· 

Araw-araw na mga Salita ng Diyos | "Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos" | Sipi 37

 

Araw-araw na mga Salita ng Diyos | "Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos" | Sipi 37

 

Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa buong sansinukob. Lahat ng mga naniniwala sa Kanya ay dapat tanggapin ang Kanyang salita, at kainin at inumin ang Kanyang salita; walang sinuman ang makakamtan ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakita sa mga tanda at mga kababalaghan na ipinamalas ng Diyos. Sa buong mga kapanahunan, palaging ginagamit ng Diyos ang salita upang gawing perpekto ang tao, samakatwid hindi niyo dapat ibuhos ang lahat ng inyong pansin sa mga tanda at mga kababalaghan, ngunit dapat ninyong tugisin na magawang perpekto ng Diyos. Sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan, ang Diyos ay nagwika ng ilang mga salita, at sa Kapanahunan ng Biyaya, si Jesus, din, ay nagwika ng maraming mga salita. Matapos wikain ni Jesus ang maraming mga salitang ito, ang mga apostoles at mga propeta na dumating nang mas huli ang naging dahilan upang isagawa ng mga tao ang ayon sa mga batas at mga kautusang itinakda ni Jesus, at naging dahilan upang makaranas sila ayon sa mga alituntuning winika ni Jesus. Ang Diyos ng mga huling araw ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o kumbinsihin ang tao; hindi nito maaaring gawing payak ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, samakatwid magiging imposible na gawing payak ang realidad ng Diyos, at sa gayon imposibleng gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, subalit gumagamit ng salita upang diligin at pastulan ang tao, at pagkatapos nito ay makakamit ang ganap na pagkamasunurin ng tao at ang kaalaman ng tao sa Diyos. Ito ang layon ng gawaing ginagawa Niya at ang mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit nang maraming iba-ibang mga paraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang kapinuhan, pakikitungo, pagpupungos, o pagbibigay ng mga salita, ang Diyos ay nagwiwika mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing perpekto ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain, karunungan at pagka-kamangha-mangha ng Diyos. Kapag ang tao ay naging kumpleto na sa panahon na tinatapos ng Diyos ang kapanahunan sa mga huling araw, magiging kwalipikado siya na tumingin sa mga tanda at mga kababalaghan. Kapag ikaw ay nagkaroon ng kaalaman sa Diyos at may kakayanang sumunod sa Diyos nang hindi alintana kung ano ang ginagawa Niya, ikaw ay makakakita ng mga tanda at mga kababalaghan, sapagkat hindi ka magkakaroon ng mga kuru-kuro tungkol sa realidad ng Diyos. Sa sandaling ito, ikaw ay tiwali at walang kakayanang maging ganap na masunurin sa Diyos—kwalipikado ka bang makakita ng mga tanda at mga kababalaghan? Ang panahon na ipamamalas ng Diyos ang mga tanda at mga kababalaghan ay kapag pinaparusahan na ng Diyos ang tao, at saka kapag ang kapanahunan ay nagbabago, at, dagdag pa, ang kapanahunan ay magwawakas na. Kapag ang gawain ng Diyos ay normal na naisakatuparan, hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Ang pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan ay kataas-taasang madali, ngunit hindi iyon ang prinsipyo ng gawain ng Diyos, ni hindi rin iyon ang layon ng pamamahala ng Diyos sa tao. Kung ang tao ay nakakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at kung ang espiritwal na katawan ng Diyos ay naipakita sa tao, hindi kaya lahat ng tao ay maniwala sa Diyos? Dati ko nang sinabi na ang isang grupo ng mga mananagumpay ay natamo mula sa Silangan, mga mananagumpay na nagmula sa gitna ng malaking kapighatian. Ano ang ibig sabihin ng ganoong mga salita? Ang ibig-sabihin nila ay ang mga taong ito na tanging natamo lamang ay tunay na sumunod matapos dumaan sa paghatol at pagkastigo, at pakikitungo at pagpupungos at lahat ng mga uri ng kapinuhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay hindi malabo at mahirap unawain, ngunit tunay. Wala pa silang nakitang anumang mga tanda at kababalaghan, o anumang mga himala; hindi nila pinag-uusapan ang mga malalabong mga titik at mga doktrina, o malalalim na mga kabatiran; sa halip mayroon silang realidad, at mga salita ng Diyos, at isang tunay na kaalaman sa realidad ng Diyos. Ang ganoon bang grupo ay walang mas higit na kakayahang gawing payak ang kapangyarihan ng Diyos? Ang gawain ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ay tunay na gawa. Sa kapanahunan ni Jesus, hindi Siya naparito upang gawing perpekto ang tao, kundi tubusin ang tao, at sa gayon nagpakita Siya ng ilang mga himala upang sumunod sa Kanya ang mga tao. Pagkat pangunahing naparito Siya upang kumpletuhin ang gawain ng pagkapako sa krus, at ang pagpapakita ng mga tanda ay hindi bahagi ng gawain ng Kanyang ministeryo. Ang mga ganoong mga tanda at mga kababalaghan ay mga gawain na ginawa upang gawing mabisa ang Kanyang gawain; ang mga iyon ay dagdag gawain, at hindi kumakatawan sa gawain ng buong kapanahunan. Sa panahon ng Lumang Tipan sa Kapanahunan ng Kautusan, nagpakita din ang Diyos ng ilang mga tanda at mga kababalaghan—subalit ang gawain ng Diyos ngayon ay tunay na gawa, at talagang hindi Siya magpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan ngayon. Sa sandaling nagpakita Siya ng mga tanda at mga kababalaghan, ang tunay Niyang gawa ay mapapatapon sa kaguluhan, at hindi na Siya makakagawa pa ng anumang karagdagang gawain. Kung sinabi ng Diyos na ang salita ay ginamit upang gawing perpekto ang tao, subalit nagpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, samakatwid maaari bang gawing payak kung ang tao ay tunay na naniniwala o hindi sa Kanya? Sa gayon, ang Diyos ay hindi gumagawa ng ganoong mga bagay. Sobrang dami ng relihiyon sa loob ng tao; ang Diyos ay naparito sa mga huling araw upang paalisin ang lahat ng pangrelihiyong mga kabatiran at mga bagay na higit sa karaniwan sa nasa loob ng tao, at gawin ang tao na makilala ang realidad ng Diyos. Naparito Siya upang alisin ang isang imahe ng Diyos na mahirap unawain at imahinatibo—isang imahe na, sa ibang salita, ay hindi umiiral sa anumang paraan. At sa gayon, ngayon ang tanging bagay na mahalaga ay ang magkaroon ka ng isang kaalaman sa realidad! Ang katotohanan ay mananaig sa lahat-lahat. Gaanong katotohanan ang taglay mo ngayon? Ang lahat bang iyon ay nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan ng Diyos? Ang mga masasamang espiritu ay maaari ring magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan; ang lahat ba ng mga iyon ay Diyos? Sa kanyang paniniwala sa Diyos, ang hinahanap ng tao ay ang katotohanan, ang tinutugis niya ay buhay, sa halip na mga tanda at mga kababalaghan. Ang ganoon ang dapat maging layunin ng mga taong naniniwala sa Diyos.

 

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

________________________________

 

Ang ebanghelyo ngayong araw - patahimikin ang iyong sarili sa harap ng Diyos upang makinig at pagnilayan ang mga salita ng Diyos araw-araw. Ang iyong espiritu ay makakakain at matutustusan, at ang iyong buhay ay patuloy na lalago.

 

Rekomendasyon: 

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Write a comment

Comments: 0