Dapat Ninyong Maunawaan ang Gawain; Huwag Sumunod Nang Nalilito!
Sa kasalukuyan maraming tao ang naniniwala sa isang paraang litó. Ang inyong pagiging mausisa ay napakatindi, ang inyong pagnanasà na habulin ang mga biyaya ay napakatindi, at ang inyong pagnanasà na habulin ang buhay ay napakakaunti. Ang mga naniniwala kay Jesus sa ngayon ay puno ng sigasig. Tatanggapin sila ni Jesus sa makalangit na tahanan—hindi ba sila makakapaniwala? May mga tao na mananámpalátáyá na sa kanilang buong buhay, ang iba ay nananampalataya sa loob ng mahigit sa dalawampung taon, o nananampalataya sa loob ng apatnapu o limampung taon; hindi sila kailanman napapagod sa pagbabasa ng Biblia. Ito ay dahilan sa anuman ang mangyari, habang sila ay naniniwala, sila ay papasok sa langit. Ikaw ay nakásúnód sa Diyos sa landas na ito sa loob lamang ng ilang taon, gayunman ikaw ay nahihirapan na at wala nang pagtitiis. Ito ay dahil sa ang inyong pagnanasang makatamo ng mga pagpapala ay napakatindi. Ang paglakad ninyo sa tunay na daang ito ay pinangungunahan ng inyong pagnanasà na makakuha ng mga pagpapala at ng inyong mausisang mga puso. Wala kayong gaanong pagkaunawa sa yugtong ito ng gawain. Marami sa kung ano ang sinasabi Ko ngayon ay hindi pagsasalita sa mga taong yaon na naniniwala kay Jesus; ito ay hindi lamang sinabi upang labanan ang kanilang mga paniwala. Sa katunayan, ang mga paniwalang ito na inilalantad ay ang mismong mga paniwala na umiiral sa gitna ninyo, dahil hindi ninyo nauunawaan kung bakit ang Biblia ay ibinaba, bakit Aking sinasabi na ang gawain ni Jehova ay naluma na, at bakit Aking sinasabi na ang gawain ni Jesus ay naluma na. Sa katunayan, kayo ay maraming mga paniwala na hindi pa ninyo naisasalita. Kayo ay maraming mga palagay na nakatago sa loob ng inyong mga puso, at sumusunod lamang kayo sa karamihan. Akala ba ninyo ay kakaunti ang inyong mga paniwala? Hindi lamang ninyo sinasalita ang mga iyon, at wala nang iba! Sa totoo lamang, sumusunod lamang kayo nang paimbabaw, hindi man lamang hinahanap ang tunay na daan, at hindi sinasadyang dumarating sa pagkakamit ng buhay. Mayroon kayong pag-uugali na gusto lamang makita kung ano ang mangyayari. Dahil hindi pa ninyo nabibitawan ang marami sa inyong lumang mga paniwala, walang isa man sa inyo na nakayang ialay nang buo ang kanyang sarili. Nakarating na sa puntong ito, nag-aalala pa rin kayong lahat tungkol sa inyong sariling kapalaran, iniisip araw at gabi, hindi kailanman kayang bitawan ito. Akala mo ba ang mga Fariseo na Aking sinasabi ay ang “matatandang tao” sa relihiyon? Hindi ba’t kayo ang mga kinatawan ng pinakamaunlad na mga Fariseo ng kasalukuyang kapanahunan? Akala mo ba ang mga taong iyon na Aking binabanggit na tumitingin kung may mali Ako laban sa Biblia ay tumutukoy lamang sa mga ekspertong yaon sa Biblia sa mga relihiyosong grupo? Akala mo ba kapag nagsalita Ako tungkol sa mga iyon na muling nagpapako sa Diyos sa krus Ako ay nangungusap tungkol sa mga pinuno ng mga relihiyosong grupo? Hindi ba kayo ang pinakamagagaling na artista na gumaganap sa papel na ito? Akala mo ba lahat ng mga salitang Aking sinasabi upang labanan ang mga paniwala ng mga tao ay tinutuya ang mga pastor at matatanda ng relihiyon? Hindi ba kayo nakibahagi rin sa lahat ng mga bagay na ito? Akala mo ba kakaunti lamang ang inyong mga paniwala? Natuto lamang kayong lahat na maging napakatalino ngayon. Hindi kayo nagsasalita tungkol sa mga bagay na hindi ninyo nauunawaan o ipinagkakanulo ang inyong mga damdamin tungkol sa mga iyon, subali’t ang inyong puso ng paggalang at ang inyong puso ng pagpapasakop ay hindi umiiral. Gaya ng inyong nakikita, ang pag-aaral, pagmamasid, at paghihintay ang inyong pinakamatinding pagsasagawa sa ngayon. Natuto na kayong maging napakatalino. Nalalaman ba ninyo, gayunpaman, na ito ay isang uri ng tusong sikolohiya ninyo? Akala ba ninyo ang isang sandali ng katalinuhan sa inyong bahagi ay tutulong sa inyong takasan ang walang-hanggang pagkastigo? Natuto na kayong maging masyadong “marunong”! At may mga tao na nagtatanong sa Akin ng mga bagay-bagay tulad ng: “Isang araw, kapag ang mga relihiyosong tao ay nagtanong sa Akin, ‘Bakit ang inyong Diyos ay hindi gumanap ng kahit isang himala?’ paano Ako magpapaliwanag?” Ngayon, hindi lamang na ang mga tao ng relihiyon ay magtatanong ng ganoong mga bagay-bagay. Sa halip, ito ay na hindi mo nauunawaan ang gawain sa ngayon, at may napakaraming mga paniwala. Hindi mo pa rin ba alam kung sino ang tinutukoy Ko kapag binabanggit Ko ang mga pinuno ng relihiyon? Hindi mo pa rin ba alam kung para kanino Ko ipinaliliwanag ang Biblia? Hindi mo ba alam kung para kanino Ako nagsasalita kapag Aking inilalarawan ang tatlong yugto ng gawain? Kung hindi Ko sasabihin ang mga bagay na ito, magiging napakadali ba ninyong mapapaniwala? Bibigay ka ba nang napakadali? Napakadali ba para sa iyo na bitawan yaong mga lumang paniwala? Lalo na yaong “tunay na mga lalaki” na kailanman ay hindi sumunod kahit kaninuman—susunod ba sila nang napakadali? Nalalaman Ko na bagaman kayo ay may mababang-gradong pagkatao, may napakahinang kakayahan, may di-gaanong-nabuong mga utak, at walang mahahabang kasaysayan ng paniniwala sa Diyos, kayo sa katunayan ay may napakaraming mga paniwala, at ang inyong likas na kalikasan ay hindi basta magpasakop sa kaninuman. Ngayon, gayunpaman, kaya ninyong magpasakop dahil kayo ay napipilitan at walang magáwâ; kayo ay mga tigre sa isang kulungang bakal, hindi kayang malayang gamitin ang inyong mga kasanayan. Magiging mahirap na lumipad kahit na kung kayo ay may pakpak. Bagaman hindi binigyan ng mga pagpapala, kayo ay handang sumunod. Hindi ito ang inyong espiritu ng “mabuting tao”, kundi na kayo ay lubusang napabagsak, at hindi ninyo alam kung paanong harapin ang situwasyon. Ito ay na lahat ng gawaing ito ay nagpabagsak sa inyo. Kung mayroon mang anumang bagay na inyong nakamit, hindi kayo magiging kasing masunurin ng kung ano kayo ngayon, dahil dati, kayong lahat ay mga ligaw na hayop sa ilang. Kaya kung ano ang sinasabi ngayon ay hindi lamang nakatutok sa mga tao mula sa sari-saring relihiyosong grupo, at ito ay hindi upang labanan ang kanilang mga paniwala; kundi labanan ang inyong mga paniwala.
Ang paghatol sa pagkamatuwid ay nagsimula na. Ang Diyos ba ay magsisilbi pa rin bilang isang handog para sa kasalanan para sa mga tao? Ang Diyos ba ay gaganap na dakilang manggagamot para sa mga tao minsan pa? Ang Diyos ba ay walang awtoridad na mas mabigat kaysa rito? Isang grupo ng mga tao ay nagáwâ nang ganap, at nadagit na sa harap ng trono. Siya ba ay magpapalayas pa rin ng mga demonyo at magpapagaling ng maysakit? Hindi ba ito napakaluma? Ang patotoo ba ay posibleng magpatuloy gaya nito? Ang Diyos ay napako na sa krus minsan, kaya Siya ba ay mapapako magpakailanman? Nagpalayas ng mga demonyo minsan, palalayasin ba Niya ang mga iyon magpakailanman? Hindi ba ito naibibilang na paghamak? Tangi lamang kapag ang yugtong ito ng gawain ay mas mataas kaysa sinusundan na ang kapanahunan ay uunlad pasulong. Pagkatapos ang mga huling araw ay mararating, at ang panahon ay darating kapag ang kapanahunan ay matatapos na. Ang mga taong naghahabol sa katotohanan samakatuwid ay dapat magbigay-pansin sa pagiging malinaw sa mga pangitain. Ito ang pundasyon. Sa tuwing may pagbabahagi Ako sa inyo tungkol sa mga pangitain, lagi Kong nakikita na ang mga talukap ng mata ng ibang mga tao ay bumababa at sila ay nagsisimulang makatulog, hindi gustong makinig. Ang iba ay nagtatanong: “Bakit hindi ka nakikinig?” Sinasabi niya, “Hindi ito nakakatulong sa aking buhay o sa aking pagpasok sa realidad. Ang nais namin ay ang mga daan ng pagsasagawa.” Kapag hindi Ako nagsasalita tungkol sa mga daan ng pagsasagawa, at nagsasalita Ako tungkol sa gawain, sinasabi niya, “Sa sandaling magsalita Ka tungkol sa gawain nagsisimula Akong makatulog.” Ngayon nagsisimula Akong magsalita tungkol sa mga daan ng pagsasagawa, at nagsisimula siyang magsulat ng mga talâ. Nagsisimula Akong muli na magsalita tungkol sa gawain, at bumabalik siya sa hindi pakikinig. Alam ba ninyo kung ano ang dapat maisangkap sa inyo ngayon? Isang aspeto ay mga pangitain tungkol sa gawain, at ang ibang aspeto ay ang iyong pagsasagawa. Dapat mong matarok ang parehong aspeto. Kung wala kang mga pangitain sa iyong paghahanap na umunlad sa buhay, kung gayon wala kang pundasyon. Kung mayroon kang mga daan ng pagsasagawa lamang at walang katiting mang pangitain, at walang anumang pagkaunawa tungkol sa gawain ng buong planong pamamahala, kung gayon ay wala kang silbi. Dapat mong maunawaan ang mga katotohanan ng aspetong pampangitain, at tungkol sa mga katotohanang may kaugnayan sa pagsasagawa, kailangan mong makita ang akmang mga landas ng pagsasagawa sa sandaling naunawaan mo ang mga iyon; kailangan mong magsagawa ayon sa mga salita, at pumasok ayon sa iyong mga kalagayan. Mga pangitain ang pundasyon, at kung hindi ka nagbibigay-pansin dito, hindi mo makakayang sumunod hanggang sa katapus-tapusan. Habang nakakaranas ka ng ganito, ikaw ay alinman sa maliligaw o babagsak at mabibigo. Hindi magkakaroon ng daan para magtagumpay! Ang mga taong walang malaking mga pangitain bilang kanilang pundasyon ay nabibigo lamang at hindi nagtatagumpay. Hindi ka nakatatayo nang matatag! Alam mo ba kung ano ang paniniwala sa Diyos? Alam mo ba kung ano ang pagsunod sa Diyos? Kung walang mga pangitain, anong landas ang iyong lalakaran? Sa gawain sa kasalukuyan, kung wala kang mga pangitain hindi mo makakayang magawang ganap kahit kailan. Kanino ka naniniwala? Bakit ka naniniwala sa Kanya? Bakit ka sumusunod sa Kanya? Naniniwala ka ba bilang parang isang laro? Tinatanganan mo ba ang iyong buhay bilang isang uri ng laruan? Ang Diyos ng kasalukuyan ang pinakadakilang pangitain. Gaano sa Kanya ang iyong kilala? Gaano sa Kanya ang iyong nakita? Yamang nakita ang Diyos ng kasalukuyan, ang pundasyon ba ng iyong paniniwala sa Diyos ay matibay? Palagay mo ba habang sumasabay ka sa maputik na daang ito, magkakamit ka ng kaligtasan? Palagay mo ba makakahuli ka ng isda sa maputik na tubig? Ito ba ay ganyan kasimple? Ilan sa iyong mga paniwala tungkol sa kung ano ang sinasabi ng Diyos ng kasalukuyan ang nabitawan mo na? May pangitain ka ba tungkol sa Diyos ng kasalukuyan? Saan nakabatay ang iyong pagkaunawa sa Diyos ng kasalukuyan? Lagi kang naniniwala na sa pamamagitan ng pagsunod makakamtan mo Siya, na sa pagkakita sa Kanya makakamtan mo Siya,[a] at na walang sinuman ang makaliliglig sa iyo. Huwag isipin na ang pagsunod sa Diyos ay napakadali. Ang susi ay na dapat mo Siyang makilala, dapat mong makilala ang gawain Niya, at dapat magkaroon ka ng kalooban na magtiis ng paghihirap para sa Kanya, magkaroon ng kalooban na isakripisyo ang iyong buhay para sa Kanya, at magkaroon ng kalooban na magawa Niyang perpekto. Ito ang pangitain na dapat mayroon ka. Hindi maaari kung lagi mong iniisip na tamasahin ang biyaya! Huwag akalain na ang Diyos ay nariyan para lamang sa pagtatamasa ng mga tao, at magkaloob ng biyaya sa mga tao. Mali ang inakala mo! Kung ang isa ay hindi maitaya ang kanilang buhay upang sumunod, kung ang isa ay hindi matalikuran ang makamundong pag-aari upang sumunod, kung gayon sila ay walang-pasubaling hindi makakayang sumunod hanggang sa katapusan! Dapat kang magkaroon ng mga pangitain bilang iyong pundasyon. Kung ang araw ng iyong pagdurusa ay dumating, ano ang dapat mong gawin? Makakaya mo pa rin bang sumunod? Huwag mong basta sabihin kung makakaya mong sumunod hanggang sa katapusan. Makabubuting idilat mo muna nang maigi ang iyong mga mata upang makita kung ano ang kasalukuyang panahon. Bagaman ikaw ngayon ay maaaring tulad ng mga haligi ng templo, ang oras ay darating kung kailan ang lahat ng mga haliging ito ay unti-unting kakagatin ng mga uod, nagiging sanhi ng pagguho ng templo, dahil sa kasalukuyan mayroong napakaraming mga pangitain na kulang sa iyo. Ang pinag-uukulan ninyo ng pansin ay ang inyo lamang mga maliliit na mundo, at hindi ninyo alam kung ano ang pinakamaaasahan, pinakaakmang paraan ng paghahanap. Hindi ninyo pinapansin ang pangitain ng gawain sa kasalukuyan, at hindi ninyo hinahawakan ang mga bagay na ito sa inyong mga puso. Naisaalang-alang ba ninyo na isang araw ang inyong Diyos ay maglalagay sa inyo sa isang pinaka-hindi-pamilyar na lugar? Iniisip ba ninyo ang araw kung kailan maaari Kong agawin ang lahat mula sa inyo, anong mangyayari sa inyo? Ang inyo bang kalakasan sa araw na iyon ay magiging gaya ng sa ngayon? Magbabalik ba ang inyong pananampalataya? Sa pagsunod sa Diyos, dapat ninyong malaman ang pinakadakilang pangitan na ang “Diyos.” Ito ang pinakamahalagang usapin. Huwag ding isipin na sa paghiwalay sa makasanlibutang mga tao para maging pinabanal na kayo ay pamilya ng Diyos. Ngayon ang Diyos Mismo ang Siyang gumagawa sa gitna ng sangnilikha. Ang Diyos ang naparito sa gitna ng mga tao upang gawin ang Kanyang sariling gawain, hindi magsakatuparan ng mga pangangampanya. Sa gitna ninyo, wala man lamang kahit kaunti na nakaaalam na ang gawain sa kasalukuyan ay ang gawain ng Diyos sa langit na naging katawang-tao. Hindi ito tungkol sa paggagawa sa inyo bilang mga mahuhusay na taong may talento. Sa halip, ito ay upang tulungan kayong malaman ang kahalagahan ng pantaong buhay, malaman ang hantungan ng mga tao, at tulungan kang makilala ang Diyos at ang Kanyang kabuuan. Dapat mong malaman na ikaw ay isang nilalang sa kamay ng Manlilikha. Ang dapat mong maunawaan, ang dapat mong gawin, at paano ka dapat sumunod sa Diyos—hindi ba’t ang mga ito ang mga katotohanang dapat mong maunawaan? Hindi ba’t ang mga ito ang mga pangitaing dapat mong makita?
Kapag ang isang tao ay may mga pangitain siya ay may pundasyon. Kapag ikaw ay nagsagawa batay sa pundasyong ito, magiging napakadaling pumasok. Sa paraang ito hindi ka magkakaroon ng mga alinlangan batay sa pagpasok, at magiging napakadali para sa iyo na pumasok. Ang aspetong ito ng pag-unawa sa mga pangitain, ng pag-unawa sa gawain ay ang susi. Kayo ay dapat na masangkapan ng aspetong ito. Kung ikaw ay hindi nasangkapan ng aspetong ito ng katotohanan, at nagsasalita lamang tungkol sa mga daan ng pagsasagawa, ito ay isang malaking kakulangan. Aking natuklasan na marami sa inyo ay hindi binibigyang-diin ang aspetong ito, at kapag pinakinggan mo ang aspetong ito ng katotohanan gaya lamang ito ng pakikinig sa mga salita ng doktrina. Isang araw ikaw ay mawawalan. May mga salita ngayon na hindi mo nauunawaan at hindi natatanggap; sa katayuang ito dapat kang matiyagang maghanap, at ang araw ay darating kung kailan iyong mauunawaan. Masangkapan nang unti-unti. Kahit na nauunawaan mo lamang ang ilang espirituwal na mga doktrina, higit na mabuti ito kaysa hindi pansinin ang mga iyon. Higit na mabuti ito kaysa walang maunawaang kahit ano. Lahat ng ito ay makatutulong sa iyong pagpasok, at aalisin ang lahat ng iyong mga pag-aalinlangan. Higit na mabuti ito kaysa mapuno ka ng mga paniwala. Lalong mabuting magkaroon ng mga pangitaing ito bilang isang pundasyon. Walang anumang mga pag-aalinlangan, posibleng pumasok nang hambog at may pagmamataas. Bakit mag-aabalang laging sumusunod nang nalilito sa isang paraang puno ng pag-aalinlangan? Hindi ba iyan magiging pagtatakip ng iyong mga tainga habang nagnanakaw ng isang kampana? Anong gandang pumasok sa kaharian nang hambog at may pagmamataas! Bakit magiging puno ng pag-aalinlangan? Hindi ba ito magiging pagdurusa lamang ng mga kahirapan? Kapag mayroon kang pagkaunawa sa gawain ni Jehova, sa gawain ni Jesus, at ng yugtong ito ng gawain, kung gayon magkakaroon ka ng pundasyon. Ngayon maaari mong guni-gunihin na ito ay napakapayak. May mga taong nagsasabi, “Kapag sinimulan ng Banal na Espiritu ang malaking gawain, magkakaroon Ako ng lahat ng mga salita. Ang katunayan na hindi ko tunay na nauunawaan ngayon ay dahil hindi ako gaanong naliwanagan ng Banal na Espiritu.” Hindi ito napakadali; hindi ito ang katayuan na ikaw ay handang tumanggap dito ngayon, at pagkatapos kapag dumating ang panahon magagamit mo ito nang buong pagkabihasa. Hindi laging ganoon! Ikaw ay naniniwala na ngayon ikaw ay nasasangkapang mabuti, at hindi magiging problema ang pagtugon sa mga relihiyosong taong iyon at pinakadakilang mga teorista, at kahit pasubalian sila. Makakaya mo ba talagang gawin iyan? Anong pagkaunawa ang maaari mong masalita kung mayroon ka lamang ganyang kababaw na karanasan? Ang masangkapan ng katotohanan, pakikipaglaban sa labanan ng katotohanan, at pagbibigay ng patotoo sa pangalan ng Diyos ay hindi ang kung ano ang iyong akala rito—na hangga’t ang Diyos ay gumagawa ang lahat ay matutupad. Sa panahong iyan marahil ay mapapahiya ka sa ilang tanong, at ikaw ay matutulala. Ang susi ay kung ikaw ay malinaw o hindi tungkol sa yugtong ito ng gawain, at kung gaano mo tunay na nauunawaan ito. Kung hindi mo kayang pagtagumpayan ang mga puwersa ng kaaway, at hindi mo rin matalo ang mga puwersa ng relihiyon, kung gayon ay hindi ba magiging wala kang silbi? Kung naranasan mo na ang gawain sa kasalukuyan, nakita ito ng iyong sariling mga mata at narinig ito ng iyong sariling mga tainga, nguni’t sa katapusan hindi mo kayang sumaksi, may mukha ka pa ba upang patuloy na mabuhay? Sino ang makakaya mong harapin? Huwag mag-akala nang napakasimple ngayon. Ang gawain sa dako pa roon ay hindi magiging kasing payak ng iyong naguguni-guni rito. Ang lumaban sa gera ng katotohanan ay hindi napakadali o napakasimple. Ngayon kailangan mong masangkapan. Kung hindi masangkapan ng katotohanan ngayon, kapag dumarating ang panahon at hindi gumagawa ang Banal na Espiritu sa isang higit-sa-karaniwang paraan, kung gayon ay magugulumihanan ka.
Mga talababa:
a. Ang orihinal na teksto ay nababasang “Lagi kang naniniwala na sa pamamagitan ng pagsunod makakamtan mo, na sa pagkakita makakamtan mo.”