Tagalog Christian Crosstalk "Paghihigpit sa mga Tao sa Nayon" | A Horrible Experience of Preaching the Gospel
Ang salitang pag-uusap na Paghihigpit sa mga Tao sa Nayon ay isinalasaysay ang nakapanlulumong kuwento tungkol kay Christian Yang Ming na tiniktikan ng mga espiya ng CCP at muntik nang maaresto habang nagbabahagi ng ebanghelyo sa kanyang tita. Ang dalawang aktor ay nagpapakita ng malinaw at nakakatawang pagtatanghal ng mga paghihirap na dinanas ng mga Kristiyano sa China na nangangaral ng ebanghelyo. Ang mga taktika ng CCP sa pag-atake at pagsupil sa mga paniniwala sa relihiyon ay masama; marami silang ginawang pandaraya at nakamatyag sila sa lahat ng dako. Lubhang pinag-iingat ngayon kahit ang maliliit na nayon, at parang mga lawin na nakamatyag ang mga espiya ng gobyerno sa mga tagalabas. Masusi silang nag-iimbestiga at lubhang limitado ang mga pagtitipon at pangangaral ng mga Kristiyano. Pero gaano man kahibang ang CCP sa pagsupil sa kanila, ikinakalat pa rin ng mga Kristiyano ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos sa pag-asa sa karunungan at pananampalatayang bigay sa kanila ng Diyos.
_________________________________________________
Anong uri ng mga tao ang maaaring madala sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit."(Mateo 7:21). Mula sa salita ng Panginoon, makikita natin na tanging yaong mga pagsunod sa kalooban ng Diyos ay makakapasok sa kaharian ng langit. Kaya, alam mo ba kung paano sumunod sa kalooban ng Diyos?
Write a comment