Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos
Makalipas ang ilang libong taon ng katiwalian, ang tao ay naging manhid at mapurol ang pag-iisip, isang demonyong kumakalaban sa Diyos, hanggang sa ang pagiging mapanghimagsik ng tao ay naitala na sa mga aklat ng kasaysayan kung saan hindi man lang kayang isalaysay nang buo ng tao ang kanyang mga mapag-alsang gawi—sapagkat ang tao ay nagawang tiwali na nang husto ni Satanas, at nailigaw na ni Satanas na anupa’t hindi niya nalalaman kung saan tutungo. Kahit sa ngayon, pinagtataksilan pa rin ng tao ang Diyos: Kapag nakikita ng tao ang Diyos, nagtataksil siya sa Kanya, at kapag hindi niya makikita ang Diyos, Siya’y pinagtataksilan pa rin niya. Mayroon ngang iba na kahit nakasaksi na sa mga sumpa ng Diyos at sa poot ng Diyos, ay pinagtataksilan pa rin Siya. Kung kaya masasabi Ko na ang katinuan ng tao ay wala na sa orihinal na gamit, at ang konsensya ng tao, gayundin, ay wala na sa orihinal na gamit. Ang tao na Aking itinatangi ay isang hayop sa anyong tao, isa siyang makamandag na ahas, at gaano man siya magmukhang kahabag-habag sa Aking mga mata, hinding-hindi Ko siya kaaawaan, sapagkat ang tao ay wala nang unawa sa pagkakaiba ng itim at puti, sa pagkakaiba ng totoo at di-totoo. Ang katinuan ng tao ay masyadong nagiging manhid, ngunit siya ay patuloy na naghahangad ng mga pagpapala; ang kanyang pagkatao ay nagiging masyadong walang-dangal ngunit naghahangad pa rin siya na taglayin ang kapangyarihan ng isang hari. Kanino kaya siya magiging hari sa gayong katinuan? Papaano siya sa gayong katauhan mauupo sa isang trono? Tunay na walang kahihiyan ang tao! Siya ay isang palalong kahabag-habag! Para sa inyong nagnanais na makamtan ang mga pagpapala, ipinapayo Kong humarap muna kayo sa salamin at tingnan ang inyong sariling pangit na larawan—taglay mo ba ang katangian ng pagiging hari? Taglay mo ba ang katangian ng isang magtatamo ng mga pagpapala? Wala ka pa ring ginawa ni katiting na pagbabago sa iyong mga disposisyon at hindi mo isinasagawa ang katotohanan, ngunit ikaw ay naghahangad pa rin ng isang magandang kinabukasan. Nililinlang mo lang ang iyong sarili! Isinilang sa isang napakaruming daigdig, ang tao ay nasira na nang labis ng lipunan, siya ay naimpluwensiyahan na ng mga etikang pyudal, at naturuan na sa “mga instituto ng dalubhasaan.” Ang paurong na kaisipan, tiwaling moralidad, masamang pagtanaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya, lubos na walang saysay na pag-iral, at napakabuktot na uri ng pamumuhay at mga kaugalian—lahat ng bagay na ito ay matinding nanghimasok na sa puso ng tao, at matinding nagpahina ng kanyang katuwiran at inusig ang kanyang konsensya. Bilang resulta, ang tao ay mas lalong malayo sa Diyos, at mas lalong naging tutol sa Kanya. Ang disposisyon ng tao ay lalong nagiging mas mabangis sa bawat araw, at wala ni isa mang tao ang magkukusa na talikdan ang anuman para sa Diyos, kahit isang tao na kusang susunod sa Diyos, ni, higit pa rito, isang tao na magkukusang maghanap sa pagpapakita ng Diyos. Sa halip, sa ilalim ng sakop ni Satanas, ang tao ay walang ginawa kundi magpatuloy sa pagpapakasaya, ibinibigay ang sarili sa katiwalain ng laman sa pusali. Marinig man nila ang katotohanan, ang mga nananahan sa kadiliman ay hindi mag-iisip isagawa ito, ni hindi sila nakahandang matamo ang Diyos kahit na namasdan na nila ang Kanyang pagpapakita. Papaanong ang isang sangkatauhan na ubod ng sama ay magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan? Papaanong ang isang sangkatauhan na napakasama ay mabubuhay sa liwanag?
Ang disposisyon ng tao ay dapat magbago simula sa kaalaman ng kanyang likas na pagkatao at hanggang sa mga pagbabago sa kanyang pag-iisip, kalikasan, at pangkaisipang pananaw—sa pamamagitan ng mga pangunahing pagbabago. Tanging sa ganitong paraan lamang makakamtan ang mga tunay na pagbabago sa disposisyon ng tao. Ang tiwaling disposisyon ng tao ay nagbuhat sa pagkalason at pagyurak ni Satanas, mula sa napakalaking pinsala na idinulot na ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, pang-unawa at katinuan. Ito ay tiyak na dahil ang mga pangunahing bagay ng tao ay nagawang tiwali na ni Satanas, at ganap na hindi na tulad ng orihinal na pagkalikha ng Diyos sa kanila, na ang tao ay lumalaban sa Diyos at hindi nauunawaan ang katotohanan. Kaya, ang mga pagbabago sa disposisyon ng tao ay dapat magsimula sa kanyang pag-iisip, pang-unawa at katinuan na siyang makapagpapabago sa kanyang pagkakilala sa Diyos at kanyang pagkakilala sa katotohanan. Yaong mga isinilang sa pinakamalubhang katiwalian sa lahat ng bayan ang mga mas lalong walang alam sa kung ano ang Diyos, o kung ano kahulugan ng paniniwala sa Diyos. Habang lalong tiwali ang mga tao, mas lalong nababawasan ang nalalaman nila sa pag-iral ng Diyos, at mas mababaw ang kanilang katinuan at pang-unawa. Ang pagsalungat at pagka-mapanghimagsik ng tao laban sa Diyos ay ang kanyang katiwalian sa pamamagitan ni Satanas. Dahil siya ay nagawang tiwali na ni Satanas, ang konsensya ng tao ay naging manhid na, siya ay imoral, ang kanyang mga saloobin ay sumasama, at siya ay may paurong na pangkaisipang pananaw. Bago siya ginawang tiwali ni Satanas, ang tao ay likas na tumalima sa Diyos at sumunod sa Kanyang mga salita pagkatapos marinig ang mga ito. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos magawang tiwali ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinanghina ni Satanas. Kaya, nawala na niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis na, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya na ng sa hayop, at ang kanyang pagka-mapanghimagsik sa Diyos ay nagiging mas madalas at mas matindi. Nguni’t hindi pa rin alam o ni kinikilala ng tao ito, at basta na lang lumalaban at naghihimagsik nang walang taros. Ang pahayag ng disposisyon ng tao ay ang pagpapahayag ng kanyang katinuan, pananaw at konsensya, at sapagkat ang kanyang katinuan at pananaw ay hindi batay sa katotohanan, at ang kanyang konsensya ay sukdulang pumurol, kaya ang kanyang disposisyon ay mapaghimagsik laban sa Diyos. Kung ang katinuan at pananaw ng tao ay hindi maaaring baguhin, kung gayon ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon ay hindi isinasaalang-alang, ganoon din ang kalugdan ng puso ng Diyos. Kung ang katinuan ng tao ay hindi batay sa katotohanan, hindi niya maaaring paglingkuran ang Diyos at hindi siya akmang gamitin ng Diyos. “Ang normal na katinuan” ay tumutukoy sa pagsunod at pagiging tapat sa Diyos, sa paghahangad sa Diyos, sa pagiging malinaw tungkol sa Diyos, at sa pagkakaroon ng konsensya ukol sa Diyos. Ito ay tumutukoy sa pagiging pinag-isang puso at isip patungkol sa Diyos, at hindi ang sadyang paglaban sa Diyos. Yaong mga may lihis na katinuan ay hindi ganito. Yamang ang tao ay ginawang tiwali ni Satanas, siya ay nakagawa ng mga pagkaintindi ukol sa Diyos, at wala siyang katapatan o paghahangad ukol sa Diyos, huwag nang banggitin ang kawalang konsensya ukol sa Diyos. Sinasadya ng tao na lumaban at hatulan ang Diyos, at, bukod pa riyan, ay nagpupukol ng tuligsa kapag Siya’y nakatalikod. Malinaw na alam ng tao na Siya ay Diyos, subalit hinahatulan pa rin Siya habang Siya ay nakatalikod, walang intensyon na susundin Siya, at basta na lang gumagawa ng mga walang basehang kahilingan at mga pakiusap sa Diyos. Ang gayong mga tao—mga taong may lihis na katinuan—ay walang kakayahan na malaman ang kanilang sariling kasuklam-suklam na pag-uugali o ang pagsisihan ang kanilang pagiging mapaghimagsik. Kung may kakayahan ang mga tao na makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ay nabawi nila nang kaunti ang kanilang katinuan; habang ang mga tao ay lalong naghihimagsik sa Diyos subalit hindi nakikilala ang kanilang mga sarili, mas lalo silang mayroong katinuan na hindi batay sa katotohanan.
Ang sanhi ng pahayag ng tiwaling disposisyon ng tao ay walang iba kundi ang kanyang mapurol na konsensya, kanyang malisyosong kalikasan at kanyang wala sa katotohanang katinuan; kung ang konsensya at katinuan ng tao ay maibabalik sa normal, siya ay magiging akmang magamit sa harap ng Diyos. Ito ay dahil ang konsensya ng tao ay matagal nang manhid, ang katinuan ng tao kailanma’y ’di batay sa katotohanan, at lalo pang pumupurol habang ang tao ay lalo pang naghihimagsik sa Diyos, kaya nga ipinako pa niya si Jesus sa krus at hindi pinapasok ang nagkatawang-taong Diyos ng mga huling araw sa kanyang tahanan, at hinusgahan ang katawang-tao ng Diyos, at itinuturing pa ang katawang-tao ng Diyos bilang hamak at mababa. Kung ang tao ay mayroong kahit na kaunting pagkatao, hindi siya magiging malupit sa kanyang pagtrato sa nagkatawang-taong Diyos; kung mayroon siya kahit na kaunting katinuan, hindi siya magiging malupit sa kanyang pagtrato sa katawang-tao ng Diyos na nagkatawang-tao; kung mayroon siya kahit na kaunting konsensya, hindi siya magiging masyadong “nagpapasalamat” sa Diyos na nagkatawang-tao sa ganitong paraan. Ang tao ay nabubuhay sa panahon na ang Diyos ay naging tao, nguni’t hindi niya magawang magpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng ganoong kagandang pagkakataon, at sa halip ay isinusumpa ang pagdating ng Diyos, o lubusang hindi pinapansin ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at para bang tutol siya rito at nayayamot ukol dito. Hindi alintana paano man tinatrato ng tao ang pagdating ng Diyos, ang Diyos, sa madaling sabi, ay laging nagpatuloy na sa Kanyang gawain kahit anupaman—kahit na ang tao ay wala ni katiting na pagbati ng pagsalubong sa Kanya, at walang taros na humihiling sa Kanya. Ang disposisyon ng tao ay naging napakasama, ang kanyang katinuan ay naging napakapurol, at ang kanyang konsensya ay lubusan nang niyurakan ng masama at matagal nang tumigil bilang orihinal na konsensya ng tao. Ang tao ay hindi lang walang utang na loob sa Diyos na nagkatawang-tao sa pagkakaloob Niya ng gayong buhay at biyaya sa sangkatauhan, ngunit lalo pa ngang naghihinakit sa Diyos sa pagbibigay Niya sa kanya ng katotohanan; ito ay sapagkat ang tao ay wala ni kaunting interes sa katotohanan kaya siya ay naghihinakit sa Diyos. Ang tao ay hindi lang sa walang kakayahang ialay ang kanyang buhay para sa Diyos na nagkatawang-tao, ngunit nagsisikap din siyang makakuha ng mga pabor sa Kanya, at umaangkin ng mga pakinabang na dose-dosenang beses na mas marami kaysa sa naipagkaloob ng tao sa Diyos. Ang mga tao na may gayong konsensya at katinuan ay itinuturing ang lahat ng ito bilang nakatakda, at patuloy na naniniwala na sila ay gumugol na nang napakarami sa Diyos, at ang Diyos ay nakapagbigay lamang ng kaunti sa kanila. May mga tao na nakapagbigay lang sa Akin ng isang mangkok ng tubig ngunit naglahad ng kanilang mga kamay at ang hininging kapalit[a] ay dalawang mangkok ng gatas, o nakapagbigay sa Akin ng isang kuwarto para sa isang gabi nguni’t nagtangkang singilin Ako ng mas maraming beses para sa bayad sa pagpapatira. Sa gayong pagkatao, at sa gayong konsensya, paano ninyo magagawang naisin pa na matamo ang buhay? Kayo ay mga kasuklam-suklam na sawing-palad! Dahil sa ganitong pagkatao at konsensya ng tao kaya ang Diyos na nagkatawang-tao ay lumilibot sa buong lupain, walang mahanap na lugar para masilungan. Yaong mga tunay na nagtataglay ng konsensya at pagkatao ay dapat sambahin at buong pusong paglingkuran ang Diyos na nagkatawang-tao hindi lamang dahil sa dami ng gawain na Kanyang nagampanan, nguni’t kahit na wala Siyang nagampanang anupaman. Ito ang dapat na gawin niyaong may mahusay na katinuan, at ito ang tungkulin ng tao. Karamihan sa mga tao ay naghahayag pa ng mga kundisyon sa kanilang paglilingkod sa Diyos: Wala silang pakialam kung Siya man ay Diyos o isang tao, at sila’y nagsasalita lang ng kanilang sariling mga kundisyon, at ang pinagsisikapan lang ay ang pagkakamit ng kanilang sariling mga hangarin. Kapag nagluluto kayo para sa Akin, humihingi kayo ng bayad para sa tagaluto, kapag tumatakbo kayo para sa Akin, humihingi kayo ng bayad para sa pagtakbo, kapag kayo ay gumagawa para sa Akin humihingi kayo ng bayad para sa paggawa, kapag nilalabhan ninyo ang Aking mga damit humihingi kayo ng bayad para sa paglalaba, kapag nagbibigay kayo para sa iglesia humihingi kayo para sa mga pagbawi ng gastos, kapag nagsasalita kayo humihingi kayo ng bayad para sa tagapagsalita, kapag namimigay kayo ng mga libro humihingi kayo ng bayad para sa pamamahagi, at kapag nagsusulat kayo humihingi kayo ng bayad para sa pagsusulat. Yaong Aking mga pinakitunguhan na ay nanghihingi pa ng kabayaran mula sa Akin, samantalang yaong mga napauwi na ay nanghihingi ng bayad-pinsala para sa pagkasira ng kanilang pangalan, yaong mga hindi pa kasal ay nanghihingi ng dote, o kabayaran para sa nawala nilang kabataan, yaong mga nagsisikatay ng manok ay nanghihingi ng bayad para sa tagakatay, yaong mga nangagsisiprito ng pagkain ay nanghihingi ng bayad para sa pagpiprito, at yaong nagsisigawa ng sopas ay nanghihingi ng kabayaran para rito, gayundin…. Ito ang inyong matayog at makapangyarihang pagkatao, at ito ang mga gawa na idinikta ng inyong masiglang konsensya. Nasaan ang inyong katinuan? Nasaan ang inyong pagkatao? Hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo! Kapag nagpatuloy kayo gaya nito, titigil Ako sa paggawa sa gitna ninyo. Hindi Ako gagawa sa gitna ng kawan ng mga hayop na nakadamit-tao, hindi Ako magpapakasakit sa gayong grupo ng mga tao na ang magandang mukha ay nagtatago ng isang mabangis na puso, hindi Ako magtitiis para sa gayong kawan ng mga hayop na wala ni katiting na posibilidad sa kaligtasan. Ang araw na talikuran Ko kayo ay ang araw na kayo ay mamamatay, ito ang araw na darating sa inyo ang kadiliman, at ang araw na kayo ay pinabayaan ng liwanag! Hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo! Hindi Ako magiging mabait sa grupo na katulad ninyo, isang grupo na mas mababa pa sa mga hayop! May mga hangganan ang Aking mga salita at pagkilos, at sa ganyan ninyong pagkatao at konsensya, hindi na Ako gagawa pa, sapagka’t kayo ay sobrang walang konsensya, kayo ay nagdulot na ng matinding sakit sa Akin, at lubos Kong kinayayamutan ang inyong kasuklam-suklam na pag-uugali! Ang mga taong masyadong kulang sa pagkatao at konsensya ay hindi kailanman magkakaroon ng pag-asa sa kaligtasan; Hindi Ko kailanman ililigtas ang gayong walang puso at walang utang na loob na mga tao. Pagdating ng Aking araw, ibubuhos Kong parang ulan ang Aking nakapapasong apoy hanggang sa walang hanggan sa mga anak ng pagsuway na minsan ay pumukaw sa Aking matinding galit, ipapataw Ko ang Aking walang hanggang kaparusahan sa mga hayop na iyon na minsa’y pumukol ng pagtuligsa sa Akin at pinabayaan Ako, susunugin Ko magpakailanman sa pamamagitan ng mga apoy ng Aking galit ang mga anak ng pagsuway na minsan ay nakasama Kong kumain at nakipamuhay kasama Ko nguni’t hindi naniwala sa Akin, at ininsulto at pinagtaksilan Ako. Isasailalim Ko sa Aking kaparusahan ang lahat na pumukaw ng Aking galit, ibubuhos kong parang ulan ang kabuuan ng Aking galit sa mga hayop na minsa’y nagnais gumawa kasama Ko subalit hindi sumamba o sumunod sa Akin, ang tungkod na Aking hinahataw sa tao ay babagsak sa mga hayop na dating nagpasasa sa Aking kalinga at mga misteryong Aking sinabi at nagtangkang tumanggap ng makalupang kasiyahan mula sa Akin. Hindi Ako magiging mapagpatawad sa sinumang tao na nagtatangkang kunin ang Aking posisyon; wala Akong paliligtasin sa mga nang-agaw ng pagkain at mga damit sa Akin. Sa ngayon, nananatili kayong malaya mula sa kapahamakan at patuloy ninyong lampasan ang inyong mga sarili sa mga kahilingang inilatag ninyo sa Akin. Pagdating ng araw ng pagkapoot, wala na kayong mahihiling sa Akin; at sa oras na iyon, hahayaan Ko kayong “magpakasaya” hanggang gusto ninyo, isusubsob Ko ang inyong mukha sa lupa at hindi na kayo muling makababangon! 'Di magtatagal, “babayaran” Ko kayo sa pagkakautang na ito—at umaasa Ako na matiyaga kayong naghihintay sa pagdating ng araw na ito.
Nguni’t kung ang mga napakahamak na nilalang na ito ay handang iwan ang kanilang mga maluhong kaluguran sa kanilang sarili at manunumbalik sa Diyos, kung gayon ay may pag-asa pa sila sa kaligtasan; kung ang tao ay may puso na tunay na nananabik para sa Diyos, hindi siya iiwan ng Diyos. Bigo ang tao na matamo ang Diyos hindi dahil sa ang Diyos ay may emosyon, o dahil ayaw ng Diyos na makamit Siya ng tao, ngunit dahil ayaw makamit ng tao ang Diyos, at dahil hindi agarang hinahanap ng tao ang Diyos. Paano mangyayari na ang isa sa mga tunay na naghahangad sa Diyos ay isusumpa ng Diyos? Paano mangyayari na ang isang may mahusay na katinuan at sensitibong konsensya ay isusumpa ng Diyos? Paano mangyayari na ang isang tunay na sumasamba at naglilingkod sa Diyos ay lalamunin ng mga apoy ng Kanyang poot? Paano mangyayari na ang isang masayang sumusunod sa Diyos ay palalayasin sa bahay ng Diyos? Paano mangyayari na ang isang hindi maaaring ibigin ang Diyos nang sapat ay mabuhay sa kaparusahan ng Diyos? Paano mangyayari na ang sinuman na masaya na iwan ang lahat para sa Diyos ay walang makukuhang kahit na ano? Ayaw ng tao na matamo ang Diyos, ayaw niyang gugulin ang kanyang mga ari-arian para sa Diyos, at ayaw niyang maglaan ng magpakailanmang pagsisikap sa Diyos, at sa halip sinasabi na ang Diyos ay lumabis na, na maraming tungkol sa Diyos ang magkasalungat sa pagkaintindi ng tao. Sa ganitong uri ng pagkatao, kahit walang humpay ang inyong mga pagsisikap hindi pa rin ninyo matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos, huwag nang sabihin ang katotohanan na hindi ninyo hinahangad ang Diyos. Hindi ba ninyo alam na kayo ang depektibong produkto ng sangkatauhan? Hindi ba ninyo alam na walang katauhan ang higit na mas mababa kaysa sa inyo? Hindi ba ninyo alam kung ano ang “pamitagan na titulo” ninyo? Yaong mga tunay na umiibig sa Diyos ay tinatawag kayong mga ama ng lobo, mga ina ng lobo, mga anak ng lobo, mga apo ng lobo, kayo ang lahi ng mga lobo, ang mga tao ng lobo, at kailangan ninyong malaman ang inyong sariling pagkakakilanlan at kailanman ay huwag limutin ito. Huwag isipin na kayo ay sinumang nakatataas na tao: Kayo ang pinaka-kasuklam-suklam na grupo ng mga hindi-tao sa gitna ng sangkatauhan. Hindi ba ninyo alam ang alinman dito? Hindi ba ninyo alam kung gaanong panganib ang sinuong Ko upang gumawa sa gitna ninyo? Kung ang inyong katinuan ay hindi maibabalik sa normal, at ang inyong konsensya ay hindi gagana nang normal, kung gayon ay hindi kayo kailanman makalalaya sa bansag na “lobo”, hindi ninyo kailanman matatakasan ang araw ng sumpa, kailanman ay 'di matatakasan ang araw ng inyong kaparusahan. Kayo ay isinilang na mababa, isang bagay na walang kabuluhan. Kayo sa inyong kalikasan ay pangkat ng mga gutom na lobo, isang tumpok ng latak at basura, at, hindi kagaya ninyo, hindi Ako gumagawa sa gitna ninyo upang makakuha ng mga pabor, ngunit dahil sa pangangailangan sa gawain. Kung kayo ay magpapatuloy sa pagiging mapaghimagsik sa ganitong paraan, kung gayon ay ititigil Ko ang Aking gawain, at hindi na kailanman gagawa ulit sa gitna ninyo, bagkus, ililipat Ko ang aking gawain sa isa pang grupo na napalulugod Ako, at sa ganitong paraan ay iiwan kayo magpakailanman, sapagkat hindi Ko gustong tingnan ang mga nakikipag-alitan sa Akin. Kaya kung ganoon, nais ba ninyong maging kaayon sa Akin, o makipag-alitan sa Akin?
Talababa:
a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “kapalit ng gintong barya.”