· 

Ang Mga Tao na Maaaring Walang Pasubali na Masunurin Tungo sa Praktikalidad ng Diyos ay Yaong Mga Tunay na Umiibig Sa Diyos

Ang Mga Tao na Maaaring Walang Pasubali na Masunurin Tungo sa Praktikalidad ng Diyos ay Yaong Mga Tunay na Umiibig Sa Diyos

 

Ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa praktikalidad at nagagawang malinaw na makita ang gawain ng Diyos—lahat ng ito ay makikita sa Kanyang mga salita. Sa mga salita lamang ng Diyos mo makakamit ang pagliliwanag, kaya dapat mong lalong isangkap sa iyong sarili ang Kanyang mga salita. Ibahagi mo ang iyong pagkaunawa mula sa mga salita ng Diyos sa pagsasamahan, at sa pamamagitan ng iyong pagsasamahan maaaring makakuha ng pagliliwanag ang iba at maaaring makaakay sa mga tao sa landas—ang landas na ito ay praktikal. Bago magtatag ng isang kapaligiran ang Diyos para sa iyo, ang bawat isa sa inyo ay dapat munang sangkapan ang inyong mga sarili ng Kanyang mga salita. Ito ang isang bagay na dapat gawin ng bawat isa—ito ay isang kailangang-kailangang prayoridad. Ang unang bagay na dapat gawin ay magawang kainin at inumin ang Kanyang mga salita. Para sa mga bagay na hindi mo magawa, hanapin ang isang landas ng pagsasagawa mula sa Kanyang mga salita, at tingnan ang Kanyang mga salita para sa anumang mga usapin na hindi mo nauunawaan o anumang mga kahirapan na mayroon ka. Gawin mong panustos ang mga salita ng Diyos, hayaan ang mga iyon na tulungan kang malutas ang praktikal na mga kahirapan at praktikal na mga suliranin, at hayaan ang Kanyang mga salita na maging tulong mo sa buhay—kinakailangan mong maglagay ng pagsisikap dito. Ang mga resulta ay dapat matamo mula sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos. Kailangan mong mapatahimik ang iyong puso sa harap Niya, at magsagawa alinsunod sa Kanyang mga salita kapag ikaw ay nakatagpo ng mga usapin. Kapag hindi ka nakatagpo ng anumang usapin, kumain lamang at uminom. Kung minsan maaari kang manalangin at isipin ang ukol sa pag-ibig ng Diyos, magkaroon ng pagsasamahan sa iyong pagkaunawa ukol sa Kanyang mga salita, at mayroong pagsasamahan sa pagliliwanag at pag-iilaw ng iyong karanasan sa loob at ang pagtugon na mayroon ka kapag binabasa ang mga ito, at mapangungunahan mo ang mga tao patungo sa landas—ito ay praktikal. Ang layunin sa pagsasagawa nito ay para tulutan ang mga salita ng Diyos na maging praktikal na panustos sa iyo.

 

Sa paglipas ng isang araw, ilang oras ang totoong ginugugol mo sa harap ng Diyos? Gaano sa iyong araw ang ibinibigay sa Diyos? Gaano ang ibinibigay sa laman? Kung palaging hinaharap Siya ng iyong puso, ito ang unang hakbang sa tamang landas patungo sa pagiging perpekto ng Diyos. Maaari mong italaga ang iyong puso at katawan at lahat ng iyong tunay na pag-ibig sa Diyos, ilagay ang mga iyon sa harap Niya, maging ganap na masunurin sa Kanya, at lubos na maging mapagbigay sa Kanyang kalooban. Hindi para sa laman, hindi para sa pamilya, at hindi para sa iyong personal na mga pagnanasa, ngunit para sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Sa lahat ng bagay maaari mong tanggapin ang mga salita ng Diyos bilang panuntunan, bilang saligan. Sa gayong paraan, ang iyong mga hangarin at iyong mga pananaw ay magiging nasa tamang lugar lahat, at ikaw ay magiging isang tao na nakakakuha ng papuri ng Diyos sa harap Niya. Yaong mga nagugustuhan ng Diyos ay mga taong lubos na tungo sa Kanya, mga taong tapat sa Kanya at wala ng iba. Yaong Kanyang mga kinasusuklaman ay mga tao na hati ang puso tungkol sa Kanya, at naghihimagsik laban sa Kanya. Kinasusuklaman Niya yaong mga naniniwala sa Kanya at laging gustong masiyahan sa Kanya, ngunit hindi maaaring lubos na ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Kanya. Kinasusuklaman Niya yaong mga nagsasabi na Siya ay kanilang iniibig ngunit naghihimagsik laban sa Kanya sa kanilang mga puso. Kinasusuklaman Niya yaong mga gumagamit ng mabulaklak na mga salita upang makisali sa panlilinlang. Yaong mga hindi nagtataglay ng tunay na pagtatalaga sa Diyos o tunay na pagkamasunurin sa Kanya ay mga taong taksil; sila ay totoong likas na hambog. Yaong mga hindi makakayang maging tunay na masunurin sa harap ng normal, praktikal na Diyos ay higit na lalong hambog, at sila ay partikular na masunuring inapo ng arkanghel. Yaong mga tunay na ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Diyos ay naglalagay ng kanilang buong mga pagkatao sa harap Niya. Tunay nilang sinusunod ang lahat ng Kanyang mga pagbigkas, at nagagawa nilang isagawa ang Kanyang mga salita. Ginagawa nilang saligan ng kanilang pag-iral ang mga salita ng Diyos, at nagagawa nilang tunay na hangarin ang mga bahagi ng pagsasagawa sa salita ng Diyos. Ito ay isang tao na namumuhay sa harap ng Diyos. Kung ang iyong ginagawa ay kapaki-pakinabang para sa iyong buhay at nagpapalugod sa kalooban ng Diyos, at sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita, matutugunan mo ang iyong mga panloob na pangangailangan at mga kakulangan para magbago ang iyong disposisyon sa buhay, kung gayon ito ay magpapalugod sa kalooban ng Diyos. Kung ikaw ay kikilos alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, kung hindi mo napapalugod ang laman ngunit napapalugod ang Kanyang kalooban, ito ay pagpasok sa realidad ng Kanyang mga salita. Kapag pinag-uusapan ang tungkol sa mas makatotohanang pagpasok sa realidad ng mga salita ng Diyos, nangangahulugan ito na kaya mong gampanan ang iyong tungkulin at napapalugod ang mga kinakailangan ng Diyos. Tanging ang ganitong mga uri ng mga pagkilos ang maaaring tawaging pagpasok sa realidad ng Kanyang mga salita. Kung ikaw ay makapapasok sa realidad na ito, kung gayon taglay mo ang katotohanan. Ito ang simula ng pagpasok sa realidad; kailangan mo munang ipatupad ang pagsasanay na ito at pagkatapos lang ng gayon saka ka makapapasok sa mas malalim na mga realidad. Mag-isip kung paano mapananatili ang mga utos at kung paano maging tapat sa harap ng Diyos. Huwag mo palaging iisipin kung paano ka makakapasok sa kaharian—kung ang iyong disposisyon ay hindi nagbabago anuman ang iyong iisipin ay magiging walang kabuluhan! Upang makapasok sa realidad ng mga salita ng Diyos, kailangan mo munang magawa ang iyong mga ideya at mga saloobin lahat para sa Diyos—ito ang pinakamababang pangangailangan. Maraming mga tao na sa kasalukuyan ay nasa gitna ng mga pagsubok; hindi nila nauunawaan ang gawain ng Diyos. Ngunit sinasabi Ko sa iyo—kung hindi mo ito nauunawaan, mas makakabuting huwag kang gumawa ng mga paghatol tungkol rito. Marahil ay magkakaroon ng isang araw na ang katotohanan ay mapupunta lahat sa liwanag at sa gayon ay mauunawaan mo ito. Ang hindi paggawa ng mga paghatol ay magiging kapaki-pakinabang para sa iyo, ngunit hindi ka maaaring maghintay nang walang kibo. Kailangan mong hangarin na aktibong makapasok—tanging ito lamang ang isang tao na mayroong praktikal na pagpasok.

 

Dahil sa kanilang pagiging mapanghimagsik, palaging nakakabuo ang mga tao ng mga pagkaintindi tungkol sa praktikal na Diyos. Kinakailangan nito sa lahat ng mga tao na matuto kung paano maging masunurin sapagkat ang praktikal na Diyos ay isang napakalaking pagsubok para sa sangkatauhan. Kung hindi ka maaaring makapanindigan, kung gayon tapos na ang lahat; kung hindi mo taglay ang isang pagkaunawa ukol sa praktikalidad ng praktikal na Diyos, hindi ka magagawang gawing perpekto ng Diyos. Isang napakahalagang hakbang na kung gagawing perpekto o hindi ang mga tao ay ang pagkaunawa sa praktikalidad ng Diyos. Ang praktikalidad ng Diyos na nagkatawang-tao na dumating sa lupa ay isang pagsubok sa bawat isang tao. Kung makakatayo ka nang matatag sa aspetong ito kung gayon ikaw ay isang tao na nakikilala ang Diyos, at ikaw ay isang tao na tunay na umiibig sa Kanya. Kung makakatayo ka nang matatag sa aspetong ito, ikaw ay isang tao na tunay na umiibig sa Kanya. Kung hindi ka makakatayo nang matatag sa aspetong ito, kung sa Espiritu ka lamang naniniwala at hindi ka maaaring magtaglay ng pananampalataya sa praktikalidad ng Diyos, kung gayon gaano man kalaki ang iyong pananampalataya sa Diyos, ito ay walang saysay. Kung hindi ka maaaring maniwala sa Diyos na nakikita, maaari ka bang maniwala sa Espiritu ng Diyos? Hindi mo ba tinatangkang linlangin ang Diyos? Hindi ka masunurin sa nakikita at nahihipong Diyos, kaya magagawa mo bang sundin ang Espiritu? Ang isang espiritu ay hindi nakikita at hindi nahihipo, kaya kapag sinabi mo na susundin mo ang Espiritu ng Diyos, hindi ka ba lamang nagsasalita nang walang kabuluhan? Ang susi sa pagpapanatili ng mga utos ay pagkakaroon ng pagkaunawa sa praktikal na Diyos. Sa sandaling magkaroon ka ng pagkaunawa sa praktikal na Diyos, mapapanatili mo ang mga utos. Kalakip ng pagpapanatili sa mga utos ang dalawang bahagi: Ang isa ay pagpapanatili nang matatag na paniniwala sa[a] kakanyahan ng Kanyang Espiritu at nagagawang tanggapin ang pagsusulit ng Espiritu sa harap Niya. Ang isa pa ay nagagawang magtaglay ng isang tunay na pagkaunawa sa nagkatawang-taong laman, at pagtatamo ng tunay na pagkamasunurin. Maging ito man ay sa harap ng laman o sa harap ng Espiritu, ang isang puso ng pagkamasunurin sa at pagkatakot sa Diyos ay dapat laging mapanatili. Tanging ang ganitong uri ng tao ang karapat-dapat upang maging perpekto. Kung mayroon kang pagkaunawa sa praktikalidad ng praktikal na Diyos, yaon ay matatag na tumatayo sa pagsubok na ito, at sa gayon walang anuman ang labis.

 

Sinasabi ng ilang mga tao na ang mga utos ay madaling mapanatili, na kailangan mo lang dumulog sa harap ng Diyos, magsalita nang deretsahan at tapat na hindi kumukumpas, at ito ay pagpapanatili sa mga utos. Tama ba iyon? Kaya gumagawa ka ng mga bagay sa likod ng mga eksena na kumakalaban sa Diyos—ito ba ay maibibilang na pagpapanatili sa mga utos? Kailangan ninyong maunawaang lubos ang usapin ukol sa pagpapanatili ng mga utos. Ito ay mayroong kinalaman kung nauunawaan mo o hindi ang praktikal na Diyos; kung taglay mo ang isang pagkaunawa ukol sa pagiging praktikal, at hindi madadapa o mahuhulog sa pagsubok na ito, ibinibilang ito na ikaw ay nagtataglay nang matatag na patotoo. Ang pagdadala ng isang matunog na saksi para sa Diyos ay pangunahin na may kinalaman kung mayroon o wala kang isang pagkaunawa ukol sa praktikal na Diyos, at kung ikaw ay makakasunod o hindi sa harap ng taong ito na hindi lamang karaniwan, ngunit normal, at sumusunod pa hanggang kamatayan. Kung tunay kang sumasaksi para sa Diyos sa pamamagitan ng pagkamasunurin na ito, nangangahulugan iyon na nakamit ka ng Diyos. Nagagawang sumunod hanggang kamatayan, at pagiging malaya sa mga reklamo sa harap Niya, hindi gumagawa ng mga paghatol, hindi naninirang-puri, walang taglay na mga pagkaintindi, at walang taglay na anumang iba pang mga layunin—sa ganitong paraan ang Diyos ay magtatamo ng kaluwalhatian. Ang pagkamasunurin sa harap ng isang karaniwang tao na minamaliit ng tao at nagagawang sumunod hanggang kamatayan nang walang anumang mga pagkaintindi—ito ay tunay na patotoo. Ang realidad na kinakailangan ng Diyos sa mga tao na pasukin ay ang magawa mong sundin ang Kanyang mga salita, maisagawa ang Kanyang mga salita, magawang yumuko sa harap ng praktikal na Diyos at makilala ang iyong sariling katiwalian, magawang buksan ang iyong puso sa harap Niya, at sa bandang huli ay makamit Niya sa pamamagitan ng mga salita Niyang ito. Nagtatamo ng kaluwalhatian ang Diyos kapag nilupig ka ng mga salitang ito at magawa kang lubos na masunurin sa Kanya; sa pamamagitan nito ay hinihiya Niya si Satanas at binubuo ang Kanyang gawain. Kapag wala kang taglay na anumang mga pagkaintindi ukol sa praktikalidad ng Diyos na nagkatawang-tao, iyon ay, kapag nakakatayo kang matatag sa pagsubok na ito, kung gayon dinadala mo ang isang mabuting pagsaksi. Kung magkakaroon ng isang araw kapag taglay mo ang lubos na pagkaunawa ukol sa praktikal na Diyos at maaari kang hanggang sa kamatayan kagaya ni Pedro, ikaw ay makakamit ng Diyos, at magagawang perpekto Niya. Ang ginagawa ng Diyos na hindi kalinya sa iyong mga pagkaintindi ay isang pagsubok para sa iyo. Kung ito ay kalinya ng iyong mga pagkaintindi, hindi kakailanganin sa iyo na magdusa o pinuhin. Ito ay dahil sa ang Kanyang gawain ay totoong praktikal at ito ay hindi kalinya ng iyong mga pagkaintindi na kinakailangan nito na pakawalan mo ang iyong mga pagkaintindi. Kaya nga ito ay isang pagsubok para sa iyo. Dahil sa praktikalidad ng Diyos kaya ang lahat ng mga tao ay nasa gitna ng mga pagsubok; ang Kanyang gawain ay praktikal, at hindi higit sa pangkaraniwan. Sa pamamagitan ng lubos na pagkaunawa sa Kanyang praktikal na mga salita, Kanyang mga praktikal na mga pagbigkas na walang anumang mga pagkaintindi, at nagagawang tunay na ibigin Siya nang higit yamang mas praktikal ang Kanyang gawain, ikaw ay Kanyang kakamtin. Ang grupo ng mga tao na kakamtin ng Diyos ay yaong mga nakakikilala sa Diyos, iyon ay, nalalaman ang Kanyang praktikalidad, at lalong higit pang sila yaong mga nagagawang sundin ang praktikal na gawain ng Diyos.

 

Sa panahong ang Diyos ay nagkatawang-tao, ang pagkamasunurin na kinakailangan Niya sa mga tao ay hindi kung ano ang iniisip ng mga tao—na huwag gumawa ng mga paghatol o lumaban. Sa halip, kinakailangan Niya na ang Kanyang mga salita ay gawin ng mga tao na kanilang panuntunan para sa buhay at ang saligan ng kanilang kaligtasan, na walang pasubali nilang isagawa ang diwa ng Kanyang mga salita, at walang pasubali na mapalugod ang Kanyang kalooban. Isang aspeto ng pag-aatas sa mga tao na sundin ang Diyos na nagkatawang-tao ay tumutukoy sa pagsasagawa ng Kanyang mga salita, at ang isa pang aspeto ay tumutukoy sa nagagawang sundin ang Kanyang pagka-normal at praktikalidad. Ang mga ito ay kailangang parehong ganap. Yaong mga maaaring makatamo sa parehong mga aspetong ito ay lahat ng mga iyon na nagtataglay ng isang pusong tunay na may pag-ibig para sa Diyos. Silang lahat ay mga tao na nakamit ng Diyos, at iniibig nilang lahat ang Diyos kagaya ng kanilang sariling buhay. Dala-dala ng Diyos na nagkatawang-tao ang normal at praktikal na pagkatao sa Kanyang gawain. Sa ganitong paraan, ang Kanyang panlabas na anyo na kapwa normal at praktikal na pagkatao ay nagiging isang napakalaking pagsubok para sa mga tao; ito ang nagiging kanilang pinakamalaking paghihirap. Gayunpaman, ang pagka-normal at praktikalidad ng Diyos ay hindi maiiwasan. Sinubukan Niya ang lahat upang maghanap ng isang solusyon ngunit sa bandang huli hindi Niya maalis ang Kanyang Sarili sa panlabas na anyo ng Kanyang normal na pagkatao sapagkat, pagkatapos ng lahat, Siya ay Diyos na nagkatawang-tao, hindi ang Diyos ng Espiritu sa langit. Hindi Siya ang Diyos na hindi nakikita ng mga tao, ngunit ang Diyos na isinusuot ang balat ng isa sa nilikha. Sa ganito, ang pag-aalis sa Sarili Niya sa Kanyang normal na pagkatao ay hindi magiging madali sa anumang paraan. Kaya’t ano pa man, ginagawa pa rin Niya ang gawain na gusto Niyang gawin mula sa pananaw ng laman. Ang gawaing ito ay ang pagpapahayag ng normal at praktikal na Diyos, kaya paano magiging ayos lang sa mga tao na hindi sumunod? Ano sa lupa ang makakayang gawin ng mga tao tungkol sa mga pagkilos ng Diyos? Ginagawa Niya ang anumang gusto Niyang gawin; anuman ang nagpapasaya sa Kanya ay ganoon nga. Kung ang mga tao ay hindi susunod, ano pang ibang mabuting mga plano ang maaari nilang taglayin? Hanggang sa ngayon, pagkamasunurin pa rin ang makapagliligtas sa tao; wala ng iba pang matalinong mga ideya. Kung gusto ng Diyos na subukin ang mga tao, ano ang magagawa nila tungkol dito? Ngunit ang lahat ng ito ay hindi ideya ng Diyos sa langit; ito ang ideya ng Diyos na nagkatawang-tao. Nais Niyang gawin ito, kaya walang sinumang tao ang maaaring baguhin ito. Ang Diyos sa langit ay hindi nanghihimasok sa kung ano ang Kanyang ginagawa, kaya hindi ba dapat lalo pa Siyang sundin ng mga tao? Bagamat Siya ay parehong praktikal at normal, Siya ay lubos na Diyos na nagkatawang-tao. Batay sa Kanyang sariling mga ideya, ginagawa Niya ang anumang kanyang maibigan. Ipinasa nang lahat ng Diyos sa langit ang lahat ng mga gawain sa Kanya; dapat mong sundin anuman ang Kanyang ginagawa. Bagamat mayroon Siyang pagkatao at Siya ay napaka- normal, ang lahat ng ito ay sadya Niyang isinaayos, kaya paano makakaya ng mga tao na tingnan Siya, bukang-buka ang mga mata sa hindi pagsang-ayon? Nais Niyang maging normal, kaya Siya normal. Gusto Niyang mamuhay sa gitna ng sangkatauhan, kaya Siya namumuhay sa gitna ng sangkatauhan. Gusto Niyang mamuhay sa loob ng pagka-Diyos, kaya Siya namumuhay sa loob ng pagka-Diyos. Maaari itong makita ng mga tao paanong paraan man nila naisin. Ang Diyos ay palaging magiging Diyos at ang mga tao ay palaging magiging mga tao. Ang Kanyang kakanyahan ay hindi maitatanggi dahil sa ilang maliit na detalye, ni maitutulak Siya sa labas ng persona ng Diyos dahil sa isang maliit na bagay. Ang mga tao ay mayroong kalayaan ng mga tao, at ang Diyos ay mayroong dignidad ng Diyos; ang mga ito ay hindi nanghihimasok sa isa’t-isa. Maaaring hatulan o maunawaan ng mga tao ang Diyos kagaya ng gusto nila. Hindi ba nila mapagbibigyan ang Diyos sa pagiging bahagyang mas kaswal? Huwag maging gayon kaseryoso—ang lahat ay dapat magkaroon ng pagpapaubaya sa isa’t-isa, kung gayon hindi ba maaayos ang lahat? Magkakaroon pa ba ng anumang pagkakahiwalay? Kung hindi makapagpaparaya ang isa sa gayong kaliit na bagay, paano sila nakapag-iisip pa na maging isang taong mapagbigay, isang tunay na tao? Hindi ang Diyos ang nagpapahirap sa sangkatauhan, ngunit ang sangkatauhan ang nagpapahirap sa Diyos. Palagi nilang pinakikitunguhan ang mga bagay sa pamamagitan nang paggawa ng mga bundok mula sa burol ng mga mowl—gumagawa sila talaga ng isang bagay mula sa wala, at ito ay hindi gayon kinakailangan! Kapag ang Diyos ay gumagawa sa loob ng normal at praktikal na pagkatao, ang Kanyang ginagawa ay hindi ang gawain ng sangkatauhan, subalit ang gawain ng Diyos. Gayunpaman, hindi nakikita ng mga tao ang diwa ng Kanyang gawain—palagi nilang nakikita ang panlabas na anyo ng Kanyang pagkatao. Hindi pa sila nakakita ng gayong kalaking gawain, ngunit nagpipilit sila na makita ang karaniwan at normal na pagkatao ng Diyos at hindi sila makawala dito. Paano ito matatawag na pagsunod sa Diyos? Ang Diyos sa langit ay “naging” Diyos sa lupa ngayon, at ang Diyos sa lupa ay ngayon Diyos sa langit. Hindi alintana kung ang Kanilang mga panlabas na pagpapakita ay magkatulad o kung ano ang nakakatulad ng Kanilang gawain. Sa kabuuan, Siya na gumagawa sa sariling gawain ng Diyos ay ang Diyos Mismo. Kailangan mong sumunod gustuhin mo man o hindi—ito ay hindi isang bagay na mapipili mo! Ang Diyos ay kailangang sundin ng mga tao, at kailangang walang pasubaling sundin ng mga tao ang Diyos nang wala ni katiting na pagkukunwari.

 

Ang grupo ng mga tao na nais makamit ng Diyos na nagkatawang-tao sa kasalukuyan ay yaong sumusunod sa Kanyang kalooban. Kailangan lamang ng mga tao na sundin ang Kanyang gawain, hindi palaging pinag-aalala ang kanilang mga sarili sa mga ideya ukol sa Diyos sa langit, mabuhay sa loob ng kalabuan, o gawing mahirap ang mga bagay para sa Diyos na nasa katawang-tao. Yaong nakakasunod sa Kanya ay yaong mga walang pasubaling nakikinig sa Kanyang mga salita at sinusunod ang Kanyang mga pagsasaayos. Ni hindi papansinin ng mga taong ito kung ano talaga ang nakakatulad ng Diyos sa langit o kung anong uri ng gawain ang kasalukuyang ginagawa ng Diyos sa langit sa sangkatauhan, ngunit ibinibigay nila nang buo ang kanilang mga puso sa Diyos sa lupa at inilalagay ang kanilang buong mga pagkatao sa harap Niya. Hindi nila kailanman isinalang-alang ang kanilang sariling kaligtasan, at hindi sila kailanman gumawa ng isang pag-aalala sa pagiging normal at praktikalidad ng Diyos sa katawang-lupa. Yaong mga sumusunod sa Diyos sa katawang-lupa ay maaari Niyang gawing perpekto. Yaong mga naniniwala sa Diyos sa langit ay walang anumang makakamit. Ito ay dahil hindi ang Diyos sa langit, ngunit ang Diyos sa lupa ang nagkakaloob ng mga pangako at mga pagpapala sa mga tao. Hindi dapat palaging pinalalaki ng mga tao ang Diyos sa langit at titingnan ang Diyos sa lupa bilang pangkaraniwang tao. Ito ay hindi makatarungan. Ang Diyos sa langit ay dakila at kamangha-mangha at mayroong kahanga-hangang karunungan, ngunit ito ay hindi umiiral sa lahat. Ang Diyos sa lupa ay masyadong karaniwan at walang kabuluhan; Siya rin ay masyadong normal. Hindi Niya taglay ang isang di-pangkaraniwang pag-iisip o mga pagkilos na nakawawasak ng mundo. Siya ay gumagawa at nagsasalita lamang sa isang napaka-normal at praktikal na paraan. Samantalang hindi Siya nagsasalita sa pamamagitan ng kulog o ipinatatawag ang hangin at ang ulan, Siya talaga ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa langit, at Siya talaga ang Diyos na namumuhay sa gitna ng mga tao. Hindi kailangang palakihin ng mga tao ang isa na nagagawa nilang maunawaan at na tumutugma sa kanilang sariling mga imahinasyon bilang Diyos, o tingnan ang Isa na hindi nila kayang tanggapin at walang pasubaling hindi kayang isipin bilang mababa. Ang lahat ng ito ay pagiging mapanghimagsik ng mga tao; ito ang lahat ng pinagmulan ng paglaban ng sangkatauhan sa Diyos.

 

Mga Talababa:

 

a. Nilalaktawan ng orihinal na teksto ang “matibay na paniniwala sa.”