· 

Pinatototohanan mo na ang Diyos ay naging tao na bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw.

Pinatototohanan mo na ang Diyos ay naging tao na bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, subalit pinaninindigan ng karamihan sa mga relihiyosong pastor at elder na babalik ang Panginoon na sakay ng mga ulap. Ibinabatay nila ito lalo na sa mga talata sa Biblia na: “Itong si Jesus … ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata” (Pahayag 1:7). At bukod pa riyan, itinuturo din sa atin ng mga pastor at elder ng relihiyon na sinumang Panginoong Jesus na hindi pumaparito na sakay ng mga ulap ay huwad at kailangang tanggihan. Kaya, hindi tayo nakatitiyak kung naaayon ba ang pananaw na ito sa Biblia o hindi; tama ba ang ganitong klaseng pagkaunawa o hindi?

 

Sagot:

Sa ilang talata mula sa Biblia, malinaw na nakapropesiya na ang ikalawang pagdating ng Diyos ay ang pagkakatawang-tao. Halimbawa: “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25). Lahat ng mga propesiyang ito ay tungkol sa “Anak ng tao” o “dumarating ang Anak ng tao.” Ang katagang “ang Anak ng tao” ay tumutukoy sa Isang isinilang sa tao at may normal na pagkatao. Kaya’t ang Espiritu ay hindi maaaring tawaging Anak ng tao. Halimbawa, dahil ang Diyos na Jehova ay Espiritu, hindi Siya matatawag na “ang Anak ng tao.” Ang ilang tao ay nakakita ng mga anghel, ang mga anghel ay espirituwal na nilalang din, kaya hindi sila matatawag na Anak ng tao. Lahat ng may anyo ng tao ngunit binubuo ng mga espirituwal na katawan ay hindi matatawag na “ang Anak ng tao.” Ang nagkatawang-tao na Panginoong Jesus ay tinawag na “ang Anak ng tao” at “Cristo” dahil Siya ang nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos at sa gayon ay naging karaniwan at normal na tao, nabubuhay na kapiling ang ibang mga tao. Kaya’t nang sinabi ng Panginoong Jesus na “ang Anak ng tao” at “dumarating ang Anak ng tao,” tinutukoy Niya ang pagdating ng Diyos na magkakatawang-tao sa mga huling araw.

 

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

 

Paulit-ulit na nagpropesiya ang Panginoong Jesus na Siya ay magbabalik bilang ang Anak ng tao. Ang Anak ng tao ay ang Diyos na nagkatawang-tao, tulad ng Panginoong Jesus sa katawang-tao na kamukha ng karaniwan, normal na tao sa labas, na kumakain, umiinom, natutulog at lumalakad gaya ng normal na tao. Ngunit iba ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus matapos Siyang mabuhay muli... na kayang tumagos sa mga dingding, mabilis na magpakita at agad na maglaho. Iyon ay talagang mahiwaga. Kaya hindi Siya maaaring tawaging Anak ng tao. Noong nagpopropesiya tungkol sa pagbabalik ng Anak ng tao, ang Panginoong Jesus ay nagsabing, “Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:25). Pero ayon sa sinasabi n’yo, ang Panginoon ay magbabalik bilang espirituwal na katawan na bumababa sa ulap at nagpapakita sa madla sa dakilang kaluwalhatian, kung kailan ang lahat ng tao ay kailangang magpatirapa at sumamba, sinong mangangahas na kumalaban at magkondena sa Kanya? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.” Paano matutupad ang mga salitang ito? Kapag nagpakita lamang ang Diyos na nagkatawang-tao para gumawa bilang Anak ng tao, kapag hindi nakikilala ng mga tao na Siya ang Cristo na nagkatawang-tao, saka lang sila mangangahas na ikondena at tanggihan si Cristo ayon sa kanilang paniwala at imahinasyon. Ganyan ang nangyayari ngayon hindi ba? Hay, ganyan nga talaga! Oo, ganyan nga ang nangyayari. Bilang karagdagan, nagpropesiya din ang Panginoong Jesus, “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang” (Mateo 24:36). “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan Ako sa iyo” (Pahayag 3:3). Kung ang Panginoon ay bababa sa ibabaw ng ulap sa espirituwal na katawan, kung gayon malalaman ng lahat ang tungkol dito at makikita ito. Gayunman ang Panginoong Jesus ay nagpropesiya na kapag Siya ay babalik, yaon ay “walang makakaalam,” “kahit ang Anak” at “gaya ng magnanakaw.” Paano matutupad ang mga salitang ito? Kung ang Panginoong Jesus ay magpapakita sa espirituwal na katawan, paano Niya Mismo malalaman ito? Tanging kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang Anak ng tao sa mga huling araw, naging isang karaniwan, normal na tao, matutupad ang mga salita na hindi malalaman ng Anak. Gaya ng Panginoong Jesus... bago isagawa ang Kanyang ministeryo, maging Siya ay hindi alam ang tungkol sa Kanyang katauhan bilang Cristo na dumating para tuparin ang gawain ng pagtubos. Kaya’t, ang Panginoong Jesus ay nagdasal nang madalas sa Diyos Ama. Nang simulan ng Panginoong Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, noon lang Niya natanto ang Kanyang katauhan.

 

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

 

Ipinropesiya ng Panginoong Jesus na babalik Siya at marami Siyang sinabi tungkol dito, ngunit nananangan lamang kami sa propesiya na bababa ang Panginoon na sakay ng mga ulap at hindi namin hinahanap o sinisiyasat ang iba pang mas mahahalagang propesiyang sinambit ng Panginoon. Pinadadali nito ang pagtahak sa maling landas at mapabayaan ng Panginoon! Hindi lamang talaga propesiya tungkol sa “pagbaba na sakay ng mga ulap” ang nasa Biblia. Marami ring propesiya na katulad ng paparito ang Panginoon na gaya ng magnanakaw at bababa nang palihim. Halimbawa, Pahayag 16:15, “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw.” Mateo 25:6, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya.” At Pahayag 3:20, “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko.” Lahat ng propesiyang ito ay tumutukoy sa pagiging tao ng Diyos bilang Anak ng tao at pagbaba nang palihim. Ang “gaya ng magnanakaw” ay nangangahulugan ng pagdating nang tahimik at palihim. Hindi natin malalaman na Siya ang Diyos kahit nakikita o naririnig natin Siya, tulad noong magpakita ang Panginoong Jesus at gumawa ng Kanyang gawain nang Siya ay magkatawang-tao bilang Anak ng tao. Sa tingin, ang Panginoong Jesus ay isang ordinaryong Anak ng tao lamang at walang nakaalam na Siya ang Diyos, kaya nga ginamit ng Panginoong Jesus ang “gaya ng magnanakaw” bilang isang analohiya para sa pagpapakita at gawain ng Anak ng tao. Talagang angkop na angkop ito! Yaong mga hindi nagmamahal sa katotohanan, paano man magsalita o gumawa ang Diyos sa laman, o gaano man karaming katotohanan ang Kanyang ipinapahayag, hindi nila iyon tinatanggap. Sa halip, itinuturing nila ang Diyos sa laman na isang normal na tao at pinarurusahan at pinababayaan Siya. Kaya nga nagpropesiya ang Panginoong Jesus na kapag pagbalik Niya: “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25). Batay sa propesiya ng Panginoon, ang Kanyang pagbabalik ay magiging “pagdating ng Anak ng tao.” Ang “Anak ng tao” ay tumutukoy sa Diyos sa laman, hindi sa espirituwal na katawan ng nabuhay na mag-uling Panginoong Jesus na bumababang sakay ng mga ulap upang hayagang magpakita sa lahat ng tao. Bakit ganoon? Kung espirituwal na katawan iyon ng nabuhay na mag-uling Panginoong Jesus na bumababa sa publiko na sakay ng mga ulap, magiging lubhang makapangyarihan iyon at gugulatin ang mundo. Dadapa sa lupa ang lahat at walang sinumang mangangahas na lumaban. Kung gayon, titiisin pa rin ba ng nagbalik na Panginoong Jesus ang maraming paghihirap at tatanggihan Siya ng henerasyong ito? Talagang hindi. Kaya nga nagpropesiya ang Panginoong Jesus na ang Kanyang pagbabalik ay magiging “pagdating ng Anak ng tao” at “gaya ng magnanakaw.” Ang totoo, tumutukoy ito sa Diyos na nagkatawang-tao bilang Anak ng tao na dumarating nang palihim.

 

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

 

Ngayon, ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay lumalaganap na sa buong Mainland China nang mahigit 20 taon. Matagal na itong kumalat sa iba’t ibang relihiyon at denominasyon. Sa panahong ito, dahil sa marahas na panunupil at paglusob ng gobyernong CCP, na sinamahan ng propagandang kampanya ng media ng CCP, ang pangalang Makapangyarihang Diyos ay palasak na sa mga sambahayan na alam ng lahat. Kalaunan, lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos at ang iba’t ibang video at pelikulang ginawa ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay unti-unting inilabas online, at kumakalat sa buong mundo. Narinig na ng mga taong relihiyoso ang tungkol sa iba’t ibang pamamaraan ng pagpapatotoo ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kaya maraming tao ang nagpatotoo na dumating na ang Diyos. Ganap nitong tinutupad ang propesiya ng Panginoong Jesus na: “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). Kung gayo’y bakit galit na galit pa ring tinutuligsa at nilalabanan ng mga pastor at elder ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Napakaraming propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon sa Biblia, kaya bakit sila masyadong nakatuon sa propesiya tungkol sa pagbaba ng Panginoon na sakay ng mga ulap? Bakit hindi man lang sila naghahanap kapag naririnig nilang may mga patotoo tungkol sa pagdating ng Panginoon? Bakit, gayong alam nila na naipahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang maraming katotohanan at nakita na ang realidad ng gawain ng Diyos, matigas pa rin ang ulo nila sa pagkapit sa kanilang mga paniwala’t imahinasyon sa paglaban at pagtuligsa sa gawain ng Diyos sa mga huling araw? Mahal ba ng mga taong ito ang katotohanan at totoong inaasam ang pagdating ng Panginoon o hindi? Sila ba ay matatalinong dalaga o mga mangmang na dalaga? Kung sila ay matatalinong dalaga at totoong inaasam nila ang pagbabalik ng Panginoon, bakit, kapag naririnig nila ang tinig ng Diyos at nakikitang yumayabong ang ebanghelyo ng kaharian, matigas pa rin ang ulo nila sa pagtuligsa at paglaban? Ito kaya ang tapat na pananabik at pag-asam nila sa pagpapakita ng Panginoon? Ito kaya ang kanilang tunay na pagpapahayag ng pagdiriwang sa pagbabalik ng Panginoon? Sa huli, sa totoo lang, ang kanilang pananalig sa Panginoon at pananabik sa pagbabalik ng Panginoong Jesus ay huwad, ngunit ang kanilang pananabik na mapagpala at makapasok sa kaharian ng langit ay totoo! Naniniwala sila sa Panginoon hindi upang mahanap nila ang katotohanan at makamit ang buhay, hindi upang makamit nila ang katotohanan at makalaya mula sa kasalanan. Ano ang pinakamahalaga sa kanila? Ito ay kapag bumaba ang Panginoon upang direkta silang iakyat sa kaharian ng langit at matakasan nila ang paghihirap ng laman at matamasa ang mga pagpapala ng kaharian ng langit. Ito ang kanilang tunay na layunin sa paniniwala sa Diyos! Maliban sa kadahilanang ito, ano ang dahilan nila sa pagtanggi sa Makapangyarihang Diyos, na nagpapahayag ng katotohanan upang iligtas ang sangkatauhan? Maaaring nating pag-isipan iyon. Kung mahal ng isang tao ang katotohanan at tunay silang nananabik sa pagpapakita ng Diyos, paano sila kikilos kapag narinig nila na dumating na ang Panginoon? Hindi ba sila makikinig, maghahanap, makikipag-ugnayan dito? Pikit-mata ba silang tatanggi, tutuligsa at lalaban? Talagang hindi! Dahil ang isang taong taimtim na nananabik sa pagpapakita ng Diyos at sumasalubong sa Kanyang pagdating ay umaasam sa pagpapakita ng tunay na liwanag, katotohanan at katuwiran na naghahari sa kanilang puso. Inaasam nila ang pagdating ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan at tulungan ang mga tao na ganap na makaalpas sa kasalanan upang mapadalisay at makamit ng Diyos. Ngunit yaong mga naghihintay lamang sa pagbaba ng Panginoon na sakay ng mga ulap ngunit ayaw tanggapin at tinatanggihan ang Makapangyarihang Diyos, lalo na ang mga relihiyosong pinuno na galit na galit na tinutuligsa at nilalabanan ang Makapangyarihang Diyos para protektahan ang kanilang katayuan at kabuhayan—sila ay pawang mga taong namumuhi at napopoot sa katotohanan. Sila ay pawang mga walang-pananampalataya at anticristo na inilantad ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Matapos kumpletuhin ng nagkatawang-taong Diyos ang Kanyang gawaing magligtas, mahuhulog ang mga taong ito sa minsan-sa-isang-milyong-taong kalamidad, umiiyak at nagngangalit ang kanilang mga ngipin. Pagkatapos ay ganap na matutupad ang propesiya ng pagbaba ng Panginoon na sakay ng mga ulap upang magpakita sa publiko: “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya” (Pahayag 1:7).

 

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

 

________________________________

 

Disasters are now more and more and the signs of the Lord's return have appeared. Many believers have a premonition that the Lord is likely to be back already. So, how should we welcome the Lord's return and gain the Lord's salvation of the last days? Please click the Tagalog Sermons.

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Write a comment

Comments: 0