Naniniwala ang karamihan sa mga tao sa mga relihiyon na lahat ng salita ng Diyos ay nasa Biblia, at anumang wala sa Biblia ay hindi naglalaman ng Kanyang gawain at mga salita. Ngunit ang pananaw bang ito ay sang-ayon sa katotohanan? Inihula dati ng Panginoong Jesus, "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12–13). Paano magaganap ang propesiya ng Panginoong Jesus kung wala nang mga salita at gawa ng Diyos sa labas ng Biblia? Ang mga salita at gawa ba na ito mula sa Diyos ay nasa labas ng Biblia? Nasa video na ito ang mga kasagutan para sa iyo.
________________________________
Repleksyon sa ebanghelyo ngayon: Sa kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, pinatawad ang tao sa kanilang mga kasalanan, at ipinagkaloob sa tao ang masaganang biyaya; sa mga huling araw, ang Panginoon ay nagpapahayag ng mga salita, gumagawa ng gawain ng paghuhukom, lubusan na nag-aalis ng mga kasalanan ng tao, naglilinis ng tao at nagdala sa tao sa kaharian ng Diyos.
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.
Write a comment