· 

Ang mabuting balita ng Panginoon | Masaya Kong Tinanggap ang Pagbabalik ng Panginoon

pagbabalik ni Jesus

 

Ang mabuting balita ng Panginoon | Masaya Kong Tinanggap ang Pagbabalik ng Panginoon

 

Ni Chuanyang, United States

 

Napakaginaw noong taglamig ng 2010 sa Estados Unidos. Maliban sa nanunuot na lamig na dala ng hangin at niyebe, ang mas matindi ay ang naramdaman ng aking puso na parang nabalot ito ng sa wari ay uri ng “matinding lamig.” Para sa amin na ang trabaho ay pagdedekorasyon ng interiyor ng bahay o gusali, pinakamahirap na panahon ng taon ang taglamig, dahil kapag nagsimula na ang taglamig kakaunti ang trabaho. Naranasan din namin na mawalan ng mga trabaho. Ang taon na ito ang unang taon ko sa Estados Unidos, bagong salta pa lamang ako rito, at pakiwari ko ay hindi ako pamilyar sa lahat ng bagay. Hindi rin madali ang magrenta ng apartment o maghanap ng trabaho—at puno ng paghihirap ang mga araw ko. Kinapos ako kaya kinailangan kong mangutang ng pera para pambayad ng renta sa apartment. Naharap sa mabigat na problemang ito, naging napakalungkot ko, at nadama ko na tila talagang napakahirap ng buhay ko. Sa gabi nasa harapan ko ang isang malamig na pader, napakalungkot ko kaya ang gusto ko lamang gawin ay umiyak. Isang araw, habang matamlay akong naglalakad-lakad sa aking kalungkutan at kapighatian, isang tao na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus ang nag-abot sa akin ng isang kard, at sinabi, “Mahal ka ng Panginoong Jesus. Kapatid, halika sa iglesia namin at makinig sa ebanghelyo ng Panginoon!” Naisip ko sa aking sarili: “Siguro wala akong dapat gawin ngayon, kaya hindi naman makasasama sa akin na pumunta at makinig dito. Siguro isang bagay din ito na gagawin.” Kaya ganoon lang, pumasok ako sa iglesia. Nakinig ako sa pagbabasa nang malakas ng pastor tungkol sa isang bagay na sinabi ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16). Nang marinig ko ito, labis akong naantig ng pagmamahal ng Panginoon. Hindi ko lubos na maipaliwanag ang naramdaman ko, pero talagang naramdaman ko na totoo ang pagmamahal ng Panginoon, at ito ay nakahihigit sa anumang pagmamahal na maaaring matagpuan sa mundo. Lubos na napanatag ang nagdadalamhati kong puso. Dahil dito, nagpasiya ako na tapat na ibigay ang aking pagtitiwala sa Panginoong Jesus. Pagkatapos niyon, nagsimula akong masigasig na makibahagi sa mga pulong tuwing Linggo, at dahil sa pagiging masigasig ko agad akong naging co-worker sa iglesia.

 

Matapos maglingkod nang dalawang taon sa iglesia, nadama ko na parang unti-unti ko nang hindi nakakasama ang Panginoon. Hindi na ako makadama ng kaliwanagan kapag nagbabasa ng Biblia, hindi na ako naaantig kapag nagdarasal ako, at parang wala na akong matutuhang anuman sa pagdalo sa mga pulong. Bukod pa rito, nakita ko kung paano namumuhay ang lahat ng tao sa iglesia kung saan nagkakasala sila nang hayagan at pagkatapos ay nagsisisi nang hindi taos sa puso, at kung paanong ang lahat, mga pastor, mga elder, o mga karaniwang mananampalataya man, ay nagagapos ng kasalanan, nakikipagtalo dahil sa inggit, nakikipagsabwatan sa isa’t isa para makabuo ng pangkat, nag-aaway para sa katanyagan at kapakinabangan, at pinag-iimbutan ang mga bagay na nauukol sa mundo. Mas lalo pang ginagawa ang lahat ng uri ng mga bagay na labag sa kautusan. At nakita ko rin na lalo pang sumasama ang mga tao sa lipunan sa kalahatan sa paglipas ng bawat araw, lalo pang nagiging makasalanan at sakim, at nangyayari ang mga kalamidad sa lahat ng dako ng mundo—palaging nagkakaroon ng mga lindol, taggutom at mga epidemya. Malinaw na ipinapakita ng lahat ng uri ng mga tanda na dumating na ang mga huling araw, at na magbabalik ang Panginoon Jesus sa lalong madaling panahon. Palaging ipinapangaral sa amin ng mga pastor at mga elder ang tungkol sa mga talatang ito sa Biblia: “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:23–24). Sa kanilang mga sermon, tahasan nilang sinabi na magsisilitawan ang mga huwad na Cristo sa mga huling araw, at sinabihan kami na kahit anong mangyari hindi kami dapat makinig sa mga estrangherong nangangaral. Sinabi pa nila na, maliban sa mga yaong nasa aming iglesia, ang mga mananampalataya sa ibang mga denominasyon ay maling lahat, at dapat kaming mag-ingat para mahiwatigan ang tungkol sa iba pang mga tao upang hindi kami malinlang at humantong sa pagtahak sa maling landas. Dahil madalas kong marinig ang pangaral na ito ng mga pastor, sinabi ko sa aking sarili: “Hindi ako dapat lumihis sa landas sa mahalagang panahong ito na nalalapit na ang pagdating ng Panginoon, at dapat kong tiyakin na mapapanatili ko ang aking pananampalataya sa Panginoon.”

 

Isang araw noong kalagitnaan ng Setyembre 2016, nakatanggap ako ng isang di-inaasahang tawag sa telepono mula kay Sister Zhu. Si Sister Zhu ay matagal nang mananampalataya at masigasig na naghahanap sa aming iglesia, at palagi kaming nagkakasundo, kaya’t napakasaya ko na tinawagan niya ako. Nakinig ako habang masayang nagkukuwento sa akin si Sister Zhu, “Kapatid, mayroon akong magandang balita na sasabihin sa iyo: Ang Panginoong Jesus ay bumalik na bilang Makapangyarihang Diyos! Sa pagkakataong ito ang Diyos ay nagkatawang-tao para isagawa ang gawain ng paghatol, paglilinis at pagliligtas sa tao!” Medyo nagulat ako nang marinig ko ang mga salitang ito, at sinabi ko sa aking sarili: “Hindi ba tinahak ni Sister Zhu ang daan ng Panginoon? Sumapi ba siya sa ibang denominasyon? Bakit kaya siya nagpakahangal? Paulit-ulit na binigyang-diin ng mga pastor at mga elder na magsisilitawan ang mga huwad na Cristo sa mga huling araw, kaya bakit hindi siya nakinig sa kanila? Kung lilihis kami sa aming pananampalataya sa mahalagang panahong ito kung saan nalalapit na ang pagdating ng Panginoon, hindi ba’t mawawalang-saysay ang aming pananampalataya sa lahat ng taon na ito?” Nang nasa isipan ito, kinakabahan na tinanong ko si Sister Zhu, “Kapatid, sinasabi sa Biblia na sa mga huling araw magkakaroon ng mga huwad—” hindi na niya hinintay na matapos ako sa aking sasabihin, kaagad sinabi ni Sister Zhu. “Kapatid, nagbabala sa atin ang Panginoong Jesus na ‘At huwag kayong mangagsihatol,’ at hindi tayo dapat humusga kahit kailan man natin naisin, para hindi tayo makondena ng Diyos.” Dahil sa babala ng kapatid na babae naisip ko ang mga salitang ito ng Panginoon: “At huwag kayong mangagsihatol, at hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at hindi kayo parurusahan” (Lucas 6:37). Hindi na ako nagsalita pa. Gayunman, hinggil sa mahalagang pangyayari na katulad ng pagbabalik ng Panginoon, kami ni Sister Zhu ay may kani-kanyang sariling mga opinyon, at pareho naming gustong hikayatin ang isa’t isa. Kaya nagpalitan kami ng aming mga opinyon, ngunit sa huli hindi namin nagawang mahikayat ang isa’t isa.

 

Sa loob ng nakalipas na isang buwan pagkatapos nito, paulit-ulit akong tinawagan ni Sister Zhu para ipangaral sa akin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos, ngunit lagi akong tumatangging tanggapin ito, at patuloy ko siyang kinumbinsi na bumalik sa aming iglesia at patuloy na manampalataya sa Panginoon. Sa paglipas ng mga araw, nakita ko na napakatatag niya sa kanyang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos at na hindi siya nag-aalinlangan kahit kaunti sa kanyang pananampalataya, kaya hinayaan ko na ito, at itinigil ang pagkumbinsi sa kanya. Sinabi ko, “Mula ngayon, mananampalataya pa rin ako sa aking Panginoong Jesus at maaari kang manampalataya sa iyong Makapangyarihang Diyos, at huwag nating pakialaman ang pananampalataya ng isa’t isa!” Pagkatapos niyon, kapag tinatawagan ako ni Sister Zhu para magpatotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, maghahanap ako ng dahilan para iwasan siya. Patuloy akong tumangging tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, ngunit hindi siya kailanman sumuko sa pagsisikap na ibahagi ang ebanghelyo sa akin.

 

Isang umaga noong Nobyembre pagkalipas lamang ng alas-5 n.u., bago magbukang-liwayway, isang tao ang pumindot ng doorbell sa bahay ko. Binuksan ko ang pinto at nakita si Sister Zhu, at kasama niya ang isang kapatid na lalaki at isang kapatid na babae. Nang makita ko si Sister Zhu, medyo nangatwiran agad ako. Sinabi ko sa aking sarili: “Hindi ba’t nilinaw ko na sa iyo? Bakit ka pa rin nagbiyahe nang malayo para pumunta sa bahay ko? Anuman ang sabihin mo hindi ako maniniwala sa Makapangyarihang Diyos.” Binalewala ko ang lahat ng taon na magkakilala kami bilang mga miyembro ng parehong iglesia, nagsalita ako ng ilang hindi magandang salita sa kanila at hindi sila pinapasok. Nang makita ni Sister Zhu na talagang determinado ako, nabanaag ko ang lungkot sa kanyang mukha at sa tinig na gumagaralgal sinabi sa akin, “Kapatid, ang dahilan kaya ako narito para ibahagi ang ebanghelyo ng kaharian sa iyo ay dahil naantig ako ng Banal na Espiritu. Kung hindi dahil sa pagmamahal ng Diyos, hindi ko madadaig ang aking kapalaluan at magpapatuloy sa pagsisikap na ibahagi sa iyo ang ebanghelyo nang paulit-ulit. Kapatid, ang Panginoong Jesus ay talagang nagbalik na. Sa ngayon, gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga tumanggap ng bagong gawain ng Diyos. Kung hindi dahil sa gawain ng Banal na Espiritu, paano maaaring magkaroon ng ganitong katinding pananampalataya at hangarin ang sinuman na pumarito para ipangaral sa iyo ang ebanghelyo? Nakita mo rin ang kasalukuyang sitwasyon ng ating iglesia. Lahat ng ating mga kapatid na lalaki at babae ay nagagapos ng kasalanan at wala silang lakas na kumawala. Dumating ang Diyos sa panahong ito para ipahayag ang Kanyang mga salita para hatulan ang tao at isagawa ang gawain na alisin sa atin ang kasalanan at linisin tayo. Kung hindi natin tatanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi tayo magkakaroon ng isa pang pagkakataon na matamo ang pagliligtas ng Diyos.” Naantig ako sa katapatan ng mga salita ng kapatid at medyo naglubag ang loob ko. Lalo na, nang magsalita siya tungkol sa sitwasyon ng aming iglesia, lahat ng bagay na nakita ko na nangyari sa mga iglesia ay biglang nagsimulang pumasok sa aking isipan: Sa unang iglesia na pinaglingkuran ko, iba ang ginagawa ng mga pastor sa mga sinasabi nila, at sinumang magbigay ng maraming pera ay masayang sinasalubong ng mga pastor nang nakangiti at lubos na pinagtutuunan ng pansin. Sinumang magbigay ng napakaliit na halaga ng pera, gayunman, ay binabale-wala at hinahamak ng mga pastor. Hindi ko na talaga matiis na makita na nangyayari ito, kaya sumapi ako sa ibang iglesia. Sa iglesiang ito nasaksihan ko na iniitsa-pwera ng mga co-worker ang isa’t isa, at nagtatalu-talo dahil sa inggit, at nagsasabwatan ang bawat isa para makabuo ng iba’t ibang pangkat, at hindi sila naiiba mula sa mga tao sa sekular na daigdig. Ito ang talagang nagpadismaya sa akin. Sa una, gusto kong sumapi sa isa pang iglesia, ngunit sinabi sa akin ng isang kapatid na lalaki na napuntahan na niya ang maraming iglesia, at saanman siya magpunta lagi niyang natatagpuan ang gayon ding kapanglawan at kadiliman…. Naisip ko rin ang iba-ibang pag-uugali na ipinakita ko habang nabubuhay sa kasalanan, na naging dahilan para magsimulang mag-alinlangan ang aking puso. Naisip ko: “Talaga kayang bumalik na ang Panginoong Jesus sa katawang-tao para isagawa ang gawain ng pag-aalis ng kasalanan?” Pagkatapos ay nagpatuloy si Sister Zhu, sinasabing, “Kung ang Makapangyarihang Diyos nga ang bumalik na Panginoon o hindi, ang gagawin mo lamang ay basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos, at doon mo malalaman. Sa panahong dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, sumunod sa Kanya ang Kanyang mga disipulo dahil nakilala nila na Siya ang Mesiyas na ipinropesiya noon sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at Kanyang gawain. Ngayon, upang makilala kung ang Makapangyarihang Diyos nga o hindi ang nagpakitang Panginoong Jesus na dumating para isagawa ang Kanyang gawain, dapat din nating gawain ang gayon sa pamamagitan ng pagtingin sa gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Kung, pagkatapos mong mabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at naniniwala ka pa rin na hindi Siya ang nagbalik na Panginoon, kung gayon hindi kita pipiliting maniwala, at titigil ako sa pangangaral ng ebanghelyo sa iyo, dahil hindi kailanman pinipilit ng Diyos ang sinuman na tanggapin ang Kanyang ebanghelyo.”

 

Matapos itong sabihin ni Sister Zhu, nag-alangan ako sandali at sinabi sa aking sarili: “Maaari kong basahin ang mga ito at makita mismo ang mga katotohanan na binanggit sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nagbigay kay Sister Zhu ng gayong katatag na pananalig sa Makapangyarihang Diyos.” Kaya, binuksan ko ang pinto at pinapasok sa bahay ko si Sister Zhu at ang iba pa. Ipinakilala ni Sister Zhu ang mga kasama niya, at sila ay sina Sister Zhang Qing at Brother Liu Kaiming mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sinabi ni Sister Zhu, “Brother Chuanyang, ilang buwan na ang nakalipas mula noong tanggapin ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nagpunta ako sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para tingnan mismo ito para sa aking sarili, at nakibahagi ako sa kanilang mga gawain sa iglesia. Sa pamamagitan ng mga personal na karanasan at masigasig na pagsisiyasat, nakita ko na ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay talagang isang iglesia na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu. Ito ay isang totoong iglesia, at tunay na nagmula sa Diyos. Maraming taon na tayong miyembro ng iglesia, at bilang isang co-worker sa iglesia, dapat mas nalalaman mo kaysa sa akin kung ano ang nangyayari sa loob nito ngayon. Matagal nang tumigil sa paggawa ang Banal na Espiritu sa ating iglesia, at isang bagay ito na alam ng lahat. Ang mga pastor ay hindi makapangaral sa atin ng mga sermon na nagbibigay sa atin ng buhay. Ang ipinapangaral lamang nila ay tungkol sa kung paano salungatin o kung paano mag-ingat laban sa iba pang mga denominasyon, sinasabi sa atin na dapat nating panatilihin ang pangalan ng Panginoon at maliligtas tayo hangga’t hindi natin iniiwan ang ating iglesia. Ngunit talagang wala silang pinagbatayan sa salita ng Panginoon para kumilos sa ganitong paraan. Ginagawa lamang nila ito para protektahan ang kanilang mga posisyon at mapanatili ang kanilang mga kabuhayan, at hindi nila iniisip ang ating buhay. Kung talagang nadarama nila na may responsibilidad sila para sa ating buhay kung gayon magkukusa sila at mangunguna sa atin sa paghahanap ng isang iglesia kung saan gumagawa ang Banal na Espiritu, sa halip na ipagpilitang manatili tayo sa isang relihiyon kung saan matagal nang tumigil sa paggawa ang Banal na Espiritu, hinihintay ang ating kamatayan dahil sa pagkagutom o pagkabitag sa isang iglesia na walang gawain ng Banal na Espiritu.” Pagkatapos marinig ito, nasabi ko sa aking sarili: “Talagang inilalarawan ni Sister Zhu ang nangyayari. Talagang wala sa iglesia ngayon ang gawain ng Banal na Espiritu, lahat ng ginagawa ng mga pastor at mga elder ay hindi talaga ginagawa para sa kapakanan ng buhay namin na mga mananampalataya, at sa pananatili ko sa iglesiang ito sa nakalipas na mga taon lalo kong nadama na wala sa amin ang Panginoon. Matagal nang uhaw ang aking espiritu at malayo sa liwanag, na para bang wala nang pag-asa.” Nang mapakinggan ko siyang magsalita nang makatwiran at may batayan, hindi na ako nakadama pa ng pagtutol sa pagbisita nila.

 

Sa sandaling iyon, ang kapatid na kasama niya—si Brother Liu—ay nagsabing, “Kapatid, ang dahilan kung bakit mapanglaw ang mundo ng mga relihiyon ay dahil dumating na ang Diyos para isagawa ang bagong gawain at sumulong na ang gawain ng Banal na Espiritu, ngunit hindi nakasabay ang mga tao sa bagong gawain na ginagawa ng Diyos. Ang isa pang mas malaking dahilan ay hindi sinusunod ng mga pastor at mga elder ang mga utos ng Panginoon o hindi isinasagawa ang mga salita ng Panginoon, sa halip inakay nila ang mga mananampalataya na sundin ang masasamang kalakaran ng mundo, at sinalungat at kinondena maging ang bagong gawain ng Diyos. Katulad ito noong dumating ang Panginoong Jesus para isagawa ang Kanyang gawain, ang templo ay naging lugar kung saan nagbebenta ng mga baka, mga tupa at mga kalapati at nagpapalit ng pera. Nilabag ng mga saserdote ang mga kautusan at nag-alay ng mga hayop na may mga kapintasan bilang mga sakripisyo upang linlangin ang Diyos, ang mga Fariseo ay nag-imbot ng kayamanan at nagtamasa ng samsam na nakuha nila sa kanilang posisyon, at gumawa ng iba pang kasalanan. Maging ang mga yaong naglingkod sa Diyos ay nabuhay sa kasalanan, nang walang kahit kaunting paggalang sa Diyos sa kanilang mga puso. Sapat na ito para maipakita na hindi na gumagawa ang Banal na Espiritu sa templo, na ang gawain ng Banal na Espiritu ay sumulong na, at na ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay nagwakas na. Dumating na ang Panginoong Jesus para isagawa ang gawain ng pagtubos sa pundasyon ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at hindi na gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga yaong pinapanatili pa rin ang pangalang Diyos na si Jehova at pilit pa ring ipinaggigiitan ang mga kautusan. Sa halip, napunta ang gawain ng Banal na Espiritu sa mga yaong tumanggap ng bagong gawain ng Panginoong Jesus. Dahil wala na ang presensya ng Diyos sa templo, mas lalo pa itong naging mapanglaw, hanggang sa maging pugad ito ng mga magnanakaw sa huli. Ang mga disipulo ng Panginoong Jesus, sa kabilang banda, ay natanggap ang pagliligtas ng Panginoon, isinagawa nila ang mga turo ng Panginoon, sinunod nila ang Panginoon nang may pananampalataya at lakas, nilisan nila ang kanilang mga tahanan at iniwan ang kanilang mga trabaho upang patotohanan at ipalaganap ang ebanghelyo ng Panginoon, hindi natakot sa pang-uusig o paghihirap. Hindi ba’t ang lahat ng ito ang kinahinatnan nila sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu? Katulad noon, ang pagbabalik ngayon ng Panginoon ay nangangahulugang nagwakas na ang sinaunang kapanahunan at nagsimula na ang bagong kapanahunan. Matagal nang tumigil sa paggawa ang Banal na Espiritu sa mga iglesia ng Kapanahunan ng Biyaya; sa halip, nagsimula na Siyang gumawa sa mga yaong tumanggap ng bagong gawain ng Diyos, na nagsasakatuparan sa mga propesiyang ito sa Biblia: ‘At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo’ (Amos 4:7). ‘Narito, ang mga araw ay dumarating … na ako’y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ni Jehova’ (Amos 8:11). Sinasabi rin ng Makapangyarihang Diyos: ‘Tutuparin ng Diyos itong katunayan: Palalapitin Niya ang lahat ng sangkatauhan sa buong sansinukob sa Kanyang harapan, at sasambahin ang Diyos sa lupa, at ang Kanyang gawain sa ibang mga lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumukod sa kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga bagay na makakain. Upang maiwasan ang taggutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay daranas ng matinding taggutom, at tanging ang Diyos ng ngayon ang Siyang bukal ng buhay na tubig, na taglay ang palaging umaagos na bukal na inilaan para sa kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya’ (“Nakarating na ang Milenyong Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). ‘Ang lahat ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok na sa kalipunang ito ng mga tao. Nailaan na Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at isinakripisyo ang lahat para sa inyo; Kanyang nabawi na at naibigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang dahilan kung bakit Ko sinasabing, kayo ang mapalad. Higit pa rito, nailipat na Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang hinirang na bayan, sa inyo, nang sa gayon ay lubusang maipamalas ang layunin ng Kanyang plano sa pamamagitan ninyong kalipunan ng mga tao. Samakatuwid, kayo yaong mga tatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos’ (“Napakapayak ba ng Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). ‘Dahil yaong mga nasa relihiyon ay walang kakayahang tanggapin ang bagong gawain ng Diyos, at nais lamang kumapit sa lumang gawain ng nakaraan, kaya’t tinalikuran na Niya ang mga taong ito, at ginagawa ang Kanyang bagong gawain sa mga taong tumatanggap sa bagong gawaing ito. Ang mga ito ay mga tao na nakikipagtulungan sa bago Niyang gawain, at tanging sa paraang ito matutupad ang Kanyang pamamahala’ (“Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa mga salitang ito ng Diyos, makikita natin na hindi na gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga iglesia ng Kapanahunan ng Biyaya, kaya gaano man magsikap ang mga tao o anumang uri ng mga paraan ng tao ang gamitin nila para muling buhayin ang mga iglesia, wala na itong saysay. Pare-pareho ang Iglesiang Katolika at ang mga denominasyon ng Protestante; ang mga espiritu ng mga mananampalataya nila ay uhaw at gutom, mas lalo pang nanlalamig ang kanilang pananampalataya at kanilang pagmamahal, hindi nila masunod ang mga turo ng Panginoon, at marami sa kanila ang sumusunod sa masasamang kalakaran ng mundo, naghahangad ng kayamanan at nag-iimbot ng mga bagay na nauukol sa mundo. Ang mga iglesia ay naging mga lugar ng kapanglawan. Sa kabilang banda, ang mga kapatid na lalaki at babae sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay yaong mga umalis mula sa iba’t ibang denominasyon at nagmula sa iba’t ibang propesyon para tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sila ay matatalinong dalaga, na nang marinig ang tinig ng Diyos, ay bumalik sa harapan ng Kanyang trono. Tumatanggap sila ng panustos na buhay na tubig ng buhay na nagmumula sa trono ng Diyos, sila ay pinangangalagaan at pinamumunuan ng Diyos Mismo, at ipinalalaganap nila at pinatototohanan ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos nang nagkakaisa. Tiniis nila ang panghahamak at paninirang-puri ng mundo, tiniis nila ang pang-aabuso at pagkondena ng mga lider ng iba’t ibang denominasyon, at maging ang pambubugbog, at tiniis nila ang pagdakip, paghalughog sa kanilang mga tahanan, pagkumpiska sa kanilang mga ari-arian, at malupit na pagpapahirap at pagkabilanggo at marami pang iba ng pamahalaang CCP. Magkagayunman, naroon pa rin ang kanilang pananampalataya, mayroon silang lakas, mayroon silang pagmamahal, at sila ay matatag at di-natitinag sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos at pagpapatotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Nagagawa nila ito hindi dahil sa sarili nilang lakas. Lahat ng ito ay resultang natamo nila sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu! Bukod pa rito, ang kalooban ng Diyos ay matatagpuan sa pagpapadala Niya ng taggutom sa mundo ng mga relihiyon. Ang layunin Niya sa paggawa nito ay upang mapilitan ang mga yaong tunay na nananampalataya sa Diyos at nauuhaw na humiwalay sa relihiyon, alisin sa kanilang mga sarili ang panlilinlang at pagkontrol ng mga anticristo ng mga relihiyon, at lumayo sa relihiyon. Sa paggawa nito, maaari nilang hanapin kung gayon ang mga yapak ng Diyos at pagpapakita ng Diyos; tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at malinis at magawang perpekto ng Diyos. At kasabay nito, ang mga yaong hindi nananampalataya na naiwan sa relihiyon, na naghahangad na kumain sa sisidlan nila na puno ng tinapay at hindi naniniwala sa Diyos nang taos-puso, ngunit sa halip ay hinahangaan at sinusunod ang mga tao, ay ilalantad at aalisin. Sa ganitong paraan, paghihiwa-hiwalayin ang lahat ng tao ayon sa kanilang mga uri. Hindi ba’t ito ang karunungan at pagka- makapangyarihan sa lahat ng Diyos?”

 

Matapos mapakinggan ang mga salita ng Diyos at ang pagbabahagi ng kapatid na lalaki na ito, nadama ko na tila napakapraktikal nito, at na lubos itong nakaayon sa kung paano talaga nararapat maging gayon ang mga bagay-bagay. Tila nagising ako mula sa isang panaginip, at naunawaan ang sanhi ng pagkapanglaw ng iba’t ibang iglesia. Sa sandaling ito, natanto ko sa huli kung gaano ako kamanhid. Bagama’t nakita ko, mula sa mga pastor at mga elder hanggang sa mga karaniwang mananampalataya, na lahat ay nagagapos ng kasalanan, at na puno ang iglesia ng kawalan ng pagsunod sa mga kautusan at kasamaan, hindi ko pa rin hinanap ang kalooban ng Diyos, ni hinanap ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi ko rin pinagtuunan ng pansin ang tinig ng Diyos at, bunga nito, inalis ako sa gawain ng Banal na Espiritu nang hindi ko namamalayan. Natanto ko na kinailangan kong basahing mabuti ang salita ng Makapangyarihang Diyos. Sa araw na iyan, nang papaalis na si Sister Zhu at ang kanyang mga kasama, nag-iskedyul sila ng oras para bumalik at magbahagi muli sa akin, at iniwan din nila sa akin ang aklat na Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero, na napakasaya kong tinanggap.

 

Kalaunan, nang basahin ko ang Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero, isang aklat ng salita ng Makapangyarihang Diyos, nakita ko na naghahayag ang salita ng Makapangyarihang Diyos ng maraming misteryo, gaya ng tatlong yugto ng gawain na isinagawa ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, ang gawain ng Kanyang paghatol sa mga huling araw, ang kagandahan ng Kanyang kaharian, at marami pang iba, na nagbigay sa akin ng malalim na pagkaunawa sa gawain ng Diyos. Napawi ang pagkauhaw ng aking espiritu, at habang lalo kong binabasa ang aklat na ito lalo kong nagugustuhan ito. Dati lagi akong gumigising ng alas-5:30 n.u., ngunit nang matanggap ko ang aking kopya ng Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero, nagsimula akong gumising ng alas-4:30 n.u. upang basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at pagnilayan ang Kanyang mga salita, at nakadama ang aking espiritu ng kapanatagan. Isang umaga, habang binabasa ko ang kabanata na “Ikaw Ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?” labis na naantig ang aking puso. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Diyos na nagsisiyasat ng kaibuturan ng puso ng mga tao, at inilalantad Niya ang ating tiwaling kalikasan na hindi natin kailanman malalaman sa ating sarili, kaya nga nakita ko ang katotohanan na naging tiwali ako dahil kay Satanas. Totoo ito lalo na nang mabasa ko ang mga salitang ito ng Makapangyarihang Diyos: “Magkagayunman, sinasabi Ko na lahat ng hindi nagpapahalaga sa katotohanan ay walang paniniwala at taksil sa katotohanan. Ang mga ganitong tao ay hindi kailanman makatatanggap ng pagsang-ayon ni Cristo. … Dapat mong maintindihan na ang Diyos ay hindi kabilang sa mundo o sinumang tao, ngunit sa lahat ng totoong nanampalataya sa Kanya, sa lahat ng sumasamba sa Kanya, at lahat ng mapagmahal at tapat sa Kanya.” Habang pinagninilayan ko ang mga salitang ito, lagi kong itinatanong sa aking sarili: Talaga bang nananampalataya ako sa Diyos? Pinahahalagahan ko ba ang katotohanan? Ano ang pinahalagahan ko sa nakalipas na mga taon na ito ng aking pananampalataya sa Panginoon? Pinag-isipan ko kung paano ako natutulad sa karamihan sa mga kapatid na lalaki at babae: Sa panlabas, nagbasa ako ng Biblia at dumalo sa mga pulong, ngunit hindi ko pinagtuunan ng pansin ang pagpapamuhay at pagsasagawa ng salita ng Panginoon; sa halip, pinahalagahan ko ang mga sermon na ipinangaral ng mga pastor at ang literal na kahulugan ng mga banal na kasulatan sa Biblia. Hindi ko pinag-alinlanganan ang kaalaman tungkol sa Biblia at ang mga doktrinang pangteolohiya na ipinangaral ng mga pastor. Hindi ko kailanman pinag-isipan kung may bahid na katotohanan o wala ang ipinangaral nila, o kung umaayon ito o hindi sa kalooban ng Panginoon, at sigurado ako na hindi ko ginamit ang mga salita ng Panginoon para suriin at alamin kung ano ang sinasabi nila. Tayong mga mananampalataya ay basta na lang naniniwala sa anumang ipangaral nila. Pinag-iisipan ito ngayon, natanto ko kung gaano ako kahangal at kaignorante para magsunud-sunuran lamang sa mga tao! Ginunita ko ang mga sermong ibinigay ng mga pastor at mga elder. Nagbigay sila ng mga sermon tungkol sa pagbibigay ng mga handog o tungkol sa pag-iingat laban sa iba pang mga denominasyon at hinadlangan ang iglesia, o magtuturo na lamang sila ng mga bagay na dati pa nilang ipinangangaral noon sa loob ng maraming taon. Walang bagong pagpapalinaw, walang bagong kaliwanagan, wala talaga silang anumang lakas na maibigay sa amin, hindi nila malutas ang problema ng pagkauhaw ng aming mga espiritu, at tiyak na hindi nila malulutas ang kapanglawan sa iglesia. Humantong ito sa pagiging sunud-sunuran na lamang ng mga kapatid na lalaki at mga babae kapag nakikibahagi sila sa mga pulong. Sa oras ng mga pulong ang ilan ay mag-uusap, ang ilan ay makakatulog, at ang ilan ay maglalaro ng mga game sa kanilang mga phone. Namuhay ako sa madilim at mapanglaw na iglesiang ito, ngunit hindi ko sinikap na hanapin ang kalooban ng Diyos, ni sinikap na hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa wari, hindi talaga ako ang tao na iyon na naghanap ng katotohanan o tunay na nanampalataya sa Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Lahat ng hindi nagpapahalaga sa katotohanan ay walang paniniwala at taksil sa katotohanan.” “Ang Diyos ay hindi kabilang sa mundo o sinumang tao, ngunit sa lahat ng totoong nanampalataya sa Kanya, sa lahat ng sumasamba sa Kanya,” Talagang totoo ang mga salitang ito, at dahil dito bigla kong naisip ang tungkol sa mga salita ng Panginoong Jesus: “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6). Pagkatapos ay naunawaan ko na ang Diyos ay ang katotohanan, na isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain upang maibigay sa tao ang katotohanan, ang daan at ang buhay, at na pinagtutuunan ng pansin ng mga tao na tunay na nananampalataya sa Diyos ang paghahanap ng katotohanan at pagtatamo ng katotohanan. Bilang isang mananampalataya sa Diyos, hindi ko pinagtuunan ng pansin ang paghahanap ng katotohanan, hindi nga ba’t naguguluhan ako sa aking pananampalataya? Kung ito ang paraan ng pananampalataya ko sa Diyos, paano ko matatanggap ang pagsang-ayon ng Diyos? Nakatulong nang malaki sa akin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos! Habang lalo ko pang binabasa ang salita ng Makapangyarihang Diyos, mas lalo kong nadama na nagkukulang ako sa lahat ng bagay. At dahil dito, maliban kapag kailangan kong magtrabaho, ginugol ko ang lahat ng libre kong oras sa pagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Mula sa kaibuturan ng aking puso nakakatiyak ako na ito ang tamang daan. Ngunit naguguluhan pa rin ako sa mga salitang ito na binanggit ng Panginoong Jesus: “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:23–24). Hindi ko alam ang malalim na kahulugan ng mga salitang ito, kaya nagpasiya akong itanong ito kapag pumunta muli si Sister Zhu at ang mga kasama niya.

 

Dumating si Sister Zhu at ang ibang kapatid na lalaki at babae sa bahay ko sa iniskedyul naming oras, at sinabi ko kay Sister Zhang, “Nitong mga nakalipas na araw marami akong binasa mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos, at nadama ko na katotohanan lahat ang salitang binanggit ng Makapangyarihang Diyos, at na iyon talaga ang kailangan ko. Noon, paulit-ulit akong inanyayahan ni Sister Zhu na alamin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, ngunit dahil ipinangaral ng aking mga pastor ang tungkol sa kung paano magsisilitaw ang mga huwad na Cristo sa mga huling araw para linlangin ang mga tao, tumanggi akong alamin ang totoong daan, at ngayon pinagsisisihan ko ito. Gayunman, naguguluhan pa rin ako tungkol dito, kaya gusto kong magtanong sa inyo. Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang’ (Mateo 24:23–24). Paano ninyo nauunawaang lahat ang mga salitang ito?”

 

Sinabi ni Sister Zhang, “Salamat sa Diyos, at nawa’y gabayan Niya tayo sa pagbabahaging ito. Tungkol sa itinanong mo, una dapat nating maunawaan kung ano ang layunin ng Panginoon Jesus sa pagsasabi ng mga salitang ito, at ano ang ibig Niyang sabihin nang banggitin Niya ang mga ito. Sinabi ng Panginoong Jesus sa atin na, kapag bumalik Siya, Siya ay muling magiging tao bilang Cristo, bilang Anak ng tao, at sa siping ito sinabi ng Panginoon na muling maglilitawan ang mga huwad na Cristo, magpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan para linlangin ang mga tao. Ibig sabihin, sa susunod na magpakita ang Diyos sa katawang-tao, magsisilitawan din ang mga huwad na Cristong ito. Mula dito, makikita natin na sinabi ng Panginoon ang mga salitang ito upang sabihin sa atin na dapat tayong magkaroon ng katangiang makahiwatig para hindi tayo malinlang ng mga huwad na Cristong ito. Hindi Niya sinabi ang mga salitang ito para tanggihan natin na pakinggan ang sinumang nagpapalaganap ng mabuting balita ng pagdating ng Panginoon at palaging sarhan sila ng pinto. Ito ay magiging isang pagkakamali, at magiging mali ang pagkaunawa natin sa hangarin ng Panginoon. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus: ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya’ (Mateo 25:6). ‘Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko’ (Pahayag 3:20). ‘Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin’ (Juan 10:27). Nilinaw nang lubos ng mga salita ng Panginoon na kapag bumalik ang Panginoon, gagamitin Niya ang Kanyang tinig para tawagin ang mga tupa ng Diyos, at sa pamamagitan ng Kanyang tinig makikila Siya ng mga tupa ng Diyos at magbabalik sa Kanya. Ibig sabihin, malugod man nating tanggapin o hindi ang pagbabalik ng Panginoon na napakahalaga ay nakabatay kung makikila natin o hindi ang tinig ng Diyos. Kung hindi tayo magsisikap na pakinggan ang tinig ng Diyos, at laging tinatanggihan ang mga yaong nagpapalaganap ng ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon, hindi ba’t makakagawian natin na pagsarhan ng pinto ng Panginoon at hindi Siya papasukin? Mula sa mga salita ng Panginoon malinaw na nakikita natin na ang katangian ng mga huwad na Cristo ay ang kakayahang gumawa ng mga tanda at gumawa ng mga himala, ginagawa ang gawain na isinagawa ng Panginoong Jesus noon at gumagawa ng ilang tanda at kababalaghan, tulad ng pagpapagaling ng mga maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo para malinlang ang tao. Gayunman, ang mga huwad na Cristo ay kumakatawan sa masasamang espiritu, kaya anumang uri ng mga tanda ang gawin nila, hindi sila makapagpapahayag ng anumang katotohanan. Hindi ito maikakaila. Nilinaw nang lubos ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang mga pagpapahayag at substansya ng mga huwad na Cristo. Tingnan natin ang ilang sipi mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos at mauunawaan mo. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Kung sa mga huling araw isang “Diyos” na kapareho ni Jesus ang nagpakita, isa na nagpagaling sa maysakit, na nagpalayas sa mga demonyo, at ipinako sa krus para sa tao, ang “Diyos” na iyon, kahit parehas ng paglalarawan sa Diyos sa Biblia at madali para sa tao na tanggapin, ay hindi, sa kakanyahan nito, magiging laman na suot ng Espiritu ng Diyos, kundi ng masamang espiritu. Sapagkat ito ay prinsipyo ng gawain ng Diyos na hindi kailanman uulitin ang Kanyang natapos na. At kaya ang gawa ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay iba sa gawain noong una’ (“Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). ‘Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang tao na darating na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng maysakit, at magpakita ng maraming milagro, at kung ang taong ito ay nagsasabing sila si Jesus na dumating, kung gayon ay ito ang huwad na masasamang espiritu, at ang kanilang paggaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. … Kung, nitong mga huling araw, ang Diyos ay nagpapakita pa rin ng mga tanda at kababalaghan, at nagpapalayas pa rin ng mga demonyo at nagpapagaling ng maysakit—kung ginawa Niya ang eksaktong ginawa ni Jesus—uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at ang gawain ni Jesus ay walang magiging kabuluhan o halaga. Kaya, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag ang isang yugto ng Kanyang gawain ay nakumpleto na, agad itong ginagaya ng masasamang espiritu, at matapos simulan ni Satanas na sundan ang mga yapak ng Diyos, binabago ng Diyos ang pamamaraan. Kapag nakumpleto na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ginagaya ito ng masasamang espiritu. Kailangang malinaw sa inyo ito’ (“Pagkilala sa Gawain ng Diyos Ngayon” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nilinaw nang mabuti ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ang mga huwad na Cristo ay pawang masasamang espiritu na nagpapanggap na Cristo. Bagama’t tinatawag nila ang kanilang sarili na Diyos, hindi sila nagtataglay ng kahit kaunting katotohanan at tiyak na hindi magagawa ang gawain ng Diyos, dahil hindi nila tinataglay ang diwa ni Cristo. Ang tanging magagawa nila ay tingnang mabuti ang ginawa ng Diyos para magaya ang gawain na naisagawa na ng Panginoong Jesus para malinlang ang mga tao. Ang mga huwad na Cristo ay hindi kailanman magdadala ng katotohanan o ng isang bagong landas ng pagsasagawa sa mga tao. Alam ng lahat na ang mga pekeng produkto sa mundong ito ay ginawa sa pamamagitan ng pagkopya sa mga tunay na produkto. Pareho lang sa mga huwad na Cristo. Nagpapagaling sila ng mga maysakit at nagpapalayas ng mga demonyo at nagsasagawa ng ilang simpleng himala para linlangin ang mga tao sa pamamagitan ng pagkopya ng gawain na isinagawa ng Panginoong Jesus, ngunit hindi maisasagawa ng mga huwad na Cristo ang mga himalang gaya ng pagbuhay sa patay at pagpapakain sa 5,000 katao gamit ang limang tinapay at dalawang isda. Kaya, sinumang tinatawag ang kanilang sarili na Cristo, na nagsasabi na sila ang nagbalik na Panginoong Jesus at nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan at nagpapagaling ng mga maysakit at nagpapalayas ng mga demonyo, ang mga taong ito ay walang alinlangan na mga huwad na Cristo na lumilinlang sa mga tao. Gayunman, si Cristo ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao, Siya ang Espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao, Siya ay may normal na pagkatao at lubos na pagka-Diyos, at tunay na Siya ang Diyos Mismo. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagka’t Siya ay may taglay ng diwa ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang Cristo, nguni’t hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga manlilinlang. Ang Cristo ay hindi lang ang pagpapakita ng Diyos sa lupa, kundi ang partikular na katawang-tao ring tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Ang katawang-taong ito ay hindi kayang palitan ng kahit na sinong tao lang, kundi ng isang taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at makapagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, at maaaring katawanin nang husto ang Diyos, at makapagbibigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, yaong mga nagpapanggap na Cristo ay babagsak na lahat, dahil kahit sinasabi nila na sila ang Cristo, wala silang taglay na diwa ng Cristo. Kaya nga sinasabi Ko na ang pagiging-tunay ng Cristo ay hindi kayang tukuyin ng tao, nguni’t ito’y sinasagot at pinagpapasiyahan ng Diyos Mismo’ (“Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Kaya, tanging si Cristo lamang ang makagagawa ng sariling gawain ng Diyos, tanging si Cristo lamang ang makapaghahayag ng katotohanan, at tanging si Cristo lamang ang makapaghahayag ng disposisyon ng Diyos at makapaglalaan para sa tao at makapangangalaga sa tao. Tanging si Cristo lamang ang makagagawa ng gawain ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan, Siya lamang ang maaaring tumapos sa sinaunang kapanahunan at simulan ang bago. Bukod pa rito, laging bago at hindi kailanman luma ang gawain ng Diyos, at hindi kailanman inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Kung gayon, sa tuwing darating si Cristo para isagawa ang gawain palagi Siyang nagdadala ng bagong gawain, ipinahahayag ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano Siya. Kapag dumating ang Panginoong Jesus para isagawa ang gawain, halimbawa, winakasan Niya ang Kapanahunan ng Kautusan at pinasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, nagbigay Siya ng mga sermon na naging dahilan para magtapat ang mga tao ng kanilang mga kasalanan at magsisi, at itinuro Niya sa mga tao na mahalin ang kanilang mga kaaway, na maging mapagkumbaba, maging matiyaga at patawarin ang iba. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga bagay na ginawa ng Panginoong Jesus. Inihayag ng Panginoong Jesus sa tao ang mapagmahal at mahabaging disposisyon ng Diyos. Katulad niyon, dumating ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at winakasan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Isinasagawa Niya ang gawain ng paghatol sa tao at paglilinis sa tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, binibigyan tayong lahat ng katotohanang kinakailangan natin para malinis at matamo ang pagliligtas, ipinapakita sa atin ang landas para maalis natin sa ating sarili ang kasalanan at matamo ang pagliligtas, at ipinahahayag ang matuwid, maringal at mahigpit na disposisyon ng Diyos. Sa pamamagitan ng gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos, lubos nating makikilala na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Diyos na nagkatawang-tao at Siya ang Diyos Mismo na nagpakita sa sangkatauhan sa mga huling araw.”

 

Matapos mapakinggan ang mga salita ng Diyos at ang pagbabahagi na ibinigay ng kapatid na babae na ito, nadama ko na tila nagising ako mula sa isang panaginip, at sa wakas ay naunawaan ko kung paano makikilala ang tunay na Cristo at ang mga huwad na Cristo. Bunga nito kapwa ako nakadama ng saya at hiya, dahil natanto ko kung gaano ako naging kaawa-awa noon dahil wala ang katotohanan. Naisip ko ang paulit-ulit na hindi pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at natanto na nangyari ito dahil natakot ako na malinlang ng mga huwad na Cristo, na naging sanhi para hindi ko tanggapin ang totoong Cristo tulad ng isang tao na hindi kumakain sa takot na mabulunan. Nang bumalik ang Panginoon at kumatok sa aking pintuan, tumanggi akong makinig sa tinig ng Diyos, paulit-ulit na pinagsarhan ng pinto ang Panginoon. Ngunit hindi sumuko ang Diyos sa pagliligtas sa akin, sa halip binigyang-inspirasyon Niya ang mga kapatid na lalaki at babae na pumunta sa aking tahanan para ibahagi ang ebanghelyo. Talagang hindi ako pinabayaan ng Diyos—napakadakila talaga ng pagmamahal ng Diyos! Dahil naniwala ako sa sinabi ng aking mga pastor, nagpasiya ako na lahat ng magpapatotoo para sa nagbalik na Panginoon ay nangangaral ng isang huwad na Cristo. Nagkamali ako sa pagkaunawa sa salita ng Panginoon, at tinanggihan ko, kinondena at sinalungat ang Makapangyarihang Diyos, at naniwala rin ako na ang mga pagkaunawang pinagpilitan ko ay tama—katawa-tawa talaga ako! Kung hindi ako nagbasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos at nakinig sa pagbabahagi ng mga kapatid na lalaki at babae tungkol sa pagkakaiba ng totoong Cristo at ng mga huwad na Cristo, hindi ko sana kailanman nakilala ang pagkakaiba ng totoong Cristo at ng mga huwad na Cristo, at malilinlang lamang ako ng mga sinabi ng mga pastor at mga elder. Marahil ay sinunod ko ang mga pastor at mga elder sa kanilang pagsalungat at hindi pagtanggap sa pagdating ng Diyos, at kung gayon ay nawala sana sa akin ang pinakapambihirang pagkakataon na ito na matamo ang pagliligtas ng Diyos. Nang maisip ko ito, sinabi ko kay Sister Zhu at sa iba pa, “Sa pamamagitan ng pagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa mga pagbabahagi ninyo, alam ko na ngayon kung paano makikilala ang totoong Cristo at ang mga huwad na Cristo. Ngayon kumbinsido na ako na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at handa akong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.”

 

Matapos kong simulan ang pakikibahagi sa gawain sa iglesia, nakita ko na naunawaan ng mga kapatid na lalaki at babae ang maraming katotohanan, at wala akong gaanong alam kumpara sa kanila. Nasabi ko sa aking sarili: “Kailangang marami pang ibahagi sa akin si Sister Zhu at ang iba pa sa kanila tungkol sa salita ng Diyos at tulungan ako nang sa gayon ay mas mabilis kong maunawaan ang katotohanan.” Sinabi ko ito kay Sister Zhu, itinanong sa kanya kung maaari naming gawing lugar ng pagpupulong ang aking tahanan, at agad siyang pumayag. Pagkatapos niyon, nagtitipon kami kada linggo para basahin ang salita ng Diyos at magbahaginan tungkol sa katotohanan. Unti-unti akong nagkaroon ng mas maraming kaalaman tungkol sa mga salita ng Diyos at mas lalo pang naunawaan ang mga katotohanan. Mararamdaman ko sa kaibuturan ng aking puso na ang mga salitang ito ay mga pagpapahayag ng katotohanan. Sa sandaling iyan, naisip ko ang mga salitang sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). Mas lalo akong naantig, at nakita ko na nangyari na lahat ang mga salitang ito ng Panginoon. Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay “sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7). Ang Makapangyarihang Diyos ay nasa proseso ng paggabay sa tao para makaunawa at makapasok sila sa lahat ng katotohanan. Tanging sa pagtanggap lamang ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at tanging sa pagtanggap lamang ng katotohanang ipinahayag ng Diyos malilinis ang isang tao, magtatamo ng pagliligtas at magiging isang tao na kaayon ng puso ng Diyos. Ang salita ng Diyos ang siyang nagdala sa akin pabalik sa bahay ng Diyos at nagdala sa akin sa harapan ng trono ng Diyos. Ngayon, sa araw-araw nasa akin ang mga salita ng Diyos na naglalaan para sa akin at gumagabay sa akin, at nakadarama ako ng kapayapaan at kagalakan, kapanatagan at puspos ng liwanag. Nais ko na gawin ang lahat ng aking makakaya para mahanap ang katotohanan at masunod ang Makapangyarihang Diyos hanggang sa katapusan!

 

________________________________

 

Nais mo bang tanggapin ang pagdating ni Jesus? Narito nais naming magbahagi ng higit pang mga katotohanan at misteryo ng pagbabalik ng Panginoon, kasama na ang mga propesiya ng Bibliya, mga palatandaan ng pagbabalik ng Panginoon, ang misteryo ng rapture, paghatol sa mga huling araw, at ang misteryo ng kaharian ng langit, at iba pa. Inaasam naming matulungan kang masalubong ang pagdating ng Panginoon sa lalong madaling panahon at ma-rapture sa kaharian ng Diyos.

 

 

Kung nakatagpo ka ng mga paghihirap sa iyong buhay at pananampalataya, hindi alam kung paano manalangin sa Diyos at hinahangad ang kalooban ng Diyos, maaari kang makipag-ugnayan sa amin. Online kami 24 oras sa isang araw, handang makipag-usap at matulungan ka.

 

Write a comment

Comments: 0