· 

Tagalog Christian Song | "Ang mga Saksi ng Diyos ay Iyon Lamang May Pagbabago ng Disposisyon"

Tagalog Christian Song | "Ang mga Saksi ng Diyos ay Iyon Lamang May Pagbabago ng Disposisyon"

I

Ang pagbabago ng disposisyon ng tao

nagmumula sa iba't ibang gawain ng Diyos.

Kung walang pagbabago, di makapagpapatotoo

o makakaayon sa puso ng Diyos ang tao.

Sa pagbabago ng disposisyon niya

kay Satanas at sa kadiliman, nakalaya na siya.

Huwaran siya talaga ng gawain ng Diyos.

Umaayon siya sa puso ng Diyos, siya'y saksi Niya.

Ngayon dumating Siyang nagkatawang-tao sa lupa,

upang Kanyang gawain ay isagawa.

Gusto Niyang makilala nila Siya,

sundin Siya't magpatotoo sa Kanya.

Para malaman ang praktikal na gawain Niya,

gawain Niya't salitang lihis

sa kanilang pag-unawa'y sundin,

saksihan ang pagliligtas na Kanyang gawain

at mga nagawa Niya upang tao ay lupigin.

II

Mga nagpapatotoo sa Diyos

dapat may alam sa Kanya.

Ang patotoong ito lang ang praktikal,

ito lang nagpapahiya kay Satanas.

Ginagamit ng Diyos para magpatotoo sa Kanya

ang mga nakakilala na sa Kanya,

dahil tinabasan at napakitunguhan

napailalim sa paghatol Niya.

Mga nagawang tiwali ay ginagamit Niya

at yaong ang disposisyon ay nabago na nila,

sa gayo'y natamo na ang Kanyang mga pagpapala

upang patotohanan Siya.

Hindi niya kailangan papuri ng tao,

ni ang papuri at patotoo

ng kauri ni Satanas na di Niya inililigtas.

Yaon lamang mga kilala ang Diyos

ang tunay na makakapagpatotoo sa Kanya;

yaon lamang mga nagbago

ang makakagawa nito.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

 

________________________________

 

Makinig sa mas marami pang Tagalog Gospel Songs upang mapalapit sa Diyos!

 

 

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

 

Write a comment

Comments: 0