kanya'y pasasakop.

Dahil Diyos ay may kamahalan, paghatol at awtoridad.

O, Sion! Magalak at umawit! 

Nagbalik na ang Diyos na may tagumpay!

Lahat ng tao, humanay ngayon! 

Mga nilikha sa lupa, huwag kikilos!

III

Lahat madali sa Kanya.

Kayang wasakin o tuparin ng salita Niya ang lahat.

Ito'y kapangyariha't awtoridad ng Diyos.

Walang nangangahas pigilin Siya.

Napagtagumpayan na ng Diyos lahat,

 tinalo lahat ng anak ng paghihimagsik.

Nakamit na ng Diyos ang paggalang ng mga tao.

Ito'ng plano ng Diyos, simula pa ng paglikha.

Mga bundok at ilog nagbubunyi sa galak.

Wala ni isang nangangahas na umurong o umalis.

Bagay o tao, walang nangangahas lumaban.

Ito'y kamangha-manghang gawa't kapangyarihan ng Diyos!

O, Sion! Magalak at umawit! 

Nagbalik na ang Diyos na may tagumpay!

Lahat ng tao, humanay ngayon! 

Mga nilikha sa lupa, huwag kikilos!

O, Sion! Magalak at umawit! 

Nagbalik na ang Diyos na may tagumpay!

Lahat ng tao, humanay ngayon! 

Mga nilikha sa lupa, huwag kikilos!

Nagbalik na ang Diyos na may tagumpay!

 

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong