· 

Ang Katotohanan Tungkol sa Pagkakatawang-tao

 

1. Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y napaparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa larawan ng isang katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawan, katawang-tao na may normal na pagkatao; ito ang pinakaunang dapat munang mangyari. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagkakaroon ng katawan, nagiging isang tao.

 

Hinango mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

2. Ang pagkakatawang-tao ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging isang katawang-tao, iyon ay, ang Diyos ay nagiging tao; ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao ay ang gawain ng Espiritu, na naging tunay sa katawang-tao, ipinahayag sa pamamagitan ng katawang-tao. Walang sinuman maliban sa katawang-tao ng Diyos ang maaaring tumupad sa ministeryo ng nagkatawang-taong Diyos; iyon ay, ang nagkatawang-taong Diyos lamang, itong karaniwang katauhan—at walang sinumang iba pa—ang makakapagpahayag ng maka-Diyos na gawain.

 

Hinango mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

3. Ang Cristo na may normal na katauhan ay isang katawan kung saan ang Espiritu ay naging totoo, nagtataglay ng normal na katauhan, normal na diwa, at pag-iisip ng tao. Ang ibig sabihin ng “maging totoo” ay nagiging tao ang Diyos, ang Espiritu ay nagiging katawang-tao; upang palinawin ito, ito’y kapag ang Diyos Mismo ay nananahan sa isang katawang may normal na katauhan, at sa pamamagitan nito ay ipinapahayag Niya ang Kanyang banal na gawain—ito ang ibig sabihin ng maging totoo, o magkatawang-tao.

 

Hinango mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

4. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagka’t Siya ay may taglay ng diwa ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang Cristo, nguni’t hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga manlilinlang. Ang Cristo ay hindi lang ang pagpapakita ng Diyos sa lupa, kundi ang partikular na katawang-tao ring tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Ang katawang-taong ito ay hindi kayang palitan ng kahit na sinong tao lang, kundi ng isang taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at makapagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, at maaaring katawanin nang husto ang Diyos, at makapagbibigay ng buhay sa tao.

 

Hinango mula sa “Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

5. Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ay magkakaroon ng diwa ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magkakaroon ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ilalahad Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at nagagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang katawan na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito.

 

Hinango mula sa Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

6. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo ay ang katawang pinasukan ng Espiritu ng Diyos. Ang katawang ito ay hindi katulad ng sinumang taong may katawan. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng sinumang tao. Ang Kanyang normal na katauhan ang sumusuporta sa lahat ng Kanyang normal na mga gawain sa katawang-tao, samantalang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo.

 

Hinango mula sa “Ang Diwa ni Cristo ay Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

7. Sapagkat Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, nakakataas Siya sa sinuman sa mga taong nilikha, nakakataas sa sinumang taong makakagawa ng gawain ng Diyos. Kaya nga, sa lahat ng may balat ng taong kagaya Niya, sa lahat ng nagtataglay ng katauhan, Siya lamang ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao—lahat ng iba pa ay mga taong nilikha. Kahit lahat sila ay may katauhan, katauhan lamang ang mayroon ang mga taong nilikha, samantalang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang katawang-tao hindi lamang Siya may katauhan kundi ang mas mahalaga ay mayroon Siyang pagka-Diyos. Ang Kanyang katauhan ay makikita sa panlabas na anyo ng Kanyang katawan at sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, nguni’t ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap matalos. Dahil ang Kanyang pagka-Diyos ay naipapahayag lamang kapag Siya ay may katauhan, at hindi kahima-himalang tulad ng palagay ng mga tao, lubhang mahirap para sa mga tao na makita ito. … Yamang ang Diyos ay nagiging tao, ang Kanyang diwa ay kumbinasyon ng pagkatao at pagka-Diyos. Ang kumbinasyong ito ay tinatawag na Diyos Mismo, ang Diyos Mismo sa lupa.

 

Hinango mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

8. Ang Kanyang nagkatawang-taong buhay at gawain ay maaaring hatiin sa dalawang yugto. Ang una ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay bago gampanan ang Kanyang ministeryo. Namumuhay Siya sa isang ordinaryong pantaong pamilya, sa lubos na karaniwang katauhan, sumusunod sa karaniwang mga asal at batas ng buhay ng tao, na may karaniwang mga pangangailangan ng tao (pagkain, damit, tirahan, tulugan), karaniwang mga kahinaan ng tao, at karaniwang mga damdamin ng tao. Sa ibang salita, noong unang yugto Siya ay namumuhay nang walang pagka-Diyos, nang may ganap na karaniwang katauhan, gumagawa ng lahat ng karaniwang gawain ng tao. Ang pangalawang yugto ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay matapos simulang gampanan ang Kanyang ministeryo. Siya ay nananahan pa rin sa karaniwang katauhan na may isang karaniwang anyo ng tao, hindi nagpapakita ng panlabas na palatandaan nang higit sa karaniwan. Nguni’t Siya ay namumuhay nang dalisay para sa kapakanan ng Kanyang ministeryo, at sa panahong ito ang Kanyang karaniwang katauhan ay umiiral nang ganap sa paglilingkod sa normal na gawain ng Kanyang pagka-Diyos; sapagka’t sa panahong iyon ang Kanyang karaniwang katauhan ay gumulang na hanggang sa puntong kaya na Niyang gampanan ang Kanyang ministeryo. Kaya ang ikalawang yugto ng Kanyang buhay ay upang gampanan ang Kanyang ministeryo sa Kanyang karaniwang katauhan, ay isang buhay na parehong karaniwang katauhan at ganap na pagka-Diyos. Sa kadahilanang, sa panahon ng unang yugto ng Kanyang buhay, Siya ay nabubuhay sa ganap na karaniwang pagkatao at ang Kanyang katauhan ay hindi pa katumbas ng kabuuan ng maka-Diyos na gawain, ay hindi pa magulang; matapos lamang na ang Kanyang pagiging tao ay gumugulang, nagkakaroon ng kakayahang pasanin ang Kanyang ministeryo, maaari Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo. Dahil Siya, bilang katawang-tao, ay kailangang lumago at gumulang, ang unang yugto ng Kanyang buhay ay karaniwang pagkatao, samantalang sa pangalawang yugto, dahil ang Kanyang pagkatao ay may kakayahang isabalikat ang Kanyang gawain at gampanan ang Kanyang ministeryo, ang buhay na ipinamumuhay ng nagkatawang-taong Diyos sa panahon ng Kanyang ministeryo ay isa na parehong pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Kung mula sa sandali ng Kanyang pagsilang ay masigasig na sinimulan ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang ministeryo, na nagsasagawa ng kahima-himalang mga tanda at kababalaghan, hindi sana Siya nagkaroon ng pisikal na kakanyahan. Samakatuwid, umiiral ang Kanyang katauhan para sa kapakanan ng Kanyang pisikal na kakanyahan; hindi maaaring magkaroon ng katawan kung walang katauhan, at ang isang taong walang katauhan ay hindi isang tao. Sa ganitong paraan, ang katauhan ng katawan ng Diyos ay tunay na pagmamay-ari ng nagkatawang-taong laman ng Diyos. Ang sabihing “kapag naging tao ang Diyos Siya ay ganap na banal, hindi talaga tao,” ay isang kalapastanganan, dahil wala talagang ganitong pahayag, na lumalabag sa prinsipyo ng pagkakatawang-tao. Kahit pagkatapos Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo, nabubuhay pa rin Siya sa Kanyang pagka-Diyos na may katawan ng tao kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; ito ay dahil nang panahong iyon, ang Kanyang pagkatao ay para lamang pahintulutan ang Kanyang pagka-Diyos na gampanan ang gawain sa normal na katawang-tao. Kaya ang kumakatawan ng gawain ay ang pagka-Diyos na nananahan sa Kanyang katauhan. Ang Kanyang pagka-Diyos, hindi ang Kanyang pagkatao, ang nasa gawain, datapwa’t ito ay isang pagka-Diyos na nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao; ang Kanyang gawain sa katunayan ay tinutupad sa pamamagitan ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, hindi sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Nguni’t ang tagaganap ng gawain ay ang Kanyang katawang-tao. Maaaring sabihin ng isa na Siya ay isang tao at isa ring Diyos, sapagka’t ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay sa katawang-tao, may balat ng tao at diwa ng tao nguni’t mayroon ding diwa ng Diyos.

 

Hinango mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

9. Umiiral ang pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao para mapanatili ang normal na banal na gawain sa katawan; ang Kanyang normal na pag-iisip ng tao ay sumusuporta sa Kanyang normal na katauhan at sa lahat ng Kanyang normal na pisikal na gawain. Maaaring sabihin ng isang tao na umiiral ang Kanyang normal na pag-iisip ng tao upang suportahan ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawan. Kung ang katawang ito ay hindi nagtaglay ng isang normal na isipan ng tao, hindi maaaring gumawa ang Diyos sa katawan, at hindi maisasakatuparan kailanman ang kailangan Niyang gawin sa katawan. Kahit ang nagkatawang-taong Diyos ay nagtataglay ng normal na isipan ng tao, ang Kanyang gawain ay hindi nahahaluan ng pantaong kaisipan; isinasabalikat Niya ang gawain sa katauhan na may normal na isipan, sa ilalim ng patiunang-kundisyon na nagtataglay Siya ng pagkatao na may isipan, hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng normal na pag-iisip ng tao. Gaano man katayog ang mga kaisipan ng Kanyang katawang-tao, ang Kanyang gawain ay hindi nagdadala ng tatak ng pangangatwiran o pag-iisip. Sa madaling salita, ang Kanyang gawain ay hindi binubuo ng isipan ng Kanyang katawang-tao, kundi direktang pagpapahayag ng maka-Diyos na gawain sa Kanyang pagkatao. Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang ministeryo na kailangan Niyang tuparin, at wala rito ang anumang inisip ng Kanyang utak. Halimbawa, ang pagpapagaling sa maysakit, ang pagpapalayas ng mga demonyo, at pagpapako sa krus ay hindi mga produkto ng Kanyang pantaong isipan, hindi matatamo ng kahit sinong tao na may pantaong isipan. Gayundin, ang mapanlupig na gawain ngayon ay ang ministeryo na dapat magawa ng nagkatawang-taong Diyos, nguni’t hindi ito ang gawain ng kagustuhan ng tao, ito ang gawain na dapat gawin ng Kanyang pagka-Diyos, gawain na walang kahit sinong tao ang may kaya. Kaya ang Diyos na nagkatawang-tao ay dapat magtaglay ng isang normal na isipan ng tao, dapat magtaglay ng karaniwang pagkatao, dahil dapat Niyang gampanan ang Kanyang gawain sa katauhan na may normal na isipan. Ito ang diwa ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, ang pinakadiwa ng Diyos na nagkatawang-tao.

 

Hinango mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

10. Inihayag ng nagkatawang-tao na Anak ng tao ang pagka-Diyos ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao at ipinarating ang kalooban ng Diyos sa sangkatauhan. At sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kalooban at disposisyon ng Diyos, Kanya ring ibinunyag sa mga tao ang Diyos na hindi makikita o mahihipo sa espirituwal na dako. Ang nakita ng mga tao ay ang Diyos Mismo, nahihipo at may laman at mga buto. Kaya ang nagkatawang-tao na Anak ng tao ay gumawa ng mga bagay gaya ng sariling pagkakakilanlan, katayuan, larawan, disposisyon ng Diyos, at ang kung anong mayroon at kung ano Siya ay kongkreto at makatao. Bagama’t ang panlabas na kaanyuan ng Anak ng tao ay mayroong ilang limitasyon na may kinalaman sa larawan ng Diyos, ang Kanyang diwa at ang kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay lubos na kinakatawan ang sariling pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos—mayroon lamang ilang pagkakaiba sa anyo ng pagpapahayag. Hindi alintana kung ito man ay ang pagkatao ng Anak ng tao o ang Kanyang pagka-Diyos, hindi natin maitatanggi na kinakatawan Niya ang sariling pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos. Sa panahong ito, gayunman, gumawa ang Diyos sa katawang-tao, nagsalita mula sa pananaw ng katawang-tao, at tumayo sa harapan ng sangkatauhan sa pagkakakilanlan at katayuan ng Anak ng tao, at ito ang nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na masagupa at maranasan ang tunay na mga salita at gawain ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan. Ito ay nagtulot din sa mga tao ng kaunawaan sa Kanyang pagka-Diyos at sa Kanyang kadakilaan sa gitna ng pagpapakumbaba, gayundin upang magkamit ng isang paunang pagkaunawa at paunang pakahulugan sa pagiging tunay at realidad ng Diyos.

 

Hinango mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

11. Bagama’t ang kaanyuan ng Diyos na nagkatawang-tao ay eksaktong kagaya ng sa tao, natututuhan Niya ang kaalamang pantao at nagsasalita sa wika ng tao, at minsan ay ipinapahayag pa Niya ang Kanyang mga ideya sa pamamagitan ng mga pamamaraan o pagpapahayag ng sangkatauhan, ang paraan kung paano Niya nakikita ang mga tao, ang diwa ng mga bagay-bagay, at kung paano nakikita ng mga tiwaling tao ang sangkatauhan at ang diwa ng mga bagay-bagay ay lubos na hindi magkapareho. Ang Kanyang pananaw at ang taas kung saan Siya nakatindig ay isang bagay na hindi matatamo para sa isang tiwaling tao. Ito ay dahil sa ang Diyos ay katotohanan, ang katawang-tao na Kanyang isinusuot ay nagtataglay din ng diwa ng Diyos, at ang Kanyang mga saloobin at yaong inihahayag ng Kanyang pagkatao ay katotohanan din. Para sa mga tiwaling tao, ang Kanyang ipinapahayag sa katawang-tao ay mga panustos ng katotohanan, at ng buhay. Ang mga panustos na ito ay hindi lamang para sa isang tao, kundi para sa buong sangkatauhan. … Kahit gaano man kaordinaryo, gaano kanormal, gaano man kababa ang uri ng katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, o kahit pa gaano kababa ang tingin sa Kanya ng mga tao, ang Kanyang mga kaisipan at Kanyang saloobin tungo sa sangkatauhan ay mga bagay na hindi matataglay ng sinumang tao, at walang sinumang tao ang makagagaya. Palagi Niyang pagmamasdan ang sangkatauhan mula sa pananaw ng pagka-Diyos, mula sa taas ng Kanyang posisyon bilang ang Lumikha. Palagi Niyang makikita ang sangkatauhan sa pamamagitan ng diwa at ng pag-iisip ng Diyos. Tiyak na hindi Niya makikita ang sangkatauhan mula sa taas ng isang karaniwang tao, at mula sa pananaw ng isang taong tiwali. Kapag tinitingnan ng mga tao ang sangkatauhan, tumitingin sila gamit ang pananaw ng tao, at sila ay gumagamit ng mga bagay-bagay gaya ng kaalaman ng tao at mga patakaran at mga teorya ng tao bilang panukat. Ito ay nasa loob ng saklaw ng kung ano ang makikita ng mga tao gamit ang kanilang mga mata; ito ay nasa loob ng saklaw ng makakamit ng mga taong tiwali. Kapag tinitingnan ng Diyos ang sangkatauhan, tumitingin Siya gamit ang isang maka-Diyos na pananaw, at ginagamit Niya ang Kanyang diwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya bilang panukat. Kasama sa saklaw na ito ang mga bagay na hindi makikita ng mga tao, at ito ay kung saan ang Diyos na nagkatawang-tao at ang mga taong tiwali ay ganap na magkaiba. Ang pagkakaibang ito ay nalalaman sa pamamagitan ng magkaibang mga diwa ng tao at ng Diyos, at itong magkaibang mga diwang ito ang nagtitiyak ng kanilang mga pagkakakilanlan at mga kinatatayuan gayundin ang pananaw at taas mula sa kung saan nila nakikita ang mga bagay-bagay.

 

Hinango mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

12. Ang katawang-tao na ibinihis ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling katawang-tao ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay kataas-taasan; Siya ay makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Gayon din naman, ang Kanyang katawang-tao ay kataas-taasan, makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Ang katawang-tao na tulad nito ay may kakayahan lamang na gawin yaong matuwid at kapaki-pakinabang sa sangkatauhan, yaong banal, maluwalhati, at makapangyarihan, at walang kakayahang gumawa ng anumang lumalabag sa katotohanan o moralidad at katarungan, maging ng anumang bagay na nagkakanulo sa Espiritu ng Diyos.

 

Hinango mula sa “Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

13. Sapagka’t ang Diyos ay nagkatawang-tao, Kanyang napapaging-tunay ang Kanyang diwa sa loob ng Kanyang katawang-tao, sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay sapat upang isagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay pinapalitan ng gawain ni Cristo sa loob ng panahon ng Kanyang pagkakatawang-tao, at ang kaibuturan ng lahat ng gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Ito ay hindi maaaring maihalo sa gawain mula sa kahit anong ibang kapanahunan. At mula nang nagkatawang-tao ang Diyos, Siya ay gumagawa sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang Siya ay nagkatawang-tao, tinatapos din Niya sa katawang-tao ang gawain na dapat Niyang gawin. Maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ito man ay si Cristo, Sila ay kapwa Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.

 

Hinango mula sa “Ang Diwa ni Cristo ay Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

14. Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginawa sa pamamagitan ng paraan ng Espiritu o bilang Espiritu, sapagka’t ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa paraan ng Espiritu, hindi makakaya ng tao na tanggapin ang Kanyang pagliligtas. At kung hindi dahil sa Diyos na nagsuot ng panlabas na anyo ng isang nilalang na tao, hindi nila makakayang tanggapin ang kaligtasang ito. Sapagka’t walang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang maaaring makalapit sa ulap ni Jehova. Tanging sa pamamagitan ng pagiging isang tao ng paglikha, iyan ay, ang paglalagay ng Kanyang salita sa Kanyang magiging katawang-tao, saka lamang Niya personal na magagawa ang salita tungo sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Saka lamang maaaring marinig ng tao para sa kanya mismo ang Kanyang salita, makita ang Kanyang salita, at matanggap ang Kanyang salita, at sa gayon sa pamamagitan nito ay lubusang mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging katawang-tao, walang makalamang tao ang makakatanggap ng gayong dakilang kaligtasan, at wala rin kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa tao, ang tao ay masasaktan o ganap na mabibihag ni Satanas dahil hindi kaya ng tao na makisama sa Diyos.

 

Hinango mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

15. Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay nananatiling Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Ang tao ay isang nilalang ng laman, at ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at magkaiba sa kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi tugma sa taong laman, at walang mga relasyong maaaring maitatag sa pagitan nila; higit pa rito, ang tao ay hindi maaaring maging isang espiritu. Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay dapat na maging isa sa mga nilalang at gumawa ng Kanyang orihinal na gawain. Ang Diyos ay maaaring parehong umakyat sa pinakamataas na lugar at ibaba ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagiging isang taong nilikha, gumagawa ng gawain at namumuhay na kasama ng tao, nguni’t ang tao ay hindi maaaring umakyat sa pinakamataas na lugar at maging isang espiritu at lalong hindi siya makakababa sa pinakamababang lugar. Samakatuwid, ang Diyos ay dapat magkatawang-tao upang isakatuparan ang Kanyang gawain. Katulad na katulad ng unang pagkakatawang-tao, tanging ang katawang-tao ng Diyos na nagkatawang tao ang maaaring tumubos sa tao sa pamamagitan ng Kanyang pagpapapako sa krus, samantalang hindi posible para sa Espiritu ng Diyos na maipako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao. Ang Diyos ay maaaring direktang magkatawang-tao upang magsilbing handog para sa kasalanan ng tao, nguni’t ang tao ay hindi maaaring direktang umakyat sa langit upang tanggapin ang handog para sa kasalanan na inihanda ng Diyos para sa kanila. Dahil dito, ang Diyos ay dapat na maglakbay nang pabalik-balik sa pagitan ng langit at lupa, sa halip na hayaan ang tao na umakyat sa langit upang kunin ang kaligtasang ito, sapagka’t ang tao ay nahulog at hindi maaaring umakyat sa langit, lalo na ang tanggapin ang handog para sa kasalanan. Samakatuwid, kinailangan na lumapit si Jesus sa gitna ng mga tao at personal na gawin ang gawain na hindi maaaring maisakatuparan ng tao. Tuwing nagkakatawang-tao ang Diyos, lubos itong kinakailangang gawin. Kung alinman sa mga yugto ay maaaring maisakatuparan nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, hindi na Niya sana tiniis ang mga kawalang-dangal ng pagkakatawang-tao.

 

Hinango mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

16. Para sa mga ililigtas, ang nagsisilbing halaga ng Espiritu ay higit na mas mababa kaysa sa katawang-tao: Ang gawain ng Espiritu ay nagagawang masakop ang buong sansinukob, lahat ng bundok, ilog, lawa, at karagatan, nguni’t ang gawain ng katawang-tao ay mas mabisang may kinalaman sa bawat tao na nakakaugnayan Niya. Higit pa rito, ang katawang-tao ng Diyos na mayroong nasasalat na anyo ay maaaring mas maunawaan at mapagkatiwalaan ng tao, at higit pang mapalalim ang kaalaman ng tao sa Diyos, at maaaring mag-iwan sa tao ng mas malalim na impresyon ng mga aktwal na mga gawa ng Diyos. Ang gawain ng Espiritu ay nababalutan ng misteryo, ito ay mahirap para sa mga may kamatayan na nilalang upang arukin ang lalim, at mas mahirap para sa kanila upang makita, at kaya maaari lamang silang umasa sa mga hungkag na pagpapalagay. Ang gawain ng katawang-tao, sa kabilang banda, ay karaniwan, at batay sa realidad, at nagtataglay ng mayamang karunungan, at ito ay isang katotohanan na maaaring makita ng pisikal na paningin ng tao; maaaring personal na maranasan ng tao ang karunungan ng mga gawain ng Diyos, at hindi kailangan na gamitin ang kanyang masaganang imahinasyon. Ito ang katumpakan at tunay na halaga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ang Espiritu ay maaari lamang gumawa ng mga bagay na hindi nakikita ng tao at mahirap para sa kanyang isipin, halimbawa ang kaliwanagan ng Espiritu, ang paggalaw ng Espiritu, at ang patnubay ng Espiritu, nguni’t para sa tao na may isip, ang mga ito ay hindi nagbibigay ng anumang malinaw na kahulugan. Sila ay nagbibigay lamang ng isang makabagbag-damdamin, o isang malawak na kahulugan, at hindi maaaring magbigay ng isang tagubilin na mga salita. Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, sa kabilang banda, ay lubos na naiiba: Ito ay may tumpak na patnubay ng mga salita, may malinaw na kalooban, at may malinaw na kinakailangang mga layunin. At kaya ang tao ay hindi kailangang mag-apuhap sa paligid, o gamitin ang kanyang imahinasyon, lalo na ang gumawa ng mga panghuhula. Ito ang kalinawan ng gawain sa katawang-tao, at ang malaking pagkakaiba mula sa gawain ng Espiritu. Ang gawain ng Espiritu ay angkop lamang para sa isang limitadong saklaw, at hindi maaaring palitan ang gawain ng katawang-tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nagbibigay sa tao ng mas tumpak at kinakailangang mga layunin at mas makatotohanan, mahalagang kaalaman kaysa sa gawain ng Espiritu. Ang pinakamahalagang gawain sa tiwaling tao ay yaong nagbibigay ng tumpak na mga salita, malinaw na mga layunin upang itaguyod, at maaaring makita at mahawakan. Tanging ang makatotohanang gawain at napapanahong pagpatnubay ang angkop sa mga panlasa ng tao, at tanging tunay na gawain ang maaaring magligtas sa tao mula sa kanyang tiwali at mahalay na disposisyon. Ito ay maaari lamang makamit ng nagkatawang-taong Diyos; tanging ang nagkatawang-taong Diyos ang maaaring magligtas sa tao mula sa kanyang dating tiwali at mahalay na disposisyon.

 

Hinango mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ang Mas Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

17. Kung ang gawaing ito ay ginawa ng Espiritu—kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, at sa halip ang Espiritu ay nagsalita sa pamamagitan ng kulog para walang paraan ang tao na makipag-ugnayan sa Kanya, malalaman ba ng tao ang Kanyang disposisyon? Kung ang Espiritu lamang ang gumawa ng gawain, kung gayon ang tao ay hindi magkakaroon ng paraan na makilala ang Kanyang disposisyon. Maaari lamang makita ng mga tao ang disposisyon ng Diyos gamit ang kanilang sariling mga mata nang Siya ay nagkatawang-tao, nang ang Salita ay nagpakita sa katawang-tao, at ipinapahayag Niya ang Kanyang kabuuang disposisyon sa pamamagitan ng katawang-tao. Ang Diyos ay tunay na nabubuhay kasama ng tao. Siya ay nasasalat; tunay na maaaring makipag-ugnayan ang tao sa Kanyang disposisyon at sa kung anong mayroon at ano Siya; sa paraang ito lamang Siya tunay na makikilala ng tao.

 

Hinango mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

18. Ang pagdating ng Diyos sa katawang-tao una sa lahat ay upang bigyang-kakayahan ang mga tao na makita ang tunay na mga gawa ng Diyos, upang magkatotoo ang walang-hugis na Espiritu sa katawang-tao, at hayaan Siyang makita at mahipo ng mga tao. Sa ganitong paraan, susundan ng mga taong ginagawa Niyang ganap ang Kanyang pamumuhay, matatamo Niya sila, at magiging kaayon sila ng Kanyang puso. Kung sa langit lamang nagsalita ang Diyos, at hindi talaga pumarito sa lupa, hindi pa rin makakaya ng mga tao na kilalanin ang Diyos, maipapangaral lamang nila ang mga gawa ng Diyos gamit ang hungkag na teorya, at hindi mapapasakanila ang mga salita ng Diyos bilang realidad. Naparito ang Diyos sa lupa una sa lahat upang kumilos bilang isang halimbawa at huwaran para sa mga yaon na matatamo ng Diyos; sa ganitong paraan lamang talagang makikilala, at mahihipo, at makikita ng mga tao ang Diyos, at saka lamang sila tunay na matatamo ng Diyos.

 

Hinango mula sa “Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ang Diyos Mismo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

19. Tanging kapag nagpakababa ang Diyos Mismo hanggang sa isang punto, na ibig sabihin, tanging kapag ang Diyos ay nagiging tao, na ang tao ay maaaring maging malapit sa Kanya at pinagkakatiwalaan Niya. Ang Diyos ay Espiritu: Paano magiging karapat-dapat ang tao na maging malapit sa Espiritung ito, na napakataas at di-maarok? Tanging kapag bumaba ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, at nagiging isang nilalang na may parehong panlabas na anyo ng tao, na maaaring maunawaan ng tao ang Kanyang kalooban at talagang matamo Niya. Siya ay nagsasalita at kumikilos sa katawang-tao, nakikibahagi sa mga kaligayahan, kalungkutan at kapighatian ng tao, naninirahan sa parehong mundo ng tao, iniingatan ang tao, ginagabayan siya, at sa pamamagitan nito nililinis Niya ang tao, at hinahayaang matamo ng tao ang Kanyang pagliligtas at Kanyang pagpapala. Matapos matamo ang mga bagay na ito, tunay na nauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos, at saka lamang maaari siyang maging malapit sa Diyos. Ito lamang ang praktikal. Kung ang Diyos ay di-nakikita at di-nahahawakan ng tao, paano magiging malapit ang tao sa Kanya? Hindi ba ito isang doktrinang walang doktrina?

 

Hinango mula sa “Yaon Lamang mga Nakakakilala sa Diyos at Nakakaalam sa Kanyang Gawain ang Makakapagbigay-kasiyahan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

20. Dahil ang tao ang siyang hinahatulan, ang tao na laman at naging tiwali, at hindi ang espiritu ni Satanas ang direktang hinahatulan, ang gawain ng paghatol ay hindi tinutupad sa espirituwal na daigdig, kundi sa gitna ng tao. Walang sinumang mas angkop, at karapat-dapat, kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng katawan ng tao. Kung ang paghatol ay isinagawa nang direkta ng Espiritu ng Diyos, kung gayon ito ay hindi magiging para sa lahat. Bukod dito, ang gayong gawain ay magiging mahirap para sa tao na tanggapin, sapagka’t ang Espiritu ay hindi kayang lumapit nang harap-harapan sa tao, at dahil dito, ang mga epekto ay hindi magiging agaran, lalong hindi makikita ng tao ang di-naaagrabyadong disposisyon ng Diyos nang lalong malinaw. Matatalo lamang nang lubusan si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. … Kung ang gawain na ito ay ginawa ng Espiritu ng Diyos, kung gayon ito ay hindi magiging tagumpay laban kay Satanas. Ang Espiritu ay likas na higit na mabunyi kaysa may kamatayang mga nilalang, at ang Espiritu ng Diyos ay likas na banal, at matagumpay sa laman. Kung direktang ginawa ng Espiritu ang gawaing ito, hindi Niya magagawang hatulan ang lahat ng pagsuway ng tao, at hindi maaaring ibunyag ang lahat ng hindi pagkamatuwid ng tao. Sapagka’t ang gawain ng paghatol ay natutupad din sa pamamagitan ng mga pagkaintindi ng tao sa Diyos, at ang tao ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang mga pagkaintindi sa Espiritu, at sa gayon ang Espiritu ay hindi kaya ang mas mainam na pagbubunyag sa hindi pagkamatuwid ng tao, lalong hindi kaya ang ganap na pagsisiwalat ng gayong hindi pagkamatuwid. Ang nagkatawang-taong Diyos ay kaaway ng lahat ng tao na hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga pagkaintindi ng tao at pagsalungat sa Kanya, isinisiwalat Niya ang lahat ng pagsuway ng sangkatauhan. Ang mga epekto ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay mas kitang-kita kaysa sa mga gawain ng Espiritu. At kaya, ang paghatol ng lahat ng sangkatauhan ay hindi natutupad nang direkta ng Espiritu, nguni’t ito ay gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Ang Diyos sa katawang-tao ay makikita at mahihipo ng tao, at ang Diyos sa katawang-tao ay maaaring ganap na lupigin ang tao.

 

Hinango mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ang Mas Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

21. Kung ang Espiritu ng Diyos ay direktang nagsalita sa tao, silang lahat ay magpapasakop sa tinig, babagsak paibaba na walang mga salita ng pagbubunyag, tulad ng kung paanong si Pablo ay nahulog sa lupa sa gitna ng liwanag habang siya ay naglalakbay sa Damasco. Kung ang Diyos ay nagpatuloy na gumawa sa ganitong paraan, hindi kailanman magagawa ng tao na kilalanin ang kanyang sariling katiwalian sa pamamagitan ng paghatol ng salita at makamit ang kaligtasan. Tanging sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao magagawa Niyang personal na ihatid ang Kanyang mga salita sa mga pandinig ng lahat upang ang lahat ng may mga pandinig ay maaaring makarinig ng Kanyang mga salita at makatanggap ng Kanyang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng salita. Gayon lamang ang resulta na nakamit sa pamamagitan ng Kanyang salita, sa halip na ang paglitaw ng Espiritu na tumatakot sa tao para magpasakop. Sa pamamagitan lamang ng gayong praktikal at hindi-pangkaraniwang gawain maaaring lubusang maibunyag ang lumang disposisyon ng tao, na malalim na naitago sa loob ng maraming taon, upang makilala ito ng tao at mabago ito. Ito ang praktikal na gawain ng Diyos na nagkatawang-tao; Siya ay nagsasalita at nagsasagawa ng paghatol sa isang praktikal na paraan upang makamit ang mga resulta ng paghatol sa tao sa pamamagitan ng salita. Ito ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao at ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ito ay ginagawa upang ipakilala ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao, ang mga resulta na nakamit sa pamamagitan ng gawain ng salita, at na ang Espiritu ay dumating sa laman; ipinakikita Niya ang Kanyang awtoridad sa pamamagitan ng paghatol sa tao sa pamamagitan ng salita. Kahit na ang Kanyang katawang-tao ay ang panlabas na anyo ng isang ordinaryo at normal na pagkatao, ito ay ang mga resultang nakakamit ng Kanyang mga salita na nagpapakita sa tao na Siya ay puno ng awtoridad, na Siya ay ang Diyos Mismo at na ang Kanyang mga salita ay ang pagpapahayag ng Diyos Mismo.

 

Hinango mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

22. Ngunit may isang katotohanan na maaaring hindi mo alam: Ang tiwaling disposisyon ng tao at ang kanyang pagkasuwail at paglaban ay nalalantad kapag nakikita niya si Cristo, at ang pagkasuwail at paglaban na nalantad sa sandaling ito ay higit na lubusan at ganap na nalantad kaysa sa anumang iba pa. Ito ay dahil si Cristo ay ang Anak ng tao—ang Anak ng tao na nag-aangkin ng karaniwang pagkatao—kaya hindi Siya pinararangalan ni iginagalang ng tao. Dahil ang Diyos ay nananahan sa katawang-tao kaya ang pagkasuwail ng tao ay nadadala sa liwanag nang lubusan at nang ganoon kadetalye. Kaya Aking sinasabi na nahukay ng pagdating ni Cristo ang lahat ng pagkasuwail ng sangkatauhan at nailantad ang kalikasan ng sangkatauhan nang napakalinaw. Ito ay tinatawag na “pag-akit sa tigre pababa sa bundok” at “pag-akit sa lobo palabas sa yungib nito.”

 

Hinango mula sa “Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

23. Siya ay nagkakatawang-tao dahil ang katawang-tao ay maaari ring magtaglay ng awtoridad, at Siya ay may kakayahang magsakatuparan ng gawain sa gitna ng tao sa isang praktikal na paraan, na nakikita at nahahawakan ng tao. Ang gayong gawain ay mas makatotohanan kaysa anumang gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na nagtataglay ng lahat ng awtoridad, at ang mga resulta nito ay maliwanag din. Ito ay dahil ang nagkatawang-taong Diyos ay nakakapagsalita at nakakagawa ng gawain sa isang praktikal na paraan. Ang panlabas na anyo ng Kanyang katawang-tao ay walang awtoridad at maaaring lapitan ng tao. Ang Kanyang diwa ay nagtataglay ng awtoridad, nguni’t walang nakakakita sa Kanyang awtoridad. Kapag Siya ay nagsasalita at gumagawa, hindi magawa ng tao na matalos ang pag-iral ng Kaniyang awtoridad; ito ay mas kanais-nais sa Kanyang aktwal na gawain.

 

Hinango mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

24. Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may laman at nagawang tiwali na ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya nagawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, nagawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may laman at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang kanyang sarili sa laman.

 

Hinango mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ang Mas Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

25. Ang tao ay nagawang tiwali na ni Satanas, at siya ang pinakamataas sa lahat ng nilalang ng Diyos, kaya ang tao ay nangangailangan ng pagliligtas ng Diyos. Ang pakay ng pagliligtas ng Diyos ay ang tao, hindi si Satanas, at ang maliligtas ay ang laman ng tao, at ang kaluluwa ng tao, at hindi ang demonyo. Si Satanas ang layon ng paglipol ng Diyos, ang tao ay ang layon ng pagliligtas ng Diyos, at ang laman ng tao ay nagawang tiwali na ni Satanas, kaya ang unang ililigtas dapat ay ang laman ng tao. Ang laman ng tao ay ang pinakamatinding nagawang tiwali, at ito ay naging isang bagay na lumalaban sa Diyos, na lantaran pang sumasalungat at tinatanggihan ang pag-iral ng Diyos. Ang tiwaling laman na ito ay talagang masyadong hindi mapaamo, at walang mas mahirap na pakitunguhan o baguhin kaysa sa tiwaling disposisyon ng laman. Pumapasok si Satanas sa laman ng tao upang lumikha ng gulo, at ginagamit ang laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos, at pahinain ang plano ng Diyos, at sa gayon ang tao ay naging si Satanas, at ang kaaway ng Diyos. Upang mailigtas ang tao, dapat muna siyang lupigin. Ito ang dahilan kung bakit humaharap ang Diyos sa hamon at pumapasok sa katawang-tao upang gawin ang gawain na balak Niyang gawin, at labanan si Satanas. Ang Kanyang layunin ay ang kaligtasan ng sangkatauhan, na naging tiwali, at ang pagkatalo at pagkalipol ni Satanas, na naghihimagsik laban sa Kanya. Natatalo Niya si Satanas sa pamamagitan ng Kanyang gawaing panlulupig sa tao, at kasabay na inililigtas ang tiwaling sangkatauhan. Kung kaya, nalulutas ng Diyos ang dalawang problema kaagad.

 

Hinango mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ang Mas Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

26. Ang laman ng tao ay nagawang tiwali na ni Satanas, at lubusang binulag, at matinding napinsala. Ang pinakapangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos nang personal sa katawang-tao ay dahil ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na galing sa katawan, at dahil si Satanas ay gumagamit din ng laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos. Ang paglaban kay Satanas ang talagang gawaing panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao din ang layon ng pagliligtas ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay napakahalaga. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ay naging sagisag ni Satanas, at naging layon upang talunin ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nangyayari sa lupa, at ang Diyos ay dapat maging tao upang gawin ang paglaban kay Satanas. Ito ang gawain na sukdulang praktikal. Kapag ang Diyos ay gumagawa sa katawang-tao, Siya ay aktuwal na nakikipaglaban kay Satanas sa katawang-tao. Kapag Siya ay gumagawa sa katawang-tao, ginagawa Niya ang Kanyang gawain sa espirituwal na dako, at ginagawa nang buo ang Kanyang gawain sa espirituwal na dako na tunay sa lupa. Ang tanging nalulupig ay ang tao, kung sino ang hindi masunurin sa Kanya, ang natatalo ay ang pinakalarawan ni Satanas (siyempre, ito ay tao rin), na nakikipag-alitan sa Kanya, at ang naililigtas sa dakong huli ay ang tao rin. Sa ganitong paraan, mas kinakailangan para sa Kanya na maging isang tao na may panlabas na anyo ng isang nilalang, upang Siya ay may kakayahang gumawa ng tunay na pakikipaglaban kay Satanas, panlulupig sa tao, na mapanghimagsik sa Kanya at nagmamay-ari ng parehong panlabas na anyo katulad ng sa Kanya, at pagliligtas sa tao, na may parehong panlabas na anyo gaya Niya at napinsala na ni Satanas. Ang Kanyang kaaway ay ang tao, ang pakay ng Kanyang paglupig ay ang tao, at ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na nilikha Niya. Kaya Siya ay dapat maging tao, at sa ganitong paraan, ang Kanyang gawain ay nagiging mas madali. Nagagawa Niyang talunin si Satanas at lupigin ang sangkatauhan, at, higit pa rito, ay may kakayahan upang iligtas ang sangkatauhan.

 

Hinango mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ang Mas Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

27. Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ang lugar na kinalalagyan ng malabong Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang larawan ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na mga salita at aktwal na gawain, Kanyang pagkilos sa buong lupain, at ang natatanging tunay at normal na gawaing Kanyang isinasakatuparan kasama ng tao, Kanyang sinasanhi ang tao na ganap na maunawaan ang pagiging totoo ng Diyos, at inaalis ang kinalalagyan ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing ganap ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw.

 

Hinango mula sa “Pagkilala sa Gawain ng Diyos Ngayon” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

28. Para sa lahat ng nabubuhay sa laman, ang pagbabago ng kanilang disposisyon ay nangangailangan ng mga layuning pagsisikapan, at ang pagkilala sa Diyos ay nangangailangan ng pagsaksi sa tunay na mga gawa at tunay na mukha ng Diyos. Ang katawang-tao lamang ng Diyos ang makakagawa ng dalawang ito, at maisasakatuparan lamang ang dalawang ito ng normal at tunay na katawan. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ang pagkakatawang-tao, at kung bakit ito kailangan ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Dahil kailangang makilala ng mga tao ang Diyos, ang mga larawan ng malabo at higit-sa-karaniwang mga Diyos ay kailangang maiwaksi sa kanilang puso, at dahil kailangan nilang alisin ang kanilang tiwaling disposisyon, kailangan muna nilang malaman ang kanilang tiwaling disposisyon. Kung gagawin lamang ng tao ang gawain para maiwaksi ang mga larawan ng malalabong Diyos mula sa puso ng mga tao, mabibigo siyang makamit ang tamang epekto. Ang mga larawan ng malalabong Diyos sa puso ng mga tao ay hindi maaaring ilantad, alisin, o ganap na mapalis ng mga salita lamang. Sa paggawa nito, sa huli ay hindi pa rin posibleng iwaksi ang mga bagay na ito na malalim na nakaugat sa mga tao. Tanging ang praktikal na Diyos at ang tunay na larawan ng Diyos ang makakapalit sa malabo at higit-sa-karaniwang mga bagay na ito upang tulutan ang mga tao na unti-unting malaman ang mga ito, at sa ganitong paraan lamang maaaring makamit ang angkop na epekto. Kinikilala ng tao na ang Diyos na kanyang hinangad ng mga nakaraang panahon ay malabo at hindi pangkaraniwan. Na ang maaaring makapagkamit ng epekto na ito ay hindi ang direktang pamumuno ng Espiritu, lalong hindi ang mga aral ng isang tiyak na indibidwal, nguni’t ang nagkatawang-taong Diyos. Ang mga pagkaintindi ng tao ay inilalantad kapag opisyal na ginagawa ng nagkatawang-taong Diyos ang Kanyang gawain, dahil ang pagiging normal at ang realidad ng nagkatawang-taong Diyos ay ang kabaligtaran ng malabo at hindi pangkaraniwang Diyos sa imahinasyon ng tao. Ang orihinal na mga pagkaintindi ng tao ay maaari lamang ibunyag sa pamamagitan ng kaibahan ng mga ito sa nagkatawang-taong Diyos. Kung wala ang paghahambing sa nagkatawang-taong Diyos, ang mga pagkaintindi ng tao ay hindi mabubunyag; sa ibang salita, kung walang kaibahan sa realidad ang malalabong bagay ay hindi mabubunyag. Walang may kakayahan na gumamit ng mga salita upang gawin ang gawaing ito, at walang sinuman ang may kakayahang magsalita nang maliwanag sa gawaing ito gamit ang mga salita. Tanging ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain, at wala nang ibang makakagawa ng gawaing ito para sa Kanya. Gaano man kayaman ang wika ng tao, hindi niya kayang sabihin nang maliwanag ang realidad at pagiging normal ng Diyos. Maaari lamang makilala ng tao ang Diyos nang mas praktikal, at maaari lamang Siyang makita nang mas malinaw, kung personal na gagawa ang Diyos sa tao at ganap na ipapakita ang Kanyang larawan at pagkatao. Hindi makakamtan ng sinumang makamundong tao ang epektong ito. Siyempre, ang Espiritu ng Diyos ay hindi rin kayang makamit ang epekto na ito. Maaaring iligtas ng Diyos ang tiwaling tao mula sa impluwensya ni Satanas, nguni’t ang gawain na ito ay hindi maaaring direktang gawin ng Espiritu ng Diyos; sa halip, ito ay maaari lamang gawin ng katawang-tao na suot ng Espiritu ng Diyos, ng nagkatawang-taong katawan ng Diyos. Ang katawang ito na tao at Diyos din, ay isang tao na nagmamay-ari ng normal na pagkatao at Diyos din na nagmamay-ari ng buong pagka-Diyos. At sa gayon, kahit na ang katawang-taong ito ay hindi ang Espiritu ng Diyos, at lubos na naiiba sa Espiritu, ito pa rin ang nagkatawang-taong Diyos Mismo na nagliligtas sa tao, na ang Espiritu at ang katawang-tao rin. Kahit na ano ang tawag sa Kanya, sa huli ito pa rin ang Diyos Mismo na nagliligtas ng sangkatauhan. Sapagka’t ang Espiritu ng Diyos ay hindi mapaghihiwalay mula sa katawang-tao, at ang gawain ng katawang-tao ay ang gawain din ng Espiritu ng Diyos; lamang, ang gawaing ito ay hindi ginagawa gamit ang pagkakakilanlan ng Espiritu, nguni’t ito ay ginagawa gamit ang pagkakakilanlan ng katawang-tao. Ang gawain na kailangang direktang gawin ng Espiritu ay hindi nangangailangan ng pagkakatawang-tao, at ang gawain na kailangang gawin ng katawang-tao ay hindi maaaring gawin nang direkta ng Espiritu, at maaari lamang gawin ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ang kinakailangan para sa gawaing ito, at ito ang kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan.

 

Hinango mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ang Mas Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

29. Ang pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang Kanyang partikular na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos nito ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring mas tumpak at mas konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao at ang Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan sa mga tumatanggap sa ganitong paraan. Tanging ang gawain ng Diyos sa katawang-tao sa gitna ng tao ang tunay na nagsasakatuparan sa katunayan ng kung ano ang Diyos at ang pamumuhay kasama ng tao. Tanging ang gawaing ito ang nagsasakatuparan sa kagustuhan ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Winawakasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinatapos din ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa malabong Diyos. Partikular na, ang gawain ng huling Diyos na nagkatawang-tao ay dinadala ang buong sangkatauhan sa isang kapanahunan na mas makatotohanan, mas praktikal, at mas kaaya-aya. Hindi lamang Niya tinatapos ang kapanahunan ng kautusan at doktrina; ang mas mahalaga, inihahayag Niya sa sangkatauhan ang isang Diyos na tunay at normal, na matuwid at banal, na nagpapasimula sa gawain ng plano ng pamamahala at nagpapamalas ng mga hiwaga at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at winawakasan ang gawaing pamamahala, at nanatiling nakatago nang libu-libong taon. Winawakasan Niya ang kapanahunan ng kalabuan nang lubusan, tinatapos Niya ang kapanahunan kung saan ang ninais ng buong sangkatauhan na hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nila nagawa, winawakasan Niya ang kapanahunan kung kailan nagsilbi kay Satanas buong sangkatauhan, at inaakay ang buong sangkatauhan hanggang sa dulo ng isang ganap na bagong panahon. Lahat ng ito ay resulta ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip na ng Espiritu ng Diyos. Kapag ang Diyos ay gumagawa sa Kanyang katawang-tao, ang mga taong sumusunod sa Kanya ay hindi na humihingi at naghahanap sa mga malabo at hindi malinaw na mga bagay, at tumitigil sa paghula sa kalooban ng malabong Diyos. Kapag pinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, ang mga sumusunod sa Kanya ay ipapasa ang gawain na Kanyang ginawa sa katawang-tao sa lahat ng mga relihiyon at denominasyon, at kanilang ipagtatalastasan ang lahat ng Kanyang mga salita sa mga pandinig ng buong sangkatauhan. Ang lahat na naririnig ng mga yaong tumanggap sa Kanyang ebanghelyo ay magiging mga katunayan ng Kanyang gawain, magiging mga bagay na personal na nakita at narinig ng tao, at magiging mga katunayan at hindi sabi-sabi. Ang mga katunayang ito ay ang katibayan na Kanyang pinalalaganap ang gawain, at ito rin ang mga kasangkapan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain. Kung wala ang pag-iral ng mga katunayan, ang Kanyang ebanghelyo ay hindi lalaganap sa lahat ng bansa at sa lahat ng lugar; kapag walang katunayan nguni’t sa mga guni-guni lamang ng tao, Hindi Niya kailanman magagawa ang gawaing panlulupig sa buong sansinukob. Ang Espiritu ay hindi masasalat ng tao, at di-nakikita ng mga tao, at ang gawain ng Espiritu ay hindi kayang mag-iwan ng anumang karagdagang katibayan o mga katunayan ng gawain ng Diyos para sa tao. Ang tao ay hindi kailanman makikita ang tunay na mukha ng Diyos, at palaging maniniwala sa malabong Diyos na hindi umiiral. Ang tao ay hindi kailanman makikita ang tunay na mukha ng Diyos, ni ang tao ay makaririnig ng mga salita na personal na sinabi ng Diyos. Ang mga imahinasyon ng tao, kunsabagay, ay walang laman, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi magagaya ng tao. Ang di-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa ng Diyos na nagkatawang-tao na personal na ginagawa ang Kanyang gawain sa mga tao. Ito ang pinakamainam na paraan kung saan nagpapakita ang Diyos sa tao, kung saan nakikita ng tao ang Diyos at nalalaman ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito makakamtan ng isang Diyos na hindi nagkatawang-tao. Dahil isinagawa na ng Diyos ang Kanyang gawain sa yugtong ito, ang Kanyang gawain ay nakamit na ang pinakamainam na epekto, at naging isang ganap na tagumpay. Ang personal na gawain ng Diyos sa katawang-tao ay nagawang ganap ang siyamnapung porsiyento ng mga gawain ng buo Niyang pamamahala. Ang katawang-tao na ito ay nagbigay na ng isang mas mahusay na pasimula sa lahat ng Kanyang gawain, at isang buod para sa lahat ng Kanyang gawain, at napagtibay na ang lahat ng Kanyang gawain, at ginawa ang huling masusing pagpapanauli sa lahat ng gawaing ito. Simula ngayon, wala nang isa pang magkakatawang-taong Diyos na gagawin ang ikaapat na yugto ng gawain ng Diyos, at wala na ring higit na mga nakamamanghang gawain ng ikatlong pagkakatawang-tao ng Diyos.

 

Hinango mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ang Mas Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

30. Ang tanging dahilan na ang nagkatawang-taong Diyos ay naparito sa katawang-tao ay dahil sa mga pangangailangan ng tiwaling tao. Ito ay dahil sa mga pangangailangan ng tao nguni’t hindi ng Diyos, at ang lahat ng Kanyang mga sakripisyo at paghihirap ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, at hindi para sa kapakanan ng Diyos Mismo. Walang mga kabutihan at di-kabutihan o mga gantimpala para sa Diyos; hindi Siya gagapas ng anumang ani sa hinaharap, kundi ay ng mga dati nang pagkakautang sa Kanya. Ang lahat ng Kanyang ginagawa at mga sakripisyo para sa sangkatauhan ay hindi upang Siya ay maaaring magkamit ng dakilang mga gantimpala, nguni’t pulos para sa kapakanan ng sangkatauhan. Kahit ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay nagsasangkot ng maraming hindi mailarawan na mga paghihirap, ang mga epekto na nakakamit nito sa huli ay labis na lagpas sa mga gawaing direktang ginawa ng Espiritu. Ang gawain ng katawang-tao ay kinasasangkutan ng maraming paghihirap, at ang katawang-tao ay hindi magtataglay ng parehong dakilang pagkakakilanlan tulad ng Espiritu, hindi maaaring magsagawa ng parehong higit-sa-karaniwang mga gawa tulad ng Espiritu, at higit na hindi Siya maaaring magtaglay ng parehong awtoridad tulad ng Espiritu. Nguni’t ang diwa ng gawaing nagawa ng karaniwang katawang-tao na ito ay lubhang nakahihigit sa gawain na direktang ginawa ng Espiritu, at ang katawang-tao Niyang ito ang siyang kasagutan sa lahat ng pangangailagan ng tao.

 

Hinango mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ang Mas Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

31. Ang dahilan na magagawa ng katawang-taong ito ang gawain na hindi kaya ng tao ay sapagka’t ang Kanyang panloob na diwa ay hindi katulad ng sa sinumang tao, at ang dahilan na kaya Niyang iligtas ang tao ay sapagka’t ang Kanyang pagkakakilanlan ay naiiba mula sa sinumang tao. Ang katawang-tao na ito ay napakahalaga sa sangkatauhan sapagka’t Siya ay tao at lalong higit ay Diyos, sapagka’t maaari Niyang gawin ang mga gawain na hindi kaya ng ordinaryong katawan ng tao, at dahil maaari Siyang magligtas ng tiwaling tao, na naninirahan kasama Niya sa lupa. Bagama’t Siya ay kapareho sa tao, ang nagkatawang-taong Diyos ay mas mahalaga sa sangkatauhan kaysa sa sinumang tao na may halaga, dahil magagawa Niya ang gawain na hindi magagawa ng Espiritu ng Diyos, mas mayroong kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos upang magpatotoo sa Diyos Mismo, at mas mayroong kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos upang lubos na makamtan ang sangkatauhan. Bilang resulta, kahit na ang katawang-tao na ito ay karaniwan at ordinaryo, ang Kanyang ambag sa sangkatauhan at ang Kanyang kahalagahan sa pag-iral ng sangkatauhan ay lubos na ginagawa Siyang napakahalaga, at ang tunay na halaga at kabuluhan ng katawang-tao na ito ay hindi masukat ng sinumang tao. Kahit na ang katawang-tao na ito ay hindi maaaring direktang puksain si Satanas, maaari Niyang gamitin ang Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan at talunin si Satanas, at gawin si Satanas na lubos na magpasakop sa Kanyang kapamahalaan. Sapagka’t ang Diyos ay nagkatawang-tao na kaya Niyang talunin si Satanas at kayang iligtas ang sangkatauhan. Hindi Niya direktang pinupuksa si Satanas, nguni’t naging katawang-tao upang gawin ang gawain na lupigin ang sangkatauhan, na nagawang tiwali ni Satanas. Sa ganitong paraan, mas mahusay Niyang magagawang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng mga nilalang, at mas mahusay na nagagawang iligtas ang tiwaling tao. Ang paglupig ng nagkatawang-taong Diyos kay Satanas ay magdudulot ng mas malaking patotoo, at ito ay mas mapanghikayat, kaysa sa direktang pagpuksa ng Espiritu ng Diyos kay Satanas. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay mas kayang magawang tumulong sa tao para kilalanin ang Lumikha, at mas kayang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng mga nilalang.

 

Hinango mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ang Mas Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

32. Sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, isang yugto lamang ang direktang natupad ng Espiritu, at ang natitirang dalawang yugto ay ipinatutupad ng nagkatawang-taong Diyos, at hindi direkta ng Espiritu. Ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan na ginawa ng Espiritu ay hindi kabilang ang pagpapalit ng tiwaling disposisyon ng tao, at wala rin itong kaugnayan sa kaalaman ng tao sa Diyos. Ang gawain ng katawang-tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kaharian, sa kabilang banda, ay naglalakip sa tiwaling disposisyon ng tao at ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos, at ito ay isang mahalaga at maselang bahagi ng gawain ng pagliligtas. Samakatuwid, ang tiwaling sangkatauhan ay mas kinakailangaan ang pagliligtas ng nagkatawang-taong Diyos, at mas nangangailangan ng direktang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Kinakailangan ng sangkatauhan ang nagkatawang-taong Diyos upang magpastol sa kanya, sumuporta sa kanya, diligin siya, magpakain sa kanya, hatulan at kastiguhin siya, at nangangailangan siya ng higit na biyaya at mas higit na pagtubos mula sa nagkatawang-taong Diyos. Tanging ang Diyos sa katawang-tao ang maaaring maging pinagtitiwalaan ng tao, ang pastol ng tao, ang handang sumaklolo sa tao, at lahat ng ito ay ang pangangailangan ng pagkakatawang-tao ngayon at sa mga nakaraang panahon.

 

Hinango mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ang Mas Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

33. Sa kanyang relasyon sa Diyos sa katawang-tao, ang tao ay umuusad mula sa pagsalungat patungo sa pagsunod, mula sa pag-uusig patungo sa pagtanggap, mula sa pagkaintindi patungo sa kaalaman, at mula sa pagtanggi patungo sa pag-ibig. Ito ang mga epekto ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Naliligtas lamang ang tao sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang paghatol, unti-unti lamang na nakikilala Siya sa pamamagitan ng mga salita ng Kanyang bibig, nalulupig Niya sa panahon ng kanyang pagsalungat sa Kanya, at tumatanggap ng panustos ng buhay mula sa Kanya sa panahon ng pagtanggap ng Kanyang pagkastigo. Ang lahat ng gawaing ito ay ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi ang gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Espiritu. Ang gawain na ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang pinakadakilang gawain, at ang pinakamatinding gawain, at ang maselang bahagi ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay ang dalawang yugto ng gawain ng pagkakatawang-tao.

 

Hinango mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ang Mas Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

34. Si Jesus ay gumawa ng isang yugto ng gawain na tinupad lamang ang diwa ng “ang Salita ay kasama ng Diyos”: Ang katotohanan ukol sa Diyos ay kasama ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay kasama ng katawang-tao at hindi maihihiwalay sa Kanya, iyon ay, ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay kasama ng Espiritu ng Diyos, na siyang lalong malaking katunayan na ang Jesus na nagkatawang-tao ay ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos. Tinupad ng yugtong ito ng gawain ang panloob na kahulugan ng “ang Salita ay nagkakatawang-tao,” nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa “ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos,” at tinutulutan ka na paniwalaan nang matibay na “Sa simula ay ang Salita.” Na ang ibig sabihin, sa panahon ng paglikha ang Diyos ay nagtataglay ng mga salita, ang Kanyang mga salita ay kasama Niya at hindi maihihiwalay sa Kanya, sa huling kapanahunan, lalo pa Niyang nililinaw ang kapangyarihan at awtoridad ng Kanyang mga salita, at tinutulutan ang tao na makita ang lahat ng Kanyang paraan—na marinig ang lahat ng Kanyang salita. Gayon ang gawain ng panghuling kapanahunan. … Sapagka’t ito ang gawain ng ikalawang pagkakatawang-tao—at ang huling pagkakataon na ang Diyos ay naging katawang-tao—lubos nitong kinukumpleto ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao, ganap na ipinatutupad at pinabubukal ang lahat ng gawain ng Diyos sa laman, at tinutuldukan ang panahon ng pagiging katawang-tao ng Diyos.

 

Hinango mula sa “Pagsasagawa (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

35. Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, kundi ito rin ang katawan kung saan magbabalik ang Diyos. Ito ay isang napaka-ordinaryo na katawang-tao. Sa Kanya, wala kang makikitang anumang kaiba kumpara sa iba, nguni’t maaari kang makatanggap mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi mo pa kailanman dating narinig. Ang hamak na katawang-taong ito ay ang pagsasakatawan ng lahat ng salita ng katotohanan mula sa Diyos, na siyang pumapasan sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at isang pagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos para malaman ng tao. Hindi ba gustung-gusto mong makita ang Diyos sa langit? Hindi ba gustung-gusto mong maunawaan ang Diyos sa langit? Hindi ba gustung-gusto mong makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng lihim na ito na wala pang sinumang tao ang nakapagsabi sa iyo, at sasabihin din Niya sa iyo ang mga katotohanan na hindi mo nauunawaan. Siya ang iyong pintuan patungo sa kaharian, at ang iyong gabay patungo sa bagong kapanahunan. Ang gayong karaniwang katawang-tao ay nagtataglay ng maraming hindi maarok na mga hiwaga. Ang Kanyang mga gawa ay maaaring hindi mo maabot, nguni’t ang adhikain ng lahat ng gawaing Kanyang ginagawa ay sapat upang iyong makita na hindi Siya isang simpleng katawang-tao gaya ng inaakala ng tao. Sapagka’t kinakatawan Niya ang kalooban ng Diyos gayundin ang pangangalaga na ipinakita ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kahit na hindi mo naririnig ang mga salitang Kanyang sinasabi na tila yumayanig sa langit at lupa, o nakikita ang Kanyang mga mata na tila mga naglalagablab na ningas, at kahit na hindi mo nararamdaman ang disiplina ng Kanyang bakal na pamalo, maririnig mo mula sa Kanyang mga salita ang galit ng Diyos at nalalaman na ang Diyos ay nagpapamalas ng pagkahabag sa sangkatauhan; nakikita mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang Kanyang karunungan, at higit sa lahat, natatanto ang pagmamalasakit at pag-aalaga ng Diyos sa buong sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita ang Diyos sa langit na namumuhay sa kalagitnaan ng mga tao sa lupa, at bigyang-kakayahan ang tao na makilala, sundin, igalang at ibigin ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit nagbalik na Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon. Kahit na ang nakikita ng tao sa kasalukuyan ay isang Diyos na katulad ng tao, ang Diyos na mayroong ilong at dalawang mata, at isang di-katangi-tanging Diyos, sa katapusan ay ipakikita sa inyo ng Diyos na kung wala ang pag-iral ng taong ito, ang langit at lupa ay sasailalim sa napakalaking pagbabago; kung wala ang pag-iral ng taong ito, ang langit ay magiging madilim, magkakagulo sa lupa, at ang buong sangkatauhan ay mamumuhay sa taggutom at mga salot. Ipakikita Niya sa inyo na kung wala ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung wala ang pag-iral ng katawang-taong ito, kung gayon kayo ay magiging pinakapinuno ng mga makasalanan at mga bangkay magpakailanman. Nararapat ninyong malaman na kung hindi umiiral ang katawang-taong ito, ang buong sangkatauhan ay mahaharap sa di-maiiwasang kalamidad at mahihirapang makatakas sa mas matinding kaparusahan ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, lahat kayo ay mapupunta sa katayuan kung saan ang pagkabuhay ni ang kamatayan ay hindi darating gaano man ninyo ito naisin; kung wala ang pag-iral ng katawang-taong ito, kung gayon sa araw na ito hindi ninyo makakayang tanggapin ang katotohanan at lumapit sa trono ng Diyos. Sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa inyong mabigat na mga kasalanan. Alam ba ninyo? Kung hindi dahil sa muling pagkakatawang-tao ng Diyos, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; kung hindi dahil sa pagdating ng katawang-taong ito, matagal nang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan. Kaya, magagawa ninyo pa bang tanggihan ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang maaari kayong lubhang makinabang sa karaniwang taong ito, kung gayon bakit hindi ninyo Siya tanggapin nang buong puso?

 

Hinango mula sa “Alam Mo Ba? Nakagawa ng Isang Dakilang Bagay ang Diyos sa mga Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

36. Ang lahat ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito. Ipagkakaloob Niya ang lahat ng bagay tungo sa iyo, at bukod pa rito, Siya ang makakapagpasiya sa lahat ng bagay tungkol sa iyo. Ang ganoong tao ba ay maaaring maging katulad ng inyong inaakala: isang taong napakapayak kaya’t hindi karapat-dapat na mabanggit? Ang katotohanan ba Niya ay hindi sapat upang kayo ay lubos na mahikayat? Ang pagsaksi ba ng Kanyang mga gawa ay hindi sapat upang kayo ay lubusang mahikayat? O ang landas ba kung saan Niya kayo pinangungunahan ay hindi karapat-dapat ninyong sundan? Ano ang nag-uudyok sa inyo upang makaramdam ng pag-ayaw sa Kanya at itaboy Siya at iwasan Siya? Siya ang naghahayag ng katotohanan, Siya ang nagtutustos ng katotohanan, at Siya ang nagbibigay ng kakayahan sa inyo upang magkaroon ng landas na tatahakin. Maaari kaya na hindi pa rin ninyo nakikita ang mga bakas ng gawa ng Diyos sa loob ng mga katotohanang ito? Kung wala ang gawa ni Jesus, hindi makakababa ang sangkatauhan mula sa krus, nguni’t kung wala ang pagkakatawang-tao ngayon, yaong mga bumaba mula sa krus ay hindi kailanman maaaring ipagtagubilin ng Diyos o makapapasok tungo sa bagong kapanahunan. Kung hindi dumating ang karaniwang taong ito, kung gayon hindi kayo kailanman magkakaroon ng pagkakataon o magiging karapat-dapat upang makita ang tunay na mukha ng Diyos, dahil lahat kayo ay matagal nang dapat na winasak. Dahil sa pagdating ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, napatawad kayo ng Diyos at pinakitaan kayo ng habag. Sa kabila nito, ang mga salita na dapat Kong iwan sa inyo sa katapusan ay ang mga ito pa rin: Ang karaniwang taong ito, na Siyang Diyos na nagkatawang-tao, ay napakahalaga sa inyo. Ito ang dakilang bagay na nagawa na ng Diyos sa gitna ng mga tao.

 

Hinango mula sa “Alam Mo Ba? Nakagawa ng Isang Dakilang Bagay ang Diyos sa mga Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

37. Hayagang naging tao ang Diyos para sa layunin ng paghahatid ng isang bagong kapanahunan, at, siyempre, kapag inihahatid Niya ang isang bagong kapanahunan, natapos na rin Niya ang naunang kapanahunan. Ang Diyos ay ang Simula at ang Katapusan; Siya Mismo ang nagpapatakbo ng Kanyang gawain at kaya dapat Siya Mismo ang tatapos sa naunang kapanahunan. Iyon ang patunay na tinatalo Niya si Satanas at nilulupig ang mundo. Tuwing gumagawa Siya Mismo sa gitna ng tao, ito ay simula ng isang bagong labanan. Kung walang pagsisimula ng bagong gawain, natural na walang konklusyon ng luma. At ang kawalang konklusyon ng luma ang patunay na ang pakikipagdigma kay Satanas ay hindi pa natatapos. Tanging kung ang Diyos Mismo ay dumarating at nagdadala ng bagong gawain sa gitna ng tao na ganap na makakalaya ang tao mula sa sakop ni Satanas at makakatamo ng isang bagong buhay at bagong simula. Kung hindi, mamumuhay magpakailanman ang tao sa lumang kapanahunan at mamumuhay magpakailanman sa ilalim ng lumang impluwensiya ni Satanas. … Ang gawain ng Diyos ay ginagawa ng Diyos Mismo. Siya ang nagpapasimulang patakbuhin ang Kanyang gawain, at Siya rin ang tumatapos nito. Siya ang nagplaplano ng gawain, at Siya rin ang namamahala nito, at lalo na, Siya ang nagpapabunga sa gawain. Tulad ito ng nakasaad sa Biblia, “Ako ang Pasimula at ang Katapusan; Ako ang Tagahasik at ang Tagaani.” Ang lahat ng may kaugnayan sa gawain ng Kanyang pamamahala ay ginagawa Niya Mismo. Siya ang Tagapamahala ng anim-na-libong-taong plano sa pamamahala; walang sinuman ang makakagawa ng Kanyang gawain bilang kahalili Niya o magtatapos ng Kanyang gawain, dahil Siya ang may kontrol ng lahat. Dahil nilikha Niya ang mundo, aakayin Niya ang buong mundo na mamuhay sa Kanyang liwanag, at tatapusin Niya ang buong kapanahunan upang dalhin ang lahat ng Kanyang plano sa katuparan!

 

Hinango mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

_________________________________________________

 

Ang kahulugan ng “Ako at ang Ama ay iisa” ay nabunyag. Ang katotohanan ay na ang Panginoong Jesus ay hindi ang Anak ng Diyos bagkus ang nagkatawang-taong Diyos, ang Diyos Mismo.

Write a comment

Comments: 0