· 

Isang Pangunahing Pagtuklas: Mayroong Dalawang Mga Paraan ang Pagbabalik ng Panginoon

 

Ngayon, tayo ay nasa panghuling yugto na ng huling mga araw. Lahat ng uri ng mga kalamidad ay nagaganap ng mas madalas at nagiging mas malala ng malala, at ang mga propesiya sa Pagbabalik ng Panginoon ay mga nangatupad na. Hindi ba tayong lahat ay naghihintay sa pagdating ng Panginoon upang maiangat sa kaharian ng langit? Kung kaya, tayo ay dapat munang maging malinaw tungkol sa kung paano babalik ang Panginoon. Maraming mga kapatid ang naniniwala na ang Panginoon ay darating at dadalhin tayo sa mga ulap, dahil ang Panginoong Jesus ay nagpropesiya, “At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). Gayunpaman, sa masusing pag-aaral ng Bibliya, ating makikita na sa karagdagan sa propesiya na ang Panginoon ay lantad na bababa mula sa mga ulap, mayroon ding mga propesiya na Siya ay darating ng lihim, tulad ng “Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). “Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15). “Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Pahayag 3:20). Kung ang tanging paraan na magbabalik ang Panginoon ay mula sa pagdating sa mga ulap ng lantad, kaya’t paano ang mga propesiya na “ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok” at “Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake!” ay matutupad? Alam nating lahat na ang Panginon ay matapat, kaya’t lahat ng Kanyang mga salita ay tiyak na magaganap. Itong 18-minutong parte ng pelikula na, Ganito Pala ang Pagbalik ng Panginoon, ay maglulutas sa ating mga pagdududa tungkol sa isyu.

 

 

"Pananabik" - Ganito Pala ang Pagbalik ng Panginoon

 

_________________________________________________________

 

Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?

Write a comment

Comments: 0