· 

Ano ang Kahulugan ng Tunay na Pagbabago?

Ano ang Kahulugan ng Tunay na Pagbabago?

Jinru Lungsod ng Nanyang, Lalawigan ng Henan

 

Kapag ang isang kapatid ay nagpakilala ng aking mga pagkakamali o hindi nakinig sa aking opinyon ay nakadarama ako ang hindi pagsang-ayon o nakikipagtalo sa kanila. Ikinalungkot ko ang aking mga pagkilos pagkatapos, ngunit kapag nahaharap sa mga bagay na ito, hindi ko mapigilan ang aking sarili sa pagbubunyag ng aking masamang disposisyon. Malubha akong nabagabag nito, at naisip ko: Bakit ang mga salita ng iba ay nadadaig ako sa pagkagalit? At bakit hindi ako nagbago ni kaunti sa kabila ng walong taon ng pagsunod sa Diyos? Nag-alala ako at paulit-ulit na hinanap mula sa Diyos, hinihiling sa Kaniya na paliwanagan ako para malaman ko ang ugat kung kung bakit hindi nagbago ang aking masamang disposisyon.

 

Isang araw, sa panahon ng aking mga pagpapanata, nakita ko ang isang sipi ng isang sermon: “Ang bawat tao ay napopoot sa kanilang sariling pagmamataas at panlilinlang. Karamihan sa mga tao ay nagbabago sa ilang sukat; ang ilang tao, na mapagmataas at hambog at walang katuwiran, at ang mga likas na baluktot at mapanlinlang, ay nagbabago lamang ng napakakakaunti at sa gayon ang kanilang mga pagpapahayag at pag-uugali ay namamalaging halos hindi nagbago: Ang kanilang pagmamataas, kahambugan, kabuktutan at panlilinlang ay nananatiling malinaw na makikita. Ito ay may kaugnayan sa kanilang mga karanasan. Mula sa simula hanggang sa matapos, hindi nila hinahangad ang isang pagbabago sa kanilang disposisyon, ngunit pinagmamasdan lamang kung papaanong ang nagsasabuhay ang iba. At bilang resulta, pinipigilan nila ang kanilang mga sarili. Sapagkat nakikita lamang nila ang pagmamataas at kahambugan ng iba, at naniniwala lamang na ang iba ay dapat hatulan at kastiguhin ng Diyos. Sa palagay nila ay hindi nila nilalabanan sa kanilang sarili ang Diyos, at ang paghuhukom at pagkastigo ng Diyos ay para lamang sa iba. Sa pagbabasa ng salita ng Diyos mula sa kakatuwang pananaw, hindi nakakapagtaka na hindi sila nagbabago” (Ang Pagbabahagi mula sa Itaas). Sa puntong ito ay nagkaroon ako ng paggising. Napagtanto ko ang dahilan kung bakit hindi ako nagbago sa kabila ng pagsunod sa Diyos sa loob ng maraming taon ay dahil naniwala ako sa Diyos ngunit hindi hinangad na baguhin ang aking disposisyon; nagbigay lamang ng pansin sa kung paano pumasok ang nagsabuhay ang at hindi ang aking sariling pagsasabuhay. At sa puntong ito ay hindi ko maiwasan kundi isipin ang mga pangyayari na ako ay nagmamadaling mag-apura sa “paggawa”: Kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos ay hindi ko ginamit ang mga ito upang isaalang-alang ang aking sariling kalagayan. Palagi akong nagturo sa iba at sinukat sila laban sa mga salita ng Diyos. Sa mga pagpupulong, kapag nagpahayag ako ng katotohanan ay para lamang malutas ang mga problema at kahirapan ng iba, at hindi ko kailanman hinahanap ang dapat kong isabuhay. Kapag nagpahayag ako ng mga salita ng pagbubunyag ng Diyos ng tiwaling diwa ng tao, ang aking mga halimbawa ay sa iba pang kapatid, na ginagamit ang iba bilang mga babala, habang napakadalang kong ginamit ang mga salita ng Diyos upang maunawaan ang aking sariling kalagayan at mahanap ang aking pagpasok. … At kaya lumipas ang taon-taon at ang aking sariling pagsasabuhay ay nanatiling halos blangko. Ngunit naisip ko pa rin na ako ay isang taong mahabagin, na dinadala ko ang pasanin ng buhay ng aking mga kapatid. Katunayan mula sa nakaraang taon hanggang ngayon, inayos ng iglesia na makasama ko ang isang batang kapatid na babae para tuparin ang aming mga tungkulin nang magkasama, at patuloy kong tiniis ang aking “pasanin” at binigyang pansin ang kaniyang pagsasabuhay. Kapag ang kapatid na iyon ay nagbunyag ng kaniyang sarili na mapagmataas at mapanghusga ay magmamadali akong gamitin ang salita ng Diyos para makipag-usap sa kanya, ngunit naisip ko sa aking sarili: Ikaw ay sadyang napaka-mapagmataas. Nang hindi mapalaya ng kapatid na babaeng iyon ang kaniyang sarili mula sa pagka-negatibo dahil siya ay napipigilan ng kaniyang mga alalahanin tungkol sa kaniyang kinabukasan at kapalaran, nakita ko ang nararapat na mga salita ng Diyos upang kumain at uminom na kasama niya at nagpahayag na nais ng Diyos na iligtas tayo, ngunit sa loob ay hinahamak ko siya: May kaunting oras na natitira at hinahanap mo pa rin ang mga pagpapala nang buong lakas? Nang ang kapatid na babaeng iyon ay nagbukas ng kaniyang sarili at sinabi sa akin kung gaano siya kadalas na magduda sa mga tao, sinabi ko ang katotohanan ng pagiging matapat na tao, ngunit sa loob ay naiinis ako sa kaniya: Masyado kang maligalig. Nang ang kapatid na babaeng iyon ay nasa isang masamang sitwasyon ngunit hindi masabi kung bakit, sinabi ko sa kaniya na suriin ang kaniyang sarili, na pag-aralan ang kaniyang kalikasan, ngunit nang ito ay nangyari sa aking sarili ay hindi ko binigyang pansin ang paggamit ng salita ng Diyos para maunawaan at masuri ang aking sarili mula sa aking ibinunyag. … Hindi ko ba inisip na ang iba lamang ang masyadong masama at dapat na hatulan at kastiguhin ng Diyos, habang inilalagay ko ang aking sarili sa labas ng salita ng Diyos? Hindi ba nagbigay lamang ako ng pansin sa pagsasabuhay ng iba at isinasantabi ang aking sarili? Sa sandaling iyon ko lamang napagtanto na ako ay mahirap at kahabag-habag tulad ng isang pulubi sa kalye na wala ni isang pera, at ang aking puso ay napuno ng pagsisisi.

 

Sa ilalim ng patnubay ng Diyos, nakita ko na sinasabi ng Kaniyang salita: “Sinasabi ng mga tao ang mga bagay na tulad ng ganito: Isantabi ang iyong mga inaasam, maging mas makatotohanan. Hinihingi mo na alisin ng mga tao ang mga kaisipan ng pagiging pinagpala—nguni’t paano ang iyong sarili? Sinasalansang mo ba ang mga iniisip ng mga tao sa pagiging pinagpala at hinahanap ng iyong sarili ang mga pagpapala? Hindi mo hinahayaan ang iba na tumanggap ng mga pagpapala nguni’t lihim na iniisip mo mismo ang mga iyon—anong ginagawa noon sa iyo? Isang mandaraya! Kapag kumikilos ka nang ganoon, hindi ka ba nakokonsensya? Sa iyong puso, hindi ka ba nakakaramdam na may utang? Hindi ka ba isang manggagantso? Hinuhukay mo ang mga salita sa mga puso ng iba, nguni’t walang sinasabi tungkol sa mga iyon sa iyong sarili—anong walang-kwentang piraso ng basura ka!” (“Kabanata 42” ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang salita ng Diyos ay tumagos sa aking puso at iniwan akong lubos na nahihiya. Naisip ko ang lahat ng ginawa ko. Hindi ba ako isang manloloko, tulad ng ibinunyag ng Diyos? Sa ibabaw ay ginagawa ko ang aking tungkulin, ngunit sa katotohanan ay ginagamit ko ang aking sigasig upang linlangin ang Diyos sa Kaniyang tiwala. Sa ibabaw ay tinutulungan ko ang aking mga kapatid, ngunit sa katotohanan ay ginagamit ko ang mga salita at doktrina upang linlangin sila sa kanilang pagpapahalaga at paghanga, na may layuning magkaroon ng lugar sa kanilang puso. Sinabi ko sa iba na huwag magnanasa sa katayuan, na huwag maging mapagmataas, ngunit madalas kong hinahamak ang iba at hindi ko maayos na isinasaalang-alang ang mga pagkakamali ng aking mga kapatid at ayaw pang magpasakop sa kaninuman. Nagawa kong isuko ng iba ang mga hangarin ng pagkakamit ng mga pagpapala, na hindi makontrol ng kanilang hinaharap at kapalaran, habang ako ay madalas na gumawa ng mga plano para sa aking hinaharap at nag-alala pa nang labis tungkol dito. Nayayamot ako sa katusuhan at paghihinala ng iba, habang madalas kong pinapanood ang kanilang mga paghahayag at nag-aalala kung paano nila ako iniisip. Sinabi ko sa iba na unawain ang kanilang sarili, na intindihin ang kanilang mga saloobin upang mapag-aralan ang kanilang kalikasan, samantalang itinago ko ang aking masasamang hangarin, at ang aking mga salita at kilos ay hindi pinamamahalaan ng Diyos. … Sa loob ng maraming taon ay madalas akong nagsalita nang marangal at kontento na sa pagbubuga ng mga literal na doktrina, ngunit hindi ako nagbigay ng tuon sa pagsasabuhay at pagsasakatuparan ng mga salita ng Diyos. Bilang resulta, wala pa rin akong anumang pagkakaunawa ng aking sarili, ni hindi pa masyadong nabago ang disposisyon ko sa buhay. Sa halip, ito ay naging higit pang mapagmataas. Tulad ng sinabi ng Diyos: “… Mas nauunawaan nila ang mga doktrina, mas lalong nagiging mapagmataas ang kanilang mga disposisyon” (“Masyadong Maraming Hinihingi ang mga Tao Mula sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Inihahalintulad ko ang mga doktrinang tinaglay ko bilang aking sariling puhunan, ngunit hindi binigyang pansin ang pag-unawa sa aking sarili, sa paghahanap ng pagpasok, sa pagkakamit ng katotohanan. At paano kaya ako magkakaroon ng pagbabago sa aking disposisyon sa buhay? Ang praktikal na gawain at mga salita ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng lahat ng katotohanan na kailangan natin at nais Niyang maunawaan natin ang katotohanang iyon, at sa pamamagitan ng pagtupad sa ating tungkulin na dalhin ang liwanag at pagliliwanag na nakamit natin sa ating pang-araw-araw na mga karanasan at pagpasok, at ibigay iyon sa ating mga kapatid. Ngunit nakatuon lamang ako sa pag-aarmas ng aking sarili sa mga doktrina, at ipinalagay ang pagsasalita ng mga doktrina bilang tungkulin ko, na walang pag-iimbot na nagbibigay sa iba ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu, na pinahihintulutan ang iba na isagawa ang katotohanan, habang ako mismo ay hindi pumasok. At bilang resulta ay iniwan ko ang aking sarili sa huli at sinaktan din ang mga kapatid ko. Ako ay isang tunay na kontemporaryong Pablo!

 

Diyos, salamat sa Iyo sa Iyong pagliliwanag at pagpapalinaw, na nagpahintulot sa akin na makita ang aking pagkakamali na baguhin ang aking disposisyon sa kabila ng maraming taon ng paniniwala sa Diyos ay dahil lamang sa pagbibigay pansin sa gawain, sa pag-aarmas sa aking sarili ng mga doktrina at pagpapasikat ng aking sarili sa halip na pagbibigay pansin sa aking pagsasabuhay Namumuhi ako na ako ay sobrang mapagmataas at mangmang, na hindi ko iniibig ang katotohanan, at sa gayon ay napalampas na ang maraming pagkakataon upang pumasok sa katotohanan at humanap ng pagbabago. Nakahanda ako ngayon na maunawaan nang mas mabuti ang katotohanan sa pamamagitan ng Iyong mga salita, na humanap ng mas malalim na pag-unawa sa aking sarili, na taimtim at makatotohanang isagawa ang salita ng Diyos at pumasok sa katotohanan, na gamitin ang praktikal na pamumuhay upang bayaran Ka.

 

 

Pinagmumulan: https://tl.kingdomsalvation.org/testimonies/what-does-true-change-mean.html

 

 

_________________________________________________________________

 

Maraming tao ang nag-iisip na hangga't kinikilala natin ang Diyos sa ating mga bibig at nagtitiwala sa Kanya sa ating mga puso, kung gayon ay matatawag tayo na naniniwala tayo sa Diyos. Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ay tunay na kasing simple ng iniisip natin? Ano ang pananampalataya sa Diyos? Sa katunayan, ang "Paniniwala sa Diyos" ay nangangahulugang naniniwala tayo na pinanghahawakan ng Diyos ang soberanya sa lahat ng bagay. Batay dito, dapat nating maranasan ang gawain ng Diyos, mabago ang ating disposisyon at sa huli makilala ang Diyos.

Write a comment

Comments: 0