Sinabi ng Panginoong Jesus, "Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit" (Mateo 4:17). Ang mga salita ng Panginoong Jesus ay naglalaman ng Kanyang payo at kahilingan para sa atin. Malalaman natin na sa pamamagitan lamang ng pagkamit ng tunay na pagsisisi maaari tayong i-rapture sa makalangit na kaharian bago ang mga sakuna. Kaya, mayroon ka bang tunay na pagsisisi? Ano ang tunay na pagsisisi? Paano natin makakamit tunay na pagsisisi?
Pagdating sa tunay na pagsisisi, iniisip ng karamihan sa mga tao ang kwento ng totoong pagsisisi ng mga tao sa Nineve sa Diyos sa panahon ng Lumang Tipan. Nang marinig ng mga taga-Nineve ang pahayag ni Jonas, lahat sila ay nagkumpisal ng kanilang mga kasalanan at nagsisi sa Diyos sa sako at abo, at sa wakas ay nakamit nila ang awa ng Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa mata ng Diyos, matapat ang kanilang pagsisisi, hindi lamang dahil buong sikap silang nagsumamo sa Diyos at nangumpisal sa kanilang mga kasalanan sa harap Niya, kundi dahil na rin sa iniwan na nila ang kanilang masamang pag-uugali. Ginawa nila ang ganito dahil matapos nilang marinig ang mga salita ng Diyos, labis silang natakot at naniwala na gagawin Niya ang Kanyang sinabi. Sa pamamagitan ng pag-aayuno, pagdadamit ng sako at pag-upo sa abo, ninais nilang ipahayag ang kanilang pagpayag na baguhin ang kanilang mga pamamaraan at tumigil na sa kasamaan, upang manalangin sa Diyos na si Jehova na pigilin ang Kanyang galit, upang magsumamo sa Diyos na si Jehova na bawiin ang Kanyang pasya, gayundin ang malaking kapahamakan na malapit nang dumating sa kanila. Sa pamamagitan ng pagsiyasat sa lahat ng kanilang pag-uugali, makikita natin na naunawaan na nila na ang kanilang nakaraang masasamang gawa ay kasuklam-suklam sa Diyos na si Jehova at naunawan nila ang dahilan kung bakit malapit na Niya silang puksain. Dahil sa mga katwirangf ito, ninais nilang lahat na lubusang magsisi, talikuran ang kanilang masasamang gawa, at iwanan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Sa madaling salita, nang maunawaan na nila ang pahayag ng Diyos na si Jehova, ang bawat isa sa kanila ay nakadama ng takot sa kanilang mga puso; hindi na nila ipinagpatuloy ang kanilang masamang pag-uugali ni hindi na nagpatuloy na gawin ang mga gawaing kinamumuhian ng Diyos na si Jehova. Dagdag pa dito, nagsumamo sila sa Diyos na si Jehova na patawarin ang kanilang mga nakaraang kasalanan at huwag silang parusahan batay sa kanilang mga nakaraang ginawa. Nakahanda silang hindi na kailanman muling mamumuhay sa kasamaan at gagawa na sila ayon sa mga ipinag-uutos ng Diyos na si Jehova, hindi na nila kailanman muling pasisiklabin ang galit ng Diyos na si Jehova. Tapat at ganap ang kanilang pagsisisi. Galing ito sa kaibuturan ng kanilang mga puso at hindi nagkukunwari, ni hindi ito pansamantala."
Mula sa mga salita ng Diyos makikita natin na ang tunay na pagsisisi ay hindi lamang pag-amin sa ating mga kasalanan at masasamang gawa. Ang mahalaga ay dapat nating madama ang tunay na pagsisisi at pagkasuklam mula sa kaibuturan ng ating mga puso para sa ating mga kasalanan, hindi na lumalakad sa parehong dating landas tulad ng lagi nating nagagawa, magsimulang gumawa ng pagbabago at maging bagong mga tao—ito ay tunay na pagsisisi.
________________________________
Maraming mga mananampalataya ang hindi maramdaman ang presensya ng Diyos kapag nananalangin sila sa Diyos, na higit sa lahat dahil hindi pa nila mahanap ang tamang paraan ng pananalangin sa Diyos. Ang "Ano ang Panalangin" ay malinaw na ipinahiwatig kung ano ang tunay na panalangin at ang kahalagahan ng panalangin. Kung nalilito ka rin tungkol sa aspetong ito, mangyaring basahin ito kaagad...
Write a comment