Nahaharap sa iba't ibang mga paghihirap sa buhay at ang paghihirap sa pinansyal na dulot ng mga sakuna, maraming mga tao ang nakakaramdam ng pagka-miserable at walang magawa at mas sabik na naghahangad na dumating ang Panginoon upang ma-rapture sila sa kaharian ng langit at mailigtas sila mula sa kanilang mga pasakit sa kanilang buhay sa laman. Gayunpaman, ang kaharian ng langit ay kung saan naghahari ang Diyos. Madali lang ba na makapasok sa kaharian ng langit tulad ng sa imahinasyon natin? Malinaw na hindi. Inihula ng Biblia ang mga pamantayan sa pagpasok sa kaharian ng langit.
Sabi ng Diyos, "kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal" (Levitico 11:45). "Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man" (Juan 8:34-35). Ang mga salitang ito ay nagpapakita sa atin na ang Diyos ay banal at na hindi Niya kailanman pinahihintulutan ang mga taong palaging nagkakasala na pumasok sa kaharian ng langit. Ngunit ang mga lubos na malaya sa mga gapos ng kasalanan at napadalisay mula sa kasalanan ay maaaring makapasok sa kaharian ng langit. Isipin ang katotohanan na hindi natin mapigilan ang ating sarili na magsinungaling at magkasala, na madalas tayong makipagtalo sa ating mga pamilya sa mga bagay na walang kabuluhan sa buhay, na nagseselos tayo sa mga mas mahusay kaysa sa atin. Paanong tayo, na patuloy na nagkakasala at nagkukumpisal at hindi makaalis sa mga gapos ng kasalanan, ay makapasok sa kaharian ng langit? Kung gayon paano natin malulutas ang problema ng kasalanan upang matugunan natin ang mga kinakailangang pamantayan ng Diyos at madala sa kaharian ng langit sa pamamagitan Niya? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:48). at sa Pedro 4:17 sinasabi na, "Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios."
Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos." "Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin sa pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay."
Mula sa mga salitang ito makikita natin na kapag ang Panginoon ay bumalik sa mga huling araw, ipapahayag Niya ang katotohanan upang isagawa ang isang yugto ng gawain ng paghatol, upang magawa nating lubusang maitakwil ang mga gapos ng kasalanan, makamit ang kadalisayan, at sa gayon ay maging kwalipikado na makapasok sa kaharian ng Diyos. Ngayon ang mga propesiya sa pagbabalik ng Panginoon ay natutupad na. Matagal nang nakabalik ang Panginoong Jesus at Siya ay ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, na nagpahayag ng katotohanan at isinasagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos upang malutas ang makasalanang kalikasan ng sangkatauhan. Sa pamamagitan lamang ng paghahanap at pag-aaral sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, sa pamamagitan ng pagdanas sa paghatol ng mga salita ng Diyos, mapapadalisay tayo sa kasalanan at makakapasok sa makalangit na kaharian, ang lugar kung saan walang kalungkutan at luha. Nais mo bang malaman ang tungkol sa kung paano isinasagawa ng Panginoon ang Kanyang gawain ng paghatol kapag bumalik Siya sa mga huling araw?
________________________________
Ano ang rapture? Paano natin masasalubong ang Panginoon at marapture sa makalangit na kaharian? Mangyaring basahin ang Tagalog na tampok na pahina tungkol sa rapture at mahahanap mo ang daan ng rapture at makilala ang Panginoon.
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.
Write a comment