Ano ang Pinaka-dapat Nating Bigyang Pansin sa Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon?
Ang mga sakuna ay nagiging mas higit pang malubha sa buong panig ng mundo at ang mga palatandaan ng pagbabalik ng Panginoon ay nagsilitawan. Bilang Kristiyano, ano ang pinaka-dapat nating bigyang pansin sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon?
Sinabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin" (Juan 10:27). "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko" (Pahayag 3:20). Mula sa mga salitang ito, makikita natin na patungkol sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, hindi tayo maaaring basta na lamang maghintay o umaasa lamang sa ating mga mata, kundi dapat maging mga matalinong dalaga at makinig sa tinig ng Diyos. Ngayon, tayo ay nasa mga huling araw na, at ang Panginoon ay nagbalik bilang ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagsasalita ng mga salita upang hanapin ang Kanyang mga tupa, at kinikilala ng mga tupa ng Diyos ang Diyos sa pamamagitan ng pakikinig sa Kanyang tinig at pagkatapos ay bumalik sa harap ng Diyos.
Samakatuwid, ang pinakamahalagang bagay sa pagtanggap sa pagbabalik ng Panginoon ay maingat na makinig sa tinig ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa buong sansinukob ginagawa Ko ang Aking gawain, at sa Silangan, walang humpay ang mga dagundong ng kulog, niyayanig ang lahat ng bansa at denominasyon. Ang Aking tinig ang nag-akay sa lahat ng tao sa kasalukuyan. Lulupigin Ko ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang madala sila sa daloy na ito, at magpasakop sa Aking harapan, sapagkat matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong mundo at muli itong inilabas sa Silangan. Sino ang hindi nasasabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi sabik na naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nananabik sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi hahanga sa kasaganaan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Manunubos? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong mundo; habang nakaharap sa mga taong Aking hinirang, nais Kong sumambit ng iba pang mga salita sa kanila. Gaya ng malalakas na kulog na yumayanig sa mga bundok at ilog, sinasambit Ko ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman na ng tao, at itinatangi ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikidlat mula sa Silangan hanggang sa Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng tao at kasabay nito ay hindi rin niya ito maarok, kundi mas nagagalak dito. Gaya ng bagong-silang na sanggol, natutuwa at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang nila ang Aking pagparito. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao para lumapit sila upang sambahin Ako. Taglay ang kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ang mga salita sa Aking bibig, Pahaharapin Ko ang lahat ng tao sa Akin at makikita nila na kumikidlat mula sa Silangan at na bumaba na rin Ako sa “Bundok ng mga Olibo” sa Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa lupa, hindi na bilang Anak ng mga Judio kundi bilang Kidlat ng Silanganan. Sapagkat matagal na Akong nabuhay na muli, at nahiwalay sa sangkatauhan, pagkatapos ay muli Akong nagpakita nang may kaluwalhatian sa mga tao. Ako Siya na sinamba napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikuran ng mga Israelita napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon. Bukod dito, Ako ang napakamaluwalhating Makapangyarihang Diyos ng kasalukuyang panahon! Hayaang lumapit ang lahat sa Aking luklukan at makita ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at mamasdan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang wakas at kasukdulan ng Aking plano, gayon din ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaang sambahin Ako ng bawat bansa, kilalanin Ako ng bawat wika, ipahingalay sa Akin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya, at magpailalim sa Akin ang bawat tao!”
Panoorin ang video upang matuto nang higit pa: Ano ang Pinakamahalagang Gawi para Masalubong ang Pagdating ng Panginoon? (1/5) | Tagalog Gospel Movie "Kumakatok sa Pintuan"
________________________________
Ngayon ay ang pinakamahalagang mga sandali ng pagsalubong sa Panginoon sa mga huling araw, kaya paano ang dapat natin na paghahanda sa pagdating ng Panginoon? Basahin ngayon upang mas matuto.
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.
Write a comment