· 

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Paano Namumunga ang Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Panlulupig

 

Ang hakbang ng gawain ng mga taga-serbisyo ay ang unang hakbang ng gawain ng panlulupig; ito ang kasalukuyang ikalawang hakbang ng gawain ng panlulupig. Bakit tinatalakay ang pagkaperpekto sa gawain ng panlulupig? Pagtatayo ito ng isang saligan para sa hinaharap—ito ang kasalukuyang huling hakbang sa gawain ng panlulupig, at pagkatapos nito, ang mga tao ay sasailalim sa malaking kapighatian, at sa panahong iyon ang gawain na pagperpekto sa mga tao ay opisyal na magsisimula. Ang pangunahing bagay ngayon ay paglupig; gayunman, ito rin ang unang hakbang ng pagperpekto, pagperpekto sa pagkaunawa at pagkamasunurin ng mga tao, na syempre ay pagtatatag pa rin ng isang saligan para sa gawain ng panlulupig. Kung gusto mong maging perpekto, kailangan mong makapanindigan sa gitna ng kapighatian sa hinaharap at ilagay ang iyong buong lakas sa pagpapalawak sa susunod na hakbang ng gawain. Ito ay pagiging perpekto, at iyon ang punto kung kailan ang mga tao ay lubos na makakamit ng Diyos. Ang tinatalakay sa sandaling ito ay pagkalupig, na siya ring pagiging perpekto; gayunman, ang ginagawa sa ngayon ay ang saligan ng pagiging perpekto sa hinaharap. Upang gawing perpekto, ang mga tao ay kailangang makaranas ng kahirapan, at kailangang maranasan nila ito sa saligan ng pagkalupig. Kung hindi taglay ng mga tao ang kasalukuyang saligang ito, kung hindi sila lubusang nalupig, kung gayon magiging mahirap para sa kanila na makapanindigan sa susunod na hakbang ng gawain. Ang pagkalupig lamang ay hindi pagtatamo ng panghuling layunin—ito ay pagsaksi lamang para sa Diyos sa harap ni Satanas. Ang pagiging perpekto ay ang panghuling layunin, at kung hindi ka pa ginawang perpekto, kung gayon ikaw ay ibibilang na walang saysay. Sa pagsagupa sa kahirapan sa hinaharap, sa gayon lamang maaaring makita ang totoong tayog ng mga tao, iyon ay, ang totoong kadalisayan ng iyong pag-big sa Diyos ay makikita. Ngayon, sinasabi ng lahat ng mga tao: “Maging anuman ang gawin ng Diyos kami ay susunod, at kami ay nakahandang maging mga hambingan upang maipakita ang pagiging makapangyarihan ng Diyos at disposisyon ng Diyos. Hindi alintana kung ipagkaloob man Niya o hindi ang Kanyang biyaya sa amin o isumpa man Niya kami o hatulan kami, pasasalamatan namin Siya.” Ang pagsasabi mo nito ngayon ay isa lamang munting pagkaunawa, nguni’t kung ito ay maaaring gamitin sa realidad ay nakabatay sa kung ang iyong pagkaunawa ay tunay na makatotohanan. Na ngayon ay nakita at naunawaan na ng mga tao ang mga bagay na ito ay ang tagumpay ng gawain ng panlulupig; kung maaari ka mang gawing perpekto o hindi ay pangunahing makikita kapag dumating ang kahirapan sa iyo. Sa panahong iyon makikita kung mayroon o wala kang dalisay na pag-ibig sa iyong puso para sa Diyos, at kung mayroon ka talagang dalisay na pag-ibig para sa Kanya, sasabihin ninyong: “Kami ay mga hambingan lamang; kami ay mga nilikha sa mga kamay ng Diyos.” At kapag iyong ipalalaganap ang ebanghelyo sa mga bansang Gentil, iyong sasabihing: “Isa lamang akong taga-serbisyo at dahil sa aming tiwaling mga disposisyon kaya nagsalita nang marami sa amin ang Diyos kaya nakita namin ang Kanyang matuwid na disposisyon. Kung hindi sinabi ng Diyos ang gayong mga bagay hindi namin magagawang makita Siya, hindi namin matitikman ang Kanyang karunungan, at hindi kami makapagtatamo ng gayong kadakilang kaligtasan, ng gayong kalaking pagpapala.” Kung talagang pinanghahawakan mo ang gayong pananaw, kung gayon mainam ang iyong ginagawa. Nakapagsabi ka na ngayon nang biglaan ng napakaraming mga bagay at palagi mong isinisigaw ang mga sawikaing: “Kami’y mga hambingan at mga taga-serbisyo; kami ay nakahandang lupigin at maging maugong na mga saksi para sa Diyos ….” Hindi mo maaaring ipagsigawan lamang ang gayon at tapos na ito, na hindi nagpapatunay na ikaw ay isang tao na mayroong tayog. Kailangan mong magkaroon ng tunay na pagkaunawa, at ang iyong pagkaunawa ay kailangang subukin.

 

Balikan ang mga karanasan sa panahong ito at muling tumingin sa mga bagay na Aking sinabi kamakailan, at pagkatapos ay ihambing ang mga ito sa kung ano ang iyong ginagawa. Totoo talaga na ikaw ay isang lubos na hambingan! Anong antas ng pagkaunawa ang mayroon ka ngayon? Ang iyong mga ideya, mga saloobin, pag-uugali, ang iyong mga salita at mga pagkilos, ang lahat ng iyong isinasabuhay—hindi ba lahat ng mga ito ay isa lamang hambingan para sa pagkamatuwid at kabanalan ng Diyos? Hindi ba ang lahat ng ibinubunyag sa kasalukuyang mga salita ng Diyos ay tungkol sa tiwaling disposisyon ng sangkatauhan? Ang matuwid na disposisyon at kabanalan ng Diyos ay ipinakikita sa pamamagitan ng iyong mga ideya at iyong mga motibo, at sa pamamagitan ng kung ano ang iyong ibinubunyag. Siya, na naninirahan din sa lupaing marumi, ay hindi namantsahan ng dumi kahit kaunti. Siya ay naninirahan sa kaparehong maruming mundo kagaya mo, nguni’t nagtataglay Siya ng katwiran at pagkaunawa; kinasusuklaman Niya ang marumi. Ikaw mismo ay hindi magawang makita ang maruruming bagay sa iyong sariling mga salita at mga pagkilos nguni’t magagawa Niya—maipakikita Niya ang mga ito sa iyo. Yaong mga lumang bagay sa iyo—ang iyong kawalan ng paglinang, kaunawaan, at katinuan, ang iyong paurong na paraan ng pamumuhay—lahat ay natuklasan sa pamamagitan ng Kanyang paghahayag sa mga ito sa ngayon. Ang Diyos ay dumating sa lupa upang gumawa sa ganitong paraan, upang makita ng mga tao ang Kanyang kabanalan at Kanyang matuwid na disposisyon. Hinahatulan at kinakastigo ka Niya at ipinauunawa ang iyong sarili. May mga pagkakataon na lumilitaw ang iyong napakasamang kalikasan at maaari Niyang ipakita ito sa iyo. Nababatid Niya ang katuturan ng sangkatauhan kagaya ng likod ng Kanyang kamay. Namumuhay din Siyang kagaya ng ginagawa mo, kinakain ang pagkain kagaya ng kinakain mo, naninirahan sa kaparehong tahanan kagaya mo, subali’t mas marami Siyang nalalaman kaysa sa iyo. Nguni’t ang pinakakinamumuhian Niya ay ang mga pilosopiya sa buhay ng mga tao at ang kanilang kalikuan at panlilinlang. Kinamumuhian Niya ang mga bagay na ito at ayaw Niyang pansinin ang mga ito. Pangunahin Niyang kinamumuhian ang mga makalamang pakikihalubilo ng sangkatauhan. Bagama’t hindi Niya ganap na nauunawaan ang ilan sa pangkalahatang kaalaman ng mga pakikihalubilo ng mga tao, lubos Niyang nababatid kapag inihahayag ng mga tao ang ilan sa kanilang tiwaling disposisyon. Sa Kanyang gawain, nagsasalita Siya at tinuturuan ang mga tao sa pamamagitan ng mga bagay na ito sa kanila, at sa pamamagitan ng mga ito Niya hinahatulan ang mga tao at ibinubunyag ang Kanyang matuwid at banal na disposisyon. Sa ganitong paraan nagiging mga hambingan ang mga tao para sa Kanyang gawain. Tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang makapagbubunyag ng lahat ng uri ng mga tiwaling disposisyon ng sangkatauhan at lahat ng mga pangit na mukha ni Satanas. Hindi ka Niya pinarurusahan, gagawin ka lamang Niyang isang hambingan para sa kabanalan ng Diyos, at pagkatapos ay hindi ka makapaninindigan sa iyong sarili sapagka’t masyado kang marumi. Siya ay nagsasalita sa pamamagitan ng mga bagay na ibinubunyag ng mga tao at inihahayag Niya ang mga ito upang malaman ng mga tao kung gaano kabanal ang Diyos. Hindi Niya palalampasin maging ang katiting na dumi sa mga tao, hindi maging ang pinakamaliit na ideyang marumi sa kanilang mga puso o mga salita at mga pagkilos na hindi naaayon sa Kanyang kalooban. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, walang dumi sa kaninumang tao at bagay ang matitira—lahat ng ito ay mahahayag. Sa gayon mo lamang makikita na Siya ay tunay na naiiba mula sa mga tao. Siya ay lubos na nagagalit maging sa katiting na dumi sa sangkatauhan. May mga pagkakataon na hindi pa nauunawaan ng mga tao, at sinasabing: “O Diyos, bakit Ka laging galit? Bakit hindi Ka maunawain sa mga kahinaan ng sangkatauhan? Bakit wala Kang kaunting pagpapatawad para sa sangkatauhan? Bakit masyado Kang hindi maunawain sa tao? Nababatid Mo kung gaano katiwali ang mga tao, kaya bakit trinatrato Mo pa rin ang mga tao sa ganitong paraan?” Siya ay nasusuklam sa kasalanan; namumuhi Siya sa kasalanan. Partikular Siyang nasusuklam sa anumang pagiging mapanghimagsik na maaaring mayroon ka. Kapag naghahayag ka ng isang mapanghimagsik na disposisyon Siya ay nagagalit nang husto. Sa pamamagitan ng mga bagay na ito kaya ang Kanyang disposisyon at pagiging Diyos ay maipapahayag. Kapag inihambing mo ito sa iyong sarili, makikita mo na bagama’t kumakain Siya ng kaparehong pagkain, nagsusuot ng kaparehong pananamit, at mayroon Siyang kaparehong mga kagalakan kagaya ng sa mga tao, bagama’t nakikipamuhay Siya katabi at kasama ng sangkatauhan, hindi Siya pareho. Hindi ba ito ang talagang kahulugan ng pagiging isang hambingan? Sa pamamagitan ng mga bagay na ito sa mga tao kaya ang dakilang kapangyarihan ng Diyos ay nakikita nang napakalinaw; ang kadiliman ang nagtakda sa napakahalagang pag-iral ng liwanag.

 

Syempre hindi Niya sinadyang gamitin kayo bilang isang hambingan, nguni’t nang ang gawaing ito ay nagpakita ng mga resulta, ipinakikita nito ang pagiging mapanghimagsik ng sangkatauhan bilang isang hambingan para sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Dahil kayo ay gumanap bilang mga hambingan kaya mayroon kayong pagkakataon upang malaman ang likas na pagpapahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Dahil sa inyong sariling pagiging mapanghimagsik kaya kayo ay isinailalim sa paghatol at sa pagkastigo, nguni’t dahil din sa inyong pagiging mapanghimagsik kaya kayo gumanap bilang mga hambingan at nakamit ang napakalaking biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa inyo. Ang inyong pagiging mapanghimagsik ang siyang hambingan para sa pagiging makapangyarihan sa lahat at karunungan ng Diyos, at dahil dito kaya ninyo natamo ang gayong kadakilang kaligtasan, ang gayong kalaking pagpapala. Bagama’t paulit-ulit ninyong tinanggap ang Aking paghatol, nagtamo din kayo ng dakilang kaligtasan na hindi natanggap kailanman ng mga nauna sa inyo. Ang gawaing ito ay totoong makahulugan para sa inyo. Ang “hambingan” na ito ay talagang masyadong mahalaga para sa inyo—dahil sa pagganap bilang mga hambingan kaya ninyo natamo ang kaligtasan at biyaya. Hindi ba napakahalaga ng pagiging ganitong uri ng hambingan? Hindi ba ito totoong napakamakahulugan? Dahil sa kayo ay nakatira sa kaparehong kaharian ng Diyos, sapagka’t nabubuhay kayong kasama Niya sa lupaing marumi na ito na kayo ay naging Kanyang mga hambingan at nagkamit ng gayong kahanga-hangang kaligtasan. Kung hindi Siya naging tao, sino ang mahahabag sa inyo, at sino ang kakalinga sa inyong mga abang tao? Sino ang magmamalasakit sa inyo? Kung ang Diyos na nagkatawang tao ay hindi gumawa sa gitna ninyo, hanggang saan ninyo magagawang makamit ang kaligtasang ito na hindi kailanman tinaglay ng sinuman noong una? Kung hindi Ako naging tao upang magmalasakit sa inyo at upang hatulan ang inyong mga kasalanan, hindi ba matagal na panahon na kayong nahulog sa Hades? Kung hindi Ako naging tao upang ibaba ang Aking Sarili sa gitna ninyo, anong karapatan ang matataglay ninyo upang maging isang hambingan para sa matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba gumaganap kayo bilang mga hambingan sapagka’t Ako ay naging tao sa gitna ninyo upang makapagkamit kayo ng gayong kadakilang kaligtasan? At hindi ba iyon lubusang dahil sa Ako ay naging tao? Kung hindi sa pakikipamuhay ng Diyos na nagkatawang-tao sa gitna ninyo, magagawa ba ninyong matuklasan na kayo ay nabubuhay sa isang impiyerno sa lupa, na mas malala kaysa sa isang baboy o isang aso? Hindi ba ang paghatol at pagkastigo na inyong natamo ay dahil kayo ay mga hambingan para sa Aking gawain sa katawang-tao? Ang gawain ng pagiging hambingan ay talagang angkop para sa inyo sapagka’t inyong natamo ang pagliligtas ng paghatol ng Diyos dahil dito. Hindi ba ninyo nadarama na pagpapala sa inyong buhay na makaganap kayo bilang isang karapat-dapat na hambingan? Lahat ng inyong ginawa ay ang gawain ng pagiging mga hambingan, nguni’t nagkamit kayo ng kaligtasan na kailanman ay hindi kayo nagkaroon o inisip noong nakaraan. Ang pagiging isang hambingan ay ang inyong tungkulin ngayon, at ang walang hanggang mga pagpapala na inyong matatamasa sa hinaharap ang magiging gantimpala na nararapat sa inyo. Ang kaligtasang inyong natamo ay hindi panandaliang pagkaunawa o kaalaman sa kasalukuyan, nguni’t ito ay higit na dakilang pagpapala, isang walang hanggang pagpapatuloy ng buhay. Bagama’t sa pamamagitan ng pagiging isang hambingan kaya kayo nilupig, dapat ninyong malaman na ang kaligtasang ito, ang pagpapalang ito ay lubusang para makamit kayo; ito ay paglupig at gayundin upang mas mahusay kayong mailigtas. Ang pagiging hambingan ay isang katotohanan, nguni’t dahil sa inyong pagiging mapanghimagsik kaya kayo ay mga hambingan at nakamit ang mga pagpapala na walang sinumang nakakamit kailanman. Ngayon nakakikita kayo at nakaririnig, at bukas kayo ay magkakamit, at makatatanggap ng higit na malalaking biyaya. Kaya hindi ba ang pagiging ganitong uri ng hambingan ang pinakamahalagang bagay? Sa pamamagitan ng paghahambing sa inyong mga mapanghimagsik na disposisyon kaya ang kasalukuyang gawain ng panlulupig ay nagbubunga, iyon ay, ang rurok ng ikalawang pagkastigo at paghatol ay upang gawin ang inyong karumihan at pagiging mapanghimagsik na isang hambingan para makita ninyo ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Kung kayo ay muling magiging masunurin sa ikalawang pagkastigo at paghatol, ang Kanyang kabuuang matuwid na disposisyon ay lantarang mabubunyag sa inyo. Iyon ay, ang panahon ng pagwakas ng inyong pagsailalim sa gawain ng panlulupig ay kapag inyo nang natupad ang inyong tungkulin bilang pagiging isang hambingan. Hindi ito sinadyang pagsasampal ng bansag sa inyo, nguni’t ito ay pagkumpleto sa unang gawain ng paglupig sa pamamagitan ng inyong papel bilang mga taga-serbisyo, ibinubunyag ang matuwid, di-naaagrabyadong disposisyon ng Diyos. Sa inyong pagganap bilang isang hambingan, sa inyong pagiging mapanghimagsik bilang isang hambingan, ang mga bunga ng ikalawang gawain ng panlulupig ay natamo. Ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi ganap na nabunyag sa inyo noong una ay nabuksan sa inyo ngayon upang makita ninyo ang Kanyang kabuuang matuwid na disposisyon, makita ang lahat ng kung ano Siya, na siyang karunungan at pagiging kamangha-mangha ng Kanyang gawain, ang Kanyang kabanalan at kadalisayan. Ang mga bungang ito ng Kanyang gawain ay natamo sa pamamagitan ng iba’t ibang mga panahon ng paglupig gayundin ng magkakaibang antas ng paghatol. Habang lalong naaabot ng Kanyang paghatol ang rurok nito, lalong mas nahahayag Niya ang pagiging mapanghimagsik ng disposisyon ng mga tao at lalong nagagawa Niyang makamit ang resulta ng paglupig. Ang lahat ng Kanyang matuwid na disposisyon ay nabubunyag mula sa gitna ng ganitong uri ng gawaing paglupig. Ang gawain ng panlulupig ay pinaghiwalay sa dalawang mga hakbang na ipinatutupad sa iba’t ibang mga panahon at sa magkakaibang mga antas. At syempre ang mga resulta na natatamo ay magkakaiba rin; iyon ay, ang antas ng pagiging masunurin ng mga tao ay lalong lumalalim. Mula sa puntong ito magiging possible na sa wakas na dalhin ang mga tao sa tamang landas ng pagpeperpekto. Pagkatapos na ang lahat ng gawain ng panlulupig ay makumpleto (kapag natamo na ng ikalawang paghatol ang pinakahuli nitong mga resulta) sa wakas hindi na hahatulan ng Diyos ang mga tao, nguni’t papapasukin sila sa tamang landas ng pagdanas ng buhay. Ito ay sapagka’t kinakatawan ng paghatol ang paglupig, at ang uri ng paglupig ay paghatol at pagkastigo.

 

Sa pamamagitan lamang ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa pinakamaralita at pinakamaruming lugar na maaari Niyang ibunyag ang kabuuan ng Kanyang banal at matuwid na disposisyon. At sa paanong paraan binubunyag ang Kanyang matuwid na disposisyon? Sa pamamagitan ng paghatol sa mga kasalanan ng mga tao, paghatol kay Satanas, pagkasuklam sa mga kasalanan, at pagkamuhi sa Kanyang mga kaaway na naghihimagsik at kumakalaban sa Kanya. Ang Aking sinasabi sa kasalukuyan ay upang hatulan ang mga kasalanan ng mga tao at ang kanilang pagiging hindi matuwid; iyon ay pagsumpa sa pagiging mapanghimagsik ng mga tao. Ang kanilang panlilinlang at kabuktutan, at kanilang mga salita at mga pagkilos, lahat ng bagay na hindi naaayon sa Kanyang kalooban ay sasailalim sa paghatol, at ang pagiging mapanghimagsik ng mga tao ay tinukoy na makasalanan. Siya ay nagsasalita alinsunod sa mga panuntunan ng paghatol, at ibinubunyag Niya ang Kanyang matuwid na disposisyon sa pamamagitan ng paghatol sa kanilang pagiging hindi matuwid, pagsumpa sa kanilang pagiging mapanghimagsik, at pagbunyag sa lahat ng kanilang mga pangit na mukha. Kinakatawan ng Kanyang kabanalan ang Kanyang matuwid na disposisyon; sa katunayan ang Kanyang kabanalan ay ang Kanyang matuwid na disposisyon. Ang pinagmumulan ng Aking mga salita sa kasalukuyan ay pagsasalita, paghatol, ang paggawa ng gawain ng panlulupig batay sa inyong tiwaling mga disposisyon. Ito lamang ang totoong gawain, at ito lamang ang makapaglalagay sa kabanalan ng Diyos sa kapahingaan. Kung hindi ka nagkaroon kailanman ng tiwaling disposisyon, hindi ka hahatulan ng Diyos, hindi mo rin magagawang makita ang Kanyang matuwid na disposisyon. At dahil ikaw ay mayroong isang tiwaling disposisyon, hindi ka pakakawalan ng Diyos. Sa pamamagitan nito na nabubunyag ang Kanyang kabanalan. Kung ang karumihan at ang pagiging mapanghimagsik ng tao ay masyadong matindi at nakita Niya ito nguni’t hindi Siya umimik at hindi ka hinatulan o kinastigo ka para sa iyong pagiging hindi matuwid, ipakikita nito na hindi Siya Diyos kailanman sapagka’t hindi Niya kinamumuhian ang kasalanan, nguni’t Siya ay magiging marumi lamang kagaya ng sangkatauhan. Ang Aking paghatol sa iyo sa kasalukuyan ay dahil sa iyong karumihan; Ang Aking pagkastigo sa iyo sa kasalukuyan ay dahil sa iyong katiwalian at pagiging mapanghimagsik. Hindi ito upang magpakita ng kapangyarihan at karangalan sa gitna ninyo o sadyaing sindakin kayo, nguni’t dahil kayo na naninirahan sa isang lupaing marumi ay nadungisan ng napakaraming karumihan. Basta na lamang ninyo nawala ang inyong karangalan, ang inyong pagkatao, at hindi kayo naiiba sa baboy na naninirahan sa pinakamababahong mga lugar. Dahil sa mga bagay na ito sa inyo kaya kayo hinahatulan at kaya ang Kanyang matinding galit ay dumadalaw sa gitna ninyo. Dahil sa mga paghatol na ito kaya ninyo nakita na ang Diyos ay isang matuwid na Diyos, na ang Diyos ang banal na Diyos. Dahil sa Kanyang kabanalan at katuwiran kaya Niya kayo nahatulan at kaya Siya nagalit sa inyo. Dahil maaari Niyang ihayag ang Kanyang matuwid na disposisyon kapag nakikita Niya ang pagkasuwail ng sangkatauhan, at dahil maaari Niyang ihayag ang Kanyang kabanalan kapag nakikita Niya ang karumihan ng sangkatauhan, sapat ito para ipakita na Siya ang Diyos Mismo na banal at walang dungis, ngunit isinilang din sa isang maruming lupain. Kung Siya ay naging isang taong dinudungisan ang sarili pati na ang iba at kung wala Siyang anumang mga elemento ng kabanalan o matuwid na disposisyon, hindi Siya magiging karapat-dapat na humatol sa kasamaan ng sangkatauhan o maging hukom ng sangkatauhan. Kung hahatulan ng tao ang tao, hindi ba parang pagsampal sa sarili nilang mukha, na kasindumi nila? Ang Isang tanging makakahatol sa lahat ng maruming sangkatauhan ay ang banal na Diyos Mismo, at paano mahahatulan ng tao ang mga kasalanan ng tao? Paano makakaya ng tao na makita ang mga kasalanan ng tao, at paano sila magiging karapat-dapat na parusahan ang tao? Kung walang karapatan ang Diyos na hatulan ang mga kasalanan ng tao, paano Siya naging matuwid na Diyos Mismo? Kapag nabunyag ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, nagsasalita Siya upang hatulan sila, at saka lamang nila makikita na Siya ay banal. Ang paghatol, pagkastigo, at pagbubunyag ng mga kasalanan ng sangkatauhan—walang isa mang tao o bagay ang makaliligtas sa paghatol na ito. Ang lahat ng marumi ay Kanyang hahatulan. Tanging sa pamamagitan nito kaya ang Kanyang disposisyon ay masasabing matuwid. Kung hindi, paano masasabing karapat-dapat kayong tawaging mga hambingan?

 

Ang gawaing ginawa sa Israel ay lubhang naiiba mula sa kasalukuyang gawain. Ginabayan ni Jehova ang kanilang mga buhay nguni’t hindi gaanong hinatulan o kinastigo nang kagaya ng kung ano ang ginagawa sa ngayon sapagka’t sa panahong iyon, masyadong kaunti ang nalalaman ng mga tao ukol sa mga bagay sa mundo at mayroong kaunting mga tiwaling disposisyon. Sa panahong iyon, ang mga Israelita ay masunurin kay Jehova sa lahat ng paraan. Kung pagpapatayuin Niya sila ng mga dambana magkukumahog sila sa paggawa nito, at kung papagsusuotin sila ng mga damit ng mga pari sila ay susunod. Sa panahong iyon si Jehova ay para lamang pastol nila na pinapastol ang isang kawan ng mga tupa sa lupa, at sumusunod lahat ng mga tupa kung saan dadalhin ng pastol upang kumain ng damo sa pastulan. Ginabayan ni Jehova ang kanilang mga buhay; Siya ang gabay para sa kanilang pagkain, kasuotan, masisilungan, at transportasyon. Hindi yaon ang panahon para sa pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos sapagka’t ang mga tao sa panahong iyon ay mga bagong panganak, at mayroong kakaunting mga tao na mga mapanghimagsik o lumalaban, at sila ay hindi gaanong marungis. Kaya hindi sila maaaring maging mga hambingan para sa disposisyon ng Diyos. Ang kabanalan ng Diyos ay ibinubunyag sa mga tao sa isang lupaing marumi. At ngayon ang mga taong ito sa lupain ng karumihan ay ibinubunyag ang kanilang karumihan, at susunod hahatol ang Diyos. Sa ganitong paraan, kung ano Siya ay lahat ipinahayag sa Kanyang paghatol. At bakit Siya humahatol? Sapagka’t Siya ay nagagalit sa kasalanan, at kaya nagagawa Niyang magbigay ng mga salita ng paghatol. Kung hindi Siya nagagalit sa pagiging mapanghimagsik ng sangkatauhan, Siya ba ay mapopoot? Kung walang pagkagalit, walang pagkayamot sa loob Niya, kung ang mga tao ay mapanghimagsik nguni’t hindi Niya pinansin, ipakikita niyon na Siya ay kasingdumi lamang ng sangkatauhan. Ang dahilan kaya nagagawa Niyang hatulan at kastiguhin ang sangkatauhan ay dahil nagagalit Siya sa karumihan. Ang lahat ng bagay na Kanyang ikinagagalit ay kung ano ang hindi Niya taglay sa Sarili Niya. Kung Siya ay mayroon ding paglaban at pagiging mapanghimagsik sa loob ng Sarili Niya, hindi Siya magagalit sa mga lumalaban at mapanghimagsik mga tao. Kung ang Kanyang gawain sa mga huling araw ay ginagawa pa rin sa Israel ni hindi ito magkakaroon ng kabuluhan. Bakit ang gawain sa mga huling araw ay isinasagawa sa Tsina, ang pinakamadilim, ang pinakaaba sa mga lugar? Ito ay upang ibunyag ang kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos. Sa madaling sabi, mas madilim ang isang lugar mas nabubunyag ang Kanyang kabanalan. Ang katotohanan ay na ang paggawa sa lahat ng ito ay para sa kapakanan ng gawain ng Diyos. Ngayon lamang ninyo nalalaman na ang Diyos sa langit ay bumaba sa lupa at tumatayo sa gitna ninyo, at Siya ay namukod-tangi sa inyong karumihan at pagka-mapanghimagsik, kaya nagsimula na kayong magkaroon ng isang pagkaunawa sa Diyos—hindi ba ito isang malaking pagpapatibay? Ang totoo kayo ay isang grupo ng mga piniling tao sa Tsina, at sapagka’t ang mga taong ito ay pinili at natamasa ang biyaya ng Diyos, at sapagka’t ang mga taong ito ay hindi karapat-dapat magtamasa sa Kanyang biyaya, ipinakikita nito na ang lahat ng mga ito ay isang malaking pagpapatibay para sa inyo. Ibinunyag ng Diyos ang Sarili Niya at ang Kanyang kabuuang banal na disposisyon sa inyo, at ipinagkaloob Niya ang lahat ng iyon sa inyo, nagtutulot sa inyo na tamasahin ang maraming mga pagpapala. Hindi lamang ninyo natikman ang Kanyang matuwid na disposisyon, nguni’t higit na mahalaga, natikman ninyo ang Kanyang pagliligtas gayundin ang Kanyang pagtubos at walang hanggang pag-ibig, upang kayo. Kayo, ang pinakamaruruming tao, ay tumanggap ng gayong kalaking biyaya—hindi ba ito pagiging pinagpala? Hindi ba ito pagtataas ng Diyos? Kayo ang nasa pinakamabang katayuan at hindi kayo karapat-dapat sa gayong kalaking pagpapala, nguni’t itinaas ka ng Diyos kahit ganoon. Hindi ka ba nakadarama ng hiya? Kung hindi mo matupad ang iyong tungkulin, sa bandang huli lubos mong ikahihiya ang iyong sarili. Kakastiguhin mo ang iyong sarili. Hindi ka Niya dinidisiplina o pinarurusahan sa kasalukuyan; ang iyong laman ay nasa ligtas na kalagayan, nguni’t sa bandang huli magdadala sa iyo ng kahihiyan ang Kanyang mga salita para sa iyong sarili. Hanggang sa ngayon hindi Ko pa lantarang kinastigo ang sinuman. Nakapagsalita Ako nang matindi, nguni’t paano Ako nakitungo sa mga tao? Ako ay naging mapagkalinga, Aking pinagpayuhan sila, at Akin din silang binalaan. Ito ay para sa layunin na walang iba kundi ang iligtas kayo. Maaari kayang hindi ninyo talaga nauunawaan ang Aking layunin? Kapag sinasabi Ko ito lahat kayo dapat ay makaunawa at dapat kayong mapukaw sa mga salitang ito. Marami na ang sa wakas ay malinaw ukol rito sa ngayon: Ang pagpapala bang ito ay hindi nakukuha sa pamamagitan ng pagkilos bilang isang hambingan? Hindi ba ang pagiging isang hambingan ang pinakapinagpala sa lahat ng mga bagay? Sa bandang huli, kapag ipinalaganap ninyo ang ebanghelyo sasabihin ninyo: “Kami’y mga pangkaraniwang hambingan.” Tatanungin ka nila: “Ano ang kahulugan ng pagiging isang hambingan?” At sa gayon ay iyong sasabihin: “Tumutukoy ang mga iyon sa amin na nagsisilbi bilang isang hambingan para sa gawain ng Diyos at kapangyarihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng aming pagiging mapanghimagsik kaya kami ay naglilingkod bilang isang hambingan para sa lahat ng Kanyang matuwid na disposisyon. Kami ang nagsisilbing mga bagay at mga karagdagan para sa panghuling gawain ng Diyos—kami ay mga kasangkapan.” Kapag narinig nila ang ganyan, maiintriga sila. Pagkatapos ay sasabihin mong: “Kami rin ay mga halimbawa at mga modelo para sa Kanyang pagkumpleto sa gawain ng buong daigdig, at ang paglupig sa lahat ng sangkatauhan. Hindi alintana kung kami man ay banal o marumi, kami ay higit na pinagpala kaysa sa inyo, dahil nakita namin ang Diyos. Ang kapangyarihan ng Diyos ay itinakda sa pamamagitan ng pagkakataon ng Kanyang paglupig sa amin, at dahil sa aming karumihan at katiwalian na ang Kanyang matuwid na disposisyon ay itinakda. May kakayahan ba kayong sumaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw? Wala kayong karapatan! Kami lamang ito na Kanyang pinasigla! Bagama’t hindi kami arogante, ipinagmamalaki naming purihin ang Diyos sapagka’t walang sinuman ang maaaring kayanin ang gayong kalaking pangako, at walang sinuman ang makatatamasa sa gayong kalaking pagpapala. Ito ay isang hiwaga na ang gayong karuming mga tao ay talagang makakayang gawin ang gawain ng mga hambingan sa pamamahala ng Diyos, at kami ay tunay na walang masasabi kundi ang magpasalamat.” Itatanong nila: “Kung gayon, ano ang isang halimbawa at modelo?” At sasabihin mo: “Kami ang pinakamapanghimagsik sa lahat ng sangkatauhan at kami ang pinakamarumi. Kami yaong mga ginawang tiwali nang husto ni Satanas at pinakaaba at pinakamababa ang uri sa mga tao na nabibilang sa laman. Kami ang karaniwang pagsasalarawan sa pagiging ginamit ni Satanas. Kami ngayon ay pinili ng Diyos para maging yaong mga unang nilupig sa gitna ng sangkatauhan. Nakita namin ang matuwid na disposisyon ng Diyos, namana namin ang Kanyang pangako, at lulupigin Niya ang mas maraming mga tao sa pamamagitan namin. Kaya kami ang mga halimbawa at mga modelo para sa kanilang mga nilupig sa gitna ng sangkatauhan.” Ito ang iyong pinakamahusay na pagsaksi, at ito ang iyong pinakamahusay na karanasan.

 

Pinagmumulan: https://tl.kingdomsalvation.org/work-of-conquest.html 

 

Write a comment

Comments: 0