· 

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos|Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ang Diyos Mismo

 Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos|Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ang Diyos Mismo

 

Ano ang dapat mong malaman tungkol sa praktikal na Diyos? Ang Espiritu, ang Persona, at ang Salita ang bumubuo sa praktikal na Diyos Mismo, at ito ang tunay na kahulugan ng praktikal na Diyos Mismo. Kung kilala mo lamang ang Persona—kung alam mo ang Kanyang mga gawi at pagkatao—subali’t hindi alam ang gawain ng Espiritu, o kung ano ang ginagawa ng Espiritu sa katawang-tao, at kung nagbibigay-pansin ka lamang sa Espiritu, at sa Salita, at nananalangin lamang sa Espiritu, na hindi alam ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa praktikal na Diyos, ito ay nagpapatunay na hindi mo kilala ang praktikal na Diyos. Kabilang sa pagkakilala sa praktikal na Diyos ang pag-alam at pagdanas ng Kanyang mga salita, at pagtarok sa mga patakaran at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, at kung paano gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Kaya, pati, kabilang dito ang pagkaalam na bawat pagkilos ng Diyos sa katawang-tao ay pinangungunahan ng Espiritu, at ang mga salita na Kanyang binibigkas ay direktang pagpapahayag ng Espiritu. Kaya, kung nais mong makilala ang praktikal na Diyos, dapat mo munang pangunahing malaman kung paano gumagawa ang Diyos sa pagkatao at sa pagka-Diyos; ito, naman, ay patungkol sa mga pagpapahayag ng Espiritu, na kinasasangkapan ng lahat ng tao.

 

Ano ang sinasaklaw ng mga pagpapahayag ng Espiritu? Kung minsan ang Diyos ay gumagawa sa pagkatao, at kung minsan ay sa kabanalan—ngunit sa kabuuan, ang Espiritu ang namamahala sa dalawang pagkakataong ito. Anuman ang espiritu sa loob ng mga tao, gayon din ang kanilang panlabas na kahayagan. Gumagawa nang normal ang Espiritu, nguni’t mayroong dalawang bahagi sa Kanyang direksyon sa Espiritu: Ang isang bahagi ay ang Kanyang gawain sa pagkatao, at ang isa ay ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng pagka-Diyos. Dapat mong malaman ito nang malinaw. Ang gawain ng Espiritu ay nag-iiba ayon sa mga pagkakataon: Kapag ang Kanyang gawaing pantao ang kailangan, pinamumunuan ng Espiritu ang gawaing pantao na ito, at kapag ang Kanyang gawain sa pagka-Diyos ang kailangan, ang pagka-Diyos ay direktang lumilitaw upang isakatuparan ito. Dahil ang Diyos ay gumagawa sa katawang-tao at nagpapakita bilang katawang-tao, pareho Siyang gumagawa sa pagkatao at sa pagka-Diyos. Ang Kanyang gawain sa pagkatao ay pinamumunuan ng Espiritu, at upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao na pang-katawan, upang mapadali ang kanilang pakikisalamuha sa Kanya, upang hayaan silang makita ang realidad at pagka-karaniwan ng Diyos, at upang hayaan silang makita na ang Espiritu ng Diyos ay nagkatawang-tao, at ito ay nasa gitna ng tao, naninirahan kasama ng tao, at nakikisalamuha sa tao. Ang Kanyang gawain sa pagka-Diyos ay upang tustusan ang buhay ng tao, at gabayan ang mga tao sa lahat mula sa positibong pananaw, binabago ang disposisyon ng mga tao at tinutulutan silang tunay na mamasdan ang pagpapakita ng Espiritu sa katawang-tao. Sa pangunahin, ang paglago sa buhay ng tao ay direktang nakakamit sa pamamagitan ng gawain at mga salita ng Diyos sa pagka-Diyos. Kung tinatanggap lamang ng mga tao ang gawain ng Diyos sa pagka-Diyos, makakamit nila ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon, doon lamang sila mabubusog sa kanilang espiritu; kung may dagdag lamang dito na gawain sa pagkatao—pagpapastol, tulong, at pagtustos ng Diyos sa pagkatao—mapapaluguran ng mga tao ang kalooban ng Diyos. Upang makasunod sila sa mga utos, dapat makilala man lamang ng mga tao ang praktikal na Diyos na nagpapakita sa katawang-tao, nang walang pagkalito. Sa ibang salita, dapat matarok ng mga tao ang mga prinsipyo ng pagsunod sa mga utos. Ang pagsunod sa mga utos ay hindi nangangahulugan ng pagsunod sa mga ito nang walang-pag-iingat o kahit papaano, kundi pagsunod sa mga ito nang may batayan, may layunin, at may mga prinsipyo. Ang unang bagay na dapat makamit ay maging malinaw ang iyong mga pangitain. Ang praktikal na Diyos Mismo na binabanggit ngayon ay gumagawa sa parehong pagkatao at sa pagka-Diyos. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng praktikal na Diyos, ang Kanyang normal na gawaing pantao at buhay at ang Kanyang ganap na maka-Diyos na gawain ay nakakamit. Ang Kanyang pagkatao at pagka-Diyos ay pinag-isa, at ang parehong gawain ay[a] tinutupad gamit ang mga salita; maging ito man ay sa pagkatao o pagka-Diyos, bumibigkas Siya ng mga salita. Kapag ang Diyos ay gumagawa sa pagkatao, Siya ay nagsasalita sa wika ng sangkatauhan, upang magawang makibahagi at maunawaan ng mga tao. Ang Kanyang mga salita ay sinasabi nang malinaw, at madaling maunawaan, upang ang mga iyon ay maibabahagi sa lahat ng tao; hindi alintana kung ang mga taong ito ay may angking kaalaman, o mababa ang pinag-aralan, silang lahat ay makakatanggap ng mga salita ng Diyos. Ang gawain ng Diyos sa pagka-Diyos ay isinasakatuparan din gamit ang mga salita, nguni’t ito ay puno ng tustos, puno ito ng buhay, walang-bahid ng mga ideya ng tao, hindi ito kinapapalooban ng mga kagustuhan ng tao, at ito ay walang limitasyong pantao, ito ay nasa labas ng hangganan ng anumang normal na pagkatao; ito, rin, ay isinasakatuparan sa katawang-tao, nguni’t ito ang direktang pagpapahayag ng Espiritu. Kung tinatanggap lamang ng mga tao ang gawain ng Diyos sa pagkatao, kung gayon ay pananatilihin nila ang kanilang sarili sa isang tiyak na nasasakupan, at sa gayon mangangailangan ng pampalagiang pakikitungo, pagtatabas, at disiplina upang magkaroon ng bahagyang pagbabago sa kanila. Kung wala ang gawain o presensiya ng Banal na Espiritu, gayunman, sila ay laging babalik sa kanilang lumang mga gawi; ito ay sa pamamagitan lamang ng gawain ng pagka-Diyos na ang mga karamdaman at mga kakulangang ito ay maitatama, saka lamang magagawang ganap ang mga tao. Sa halip na patuloy na pakikitungo at pagtatabas, ang kinakailangan ay positibong pagtustos, paggamit ng mga salita upang mapunan ang lahat ng pagkukulang, paggamit ng mga salita upang ibunyag ang bawat kalagayan ng mga tao, paggamit ng mga salita upang pamahalaan ang kanilang mga buhay, ang kanilang bawat pagbigkas, ang kanilang bawat pagkilos, upang ilantad ang kanilang mga hangarin at adhikain; ito ang tunay na gawain ng praktikal na Diyos. At sa gayon, sa iyong saloobin sa praktikal na Diyos dapat kang parehong magpasakop sa harap ng Kanyang pagkatao, kinikilala at tinatanggap Siya, at, saka, dapat mo ring tanggapin at sundin ang gawain at mga salita ng pagka-Diyos. Ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay nangangahulugang lahat ng gawain at mga salita ng Espiritu ng Diyos ay ginagawa sa pamamagitan ng Kanyang normal na pagkatao, at sa pamamagitan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Sa ibang salita, ang Espiritu ng Diyos ay parehong namamahala sa Kanyang gawaing pantao at nagsasakatuparan ng gawain ng pagka-Diyos sa katawang-tao, at sa Diyos na nagkatawang-tao iyong makikita ang parehong gawain ng Diyos sa pagkatao at ang ganap na gawain sa pagka-Diyos; ito ang mas praktikal na kabuluhan ng pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao. Kung makikita mo ito nang malinaw, makakaya mong pagdugtung-dugtungin ang lahat ng iba’t ibang bahagi ng Diyos, at titigilan na ang labis na pagpapahalaga sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos, at sobrang pagmamaliit sa Kanyang gawain sa pagkatao, at hindi ka na tutungo sa mga sukdulan, o liliko kung saan-saan. Sa pangkalahatan, ang kahulugan ng praktikal na Diyos ay yaong ang gawain ng Kanyang pagkatao at ng Kanyang pagka-Diyos, ayon sa pamamahala ng Espiritu, ay ipinahahayag sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao, kaya’t makikita ng mga tao na Siya ay buhay na buhay at makatotohanan, at tunay at aktwal.

 

Ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa pagkatao ay mayroong mga yugto ng paglipat. Sa pamamagitan ng pagpeperpekto sa pagkatao, binibigyang-kakayahan Niya ang Kanyang pagkatao na makatanggap ng direksyon ng Espiritu, matapos nito ay nakakaya ng Kanyang pagkatao na magtustos at magpastol ng mga iglesia. Ito ay isang pagpapahayag ng normal na gawain ng Diyos. Kaya, kung malinaw mong makikita ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos sa pagkatao, sa gayon malámáng na hindi ka magkakaroon ng mga pagkaintindi tungkol sa gawain ng Diyos sa pagkatao. Di alintana ang kung ano pa man, ang Espiritu ng Diyos ay hindi magkakamali. Siya ay tama, at walang kamalian; hindi Siya gagawa ng anuman nang hindi-wasto. Ang gawain ng pagka-Diyos ay ang direktang pagpapahayag ng kalooban ng Diyos, na walang panghihimasok ng pagkatao. Hindi ito sumasailalim sa pagpeperpekto, kundi direktang nagmumula sa Espiritu. At gayon pa man, na makakagawa Siya sa pagka-Diyos ay dahil sa Kanyang normal na pagkatao; hindi ito higit sa natural kahit katiting, at mukhang isinasakatuparan ng isang normal na tao; ang Diyos ay bumaba mula sa langit patungo sa lupa pangunahin upang ipahayag ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng katawang-tao, upang tapusin ang gawain ng Espiritu ng Diyos gamit ang katawang-tao.

 

Ngayon, ang kaalaman ng mga tao sa praktikal na Diyos ay nananatiling masyadong nasa isang panig, at ang kanilang pagkaunawa sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay kakatiting pa rin. Pagdating sa katawang-tao ng Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang gawain at mga salita, nakikita ng mga tao na ang Espiritu ng Diyos ay napakaraming dala, na Siya ay napakayaman. Nguni’t, hindi alintana, ang patotoo ng Diyos ay ganap na mula sa Espiritu ng Diyos: kung ano ang ginagawa ng Diyos sa katawang-tao, sa pamamagitan ng aling mga prinsipyo Siya gumagawa, kung ano ang Kanyang ginagawa sa pagkatao, at kung ano ang Kanyang ginagawa sa pagka-Diyos. Ang mga tao ay dapat magkaroon ng kaalamang ito. Ngayon nagagawa mong sambahin ang personang ito, nguni’t sa katunayan ikaw ay sumasamba sa Espiritu. Ito man lamang ay dapat makamit sa pag-alam ng mga tao sa Diyos na nagkatawang-tao: ang pagkilala sa substansya ng Espiritu sa pamamagitan ng katawang-tao, ang pagkilala sa gawain ng Espiritu sa pagka-Diyos sa katawang-tao at gawaing pantao sa katawang-tao, tinatanggap ang lahat ng salita ng Espiritu at mga pagbigkas sa katawang-tao, at nakikita kung paano pinamamahalaan ng Espiritu ng Diyos ang katawang-tao at itinatanghal ang Kanyang kapangyarihan sa katawang-tao. Na ang ibig sabihin, nakikilala ng tao ang Espiritu sa langit sa pamamagitan ng katawang-tao; ang pagpapakita ng praktikal na Diyos Mismo sa gitna ng tao ay nagwaksi na ng malabong Diyos mismo sa mga pagkaintindi ng mga tao; nadagdagan na ang pagsamba ng mga tao sa praktikal na Diyos Mismo ng kanilang pagsunod sa Diyos; at sa pamamagitan ng banal na gawain ng Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, at gawaing pantao sa katawang-tao, tumatanggap ang tao ng pagbubunyag at pagpapastol, at ang mga pagbabago ay nakakamit sa kanyang disposisyon sa buhay. Ito lamang ang aktwal na kahulugan ng pagdating ng Espiritu sa katawang-tao, at ito ay pangunahin upang ang mga tao ay maaaring makipag-ugnayan sa Diyos, umasa sa Diyos, at maabot ang kaalaman sa Diyos.

 

Sa pangunahin, ano ang dapat na saloobin ng mga tao tungo sa praktikal na Diyos? Ano ang iyong alam tungkol sa pagkakatawang-tao, tungkol sa pagpapakita ng Salita sa katawang-tao, tungkol sa pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao, tungkol sa mga gawa ng praktikal na Diyos? At ano ang pangunahing pinatutungkulan ngayon? Ang pagkakatawang-tao, ang pagdating ng Salita sa katawang-tao, at ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao—dapat maunawaan ang lahat ng mga isyung ito. Batay sa inyong katayuan, at sa kapanahunan, sa panahon ng inyong mga karanasan sa buhay, dapat ninyong unti-unting maunawaan ang mga isyung ito, at dapat magkaroon ng isang malinaw na kaalaman sa mga ito. Ang pamamaraan kung paano nararanasan ng mga tao ang mga salita ng Diyos ay kapareho ng pamamaraan kung paano nila nakikilala ang pagpapakita ng mga salita ng Diyos sa katawang-tao. Mas nararanasan ng mga tao ang mga salita ng Diyos, mas lalo nilang nakikilala ang Espiritu ng Diyos; sa pamamagitan ng pagdanas sa mga salita ng Diyos, natatarok ng mga tao ang mga prinsipyo ng gawain ng Espiritu at nakikilala ang praktikal na Diyos Mismo. Sa katunayan, kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao at nakakamit sila, Kanyang ipinaaalam sa kanila ang mga gawa ng praktikal na Diyos; ginagamit Niya ang gawain ng praktikal na Diyos upang ipakita sa mga tao ang aktwal na kabuluhan ng pagkakatawang-tao, at upang ipakita sa kanila na ang Espiritu ng Diyos ay talagang nagpakita na sa harapan ng tao. Kapag ang mga tao ay nakakamtan ng Diyos at nagagawang perpekto ng Diyos, nalulupig sila ng mga pagpapahayag ng praktikal na Diyos, nababago sila ng mga salita ng praktikal na Diyos, at naibibigay ang Kanyang buhay sa loob nila, pinupuspos sila ng kung ano Siya (maging ito man ay kung ano Siya sa pagkatao, o kung ano Siya sa pagka-Diyos), pinupuspos sila ng substansya ng Kanyang mga salita, at hinahayaang isabuhay ng mga tao ang Kanyang mga salita. Kapag nakakamit ng Diyos ang mga tao, pangunahing ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita at mga pagbigkas ng praktikal na Diyos upang pakitunguhan ang mga kakulangan ng mga tao, at upang hatulan at ibunyag ang kanilang mapanghimagsik na disposisyon, na nagsasanhi sa kanila na makamit ang kanilang kailangan, at ipinapakita sa kanila na ang Diyos ay dumating na sa gitna ng tao. Pinakamahalaga, ang gawain na ginagawa ng praktikal na Diyos ay ang pagliligtas sa bawat tao mula sa impluwensya ni Satanas, paglalayo sa kanila mula sa lupain ng karumihan, at pagwawaksi sa kanilang tiwaling disposisyon. Ang pinaka-malalim na kabuluhan ng pagiging nakakamit ng praktikal na Diyos ay yaong nakakayang kunin bilang isang halimbawa ang praktikal na Diyos, bilang isang huwaran, at isinasabuhay ang normal na pagkatao, nakakayang magsagawa ayon sa mga salita at mga kinakailangan ng praktikal na Diyos, nang walang kahit katiting na paglihis o pag-alis, nagsasagawa kung paano mang paraan ang Kanyang sinasabi, at nagagawang makamit ang anumang hinihingi Niya. Sa ganitong paraan, makakamit mo na ang Diyos. Kung ikaw ay nakakamit ng Diyos hindi mo lamang angkin ang gawain ng Banal na Espiritu; higit sa lahat, naisasabuhay mo ang mga kinakailangan ng praktikal na Diyos. Ang pagkakaroon lamang ng gawain ng Banal na Espiritu ay hindi nangangahulugang mayroon ka nang buhay. Ang susi ay kung kaya mo bang kumilos ayon sa mga kinakailangan ng praktikal na Diyos sa iyo, na kaugnay ng kung ikaw ay nakakayang makamit ng Diyos. Ang mga bagay na ito ang pinakamalaking kahulugan ng gawain ng praktikal na Diyos sa katawang-tao. Na ang ibig sabihin, nakakamit ng Diyos ang isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng tunay at aktwal na pagpapakita sa katawang-tao at pagiging buháy na buháy at totoong buháy, nakikita ng mga tao, talagang ginagawa ang gawain ng Espiritu sa katawang-tao, at sa pagkilos bilang isang halimbawa para sa mga tao sa katawang-tao. Ang pagdating ng Diyos sa katawang-tao una sa lahat ay upang bigyang-kakayahan ang mga tao na makita ang tunay na mga gawa ng Diyos, upang magkatotoo ang walang-hugis na Espiritu sa katawang-tao, at hayaan Siyang makita at mahipo ng mga tao. Sa ganitong paraan, susundan ng mga taong ginagawa Niyang ganap ang Kanyang pamumuhay, matatamo Niya sila, at magiging kaayon sila ng Kanyang puso. Kung sa langit lamang nagsalita ang Diyos, at hindi talaga pumarito sa lupa, hindi pa rin makakaya ng mga tao na kilalanin ang Diyos, maipapangaral lamang nila ang mga gawa ng Diyos gamit ang hungkag na teorya, at hindi mapapasakanila ang mga salita ng Diyos bilang realidad. Naparito ang Diyos sa lupa una sa lahat upang kumilos bilang isang halimbawa at huwaran para sa mga yaon na matatamo ng Diyos; sa ganitong paraan lamang talagang makikilala, at mahihipo, at makikita ng mga tao ang Diyos, at saka lamang sila tunay na matatamo ng Diyos.

 

Talababa:

 

a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “at ang dalawa ay.”