Ano ang Iyong Pagkaunawa sa mga Pagpapala?
Bagaman ang mga ipinanganak sa panahong ito ay sumasailalim sa katiwalian ni Satanas at ng maruruming demonyo, totoo rin na maaari nilang makamit ang dakilang kaligtasan dahil sa katiwaliang ito, na higit pang mas malaki kaysa sa mga hayop na nagkalat sa mga bundok at mga kapatagan at sa malaking pampamilyang ari-arian na natamo ni Job, at mas higit din ito sa pagpapalang tinanggap ni Job na makita si Jehova pagkatapos ng kanyang mga pagsubok. Pagkatapos lamang na danasin ni Job ang pagsubok sa kamatayan na kanyang maririnig ang mga salita ni Jehova at maririnig ang Kanyang madagundong na boses mula sa ulap. Gayunman, hindi niya nakita ang mukha ni Jehova at hindi niya nalaman ang Kanyang disposisyon. Ang nakamit ni Job ay ang pisikal na pag-aari lamang na nagbibigay ng mga kasiyahang pangkatawan at ang pinakamagagandang anak sa mga kalapit na lungsod pati na rin ang proteksyon mula sa mga anghel ng langit. Hindi niya kailanman nakita si Jehova, at bagaman Siya ay tinawag na matuwid, hindi niya kailanman nalaman ang disposisyon ni Jehova. Bagaman ang mga tao ngayon ay pansamantalang salat sa mga materyal na kasiyahan o dumaranas ng kasamaan sa panlabas na kapaligiran, ipinaalam Ko ang Aking disposisyon na hindi Ko kailanman ibinunyag sa sangkatauhan noong mga lumipas na kapanahunan, na laging naging lihim, at ang Aking mga hiwaga bago ng mga kapanahunan sa mga pinakaabang tao na binigyan Ko rin ng pinakadakilang kaligtasan, at ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginawa Ko ito. Hindi Ko kailanman nagawa pa ang ganitong uri ng gawain noon, at bagaman kayo ay higit na mas mababa kaysa kay Job, labis na nadaig ninyo si Job ng inyong natamo at ng inyong nakita. Kahit na kayo ay dumanas ng lahat ng uri ng pagdurusa at paghihirap, ang pagdurusang iyon ay hindi katulad ng mga pagsubok ni Job, ngunit ito ay paghatol at pagkastigo na tinanggap ng mga tao dahil sa kanilang pagka-mapanghimagsik at paglaban, at dahil sa Aking matuwid na disposisyon. Ito ay matuwid na paghatol, pagkastigo, at sumpa. Si Job ay isa sa mga Israelita, isa sa mga matuwid na nakatanggap ng dakilang pagmamahal at awa ni Jehova. Siya ay hindi gumawa ng masamang mga gawain at hindi siya lumaban kay Jehova; sa halip, siya ay matapat na nagmahal kay Jehova, at siya ay sumailalim sa mga pagsubok dahil sa kanyang pagkamatuwid, at siya ay dumaan sa maalab na mga pagsubok dahil siya ay isang matapat na lingkod ni Jehova. Ang mga tao ngayon ay sumasailalim sa Aking paghatol at pagsumpa dahil sa kanilang karumihan at di-pagkamakatuwiran. Kahit na ang kanilang pagdurusa ay hindi maitutulad sa dinanas ni Job nang siya ay mawalan ng kanyang mga hayop, mga ari-arian, mga katulong, mga anak, at lahat ng mahal sa kanya, ang pinagdurusahan ng mga tao ay ang maalab na kapinuhan at pagsusunog; ang mas seryoso pa sa dinanas ni Job ay yaong uri ng pagsubok na ito na hindi nababawasan o naaalis dahil sa kanilang mga kahinaan, ngunit sa halip, ito ay pangmatagalang panahon hanggang sa huling araw ng kanilang buhay. Ito ay kaparusahan, paghatol, sumpa—ito ay walang awang pagsunog, at mas higit pa ito ay makatwirang “pamana” ng sangkatauhan. Ito ang nararapat sa kanila, at ito ang lugar ng pagpapahayag ng Aking matuwid na disposisyon. Ito ay isang hayag na katotohanan. Ngunit ang malaking nakamit ng mga tao ay mas higit pang lumagpas sa kanilang tiniis ngayon. Ang inyong mga pinagdusahan ay mga balakid lamang dahil sa kamangmangan, subalit ang inyong mga nakamit ay daan-daang beses na mas higit sa inyong pagdudursa. Ayon sa mga batas ng Israel sa Lumang Tipan, ang lahat ng lumalaban sa Akin, lahat ng hayagang nanghuhusga sa Akin, at lahat ng hindi sumusunod sa Aking pamamaraan ngunit lakas-loob na naghahandog ng mga di-banal na sakripisyo sa Akin ay tiyak na tutupukin ng apoy sa templo, o babatuhin hanggang sa kamatayan ng ilan sa mga hinirang na tao, at maging kanilang mga inapo ng kanilang sariling tahanan at ibang direktang kamag-anak ay magdurusa sa Aking sumpa, at sa mundong darating sila ay hindi magiging malaya, ngunit magiging mga alipin ng Aking mga alipin, at itataboy Ko sila patungo sa pagkatapon sa mga Gentil at sila ay hindi makakabalik sa kanilang sariling bayan. Batay sa kanilang mga kilos, sa kanilang mga pag-uugali, ang pagdurusang tiniis ng mga tao ngayon ay hindi man lang kasing-seryoso ng kaparusahang dinanas ng mga Israelita. Ang pagsasabi na ang inyong dinadanas ay paghihiganti ay may katwiran, at ito ay dahil talagang lumampas kayo sa hangganan, at kung kayo ay nasa Israel kayo ay magiging isa sa mga walang hanggang makasalanan at kayo ay pinagpuputol-putol na ng mga Israelita noong unang panahon at pati na rin sinunog ng apoy mula sa langit sa templo ni Jehova. At ano ang inyong nakamit ngayon? Ano ang inyong natanggap, ano ang inyong tinamasa? Aking ibinunyag ang Aking matuwid na disposisyon sa inyo, ngunit ang pinakamahalaga ay ibinunyag Ko ang Aking pasensya para sa pagtubos sa sangkatauhan. Maaaring masabi na lahat ng Aking ginawa sa inyo ay gawain ng pagpapasensya, na ito ay para sa Aking pamamahala, at mas higit pa ito ay alang-alang sa kasiyahan ng sangkatauhan.
Bagaman si Job ay dumaan sa mga pagsubok mula kay Jehova, siya ay isa lamang na matuwid na tao na sumamba kay Jehova, at kahit na nang dumaraan sa gayong mga pagsubok siya ay hindi nagreklamo tungkol sa Kanya, nguni’t pinagkaingat-ingatan niya ang kanyang pakikipagtagpo kay Jehova. Hindi lamang sa hindi pinahahalagahan ng mga tao ngayon ang presensya ni Jehova, ngunit tinatanggihan, kinamumuhian, inirereklamo, at kinukutya pa nila ang Kanyang pagpapakita. Wala ba kayong nakamit na higit pa sa kaunti? Ang pagdurusa ba ninyo ay talagang naging napakalaki? Hindi ba naging mas malaki pa ang inyong mga pagpapala kaysa doon kina Maria at Santiago? Ang inyo bang pagtutol ay naging walang saysay? Maaari kayang ang Aking kinailangan sa inyo, na ang Aking hiningi sa inyo ay naging napakalaki at napakadami? Ang Aking poot ay pinakawalan lamang sa mga Israelitang hindi sumunod sa akin, hindi direkta sa inyo, ngunit ang inyong natamo ay ang Akin lamang walang awang paghatol at mga pagsisiwalat pati na rin ang walang-humpay na maningas na kapinuhan. Sa kabila nito ang mga tao ay nanlalaban at nakikipagtalo pa rin sa Akin nang walang katiting na pagsunod. At mayroon pang mga iba na inilalayo ang mga sarili nila mula sa Akin at itinatatwa Ako; ang ganoong uri ng tao ay hindi mas mabuti kaysa sa pangkat nina Korah at Datan na kumontra kay Moises. Ang mga puso ng mga tao ay naging napakatigas, at ang kanilang mga kalikasan ay napakasutil. Hindi sila kailanman magpapalit ng kanilang mga lumang paraan. Sila ay nakahubad tulad ng isang nagbebenta ng panandaliang-aliw sa sikat ng araw sa Aking pananalita at ang Aking mga salita ay napakarahas na sila ay “hindi naaangkop,” na naglalantad ng mga kalikasan ng mga tao sa liwanag ng araw. Ngunit ang mga tao ay tumatango lamang, lumuluha ng kaunti, at bahagya nang magkaroon ng malungkot na mga damdamin. Kapag ito ay tapos na, sila ay kasing-bangis ng hari ng mababangis na hayop sa mga bundok at wala silang anumang kamalayan sa anumang paraan. Paano malalaman ng mga taong may ganitong uri ng disposisyon na sila ay nagtatamasa ng mga pagpapala na isang daang beses na higit sa dinanas ni Job? Paano nila matutuklasan na ang kanilang tinatamasa ay mga pagpapala na hindi halos nakita sa loob ng buong mga kapanahunan, na wala kahit sinumang tao ang kailanman nakapagtamasa noon? Paano mararamdaman ng mga konsiyensya ng tao ang ganitong uri ng pagpapala na nagdadala ng kaparusahan? Para sabihin nang deretsahan, lahat ng hinihingi Ko sa inyo ay upang kayo ay magiging mga modelo para sa Aking gawain at magiging mga saksi para sa Aking buong disposisyon at lahat ng Aking mga pagkilos, at upang kayo ay maaaring makalaya mula sa mga pagpapahihirap ni Satanas. Subalit ang sangkatauhan ay laging nasusuklam sa Aking gawain at sadyang laban dito. Paano Ako hindi mauudyukan ng ganoong uri ng tao na ibalik ang mga batas ng Israel at dalhin sa kanila ang Aking poot sa Israel? Bagaman marami sa inyo na “masunurin” sa Akin, may higit pang mas marami na katulad ng uri ng mga tao sa “pangkat ni Korah” Sa oras na matamo Ko ang Aking ganap na kaluwalhatian, kukunin Ko ang apoy mula sa langit upang sunugin sila hanggang maging abo. Dapat ninyong malaman na hindi Ko na parurusahan ang mga tao sa pamamagitan ng Aking mga salita, ngunit bago gawin ang gawain ng Israel, Aking lubusang susunugin hanggang sa maging abo ang katulad na uri ng mga tao sa “pangkat ni Korah” na hindi sumusunod sa Akin at na matagal na panahon Ko nang inalis. Ang sangkatauhan ay hindi na magkakaroon ng pagkakataon na tamasahin Ako, ngunit ang lahat na lamang ng kanilang makikita ay ang poot at ang Aking “mga apoy” mula sa langit. Ibubunyag ko ang mga kalalabasan ng lahat ng mga tao, at hahatiin Ko ang lahat ng tao sa iba’t-ibang mga kategorya. Aking itatala ang kanilang bawat mapanghimagsik na kilos, at pagkatapos ay tatapusin ang Aking gawain, upang ang mga kalalabasan ng mga tao ay mapapagpasyahan batay sa Aking hatol habang nasa mundo pati na rin ang kanilang mga saloobin sa Akin. Pagdating ng panahong iyon, walang anumang makakapagbago ng kanilang mga kalalabasan. Hayaan ang mga tao na ibunyag ang kanilang sariling mga kalalabasan! Hayaan Akong ibigay ang mga kalalabasan ng mga tao sa Ama sa langit.