· 

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos| Mga Salita para sa mga Kabataan at Matatanda

 Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos| Mga Salita para sa mga Kabataan at Matatanda

 

Natutupad Ko ang napakaraming gawa sa mundo at nakapaglalakad sa gitna na sangkatauhan sa loob ng napakaraming taon. Ngunit madalang na mayroong kaalaman ang mga tao sa Aking larawan at Aking disposisyon, at kakaunting tao ang kayang maipaliwanag nang lubos ang gawain na Aking ginagawa. Labis na nagkukulang ang mga tao, palagi silang nagkukulang sa pag-unawa ng Aking ginagawa, at palaging alerto ang kanilang mga puso na para bang malalim nilang kinatatakutan na dadalhin Ko sila sa isa pang sitwasyon at pagkatapos hindi na sila papansinin. Sa gayon, palaging walang sigla na may kasamang malaking pag-iingat ang saloobin ng mga tao tungo sa Akin. Ito ay sapagkat ang mga tao ay nakakarating sa kasalukuyan na walang pagkaunawa sa gawain na ginagawa Ko, at sila ay partikular na natataranta sa mga salita na winiwika Ko sa kanila. Dinadala nila ang Aking mga salita sa kanilang mga kamay, na hindi alam kung dapat ba silang nakatutok sa paniniwalang ito o kung dapat nilang kalimutan ang mga ito nang walang katiyakan. Hindi nila alam kung dapat nilang isagawa ang mga ito, o kung dapat silang maghintay at tumingin. Hindi nila alam kung dapat nilang isantabi ang lahat at matapang na sumunod, o kung dapat nilang ipagpatuloy ang pagiging palakaibigan sa mundo kagaya ng dati. Masyadong kumplikado ang mga panloob na mundo ng mga tao, at masyado silang tuso. Dahil hindi kayang makita nang malinaw ng mga tao ang Aking mga salita at hindi nila kayang makita ang mga iyon nang buo, marami sa kanila ang nahihirapang isagawa ang mga iyon, at nahihirapang ialay ang kanilang puso sa Aking harapan. Malalim Kong nauunawaan ang inyong mga paghihirap. Maraming kahinaan ang hindi maiiwasan kapag namumuhay sa loob ng laman, at maraming obhektibong mga kadahilanan ang nagdadala sa inyong mga kahirapan. Pinapakain ninyo ang inyong pamilya, ginugugol ang inyong mga araw sa pagtatrabaho nang mabuti, at lumilipas ang oras nang mahirap. Mayroong maraming paghihirap sa pamumuhay sa laman-hindi Ko ito ikinakaila, at siyempre ang mga kinakailangan Ko mula sa inyo ay alinsunod sa inyong mga paghihirap. Nakabatay sa inyong aktuwal na tayog ang lahat ng kinakailangan sa gawain na Aking ginagawa. Marahil nang nagtatrabaho ang mga tao noong nakaraan nahahaluan ng mga elemento ng kalabisan ang mga hinihingi nila sa inyo, ngunit dapat ninyong malaman na hindi Ako kailanman nagkaroon nang sobra-sobrang kinakailangan mula sa inyo sa anumang Aking sinasabi at ginagawa. Hinihingi ang lahat ng ito batay sa kalikasan at laman ng mga tao, at kung ano ang kanilang kailangan. Dapat ninyong malaman, at kaya Kong sabihin nang napakalinaw sa inyo, na hindi Ko sinasalungat ang ilang makatwirang pag-iisip ng mga tao at ang kanilang orihinal na kalikasan. Dahil lamang ito sa hindi nauunawaan ng mga tao kung ano talaga ang pamantayan ng Aking mga hiningi sa kanila, at ni hindi nila nauunawaan ang orihinal na kahulugan ng Aking mga salita na magpasahanggang ngayon, naghihinala pa rin ang mga tao sa Aking mga salita, at mas mababa pa sa kalahati ng mga tao ang naniniwala sa Aking mga salita. Ang mga hindi naniniwala ang natitira, at mas higit pa ang mga yaong nais na marinig Akong “nagkukuwento.” Higit pa rito, mayroong maraming nakikita ito bilang aliwan. Binabalaan Ko kayo: Nabuksan na sa mga naniniwala sa Akin ang marami sa Aking mga salita, at yaong mga nagtatamasa ng magandang tanawin ng kaharian ngunit napagsarhan na ng tarangkahan nito ay naalis Ko na. Hindi ba kayo isang masamang damo lamang na kinasusuklaman at tinatanggihan Ko? Paano ninyo Ako maihahatid at pagkatapos masayang tatanggapin ang Aking pagbalik? Sinasabi Ko sa inyo, matapos na marinig ng mga tao mula sa Nineve ang mga galit na salita ni Jehova, agad silang nagsisi sa mga tela ng sako at mga abo. Ito ay dahil sa naniwala sila sa Kanyang salita na sila ay puno ng takot at pangamba at nagsisi sila sa mga tela ng sako at mga abo. At bagaman ang mga tao sa kasalukuyan ay naniniwala rin sa Aking mga salita at higit pang naniniwala na si Jehova ay pumaparitong muli sa gitna ninyo ngayon, ang inyong saloobin ay wala kundi kawalang-pitagan, na para bang inoobserbahan lang si Jesus na ipinanganak sa Judea ilang libong taon na ang nakalipas at ngayon ay bumababa sa gitna ninyo. Malalim Kong nauunawaan ang pagiging mapanlilinlang na umiiral sa loob ng inyong mga puso; sumusunod sa Akin ang karamihan sa inyo dahil sa pagkamausisa at naparito upang hanapin Ako dahil sa kahungkagan. Kapag basag-basag na ang inyong ikatlong hiling—para sa isang mapayapa at masayang buhay—mapapawi rin ang inyong pagkamausisa. Nailalantad sa pamamagitan ng inyong mga salita at mga gawa ang pagiging mapanlinlang na umiiral sa bawat isa sa inyong mga puso. Sa deretsahang pagsasalita, nag-uusisa lamang kayo tungkol sa Akin, hindi natatakot; wala kayong pakialam sa inyong mga dila, at hindi nga ninyo kinokontrol ang inyong pag-uugali kahit kaunti. Kung gayon, paano ba talaga ang inyong pananampalataya? Tunay ba ito? Ginagamit lamang ninyo ang Aking mga salita upang iwaksi ang inyong mga pag-aalala at upang pagaanin ang inyong pagkabagot, upang punan ang mga natitirang hungkag na mga espasyo sa iyong buhay. Sino sa inyo ang isinasagawa ang mga iyon? Sino ang may dalisay na pananampalataya? Patuloy ninyong isinisigaw na ang Diyos ay ang Diyos na nakakakita sa kailaliman ng puso ng mga tao, ngunit paanong kaayon sa Akin ang Diyos na inyong ipinagsisigawan sa inyong mga puso? Dahil sumisigaw kayo gaya nito, kung gayon bakit kayo kumikilos nang ganyan? Maaari ba na ang pag-ibig na ito ang nais ninyong ibayad sa Akin? Walang maliit na halaga ng dedikasyon sa inyong mga labi, ngunit nasaan ang inyong mga sakripisyo, at ang inyong mabubuting gawa? Kung hindi dahil sa inyong mga salita na nakararating sa Aking mga tainga, paano Ko kayo maaaring kamuhian nang labis? Kung tunay kayong naniwala sa Akin, paano kayo mahuhulog sa ganoong balisang kalagayan? Mayroon kayong nalulumbay na hitsura sa inyong mga mukha na para bang nasa Hades kayo na nasa paglilitis. Wala kayong anumang sigla, at mahina kayong nagsasalita tungkol sa inyong panloob na boses; puno pa nga kayo ng mga reklamo at mga sumpa. Nawalan kayo ng tiwala sa kung ano ang ginagawa Ko noon pa at naglalaho kahit ang inyong orihinal na pagtitiwala, kung gayon paano kaya kayo posibleng makakasunod hanggang sa huli? Paano kayo maaaring mailigtas sa ganitong paraan?

 

Kahit na labis na nakakatulong ang Aking gawain sa inyo, laging nawawala sa inyo ang Aking mga salita at balewala sa inyo. Mahirap na humanap ng isang bagay upang gawin Kong perpekto at ngayon muntik na Akong mawalan ng pag-asa sa inyo. Sa loob ng maraming taon naghahanap Ako sa gitna ninyo ngunit mahirap humanap ng isang pinagtitiwalaan. Nararamdaman Kong para bang wala Akong kumpiyansa na magpatuloy gumawa sa inyo, at wala nang pagmamahal na magpatuloy na mahalin kayo. Dahil ito sa matagal na Akong nasusuya sa mga ganoong maliliit, nakakahabag na mga nagawa ninyo; para bang hindi pa Ako nakapagsalita sa inyo at hindi nakagawa sa inyo. Masyadong nakakasuka ang inyong mga nagawa—lagi kayong sinisiraan at halos walang halaga. Mahihirapan Akong hanapin ang wangis ng isang tao sa inyo o maamoy ang samyo ng isang tao. Nasaan ang inyong sariwang amoy? Nasaan ang halaga na inyong binayaran sa loob ng maraming taon, at nasaan ang mga resulta? Hindi pa ba ninyo natatagpuan ito kailanman? Mayroon nang simula ang Aking gawain ngayon, isang bagong simula. Isasagawa Ko ang Aking mga engrandeng plano at nais Kong paunlarin kahit higit pang gawain, ngunit lumulublob pa rin kayo sa putik gaya ng dati, naninirahan sa maruruming tubig ng nakaraan, at halos hindi na naitatakwil ang inyong orihinal na mabigat na suliranin. Kung gayon, hindi pa rin kayo nakakatamo ng anuman mula sa Aking mga salita. Hindi pa rin ninyo naitatakwil ang inyong orihinal na lugar ng putik at maruming tubig, at alam lamang ninyo ang Aking mga salita, ngunit sa katunayan hindi kayo pumapasok sa kinasasaklawan ng kalayaan ng Aking mga salita, kaya hindi kailanman nabuksan ang Aking mga salita sa inyo, at para silang isang aklat ng propesiya na selyado sa loob ng ilang libong taon. Nagpapakita Ako sa inyo sa inyong mga buhay ngunit palagi kayong walang malay at hindi pati ninyo Ako namumukhaan. Halos kalahati ng mga salitang Aking sinasabi ay paghatol sa inyo, at kalahati sa mga ito ang epektibo kung kaya kayong lahat ay hinihimok sa pagkagambala. Ang natitirang kalahati ay mga salita upang turuan kayo tungkol sa buhay at kung paano dalhin ang inyong mga sarili, ngunit para bang hindi umiiral ang mga ito para sa inyo, at para bang nakikinig kayo sa mga salita ng mga naglalarong bata, kung saan palagi kayong nagbibigay ng isang nakakubling ngiti, at saka walang nagagawa. Hindi kayo kailanman nagkaroon ng malasakit tungkol sa ganitong mga bagay; palagi ninyong naoobserbahan ang Aking mga kilos dahil sa inyong pagkamausisa kaya ngayon nahuhulog na kayo sa kadiliman at hindi na kayang makita ang liwanag—umiiyak kayo nang nakahahabag sa kadiliman. Ang nais Ko ay ang inyong pagkamasunurin, ang inyong walang-pasubaling pagkamasunurin at higit pa rito, kinakailangan Ko na kayo ay maging ganap na tiyak sa lahat ng sinasabi Ko. Dapat hindi ninyo kupkupin ang isang saloobin ng pagpapabaya at partikular na hindi ninyo makayanan ito nang may pagpili, hindi na kailangang sabihin pa na palagi kayong walang malasakit tungo sa Aking mga salita at Aking gawain. Naisasakatuparan ang Aking gawain sa inyong gitna at nagbibigay Ako ng marami sa Aking mga salita sa inyo, ngunit kapag pinaglaruan ninyo Ako sa ganitong paraan, maibibigay Ko lamang ang siyang hindi ninyo nakukuha at hindi naisasagawa sa mga pamilyang Gentil. Ano sa mga nilikha ang wala sa Aking mga kamay? Mula sa “pinakamatandang edad” ang karamihan sa inyo at wala kayong lakas na tanggapin ang ganitong uri ng Aking gawain. Para kayong isang ibong Hanhao,[a] halos nakakaraos lang sa buhay, at kailanma’y hindi ninyo sineryoso ang Aking mga salita. Ang mga kabataan ay labis na walang kabuluhan at labis na mapagbigay at lalong walang pakialam sa Aking gawain. Hindi nila ramdam na makisaya sa masasarap na pagkain sa Aking piging; para silang isang munting ibon na lumipad palabas ng kulungan nito upang magtungo sa malayo. Paanong magiging kapaki-pakinabang sa Akin ang mga ganitong uri ng mga kabataan at matatanda? Handa nang gamitin ng mga nasa matandang edad ang Aking mga salita bilang isang pensiyon hanggang sila’y nasa kanila nang mga puntod, kaya nga matapos nilang mamatay, maaari nang umakyat ang kanilang mga kaluluwa sa langit, at sapat na iyon. Iyan ang dahilan kung bakit sa ngayon, pinapahalagahan nila ang isang “dakilang hangarin” at “lubhang nagtitiwala.” Kahit na puno sila ng pasensiya para sa Aking gawain, at sila ay matuwid at hindi matigas ang ulo gaya ng espiritu ng isang matandang ginoo na hindi makakaladkad palayo o matatalo ng sinuman o ng anumang bagay lamang tulad ng isang hindi matitibag na moog, hindi ba puno ng mapamahiing espiritu ng isang bangkay ang pananampalataya ng mga taong ito? Saan ang kanilang daanan? Para sa kanila, hindi ba masyadong mahaba ang kanilang daanan, masyadong malayo? Paano nila malalaman ang Aking kalooban? Kahit na kapuri-puri pa ang kanilang kumpiyansa, ilan sa nakatatandang ito ang hindi sumusunod sa paraang nakalilito ngunit ipinagpapatuloy lang ang buhay? Ilan ang tunay na nakauunawa ng tunay na kahalagahan ng Aking gawain? Kaninong layon ang hindi ganoon upang maaaring masundan nila Ako sa mundong ito ngayon, at hindi bababa sa Hades sa malapit na hinaharap ngunit madadala Ko sa isa pang kinasasaklawan? Naiisip ba ninyo na isang simpleng bagay ang inyong hantungan? Kahit na parang mga batang leon kayong lahat na kabataan, bihira kayong magkaroon ng tunay na daan sa inyong mga puso. Ang inyong kabataan ay di-maaaring posibleng makatamo nang higit sa Aking gawain, ngunit lagi ninyong pinupukaw ang Aking pagkasuya sa inyo. Kahit na bata kayo, kayo ay kung hindi man kulang sa sigla o kulang sa ambisyon, lagi kayong paiwas tungkol sa inyong kinabukasan; ito’y para bang kayo ay walang malasakit, at lumilimlim din. Maaaring sabihin na lubos na hindi matagpuan sa inyo ang sigla, mga uliran, at paninindigang dapat na matagpuan sa mga kabataan; kayo, ang ganitong uri ng kabataan, ay walang paninindigan, at walang kakayahang makita ang pagkakaiba sa pagitan ng tama at mali, mabuti at masama, maganda at pangit. Imposibleng makahanap ng anumang mga elemento ninyo na sariwa. Halos makaluma kayong lahat, at kayo, ang ganitong uri ng kabataan, ay natuto na rin na umayon sa agos, maging di-makatuwiran. Hindi ninyo kailanman malinaw na makikita ang pagkakaiba ng tama mula sa mali, hindi makikita ang pagkakaiba sa pagitan ng katotohanan at kasinungalingan sa mga bagay-bagay, hindi kailanman nagsusumikap para sa kahusayan, ni hindi ninyo kayang masabi kung ano ang tama at kung ano ang mali, ano ang katotohanan, at ano ang pagpapaimbabaw. Sa inyo may nananatiling higit pa at mas malubha pang mga simoy ng relihiyon kaysa sa matatanda. Mayayabang pa nga kayo at wala sa katuwiran, medyo palaban kayo, at masyadong seryoso ang inyong pagsalakay—paano maaaring magtaglay ng katotohanan ang ganitong uri ng kabataan? Paano maaaring tumayong saksi ang isang tao na hindi kayang manindigan? Paano maaaring tawagin na isang kabataan ang isang tao na walang kakayahang makita ang kaibahan ng tama sa mali? Paano maaaring tawagin na isang tagasunod Ko ang isang tao na hindi nagtataglay ng sigla, lakas, kasariwaan, pagiging kalmado, at pagkamatatag ng isang kabataan? Paano magiging karapat-dapat na maging saksi Ko ang isang tao na hindi nagtataglay ng anumang katotohanan o pandamdam ng hustisya, ngunit mahilig maglaro at makipaglaban? Hindi ang mga mata na puno ng panlilinlang at panghuhusga sa kapwa tao ang siyang dapat taglayin ng mga kabataan, at hindi dapat mga kabataan ang mga nagsasagawa ng mga mapanira, kasuklam-suklam na mga pagkilos. Hindi sila dapat na mga walang prinsipyo, mga ninanais, o isang pag-uugaling masigasig sa pagsulong; hindi sila dapat na mawalan ng loob tungkol sa kanilang mga pag-asam ni hindi sila dapat mawalan ng pag-asa sa buhay o mawalan ng kumpiyansa sa hinaharap; dapat silang magkaroon ng tiyaga na magpatuloy sa daan ng katotohanan na kanila nang pinili ngayon upang isakatuparan ang kanilang naisin na gugulin ang kanilang buong buhay para sa Akin; hindi sila dapat na hindi magtaglay ng katotohanan, ni hindi sila dapat magtago ng pagpapaimbabaw at hindi pagiging makatuwiran, ngunit dapat silang manindigan sa wastong paninindigan. Hindi sila dapat lamang na natatangay, ngunit dapat silang magkaroon ng espiritu ng katapangang magsakripisyo at makikibaka para sa hustisya at sa katotohanan. Dapat magkaroon ang mga kabataan ng katapangan na hindi sumusuko sa pang-aapi ng mga puwersa ng kadiliman at panibaguhin ang kabuluhan ng kanilang pag-iral. Hindi dapat magbitiw ang mga kabataan sa kanilang mga sarili sa kasawiang-palad ngunit dapat na maging bukas at prangka na may espiritu ng pagpapatawad sa kanilang mga kapatid na lalaki at babae. Siyempre, ito ang mga kinakailangan Ko sa lahat pati na rin ang Aking payo sa lahat. Higit pa, ito ang Aking mga nakakapagpaginhawang salita sa lahat ng kabataan. Dapat kayong magsanay ayon sa Aking mga salita. Tiyak na dapat magkaroon ang mga kabataan ng kalutasan para sa pagkilala ng mga isyu, at para sa paghahanap ng hustisya at ng katotohanan. Ang lahat ng magaganda at mabubuting bagay ang dapat ninyong ipagpatuloy, at dapat ninyong makuha ang realidad ng lahat ng positibong bagay pati na rin maging responsable tungo sa inyong buhay—hindi ninyo dapat tanggapin ito nang magaan. Dumarating ang mga tao sa mundo at bihira nila Akong makatagpo, at bihira rin na magkaroon ng oportunidad na hanapin at makamit ang katotohanan. Bakit hindi ninyo pahalagahan ang magandang pagkakataong ito bilang ang tamang daan ng pagpapatuloy sa buhay na ito? At bakit kayo laging masyadong walang pakialam tungo sa katotohanan at hustisya? Bakit ninyo palaging niyuyurakan at sinisira ang inyong mga sarili para sa di-pagkamakatuwiran na iyon at sa karumihan na siyang naglalaro sa mga tao? At bakit kayo nakikipagtulungan sa kung ano ang ginagawa ng mga hindi matuwid gaya ng mga matatanda? Bakit ninyo ginagaya ang mga dating pamamaraan ng mga lumang bagay? Dapat mapuno ang inyong mga buhay ng hustisya, katotohanan, at kabanalan; dapat itong hindi maging masyadong malupit kaagad, at mahulog sa Hades. Hindi ba ninyo nararamdaman na masyadong kapus-palad ito? Hindi ba ninyo nararamdaman na masyado itong di-makatarungan para sa inyo?

 

Dapat gawin ninyong lahat ang talagang perpektong gawain ninyo at isakripisyo ito sa Aking altar bilang ang pinakamaganda, natatanging mga sakripisyo na binibigay ninyo para sa Akin. Dapat tumayo kayong lahat nang matatag sa inyong sariling paninindigan at hindi matangay ng bawat ihip ng hangin kagaya ng mga ulap sa kalangitan. Nagtatrabaho kayo nang husto para sa kalahati ng inyong buhay, kung gayon bakit hindi ninyo hahanapin ang hantungang dapat sa inyo? Nagtatrabaho kayo para sa kalahati ng inyong buong buhay ngunit hinahayaan ninyong ang inyong mga mala-baboy at mala-asong mga magulang na kaladkarin ang katotohanan at ang kabuluhan ng inyong personal na kaligtasan sa libingan. Hindi mo ba nararamdamang kapaki-pakinabang ito? Hindi mo ba nararamdamang isang lubos na walang-kahulugang buhay ang mamuhay sa ganitong paraan? Mauuwi sa pagdudulot ng problema ang pagsumpong sa katotohanan at sa tamang daanan sa paraang ito upang maging balisa ang kapwa at hindi maging masaya ang buong pamilya, at napapala nito ang mga nakamamatay na mga sakuna—hindi ka ba isang buhay na pinaka-walang kahulugan sa ganitong paraan? Kaninong buhay ang mas masuwerte pa kaysa sa iyo, at kaninong buhay ang maaaring mas katawa-tawa pa kaysa sa iyo? Hindi ba para sa kapakanan ng pagtamo ng Aking kasiyahan at para sa mga salita ng kaginhawahan para sa iyo ang iyong pagkasumpong sa Akin? Ngunit matapos kang tumakbo nang halos kalahati ng iyong buong buhay at saka mo Ako gagalitin hanggang mapuno na Ako ng galit at wala nang pakialam sa iyo o pinupuri ka, kung gayon hindi ba walang-silbi ang iyong buong buhay? At paano ka magkakaroon ng mukhang ihaharap sa mga kaluluwa ng mga santo sa lahat ng panahon na siyang pinalaya mula sa purgatoryo? Hindi kawalang-malasakit ang iyong pakikitungo sa Akin at sa huli pinukaw mo ang isang nakamamatay na sakuna—magiging mas mabuti na samantalahin ang oportunidad na ito at magkaroon ng maligayang biyahe sa kabuuan ng malawak na karagatan at saka makinig sa Aking “takdang gawain.” Sinabi Ko na sa inyo matagal na ang nakalipas na ikaw ngayon, bilang walang malasakit ngunit nahahandang umalis, sa huli ay mapapasailalim at lalamunin ng mga alon na pinatataas Ko. Kaya ba talaga ninyo na protektahan ang inyong mga sarili? May kumpiyansa ka ba talaga na ang iyong kasalukuyang pamamaraan ng paggawa ay makakasiguro na ikaw ay gagawing perpekto? Hindi ba masyadong matigas ang iyong puso? Ang ganitong uri ng pagsunod, ang ganitong uri ng paggawa, ang ganitong uri ng buhay, at ang ganitong uri ng karakter—paano nito nakakamit ang Aking papuri?

 

Mga Talababa:

 

a. Labis na kapareho ng kuwento ng ibong Hanhao ang pabula ni Aesop tungkol sa langgam at tipaklong. Pinipili ng ibong Hanhao na matulog sa halip na bumuo ng isang pugad habang mainit ang panahon—sa kabila ng paulit-ulit na paalaala mula sa kanyang kapitbahay, isang ibong magpie. Nang dumating ang taglamig, nanigas sa lamig at namatay ang ibon.