· 

Ang Gawain ng Banal na Espiritu at Ang Gawain ni Satanas

Ang Gawain ng Banal na Espiritu at Ang Gawain ni Satanas

 

Paano mo nauunawaan ang mga partikular sa Espiritu? Paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa tao? Paano gumagawa si Satanas sa tao? Paano gumagawa ang masasamang espiritu sa tao? At anu-ano ang mga pagpapakita ng gawaing ito? Kapag mayroong nangyayaring isang bagay sa iyo, ito ba ay mula sa Banal na Espiritu, at dapat mo ba itong sundin, o itatakwil ito? Ang totoong pagsasagawa ng mga tao ay nag-aangat sa marami na mula sa kalooban ng tao ngunit palaging pinaniniwalaan ng mga tao na nagmumula sa Banal na Espiritu. Ang ilan ay mula sa masasamang espiritu, ngunit iniisip pa rin ng mga tao na ito ay ipinanganak ng Banal na Espiritu, at may mga pagkakataon na ginagabayan ang mga tao ng Banal na Espiritu mula sa loob, ngunit natatakot ang mga tao na ang gayong paggabay ay nagmumula kay Satanas, at hindi sila nangangahas na sumunod, samantalang sa realidad ito ay kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Kaya, kung walang pagkakaiba walang paraan na maranasan kapag ang gayong mga karanasan ay totoong nangyayari sa iyo, at kung walang pagkakaiba, walang paraan sa pagkakamit ng buhay. Paano gumagawa ang Banal na Espiritu? Paano gumagawa ang masasamang espiritu? Ano ang galing sa kalooban ng tao? At ano ang ipinanganak ng paggabay at kaliwanagan ng Banal na Espiritu? Kung nauunawaan mo ang mga patakaran ng gawain ng Banal na Espiritu sa loob ng tao, kung gayon magagawa mong palaguin ang iyong kaalaman at makita ang pagkakaiba sa iyong pang-araw-araw na buhay at sa panahon ng iyong totoong mga karanasan; makararating ka sa pagkaalam sa Diyos, magagawa mong maunawaan at makilala si Satanas, hindi ka malilito sa iyong pagkamasunurin o paghahangad, at ikaw ay magiging isang tao na ang mga pananaw ay malinaw, at sinusunod ang gawain ng Banal na Espiritu.

 

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay isang anyo ng maagap na paggabay at positibong kaliwanagan. Hindi nito pinahihintulutan ang mga tao na maging walang kibo. Sila ay dinadalhan nito ng kaaliwan, binibigyan sila ng pananampalataya at katatagan at nagagawa nito na maghangad silang maging gagawing perpekto ng Diyos. Kapag gumagawa ang Banal na Espiritu, nagagawa ng mga tao na aktibong pumasok; hindi sila walang kibo o pinipilit, ngunit mga maaagap. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang mga tao ay nagagalak at handa, at sila ay nakahandang sumunod, at masayang magpakumbaba ng kanilang mga sarili, at bagama’t sila ay nasasaktan at marupok sa loob, mayroon silang katatagan na makipagtulungan, nagtitiis silang may kagalakan, nagagawa nilang sumunod, at sila ay walang bahid ng kalooban ng tao, walang bahid ng pag-iisip ng tao, at tiyak na walang bahid ng mga pagnanasa at mga pagbubuyo ng tao. Kapag nararanasan ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, sila ay lalo pang banal sa loob. Isinasabuhay niyaong mga nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu ang pag-ibig sa Diyos, ang pag-ibig sa kanilang mga kapatid, at nagagalak sa mga bagay na ikinagagalak ng Diyos, at kinasusuklaman ang mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos. Ang mga tao na inaantig ng gawain ng Banal na Espiritu ay mayroong normal na pagkatao, at sila ay nagtataglay ng pagkatao at palaging hinahangad ang katotohanan. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob ng mga tao, ang kanilang mga kalagayan ay painam nang painam, at ang kanilang pagkatao ay lalong mas nagiging normal, at bagama’t ang ilan sa kanilang pakikipagtulungan ay maaari mang maging hangal, ang kanilang mga pagganyak ay tama, ang kanilang pagpasok ay positibo, hindi nila tinatangkang makagambala, at walang masamang pag-iisip sa loob nila. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay normal at totoo, ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa tao alinsunod sa mga patakaran ng normal na buhay ng tao, at nililiwanagan Niya at ginagabayan ang tao alinsunod sa totoong paghahangad ng normal na mga tao. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa mga tao, ginagabayan at nililiwanagan Niya sila alinsunod sa mga pangangailangan ng normal na mga tao, naglalaan Siya para sa kanila batay sa kanilang mga pangangailangan, at positibo Niyang ginagabayan at nililiwanagan sila batay sa kung ano ang wala sa kanila, at sa kanilang mga kakulangan; kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang gawaing ito ay naaayon sa mga patakaran ng normal na buhay ng tao, at sa totoong buhay lamang nagagawang makita ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung, sa kanilang pang-araw-araw na mga buhay, ang mga tao sa isang positibong kalagayan at mayroong isang normal na espirituwal na buhay, kung gayon tinataglay nila ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa gayong kalagayan, kapag kinakain nila at iniinom ang mga salita ng Diyos mayroon silang pananampalataya, kapag sila ay nananalangin sila ay inspirado, kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila sila ay hindi nagsasawalang-kibo, at habang nangyayari ito sa kanila nagagawa nilang makita ang mga aral na hinihiling sa kanila ng Diyos na matutuhan, at sila ay hindi walang-kibo o mahina, at bagama’t mayroon silang totoong mga kahirapan, nakahanda silang sundin ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos.

 

Anong mga epekto ang natatamo ng gawain ng Banal na Espiritu? Maaari kang maging hangal, at walang magiging pagkakaiba sa loob mo, ngunit kailangan lamang gumawa ang Banal na Espiritu para magkaroon ng pananampalataya sa iyo, para palagi mong madama na hindi mo maaaring ibigin nang sapat ang Diyos, para maging handa kang makipagtulungan, upang maging handang makipagtulungan gaano man katindi ang mga kahirapan na darating. Ang mga bagay ay mangyayari sa iyo at hindi magiging malinaw sa iyo kung ang mga ito ay galing sa Diyos o mula kay Satanas, ngunit magagawa mong maghintay, at hindi ka magiging walang kibo o walang-ingat. Ito ang normal na gawain ng Banal na Espiritu. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob nila, nakasasagupa pa rin ang mga tao ng totoong mga kahirapan, may mga pagkakataon na lumuluha sila, at may mga pagkakataon na mayroong mga bagay na hindi nila mapagtatagumpayan, ngunit lahat ng ito ay isang yugto ng karaniwang gawain ng Banal na Espiritu. Bagama’t hindi nila napagtatagumpayan ang mga bagay na ito, at bagama’t, sa panahong iyon, sila ay mahihina at nagsisipagreklamo, nagagawa pa rin nila pagkatapos ang ibigin ang Diyos nang may lubos na pananampalataya. Hindi sila maaaring pigilan ng kanilang pagiging walang- kibo sa pagkakaroon ng normal na mga karanasan, at hindi alintana kung ano man ang sasabihin ng ibang tao, at kung paano nila sila inaatake, nagagawa pa rin nilang ibigin ang Diyos. Sa panahon ng panalangin, palagi nilang nadadama na dati silang may masyadong pagkakautang sa Diyos, at sila ay nagpapasya na mapalugod ang Diyos at tinatalikuran ang laman kapag sila ay muling nakasasagupa ng gayong mga bagay. Ipinakikita ng lakas na ito na naroroon ang gawain ng Banal na Espiritu sa loob nila, at ito ang normal na kalagayan ng gawain ng Banal na Espiritu.

 

Anong gawain ang nagmumula kay Satanas? Sa gawain na nagmumula kay Satanas, ang mga pangitain sa mga tao ay malabo at mahirap unawain, at sila ay walang normal na pagkatao, ang mga pagganyak sa likod ng kanilang mga pagkilos ay mali, at bagama’t nais nilang ibigin ang Diyos, palaging mayroong mga bintang sa gitna nila, at ang mga bintang at mga saloobing ito ay palaging nanghihimasok sa loob nila, pinipigilan ang paglago ng kanilang buhay, at pinahihinto sila mula sa pagkakaroon ng normal na mga kalagayan sa harap ng Diyos. Na ang ibig sabihin, sa sandaling mayroong gawain ni Satanas sa gitna ng mga tao, ang kanilang mga puso ay hindi maaaring maging panatag sa harap ng Diyos, hindi nila alam kung ano ang gagawin nila sa kanilang mga sarili, ang tanawin ng isang pagtitipon ay nagtutulak sa kanila na magnais na lumayo, at hindi nila nagagawang ipikit ang kanilang mga mata kapag nananalangin ang iba. Sinisira ng gawain ng masasamang espiritu ang ugnayan sa pagitan ng tao at ng Diyos, at binabalisa ang dating mga pangitain ng mga tao o ang kanilang dating landas ng pagpasok sa buhay, sa kanilang mga puso hindi sila kailanman maaaring maging malapit sa Diyos, palaging nangyayari ang mga bagay na nagdudulot ng pagkagambala sa kanila at iginagapos sila, at ang kanilang mga puso ay hindi makasusumpong ng kapayapaan, walang iniiwang lakas sa kanilang pag-ibig sa Diyos, at pinalulubog pababa ang kanilang mga espiritu. Ganoon ang mga pagpapakita ng gawain ni Satanas. Ang gawain ni Satanas ay ipinapakita sa mga sumusunod: hindi nagagawang makapanindigan at tumayong saksi, nagiging sanhi upang ikaw ay maging isang tao na makasalanan sa harap ng Diyos, at yaong walang katapatan tungo sa Diyos. Sa panghihimasok mula kay Satanas, nawawala mo ang pag-ibig at katapatan tungo sa Diyos sa loob mo, ikaw ay tinatanggalan ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, hindi mo hinahangad ang katotohanan, o ang pagsulong ng sarili mo, ikaw ay umuurong, at nagiging walang kibo, pinalalayaw mo ang sarili mo, nagbibigay ka ng kalayaan sa paglaganap ng kasalanan, at hindi namumuhi sa kasalanan; tangi sa roon, ginagawa kang napakasama ng panghihimasok ni Satanas, nagiging sanhi ito upang ang pag-antig ng Diyos ay maglaho sa loob mo, at itinutulak kang magreklamo tungkol sa Diyos at kalabanin Siya, nag-aakay sa iyo upang mag-alinlangan sa Diyos, at mayroon pang panganib na iwanan mo ang Diyos. Ang lahat ng ito ay gawain ni Satanas.

 

Kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa iyo sa iyong pang-araw-araw na buhay, paano mo titingnan ang pagkakaiba sa pagitan ng kung ito ay mula sa gawain ng Banal na Espiritu o mula sa gawain ni Satanas? Kapag ang mga kalagayan ng mga tao ay normal, ang kanilang mga espirituwal na buhay sa laman ay normal, at ang kanilang katwiran ay normal at maayos; sa pangkalahatan ang kanilang nararanasan at nalalaman sa gitna ng kanilang mga sarili sa panahong iyon ay maaaring sabihin na nagmumula sa pagiging inantig ng Banal na Espiritu (sa pagkakaroon ng mga pananaw o pagtataglay ng mababaw na kaalaman kapag kinakain at iniinom nila ang mga salita ng Diyos, o pagiging tapat kapag ang mga bagay ay nangyayari sa kanila, o sa pagkakaroon ng lakas upang ibigin ang Diyos kapag nangyayari ang mga bagay—ang lahat ng ito ay ukol sa Banal na Espiritu). Ang gawain ng Banal na Espiritu sa tao ay talagang normal; ang tao ay walang kakayahan na madama ito, at tila sa pamamagitan ng tao mismo—ngunit ang katunayan ito ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa pang-araw-araw na buhay, ang Banal na Espiritu ay gumagawa kapwa ng malaki at maliit sa bawat isa, at ito ay simple na ang saklaw ng gawaing ito ay nagkakaiba. Ang ilang tao ay mayroong mainam na kakayahan, nauunawaan nila ang mga bagay nang mabilis, at ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu ay talagang matindi sa loob nila; ang ilang tao ay mayroong mahinang kakayahan, at inaabot sila nang mas matagal upang maunawaan ang mga bagay, ngunit inaantig sila sa loob ng Banal na Espiritu, at sila, gayundin, ay nagagawang matamo ang katapatan sa Diyos—ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa lahat ng taong naghahangad sa Diyos. Kapag, sa pang-araw-araw na buhay, hindi kinakalaban ng mga tao ang Diyos, o naghihimagsik laban sa Diyos, hindi gumagawa ng mga bagay na magkasalungat sa pamamahala ng Diyos, at hindi nanghihimasok sa gawain ng Diyos, sa bawat isa sa kanila ang Espiritu ng Diyos ay gumagawa sa mas malaki o mas maliit na saklaw, at inaantig sila, nililiwanagan sila, binibigyan sila ng pananampalataya, binibigyan sila ng lakas, at pinakikilos sila upang pumasok sa mas aktibong paraan, hindi sa pagiging tamad o pag-iimbot sa mga kasiyahan ng laman, nakahandang isagawa ang katotohanan, at nananabik para sa mga salita ng Diyos—lahat ng ito ay gawain na nagmumula sa Banal na Espiritu.

 

Kapag ang kalagayan ng mga tao ay hindi normal, sila ay pinababayaan ng Banal na Espiritu, mayroong pagmamaktol sa gitna nila, ang kanilang mga pagganyak ay mali, sila ay tamad, nagpapasasa sila sa laman, at ang kanilang mga puso ay naghihimagsik laban sa katotohanan, at ang lahat ng ito ay nagmumula kay Satanas. Kapag ang mga kalagayan ng mga tao ay hindi normal, kapag sila ay madilim sa loob at nawala ang kanilang normal na katwiran, napabayaan na ng Banal na Espiritu, at hindi nagagawang maramdaman ang Diyos sa loob ng kanilang mga sarili, ito ay kung kailan gumagawa si Satanas sa loob nila. Kung ang mga tao ay palaging mayroong lakas sa loob nila at palaging minamahal ang Diyos, kung gayon sa pangkalahatan kapag ang mga bagay ay nangyayari sa kanila ang mga ito ay mula sa Banal na Espiritu, at sinumang makatagpo nila ay ang resulta ng pagsasaayos ng Diyos. Na ang ibig sabihin, kapag ang iyong mga kalagayan ay normal, kapag ikaw ay nasa dakilang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon imposible para kay Satanas na gawin kang nag-aalinlangan; maaaring sabihin ayon sa saligang ito na ang lahat ay nagmumula sa Banal na Espiritu, at bagama’t maaaring mayroon kang hindi tamang mga saloobin, nagagawa mong talikuran ang mga ito, at hindi sinusunod ang mga ito. Ang lahat ng ito ay nagmumula sa gawain ng Banal na Espiritu. Sa anong mga sitwasyon nanghihimasok si Satanas? Kapag ang iyong mga kalagayan ay hindi normal, kung ikaw ay hindi pa naantig ng Diyos, at walang gawain ng Diyos, at ikaw ay tuyo at tigang sa loob, kapag ikaw ay nananalangin sa Diyos ngunit walang nauunawaang anuman, at kinakain at iniinom ang mga salita ng Diyos ngunit hindi naliliwanagan o napapalinaw—sa gayong mga pagkakataon madali para kay Satanas na gumawa sa loob mo. Sa ibang pananalita, kapag ikaw ay naiwan na ng Banal na Espiritu at hindi mo mararamdaman ang Diyos, kung gayon nangyayari ang maraming mga bagay sa iyo na nagmumula sa tukso ni Satanas. Si Satanas ay gumagawa sa kaparehong oras na ang Banal na Espiritu ay gumagawa, at nanghihimasok sa tao sa kaparehong oras na inaantig ng Banal na Espiritu ang loob ng tao; sa gayong mga pagkakataon, gayunpaman, ang gawain ng Banal na Espiritu ang nangunguna, at ang mga tao na normal ang mga kalagayan ay makapagtatagumpay, na siyang tagumpay ng gawain ng Banal na Espiritu laban sa gawain ni Satanas. Ngunit kapag gumagawa ang Banal na Espiritu, ang naroon ay ang napakaliit na gawain ni Satanas; kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa naroroon pa rin ang isang masuwaying disposisyon sa loob ng mga tao, at ang lahat na dating nasa kanila ay naroroon pa rin, ngunit sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu madali para sa mga tao na malaman ang mahahalagang bagay ukol sa kanila at ang kanilang mapanghimagsik na disposisyon tungo sa Diyos—bagama’t maaari lamang nilang alisin sa kanilang mga sarili ang mga ito sa pamamagitan ng unti-unting gawain. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay talagang normal, at habang Siya ay gumagawa sa mga tao mayroon pa rin silang mga suliranin, lumuluha pa rin sila, nagdurusa pa rin sila, mahihina pa rin sila, at marami pa rin ang hindi malinaw sa kanila, ngunit sa gayong kalagayan nagagawa nilang pigilan ang kanilang mga sarili na dumausdos pabalik, at maaaring ibigin ang Diyos, at bagama’t lumuluha sila at nababalisa sa loob, nagagawa pa rin nilang purihin ang Diyos; ang gawain ng Banal na Espiritu ay talagang normal, at kahit katiting ay hindi higit sa karaniwan. Pinaniniwalaan iyon ng karamihan sa mga tao, sa sandaling magsimulang gumawa ang Banal na Espiritu, ang mga pagbabago ay nangyayari sa kalagayan ng mga tao at ang mahahalagang bagay ukol sa kanila ay tinatanggal. Ang gayong mga paniniwala ay mapanlinlang. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob ng tao, ang pagsasawalang-kibo ng tao ay naroroon pa rin at ang kanyang tayog ay nananatili gaya nang dati, ngunit taglay niya ang pagpapalinaw at kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at kaya ang kanyang kalagayan ay mas maagap, ang mga kalagayan sa loob niya ay normal, at nagbabago siya nang mabilis. Sa totoong mga karanasan ng mga tao, pangunahin nilang nararanasan ang alinman sa gawain ng Banal na Espiritu o ng kay Satanas, at kung hindi nila maunawaan ang mga kalagayang ito, at hindi nakikita ang pagkakaiba, kung gayon ang totoong mga karanasan ay hindi pinag-uusapan, upang wala nang masabi ukol sa mga pagbabago sa disposisyon. Kaya, ang susi sa pagdanas sa gawain ng Diyos ay ang magawang makakita nang malinaw sa gayong mga bagay; sa ganitong paraan, mas magiging madali para sa kanila na makaranas.

 

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay maagap na pag-unlad, samantalang ang gawain ni Satanas ay paurong at pagsasawalang-kibo, pagkamasuwayin tungo sa Diyos, paglaban sa Diyos, pagkawala ng pananampalataya sa Diyos, at kawalang kahandaan kahit na umawit ng mga himno o tumindig at sumayaw. Yaong nagmumula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu ay hindi ipinipilit sa iyo, ngunit talagang likas. Kung susundin mo ito, tataglayin mo ang katotohanan, at kung hindi, pagkatapos saka magkakaroon ng paninisi. Kung ito ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, kung gayon walang anuman sa ginagawa mo ang mapanghihimasukan o mapipigilan, ikaw ay mapalalaya, magkakaroon ng isang landas na isagawa ang iyong mga pagkilos, at hindi ka sasailalim sa anumang mga pagbabawal, at nagagawang kumilos ayon sa kalooban ng Diyos. Ang gawain ni Satanas ay nagdudulot ng maraming bagay na nagiging sanhi ng panghihimasok sa iyo, ginagawa ka nitong hindi nakahandang manalangin, masyadong tamad upang kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, at hindi nakahandang isabuhay ang buhay ng iglesia, at inihihiwalay ka nito mula sa espirituwal na buhay. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi nanghihimasok sa iyong pang-araw-araw na buhay, at hindi nanghihimasok sa iyong pagpasok sa isang normal na espirituwal na buhay. Sa maraming mga bagay na nangyayari sa iyo, hindi mo nagagawang makita ang pagkakaiba sa panahong iyon. Pagkatapos ng ilang araw, gayunpaman, nagsasabuhay ka nang kaunti, at nagpapakita nang kaunti, at mayroong ilang mga pagtugon sa loob mo, at sa pamamagitan ng mga pagpapakitang ito nasasabi mo kung ang mga saloobin sa loob mo ay mula sa Diyos o mula kay Satanas. Ang ilang bagay ay malinaw na ginagawa kang tutulan ang Diyos o maghimagsik laban sa Diyos, o pigilin ka sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, ang mga bagay na ito ay mula lahat kay Satanas. Ang ilang bagay ay hindi malinaw, at hindi mo matutukoy kung ano ang mga ito sa panahong iyon; pagkatapos, makikita mo ang kanilang mga pagpapakita, at pagkatapos magsanay sa pag-unawa. Kung mauunawaan mo nang malinaw kung alin ang mula kay Satanas at alin ang pinatnubayan ng Banal na Espiritu, kung gayon hindi ka kaagad-agad maililigaw sa iyong mga karanasan. May mga pagkakataon, kapag hindi mabuti ang iyong mga kalagayan, mayroon kang partikular na mga saloobin na ilalabas ka sa iyong walang kibong kalagayan—ipinakikita nito na kapag ang iyong mga kalagayan ay hindi kaaya-aya, ang ilan sa iyong mga saloobin ay maaari ding manggaling sa Banal na Espiritu. Hindi ito ang kalagayan na kapag ikaw ay nagsasawalang-kibo, ang lahat ng iyong mga saloobin ay ipinadadala ni Satanas; kung ang mga iyon ay tama, kung gayon kailan mo magagawang bumaling sa isang positibong kalagayan? Sa pagsasawalang-kibo sa tagal ng panahon, binibigyan ka ng pagkakataon ng Banal na Espiritu na gawing perpekto, inaantig ka Niya, at inilalabas sa iyong walang kibong kalagayan.

 

Sa pagkaalam kung ano ang gawain ng Banal na Espiritu, at kung ano ang gawain ni Satanas, maaari mong paghambingin ang mga ito sa iyong sariling kalagayan sa panahon ng iyong mga karanasan, at sa iyong sariling mga karanasan, at sa ganitong paraan magkakaroon ng marami pang mga katotohanan na may kaugnayan sa prinsipyo sa iyong mga karanasan. Sa pagkaunawa sa mga bagay na ito, magagawa mong mapamahalaan ang iyong totoong kalagayan, at magagawang magkaroon ng pagkilatis sa mga tao at sa mga bagay na nangyayari sa iyo,[a] at hindi mo kailangang gumugol ng napakaraming pagsisikap sa pagkakamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Mangyari pa, iyon ay hangga’t ang iyong mga pagganyak ay tama, at hangga’t ikaw ay nakahandang maghangad, at magsagawa. Ang wika na gaya nito—wika na nauugnay sa mga prinsipyo—ay dapat maitampok sa iyong mga karanasan. Kung wala ito, ang iyong mga karanasan ay mapupuno ng panghihimasok ni Satanas, at puno ng hangal na kaalaman. Kung hindi mo nauunawaan kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu, kung gayon hindi mo nauunawaan kung paano ka papasok, at kung hindi mo nauunawaan kung paano gumagawa si Satanas, kung gayon hindi mo nauunawaan kung paano ka magiging maingat sa iyong mga yapak. Dapat parehong maunawaan ng mga tao kung paano gumagawa ang Espiritu at kung paano gumagawa si Satanas; ang mga ito ay napakahalagang bahagi ng mga karanasan ng mga tao.

 

Bagama’t wala kang sinumang pinaniniwalaan maliban sa Diyos, taglay mo ba ang isang normal na kaugnayan sa Diyos? Sinasabi ng ilang tao na ang tanging mahalaga ay mayroon silang isang normal na kaugnayan sa Diyos, at hindi nila iniintindi ang kanilang mga sarili sa kanilang mga kaugnayan sa iba. Ngunit paano ipinakikita ang isang normal na kaugnayan sa Diyos? Ang gayon bang mga tao ay wala ni katiting na totoong kaalaman? Bakit sinasabi na ang lawak ng iyong paninindigan na ibigin ang Diyos, at kung tunay mong natalikuran na ang laman, ay nakasalalay kung ikaw ay may kinikilingan sa iyong mga kapatid, at sa kung, kung ikaw ay, maaaring maisantabi mo ang gayong mga pagkiling. Na ang ibig sabihin, kapag ang iyong kaugnayan sa iyong mga kapatid ay normal, kung gayon ang iyong mga kalagayan sa harap ng Diyos ay normal din. Kapag ang isa sa iyong mga kapatid ay mahina, hindi mo sila kamumuhian, lalaitin sila, pagtatawanan sila, o hindi mo sila papansinin. Kung mapaglilingkuran mo sila, makikipagniig ka sa kanila at sasabihing, “Dati akong walang kibo at mahina. Ayokong dumalo sa isang pagtitipon, ngunit isang bagay ang nangyari kung saan sa pamamagitan nito ay niliwanagan ako ng Diyos sa loob ko at dinisiplina ako; sinisi ako sa loob, hiyang-hiya ako, at palagi akong nakadama na binigo ko ang Diyos at sa pagsulong ay dapat talaga akong mamuhay sa buhay ng iglesia. Habang lalo akong nakikibahagi sa aking mga kapatid, mas lalo kong naramdaman na hindi ako makagagawa kung wala ang Diyos. Nang ako ay kasama nila hindi ako nakadama ng lungkot; nang ako ay ikinulong sa isang silid nang nag-iisa nakadama ako ng lungkot at kawalan ng kaibigan, nadama ko na ang aking buhay ay hungkag at ang aking mga saloobin ay naging kamatayan. Ngayong ako ay nasa aking mga kapatid, hindi nangahas si Satanas na gawin ang kanyang gawain, at hindi ako nakadama ng lungkot. Nang nakita ko kung gaano katatag ang pag-ibig para sa Diyos ng aking mga kapatid, ako ay naging inspirado, at kaya ako ay palaging nasa aking mga kapatid, at ang aking walang kibong kalagayan ay likas na naglaho.” Sa pagkarinig nito, nadadama nila na walang saysay na manalangin sa tahanan, nadadama pa rin nila na walang pag-ibig sa pagitan ng kanilang mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae, na ang kanilang buhay ay hungkag, na sila ay walang sinumang maaasahan, at na hindi sapat na manalangin lamang. Kung ikaw ay nakikipagniig sa kanila sa ganitong paraan, kung gayon magkakaroon sila ng isang landas na isasagawa. Kung nadadama mo na hindi mo nagagawang maglaan sa kanila, kung gayon maaari mo silang dalawin. Ito ay hindi kailangang gawin ng pinuno ng iglesia—pananagutan ng bawat kapatid na gawin ang gawaing ito. Kung nakikita mo na ang isang kapatid na lalaki o kapatid na babae ay nasa isang pangit na kalagayan, dapat mo silang dalawin. Ito ang pananagutan ng bawat isa sa inyo.

 

Mga Talababa:

 

a. Ang orihinal na teksto ay walang parirala na “na nangyayari sa iyo.”