Ni Siyuan, France
Isang araw, pinuntahan ako ni Brother Chen mula sa iglesia namin. Sabi niya gusto niyang magsagawa ng paglalahad ng patotoo sa libreng oras niya at ialay ang kaunting lakas niya para sa gawain n ebanghelyo. Dahil sa dati kong mga pakikihalubilo kay Brother Chen, nalaman ko na napakayabang ng kanyang disposisyon, kaya nagkaroon ako ng mga palagay at opinyon tungkol sa kanya. Bukod doon, akala ko kailangang may tiyak na antas ng kaalaman sa Biblia ang mga naglalahad ng patotoo. Kailangan ay malinaw nilang maipabatid ang katotohanan at masagot ang mga tanong ng mga pinangangaralan natin ng ebanghelyo. Napakiramdaman ko noon hindi niya taglay ang mga katangiang ito, kaya hindi ko sinang-ayunan iyon. Nang makita niya iyon, sabi niya, “Base sa mga kakayahan ko, sa tingin mo ba hindi ako makapaglalahad ng patotoo? Hindi ba sasayangin ko lang ang talento ko kung hindi ako maglalahad ng patotoo?” Nang marinig ko iyon, yamot na yamot ako at naisip ko, “Sa tingin mo ba madaling maglahad ng patotoo? Kung wala kang tunay na talento, sa tingin mo ba magagampanan mo nang mahusay ang tungkuling ito? Napakataas ng tingin mo sa sarili mo. Wala ka talagang tumpak na sukatan ng sarili mo!” Pagkatapos, ibinahagi ko ang sitwasyon ni Brother Chen sa ilang iba pang kapatid para maunawaan namin ang kalagayan niya. Sinabi rin ng ilan sa mga kapatid, matapos nilang marinig ang sinabi ko, kung paano nagpakita ng kayabangan si Brother Chen sa kanyang mga pag-uugali. Kinumpirma nito sa akin na tama nga ang opinyon ko kay Brother Chen. Hindi ko namalayan kailanman na, nang basta na lang ako magkomento tungkol kay Brother Chen nang hindi ko inaalam ang katotohanan para maunawaan siya nang tumpak, hinuhusgahan ko pala siya at nakikipagsabwatan ako sa iba.
Minsan, dumalo ako sa isang pulong kasama si Brother Chen. Habang binabasa namin ang pagsasaayos ng trabaho kung paano namin mapapanood ang mga pelikula tungkol sa mag-anak ng Diyos habang namumuhay kami ng buhay-iglesia, sinabi niya, “Sa tingin ko hindi nagtataglay ng realidad ng katotohanan ang mga lider at kapwa manggagawa. Basta nangangaral lang sila ng mga titik at doktrina sa mga pulong at hindi nila malutas ang mga praktikal na paghihirap na kinakaharap ng mga kapatid natin. Maganda na nakakapanood tayo ng mga pelikula sa mga pagtitipon natin ngayon. Makakatulong ito para maunawaan natin ang katotohanan.” Patuloy niyang sinabi, “Nang ginagampanan ko ang tungkuling ito sa simula, dahil hindi ko naunawaan ang mga prinsipyo, marami akong naging problema. Gayunpaman, ngayong may pag-unawa na ako sa mga prinsipyo, pakiramdam ko mas maayos na ang takbo ng pagganap sa tungkuling ito, at mabuti ang mga resultang nakakamit ko sa gawain ko….” Nang marinig ko siyang sabihin iyon, nakaramdam ako ng pagkayamot at pagkainis. Naisip ko, “Mahusay ka talagang sumunggab sa pagkakataon. Ginagamit mo ang pagbabahagi ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu para maliitin kaming mga lider at kapwa manggagawa. Kasabay nito, hindi mo pa nakalimutang magpatotoo tungkol sa sarili mo at magpasikat. Talagang napakayabang mo at wala ka sa katwiran….” Pagkatapos, sinimulan naming talakayin kung paano kami magtutulungan sa limang katanungang ipapabatid sa susunod na pulong. Sa sandaling ito, nag-alok si Brother Chen na siya na ang bahala sa tatlo sa mga tanong at nagmungkahi pa ng mga taong magiging responsable sa natitirang dalawang tanong. Nang sabihan ko ang lider ng grupo na siya na ang bahala sa susunod na pulong, mabilis niyang tinanong ang lider ng grupo sa isang nagdududang paraan, “Sa tingin mo ba kakayanin mo ito? Magagawa mo ba ito?” Sa tono ng pananalita niya, parang akala niya siya lang ang maaaring mamahala sa pulong. Nang makita ko ang ugali niya, naisip ko, “Masyado kang wala sa katwiran. Magagawa mo ba ito? Gusto mo lang gamitin ang pagkakataong ito para magpasikat sa mga kapatid. Gusto mong pansinin ka nilang lahat, pero hindi ko papayagan iyon.” Para mapigilan siya sa balak niyang gawin, iginiit ko ang awtoridad ko para mapalitan siya bilang namamahala. Habang iniisip ang lahat ng inaasal ni Brother Chen, hinding-hindi ko siya nagustuhan at lalo pang tumindi ang maling palagay ko tungkol sa kanya. Lalo na, maraming beses ko siyang nakausap tungkol sa kanyang kayabangan, ngunit kinilala lang niya iyon sa salita at pagkatapos ay wala naman akong nakitang malinaw na pagbabago. Sa gayo’y naramdaman ko na pambihira ang antas ng kanyang kayabangan. Masyado siyang mayabang hanggang sa puntong naramdaman ko na hindi na siya maaaring magbago kailanman at wala na siyang pag-asa. At kung minsa’y inisip ko pa na dahil napakayabang niya, hindi siya talaga angkop na gumanap sa kasalukuyan niyang tungkulin. Papalitan ko na lang siya ng iba.
Nang matapos ang pulong at pagnilayan ko ang bawat isa sa mga kaisipan at ideyang inihayag ko sa pulong, nakaramdam ako ng kaunting pagsisi at matinding pagkaligalig. Nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko! Marami akong iniisip at maling palagay tungkol kay Brother Chen. Sa tingin ko napakayabang niya. Ngayon, tuwing naririnig ko siyang magsalita, nayayamot at naiinis ako. Gusto ko pa nga siyang palitan. O Diyos ko! Alam kong mali ang katayuan ako. Gayunpaman, hindi ko nauunawaan ang kalooban Mo at hindi ko alam ang aspeto ng katotohanan na dapat kong pasukin. O Diyos ko, pakiliwanagan at gabayan Mo ako.” Nang matapos akong manalangin, naisip ko ang isang sipi mula sa isang sermon: “Umiiral ba sa puso ninyo ang ganitong uri ng pag-iisip? Kapag iniisip ninyo ang isang tao, iniisip muna ninyo ang kanilang mga kahinaan, at iniisip muna ninyo ang mga paraan kung saan sila ay tiwali. Tama ba iyon? Kung patuloy kayong mag-iisip sa ganitong paraan, kailanma’y hindi ninyo makakasundo ang iba nang normal. … Ngunit dahil tunay siyang naniniwala sa Diyos at hangad niyang pagsikapang matamo ang katotohanan, kung gayon, hindi magtatagal at magsisimulang magbago at mawala ang katiwalian sa kanya. Ganito natin kailangang unawain ang isyung ito, at kailangan nating unawain ang mga isyu na may pananaw para sa paglago. Huwag tayong tumutok sa kahinaan ng isang tao, at saka siya sumpain magpakailanman, na sinasabi na ang magiging ganyan ang taong iyan habambuhay, na ganyang klase siya ng tao. Ang paggawa nito ay paghusga at paglimita sa kanya! Sa pagliligtas sa tao, hindi nagsalita ang Diyos sa ganitong paraan, na sinasabing ganito na katiwali ang sangkatauhan, kaya wala nang saysay na iligtas pa sila, at na ito ang katapusan ng lahi ng tao. Hindi ganyan ang tingin ng Diyos dito. Kaya, sinisikap pa rin nating lahat na matamo ang katotohanan ngayon. Hangad nating lahat na pagsikapang matamo ang katotohanan, at naniniwala tayo, kahit paano, na kung patuloy tayong magsisikap, sa loob ng ilang taon ay tiyak na magbabago tayo nang kaunti, at sa huli ay lubos nating mababago ang ating disposisyon at mapeperpekto tayo ng Diyos. Ganitong ang pananampalataya ninyong lahat, hindi ba? Dahil ganito ang pananampalataya ninyo, kailangan ninyong maniwala na ganito rin ang pananampalataya ng ibang mga tao” (“Paano Magtatag ng Normal na mga Personal na Pakikipag-ugnayan sa Iba” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay I). Malinaw na ipinakita sa akin ng siping ito ng pagbabahagi ang aking katayuan at napahiya ako. Nakita ko na masyadong mayabang at mapagmataas ang likas kong pagkatao. Kumilos ako na para bang taglay ko ang katotohanan at nagawa kong husgahan nang tumpak ang isang tao sa isang sulyap at lubos na naunawaan ang kanyang diwa. Sa pag-uugnay ng mga salita sa sermon sa sarili ko, napagtanto ko: Mula sa mga pakikipag-ugnayan ko kay Brother Chen, naramdaman ko na bata pa siya at mapagmalaki nang makita kong ipinapahayag niya ang kanyang kayabangan sa mga salitang sinasabi niya at sa mga bagay na ginagawa niya. Naramdaman ko na hindi niya talaga kilala ang kanyang sarili. Ipinasiya ko pa sa puso ko na isa siyang mayabang na tao na lubos na wala sa katwiran at walang pag-asang magbago. Iyon ang dahilan kaya hindi ko siya matrato nang patas o walang kinikilingan. Inililigtas ng Diyos ang mga tao sa abot ng Kanyang makakaya, subalit nililimitahan ko si Brother Chen sa lahat ng aspeto. Ngayon, nailantad ako ng Diyos at malinaw na naipakita sa akin ang aking kayabangan at pagmamataas. Naituring ko ang sarili kong mga pananaw at paniniwala bilang katotohanan at bilang mga pamantayang pinagbatayan ko sa paghusga sa mga tao—walang-wala ako sa katwiran. Tinitingnan at sinusukat ko ba ang iba nang may mga prinsipyo at pamantayan? Naaayon ba sa katotohanan ang paraan ng pagtingin at paglimita ko sa mga tao? Mas hamak pa ako sa uod. Paano ako naging marapat na husgahan at sumapin ang ibang mga tao? Sabi sa mga salita ng Diyos: “Ang mga taong inililigtas ng Diyos ay yaong mga taong may tiwaling disposisyon dahil ginawang tiwali ni Satanas; hindi sila mga perpektong tao na wala ni katiting na bahid-dungis, ni mga taong hungkag ang pamumuhay” (“Pagpasok sa Buhay ang Pinakamahalaga sa Pananalig sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Hindi pa tayo naperpekto at nasa proseso pa rin tayo ng unti-unting pagbabago sa pamamagitan ng karanasan natin sa gawain ng Diyos. Kahit maaari nating ipahayag ang ating mga tiwaling disposisyon o gumawa ng ilang paglabag habang tinutupad natin ang ating mga tungkulin, hangga’t tapat tayong nananalig sa Diyos at nagsisikap na matamo ang katotohanan, magagawa nating magbago. Gayunpaman, hindi ko tinitingnan ang iba nang may pananaw tungo sa paglago. Sa halip, nililimitahan ko ang iba gamit ang sarili kong mga pananaw at tiwaling disposisyon. Talagang napakayabang ko.
Pagkatapos ay nagbasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ayon sa anong prinsipyo mo dapat tratuhin ang mga miyembro ng pamilya ng Diyos? (Tratuhin ang bawat isang kapatid nang patas.) Paano mo sila tinatrato nang patas? Lahat ay may maliliit na pagkakamali at pagkukulang, maging ng ilang kakatwang gawi; lahat ng tao ay may taglay na pagmamagaling, kahinaan, at mga aspeto kung saan sila nagkukulang. Dapat kang tumulong sa kanila nang may pusong mapagmahal, maging mapagparaya at matiisin, at huwag maging masyadong malupit o huwag mong palakihin ang bawat maliit na detalye. Sa mga taong bata pa o napakatagal nang hindi nananalig sa Diyos, o kailan lang nagsimulang gumanap sa kanilang mga tungkulin o may ilang espesyal na kahilingan, kung susunggaban mo lang sila sa tirintas at hindi mo pakakawalan, ito ang tinatawag na pagmamalupit. Hindi mo pinapansin ang kasamaang ginawa ng mga bulaang lider at anticristong iyon, subali’t kapag namataan mo ang maliliit na pagkukulang at pagkakamali ng iyong mga kapatid, ayaw mo silang tulungan, sa halip ay pinipili mong palakihin ang mga bagay-bagay at hinuhusgahan sila nang talikuran, sa gayo’y dumarami pa ang mga taong kumokontra, hindi nagsasali, at nagbubukod sa kanila. Anong klaseng pag-uugali iyan? Paggawa lamang iyan ng mga bagay-bagay ayon sa sarili mong kagustuhan, at hindi pagtrato nang patas sa mga tao; nagpapakita iyan ng isang tiwali at napakasamang disposisyon! Paglabag iyan! Kapag gumagawa ang mga tao ng mga bagay-bagay, nakamasid ang Diyos; anuman ang ginagawa mo at paano ka man nag-iisip, nakikita Niya iyon! Kung nais mong maunawaan ang mga prinsipyo, kailangan mo munang maunawaan ang katotohanan. Kapag nauunawaan mo na ang katotohanan, mauunawaan mo ang kalooban ng Diyos; kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, tiyak na hindi mo mauunawaan ang kalooban ng Diyos. Sinasabi sa iyo ng katotohanan kung paano tratuhin ang mga tao, at kapag naunawaan mo na ito, malalaman mo kung paano tratuhin ang mga tao ayon sa kalooban ng Diyos. Malinaw na ipinapakita at itinuturo sa mga salita ng Diyos kung paano mo dapat tratuhin ang iba; ang saloobin ng Diyos sa pagtrato sa sangkatauhan ang saloobing dapat taglayin ng mga tao sa pagtrato nila sa isa’t isa. Paano tinatrato ng Diyos ang bawat isang tao? Ang ilang tao ay isip-bata, o bata pa, o nanalig na sa Diyos sa loob ng maikling panahon. Ang likas na pagkatao at diwa ng ilang tao ay hindi masama o walang masamang hangarin; medyo mangmang lang sila o kulang sa kakayahan, o narumihan na sila nang husto ng lipunan. Hindi pa sila nakapasok sa realidad ng katotohanan, kaya hindi nila maiwasang gumawa ng ilang kalokohan o kamangmangan. Gayunman, sa pananaw ng Diyos, hindi mahalaga ang gayong mga bagay; tumitingin lamang Siya sa puso ng mga tao. Kung desidido silang pumasok sa realidad ng katotohanan, patungo sila sa tamang direksyon, at ito ang kanilang layon, sa gayo’y nakamasid sa kanila ang Diyos, naghihintay, at nagbibigay ng panahon at mga pagkakataon para makapasok sila. Hindi naman sila pinatutumba ng Diyos sa isang suntok o hinahataw sa sandaling iusli nila ang ulo nila; hindi tinrato nang ganito ng Diyos ang mga tao kahit kailan. Ngayong nabanggit iyan, kung ganyan ang pagtrato ng mga tao sa isa’t isa, hindi ba nagpapakita iyan ng kanilang tiwaling disposisyon? Iyan mismo ang kanilang tiwaling disposisyon. Kailangan mong tingnan kung paano tinatrato ng Diyos ang mga taong mangmang at loko-loko, kung paano Niya tinatrato ang mga isip-bata, kung paano Niya tinatrato ang normal na mga pagpapakita ng tiwaling disposisyon ng sangkatauhan, at kung paano Niya tinatrato yaong mga may masamang hangarin. Iba-iba ang mga paraan ng Diyos sa pagtrato sa iba’t ibang tao, at iba-iba rin ang mga paraan ng Kanyang pamamahala sa napakaraming kundisyon ng iba’t ibang mga tao. Kailangan mong maunawaan ang katotohanan ng mga bagay na ito. Kapag naunawaan mo na ang mga katotohanang ito, malalaman mo na kung paano danasin ang mga ito” (“Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto Ka mula sa mga Tao, mga Pangyayari, at mga Bagay sa Paligid Mo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Napakalinaw na inilalarawan sa mga salita ng Diyos ang mga prinsipyo at ang landas kung paano tratuhin ang mga tao. Ipinapaliwanag din doon na ang saloobin ng Diyos sa mga anticristo at masasamang tao ay puno ng galit, mga sumpa at kaparusahan. Para naman sa mga mababa ang reputasyon, salat sa kakayahan at nagtataglay ng lahat ng uri ng mga tiwaling disposisyon at kakulangan, hangga’t tunay silang nananalig sa Diyos, handang magsikap na matamo ang katotohanan, kayang tanggapin ang katotohanan at isagawa ito, ang saloobin ng Diyos para sa kanila ay pagmamahal, awa at pagliligtas. Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na ang Diyos ay may mga prinsipyo at pamantayan tungkol sa kung paano Niya tinatrato ang bawat tao. Hinihiling ng Diyos na mahalin natin ang mga minamahal ng Diyos at kamuhian ang mga Kanyang kinamumuhian. Maging mapagparaya at mapagpatawad tayo sa mga kapatid na tunay na nananalig sa Diyos at bigyan sila ng pagkakataong magsisi at magbago. Hindi maaaring basta pabagsakin na lang sila sa isang suntok lamang kapag naipahayag nila ang kanilang tiwaling disposisyon, dahil hindi iyon alinsunod sa mga prinsipyo at pamamaraan ng Diyos sa pagtrato sa mga tao, at lalo nang hindi iyon ang kalooban ng Diyos. Sinimulan kong isipin kung paano dinala ni Brother Chen ang pasanin ng kanyang mga tungkulin, paano siya naging responsable at paano niya nagagawa ang ilang praktikal na gawain. Hindi ko lubos na isinaalang-alang kailanman ang kanyang mga kalakasan at kahusayan. Sa halip, tumutok ako sa kanyang katiwalian at hindi ko iyon pinakawalan, at hinusgahan ko siya at isinumpa. Talagang may likas akong masamang hangarin!
Pagkatapos niyon, naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang saloobin at paraan kung paano pinakitunguhan ng Diyos sina Adan at Eva ay katulad ng pagpapakita ng malasakit ng mga magulang na tao para sa kanilang sariling mga anak. Ganito rin ang mga magulang na tao kung magmahal, gumabay, at mag-alaga para sa kanilang mga sariling anak na lalaki at babae—totoo, nakikita, at tunay. Sa halip na ilagay ang Sarili Niya sa isang mataas at makapangyarihan na katayuan, personal na ginamit ng Diyos ang mga balat upang gumawa ng damit para sa tao. Hindi mahalaga kung ang balabal na balahibong ito ay ginamit upang takpan ang kanilang kahinhinan o sanggahan sila mula sa lamig. Sa madaling salita, itong damit na ginamit upang takpan ang katawan ng tao ay personal na ginawa ng Diyos gamit ang sarili Niyang mga kamay. Sa halip na likhain ito sa pamamagitan ng pang-isipan o mahimalang mga pamamaraan, gaya ng nasa imahinasyon ng mga tao, marapat na ginawa ng Diyos ang isang bagay na sa palagay ng tao ay hindi magagawa at hindi dapat gawin ng Diyos. Maaaring simpleng bagay ito na marahil sa palagay ng ilan ay ni hindi na dapat pang banggitin, nguni’t hinahayaan nito ang lahat ng sumusunod sa Diyos na dati ay puno ng malalabong kaisipan tungkol sa Kanya upang magkaroon ng maliwanag na pagkaunawa sa Kanyang pagkatotoo at pagiging kaibig-ibig, at upang makita ang Kanyang tapat at mapagpakumbabang kalikasan. Nagagawa nitong payukuin dahil sa hiya ang mapagmataas na ulo ng mga lubhang napakayabang na tao na nag-iisip na sila’y mataas at malakas sa harap ng pagiging totoo at pagpapakumbaba ng Diyos” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pinasigla ng bawat isa sa mga salita ng Diyos ang puso ko. Nararamdaman ko ang malasakit at pagdamay ng Diyos para sa mga tao at totoo ang Kanyang pagmamalasakit at pag-aalala. Nang suwayin nina Adan at Eba ang utos ng Diyos at kainin ang bunga mula sa puno ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama, kahit pinagtaguan sila ng Diyos at pinalayas sila sa Hardin ng Eden, kinaawaan pa rin sila ng Diyos at personal na gumawa ng pananamit mula sa mga balat para suotin nila. Talagang kaibig-ibig ang Diyos, at talagang maganda at mabuti ang Kanyang disposisyon. Pasensyoso Siya sa mga tiwaling tao at sa mga taong nagkakasala. Dahil sa Kanyang pagkahabag, nagagawa Niyang patawarin ang kamangmangan, kahinaan at pagiging isip-bata ng tao. Binibigyan Niya ang tao ng panahon at pagkakataong magsisi. Habang naghihintay, patuloy Siyang nagbibigay ng katotohanan na papasukin ng tao. Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay napakatotoo. Matapat ang Diyos at tunay ang pagmamahal Niya sa tao, hindi iyon huwad o kunwa-kunwarian, kundi malinaw at kapuna-puna. Nang pag-isipan ko ito, tumulo at nagsimulang dumaloy ang luha sa aking mga mata. Sinimulan kong pagnilayan ang lahat ng karanasan ko. Sa gawain ng pag-aayos sa mga lider at manggagawa, dahil hindi ko pa nauunawaan ang mga prinsipyo, gumawa ako ng ilang bagay na nakagambala at nakaistorbo sa gawain ng iglesia. Gayunpaman, hindi ako inalis o pinarusahan ng Diyos. Sa halip, ginamit Niya ang ulat na isinulat ng aking mga kapatid para magnilay-nilay ako sa aking sarili, magsisi at magbago upang magampanan ko ang aking mga tungkulin ayon sa mga prinsipyo. Noong negatibo ako at mahina, ginamit ng Diyos ang Kanyang mga salita para aliwin at suportahan ako. Pinukaw Niya rin ang mga kapatid na kakampi ko na ipabatid ang Kanyang kalooban sa akin, na lubhang nagpalakas sa akin. Sa mga panahon na nakagawa ako ng mga paglabag o pagkakamali sa aking gawain, nang magkimkim ako ng mga maling pagkaunawa at nabantayan laban sa Diyos, at naging negatibo ako at makupad sa aking gawain, niliwanagan at ginabayan ako ng Diyos sa Kanyang mga salita para maunawaan ko ang Kanyang kaloobam, at nakita ko ang Kanyang pag-ibig at pagliligtas. Sa gayo’y nagawa kong iwan ang pagkanegatibo at mga maling pagkaunawa…. Hindi ba matagal na itong nagawa sa akin ng Diyos? Nang makita ko ang walang-hanggang pag-ibig ng Diyos sa akin, pinalambot ng Kanyang tapat na pag-ibig ang aking pusong sutil at manhid. Umusal ako ng isang panalangin ng pagsisisi sa Diyos, “Diyos ko! Paulit-ulit Kitang sinuway at kinalaban. Gayumpaman, tinatrato Mo pa rin ako nang may pagmamahal at pagpaparaya at inuunawa ang aking mga kahinaan. Paulit-ulit Kang gumamit ng mga salita para maliwanagan, gabayan, suportahan at tustusan ako. Naakay Mo ako sa paisa-isang hakbang hanggang sa ngayon. Hindi ako karapat-dapat sa Iyong paggugol ng labis na pangangalaga at pagsisikap sa pagliligtas sa akin. Diyos ko! Hindi maipaliwanag ang pagmamahal Mo sa akin. Habang matiyaga Kang naghihintay na magbago ako, binibigyan Mo rin ako ng mga pagkakataong magsisi. Ang nais ko lang, simula ngayon, ay magsasagawa ako alinsunod sa Iyong kalooban at mga kahilingan. Nais kong umasa sa mga prinsipyo ng katotohanan ng pagtrato ko sa bawat kapatid na tunay na nananalig sa Iyo.”
Pagkatapos, nagbasa ako ng isa pang sipi sa isang sermon na nagsasabing: “Halimbawa, isa kang lider at dapat kang maging responsable sa mga kapatid. Kunwari may isang kapatid na hindi nagsisikap na matamo ang katotohanan at hindi tumatahak sa tamang landas. Ano ang dapat mong gawin? Kailangan mong tulungan ang taong ito. Kasama sa pagtulong na ito ang pagpupungos at pakikipagtuos sa kanila. Kasama rito ang pagsisiyasat at pagpuna. Ito ang paraan para tumulong. Lahat ng ito ay pagmamahal. Kailangan ba silang suyuin o gamitan ng tono ng pagkonsulta? Hindi naman. Kung kailangan mong pungusan sila at makipagtuos sa kanila, gawin mo. Ilantad ang dapat ilantad. Ito ay dahil isa kang lider at isang manggagawa. Kung hindi ikaw ang tutulong, sino? Ito ang tungkuling dapat mong tuparin” (“Paano Kailangang Maranasan ng Isang Tao ang Gawain ng Diyos para Makamit ang Kaligtasan at Maperpekto” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay VI). Mula sa pagbabahaging ito, natutunan ko na ang isang lider o isang manggagawa na talagang may realidad ng katotohanan ay tinatrato ang kanyang mga kapatid nang may mga prinsipyo. Alam niya kung ano ang kanyang responsibilidad at ano ang gawaing ipinagbilin sa kanya. Nagagawa niyang umasa sa mga prinsipyo ng katotohanan para makitungo sa mga tao ayon sa kanilang likas na pagkatao at diwa. Nagagawa niya talagang tumulong sa mga tao ayon sa kanilang mga katiwalian at kakulangan. Alam niya kung kailan niya sila dapat tulungan nang may mapagmahal na puso, kailan sila mahigpit na kakausapin at pupungusan at kailan sila sasawayin. Nagagawa niyang kumilos nang angkop, maprinsipyo siya, at hindi niya basta-basta tatratuhin ang mga kapatid na nagpahayag ng katiwalian bilang mga kaaway. Sinimulan kong muling isipin kung paano ko tinrato si Brother Chen. Nang makita kong ilantad niya ang kanyang kayabangan, hindi ko siya tinulungan o sinuportahan sa praktikal na paraan. Hindi ko sinuri ang kanyang likas na kayabangan para tulungan siyang malaman ang diwa ng kanyang likas na pagkatao o tulungan siyang malinaw na makita ang mapanganib na mga resulta kung hindi mawawala ang kanyang kayabangan. Sa halip, basta ko na lang siya hinusgahan, ibinukod at hinatulan. Lihim ko pang ikinalat ang aking mga maling palagay tungkol sa kanya. Hindi ako nagpakita ng anumang pagpaparaya o pasensya, lalong hindi ko siya tinrato nang may pagmamahal. Sa sandaling ito, nakita ko na wala akong mga prinsipyo ng katotohanan sa paraan ng pagtrato ko sa kapatid na ito at hindi ko ginagampanan ang aking tungkulin at mga obligasyon. Naunawaan ko ang kalooban ng Diyos at natagpuan ko ang landas ng pagsasagawa. Dahil dito, pinuntahan ko at natagpuan si Brother Chen. Itinuro ko ang mga problema sa kanya at nag-alok ako ng tulong at suporta. Kasabay nito, hinarap ko rin siya at pinungusan. Sinuri ko ang kanyang mga maling pananaw tungkol sa gawain at ang maling landas na kanyang tinatahak. Nagbahagi rin ako sa kanya tungkol sa banal na diwa ng Diyos at sa Kanyang disposisyon na hindi tumatanggap sa anumang kasalanan. … Salamat sa Diyos sa Kanyang patnubay. Sa pamamagitan ng pagkausap ko sa kanya, nagkaroon ng kaunting pagkaunawa si Brother Chen sa kanyang sariling likas na kayabangan at sa katiwaliang kanyang naipakita. Sabi niya, “Kahit alam ko na napakayabang ko, madalas ko lang kilalanin iyon sa salita. Hindi ko nasuri nang malalim kailanman ang sarili kong likas na kayabangan, lalong hindi ko pa iyon talaga kinamuhian. Nang ituro mo sa akin ang mga bagay na ito ngayon, saka ko lamang natuklasan na grabe at mapanganib ang sarili kong kalagayan. Wala sa puso ko ang Diyos at wala akong respeto kaninuman. Pakiramdam ko lagi akong may kakayahan. Lalo na kapag may mga resulta ang gawain, hindi ko lang ninanakaw ang kaluwalhatian ng Diyos, mas mayabang at mapagmataas pa ako dahil pakiramdam ko kahanga-hanga akong tao. Nasa landas ako ng anticristo, at gumagawa ako ng kasamaan at lumalaban sa Diyos. Ngayon, ang iyong babala at tulong ay nagbigay sa akin ng pagkakataong pagnilayan ang sarili ko, at magsisi at magbago. …” Nang marinig kong sabihin niya ito, talagang umantig ito sa puso ko. Naramdaman ko na hindi ko nagampanan nang maayos ang mga tungkulin ko at na hindi ako mahabagin. Hindi ko natulungan o nasuportahan ang aking kapatid. Sa halip, sinamantala ko ang kanyang katiwalian at hinatulan siya. Ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos ang nagligtas sa akin, na malinaw na ipinakita sa akin ang aking likas na kayabangan at masamang hangarin at itinuwid ang aking kakatwang pananaw. Nabasa ko sa sipi ng sermon sa itaas: “Masasabi na ang mga taong tunay na nagmamahal sa katotohanan at gustong maging perpekto ay pawang may mayabang at mapagmagaling na disposisyon. Hangga’t nagagawa nilang tanggapin ang katotohanan at tumatanggap sila ng pagpupungos at pakikipagtuos, at nagagawang lubos na sumunod sa katotohanan ano man ang sitwasyon, ang ganitong mga tao ay maaaring magkamit ng kaligtasan at maperpekto. Sa katunayan, walang mga taong talagang may magandang kakayahan at talagang may kahandaan na hindi mayabang. Totoo iyan. Kailangang marunong kumilala ng pagkakaiba ang mga taong hinirang ng Diyos. Hindi nila dapat sabihin na hindi mabuting tao ang sinuman at hindi siya maliligtas at mapeperpekto dahil lang sa masyado silang mayabang at mapagmagaling. Gaano man kayabang ang taong iyon, hangga’t may maganda silang kakayahan at kaya nilang sikaping matamo ang katotohanan, sila ay mga taong nais gawing perpekto ng Diyos. Ang pamantayan ng Diyos sa pagperpekto sa mga tao higit sa lahat ay na siya ay mabuting tao, may magandang kakayahan at nagsisikap na matamo ang katotohanan. Kung hindi maganda ang kakayahan ng isang tao at palaging hindi nila nauunawaan ang katotohanan, kahit labis na mapagkumbaba ang kanilang disposisyon at hindi man lang sila mayabang, wala silang silbi at hindi nararapat na gawing perpekto. Sa puntong ito, kailangang maunawaan ng isang tao ang kalooban ng Diyos. Kung maganda ang kakayahan ng isang tao, at mayroon silang kahandaan at hindi mayabang at mapagmagaling, tiyak na iyon ay isang pagkukunwari o paimbabaw na hitsura, dahil walang gayong tao. Kailangang malaman ng isang tao na ang tiwaling sangkatauhan ay may likas na kayabangan at pagmamagaling. Di maikakaila ang katotohanang ito” (Ang Pagbabahagi mula sa Itaas). Malinaw na ipinaunawa sa akin ng pagbabahaging ito kung paano ko dapat pakitunguhan ang mga taong mayabang. Natutunan ko na posibleng magbago ang mga taong mayabang, at ang susi ay kung pinagsisikapan ba nila o hindi na matamo at tanggapin ang katotohanan. Kung nagagawa nilang tanggapin ang katotohanan, tumanggap ng paghatol at pagkastigo at tiyak na maaari silang magbago at maperpekto ng Diyos. Ngayon nang tingnan ko ulit ang sitwasyon ni Brother Chen, natanto ko na dahil bata pa siya, hindi pa gaanong nagtatagal sa pananalig sa Diyos at hindi pa gaanong nakaranas ng Kanyang paghatol at pagkastigo, medyo normal ang ipinapakita niyang kayabangan at pagmamataas. Nagawa tayong tiwali ni Satanas at kontrolado tayo ng ating kayabangan, kaya mahilig tayong maghangad ng katanyagan at magpasikat. Karaniwang katangian ito ng mga tiwaling tao. Hindi ba madalas din akong magpakita ng kayabangan at pagmamataas? Bakit pakiramdam ko maaari akong magbago pero siya hindi? Bakit mas mababa ang mga pamantayang naitakda ko para sa sarili ko kaysa sa mga pamantayang naitakda ko para sa kanya? Hindi ba nangangahulugan iyan na mas mayabang pa ako kaysa sa kanya? Hindi patas na paraan ito ng pagtrato sa kanya. Nang matanto ko ito, nagawa kong bitawan ang aking mga pagkiling at maling palagay laban kay Brother Chen. Nadama ko na hindi naman siya likas na masama. Nagpasiya siyang magsikap na matamo ang katotohanan, kaya lang medyo mas matindi ang kanyang kayabangan, at naunawaan ko na dapat ko siyang tulungan nang may pagmamahal at gampanan ang aking responsibilidad.
Salamat sa Diyos sa kaliwanagang ibinigay Niya at sa Kanyang patnubay. Mula sa karanasang ito, natutunan ko na ang mga nabubuhay ayon sa kanilang mga tiwaling disposisyon at hindi tinatrato ang iba alinsunod sa mga prinsipyo ng mga salita ng Diyos at hindi nagagawang unawain sa tamang pamamaraan ang mga kalakasan at kahinaan ng ibang mga tao, ay hindi makakayang tratuhin ang iba sa isang patas na paraan. Hindi lang sila maghahatid ng pisikal at mental na pinsala sa kanilang mga kapatid, maaantala rin nila ang kanilang pagpasok sa buhay. Maaari pa nilang pahirapan o parusahan ang iba, na tinatahak ang landas ng anticristo. Salamat sa Diyos sa gawain ng paghatol at pagkastigo na isinagawa Niya sa akin sa panahong ito. Noong nabubuhay ako sa aking mapanghimagsik na disposisyon at hindi ko natrato ang aking kapatid alinsunod sa mga prinsipyo ng katotohanan, agad ginamit ng Diyos ang Kanyang paghatol at pagkastigo para iligtas ako sa tamang oras at naging dahilan para makilala ko ang sarili kong kayabangan at masamang hangarin. Nang magbalik-loob ako sa Diyos, isinantabi ang aking sarili at hinanap ko ang katotohanan, nakamit ko ang patnubay at pamumuno ng Diyos—naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos kung paano makitungo sa mga tao nang may mga prinsipyo. Nang tratuhin ko si Brother Chen alinsunod sa mga salita ng Diyos, talagang nagdanas ako ng espirituwal na kapayapaan at katatagan. Bukod pa rito, natuklasan at natutuhan ko mula sa mga kalakasan ng kapatid na bumawi sa sarili kong mga kakulangan. Natikman ko ang tamis ng pagsasabuhay ng mga salita ng Diyos. Ang gawain at patnubay ng Diyos ang nagtulot sa akin na maunawaan ang ilang katotohanan at magkamit ng kaunting pagkaunawa sa aking sariling katiwalian at mga kakulangan. Kasabay nito, tunay kong nadarama na ang pakikitungo sa ibang mga tao alinsunod sa mga prinsipyo ng katotohanan ay napakahalaga. Nais ko lang na patuloy na isagawa ang salita ng Diyos kapag ginagampanan ko ang aking mga tungkulin, at tratuhin ang bawat isa sa aking mga kapatid alinsunod sa katotohanan ng mga salita ng Diyos.
_________________________________________________
Bakit mahalaga ang
panalangin? Sapagkat ang pananalangin ay isang daan para sa mga Kristiyano na makipag-usap sa Diyos. Sa pamamagitan ng pananalangin, maaari nating makamit ang pananalig at lakas ,ula sa Diyos
at sumunod sa Diyos hanggang sa huli.
Write a comment