Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Matatamo ng Diyos
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago bawa’t araw, pataas nang pataas sa bawa’t hakbang; ang pagbubunyag bukas ay mas mataas pa kaysa sa ngayon, isa-isang hakbang ay umaakyat nang lalo pang mataas. Ganyan ang gawain kung saan ay ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi nakakasabay ang tao, siya ay maaaring maiwan sa anumang sandali. Kung ang tao ay hindi nagtataglay ng masunuring puso, hindi siya makakasunod hanggang katapusan. Ang dating kapanahunan ay nakalipas na; ito ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, ang bagong gawain ay dapat na magawa. Lalung-lalo na sa huling kapanahunan kung saan ang tao ay gagawing perpekto, ang Diyos ay gaganap ng bagong gawain nang lalo pang mas mabilis. Samakatuwid, kung walang pagtalima sa kanyang puso, mahihirapan ang tao na sundan ang mga yapak ng Diyos. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa anumang mga alituntunin, ni itinuturing Niya ang anumang yugto ng Kanyang gawain bilang hindi-nababago. Bagkus, ang gawaing ginagawa Niya ay laging mas bago at laging mas mataas. Ang Kanyang gawain ay nagiging higit na praktikal sa bawa’t hakbang, paayon nang paayon sa tunay na mga pangangailangan ng tao. Pagkatapos lamang na maranasan ng tao ang ganitong uri ng gawain na naaabot niya ang huling pagpapabago ng kanyang disposisyon. Ang kaalaman ng tao sa buhay ay umaabot sa lalo pang mas mataas na mga antas, kaya’t ganoon din ang gawain ng Diyos ay umaabot sa lalo pang mas mataas na mga antas. Sa ganitong paraan lamang na nagagawang perpekto ang tao at nagiging angkop para sa paggamit ng Diyos. Gumagawa ang Diyos sa ganitong paraan sa isang banda upang salungatin at baligtarin ang mga paniwala ng tao, at sa kabila ay upang akayin ang tao tungo sa isang mas mataas at mas makatotohanang katayuan, tungo sa pinakamataas na kinasasaklawan ng paniniwala sa Diyos, upang sa katapusan, ang kalooban ng Diyos ay magagawa. Lahat niyaong mga may kalikasang masuwayin na sadyang sumasalungat ay maiiwan sa likuran ng yugtong ito ng mabilis at mahigpit na sumusulong na gawain ng Diyos; tanging yaong mga bukal-sa-kaloobang sumusunod at nagagalak na nagpapakumbaba ang makakasulong hanggang sa katapusan ng daan. Sa uring ito ng gawain, lahat kayo ay dapat matuto kung paano magpasakop at kung paano isantabi ang inyong mga paniwala. Dapat kayong maging maingat sa bawa’t paghakbang ninyo. Kung pabaya kayo, tiyak na kayo ay magiging isang tinatanggihan ng Banal na Espiritu, isang nanggugulo sa Diyos sa Kanyang gawain. Bago ang pagsailalim sa yugtong ito ng gawain, ang mga lumang alituntunin at batas ng tao ay hindi-mabilang kaya nadala siya, at bilang resulta, naging makasarili siya at nakalimutan ang kanyang sarili. Ang mga ito ay mga sagabal lahat na pumipigil sa tao mula sa pagtanggap sa bagong gawain ng Diyos; ang mga iyon ay nagiging mga katunggali ng pagkakilala ng tao sa Diyos. Kung ang isang tao ay wala ng alinman sa pagkamasunurin sa kanyang puso o pananabik para sa katotohanan, kung gayon siya ay masasadlak sa panganib. Kung ikaw ay nagpapasakop lamang sa gawain at mga salitang payak, at walang kakayahang tumanggap ng anumang may higit na malalim ang pagiging-matindi, kung gayon ikaw ay isa na nananatili sa mga lumang pamamaraan at hindi nakakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay nag-iiba sa bawa’t tagal ng panahon. Kung ikaw ay nagpapakita ng matinding pagkamasunurin sa isang yugto, datapwa’t sa susunod na yugto ay nagpapakita ng kaunti lamang o wala pa nga, kung gayon iiwanan ka ng Diyos. Kung ikaw ay sumasabay sa Diyos sa Kanyang pag-akyat sa hakbang na ito, kung gayon kailangan mong magpatuloy sa pagsabay kapag umakyat Siya sa susunod. Doon ka lamang nagiging isa na masunurin sa Banal na Espiritu. Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manatiling nagpapatuloy sa iyong pagkamasunurin. Hindi ka basta lamang sumusunod kapag gusto mo at sumusuway kapag ayaw. Ang ganitong uri ng pagkamasunurin ay hindi sinasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi ka nakakasabay sa bagong gawain na Aking ibinabahagi at nagpapatuloy sa paghawak sa mga dating kasabihan, kung gayon paano magkakaroon ng pag-unlad sa iyong buhay? Ang gawain ng Diyos ay upang tustusan ka sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Kapag ikaw ay sumusunod at tumatanggap sa Kanyang mga salita, kung gayon tiyak na gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa nang eksakto sa kung paano Ako nagsasalita. Gawin mo kung ano ang Aking nasabi, at ang Banal na Espiritu ay gagawa kaagad sa iyo. Naglalabas Ako ng bagong liwanag para makakita kayo at dalhin kayo tungo sa liwanag ng kasalukuyang panahon. Kapag lumalakad ka tungo sa liwanag na ito, ang Banal na Espiritu ay agad na gagawa sa iyo. Mayroong ilan na maaaring maging matigas-ang-ulo, nagsasabing, “Hindi ko basta isasakatuparan kung ano ang iyong sinasabi.” Kung gayon ay Aking sinasabi sa iyo na nakarating ka na ngayon sa katapusan ng daan, ikaw ay tuyô na, at wala nang buhay. Samakatuwid, sa pagdanas sa pagbabago ng iyong disposisyon, pinakamahalaga ang sumabay sa kasalukuyang liwanag. Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang gumagawa sa ilang mga tao na ginagamit ng Diyos, kundi lalong higit pa sa iglesia. Maaari Siyang gumawa sa kahit kanino. Maaari Siyang gumawa sa iyo para sa kasalukuyan, at kapag nararanasan mo na ito, maaari Siyang susunod na gumawa sa iba pa. Magmadali ka na sumunod; habang mas malapit mong sinusundan ang kasalukuyang liwanag, mas nakakagulang at nakakalago ang iyong buhay. Anumang uri siya ng tao, hangga’t ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa kanya, tiyakin mong sumunod ka. Kuhanin mo ang kanyang mga karanasan sa iyong sarili, at tatanggap ka ng mas mataas pang mga bagay. Sa paggawa ng ganoon ay uunlad ka nang mas mabilis. Ito ang landas ng pagpeperpekto para sa tao at isang paraan kung saan ang buhay ay lumalago. Ang landas patungo sa pagkaperpekto ay naaabot sa pamamagitan ng iyong pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu. Hindi mo alam kung sa pamamagitan ng anong uri ng tao gagawa ang Diyos upang gawin kang perpekto, ni sa pamamagitan ng anong persona, pangyayari, o bagay na bibigyan ka Niya ng kakayahan na pumasok tungo sa pag-aangkin at pagtatamo ng kaunting kabatiran. Kung nakakaya mong lumakad tungo sa tamang landas na ito, nagpapakita ito na mayroong malaking pag-asa na ikaw ay magawang perpekto ng Diyos. Kung hindi mo kaya, nagpapakita ito na ang iyong kinabukasan ay malungkot at walang liwanag. Sa sandaling mapunta ka sa tamang landas, makakatamo ka ng pagbubunyag sa lahat ng mga bagay. Anuman ang maaaring ibunyag ng Banal na Espiritu sa iba, kung ikaw ay susulong batay sa kanilang kaalaman para danasin ang mga bagay-bagay sa iyong sarili, kung gayon ang karanasang ito ay magiging bahagi ng iyong buhay, at makakaya mong tustusan ang iba mula sa karanasang ito. Yaong mga nagtutustos sa iba sa pamamagitan ng pag-uulit ng mga salita ng iba ay mga taong hindi nagkaroon ng anumang mga karanasan; dapat kang matutong humanap, sa pamamagitan ng pagliliwanag at pag-iilaw ng iba, ng daan ng pagsasagawa bago ka makakapagsimulang magsalita tungkol sa iyong sariling tunay na karanasan at kaalaman. Ito ay magiging mas malaking pakinabang para sa iyong sariling buhay. Dapat kang dumanas sa ganitong paraan, sumusunod sa lahat ng nanggagaling sa Diyos. Dapat mong hanapin ang kalooban ng Diyos sa lahat ng mga bagay at pag-aralan ang mga aralin sa lahat ng mga bagay, nang ang iyong buhay ay maaring gumulang at lumago. Ang ganitong uri ng pagsasagawa ay nagdudulot ng pinakamabilis na pag-unlad.
Nililiwanagan ka ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng iyong praktikal na mga karanasan at ginagawa kang perpekto sa pamamagitan ng iyong pananampalataya. Talaga bang handa kang magawang perpekto? Kung talagang handa kang magawang perpekto ng Diyos, kung gayon magkakaroon ka ng lakas-ng-loob na isantabi ang iyong laman, at makakayang isakatuparan ang mga salita ng Diyos at hindi magsasawalang-kibo o mahina. Makakaya mong sundin ang lahat ng nagmumula sa Diyos, at lahat ng iyong mga pagkilos, maging lantaran mang ginagawa o sa pribado, ay magiging karapat-dapat iharap sa Diyos. Kung ikaw ay isang tapat na tao, at nagsasagawa ng katotohanan sa lahat ng mga bagay, kung gayon ikaw ay gagawing perpekto. Yaong mga mapanlinlang na mga tao na kumikilos sa isang paraan sa harap ng iba at sa ibang paraan sa likuran nila ay hindi handang magawang perpekto. Silang lahat ay mga anak ng kapahamakan at pagkawasak; hindi sila kabilang sa Diyos kundi kay Satanas. Hindi sila ang uri ng tao na pinili ng Diyos! Kung ang iyong mga pagkilos at pag-uugali ay hindi naihaharap sa Diyos o natitingnan ng Espiritu ng Diyos, ito ay patunay na mayroong mali sa iyo. Tanging kapag tinatanggap mo ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at nagpapahalaga sa pagbabago ng iyong disposisyon, na makakaya mong mapunta sa landas ng pagkaperpekto. Kung talagang handa kang magawang perpekto ng Diyos at gawin ang kalooban ng Diyos, kung gayon dapat mong sundin ang lahat ng gawain ng Diyos, nang hindi nagbibitaw ng kahit isang salita ng pagdaing, nang hindi nangangahas na timbangin o hatulan ang gawain ng Diyos. Ang mga ito ang pinakamababang kinakailangan para magawang perpekto ng Diyos. Ang mahalagang kinakailangan para sa mga yaon na naghahangad na magawang perpekto ng Diyos ay ito: gawin ang lahat ng mga bagay nang may pusong nagmamahal sa Diyos. Ano ang kahulugan ng “gawin ang mga bagay-bagay nang may pusong nagmamahal sa Diyos”? Ibig sabihin nito na lahat ng iyong mga pagkilos at pag-uugali ay naihaharap sa Diyos. Dahil mayroon kang tamang mga hangarin, ang iyong mga pagkilos man ay tama o mali, hindi ka natatakot na maipakita ang mga iyon sa Diyos o sa iyong mga kapatid; nangangahas kang gumawa ng panata sa harap ng Diyos. Ang iyong bawa’t hangarin, iniisip, at ideya ay maging angkop para masuri sa presensiya ng Diyos: kung ikaw ay nagsasagawa at pumapasok sa ganitong paraan, kung gayon ang pag-unlad sa iyong buhay ay magiging mabilis.
Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manampalataya sa lahat ng mga salita ng Diyos at sa Kanyang buong gawain. Ibig sabihin niyan, yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang sumunod sa Kanya. Kung hindi mo ito nakakayang gawin, kung gayon hindi na mahalaga kung naniniwala ka man sa Diyos. Kung naniniwala ka na sa Diyos sa loob ng maraming taon, at datapwa’t hindi kailanman sumusunod sa Kanya o tinatanggap ang lahat ng Kanyang mga salita, bagkus ay hiningi sa Diyos na magpasakop sa iyo at kumilos ayon sa iyong mga paniwala, kung gayon ikaw ang pinaka-rebelde sa mga tao, at ikaw ay isang hindi-mananampalataya. Paano na ang isang gaya nito ay nakakayang sumunod sa gawain at mga salita ng Diyos na hindi umaayon sa mga paniwala ng tao? Ang pinaka-rebeldeng tao ay siya na sadyang hinahamon at nilalabanan ang Diyos. Siya ay ang kaaway ng Diyos at ang anticristo. Ang gayong tao ay patuloy na nagtataglay ng palabang saloobin tungo sa bagong gawain ng Diyos, hindi kailanman nagpapakita ng pinakamaliit na hangaring magpasakop, at hindi kailanman nagalak na nagpakita ng pagpapasakop o nagpakumbaba. Itinataas niya ang kanyang sarili sa harap ng iba at hindi kailanman nagpapakita ng pagpapasakop sa kaninuman. Sa harap ng Diyos, ipinapalagay niya ang sarili niya na pinakasanáy sa pangangaral ng salita at ang pinakamahusay sa paggawa sa iba. Hindi niya kailanman itinatapon ang mga kayamanang nasa kanya nang pag-aari, kundi itinuturing ang mga iyon bilang mga pamana ng pamilya para sambahin, para ipangaral sa iba ang tungkol dito, at ginagamit ang mga iyon para bigyan ng aral yaong mga hangal na umiidolo sa kanya. Talagang may ilang mga taong ganito sa loob ng iglesia. Nasasabi na sila ay mga “di-nalulupig na mga bayani,” na ang bawa’t lumilipas na mga salinlahi ay nananahan pansamantala sa tahanan ng Diyos. Ipinapalagay nila ang pangangaral ng salita (doktrina) bilang kanilang pinakamataas na tungkulin. Taun-taon at sa paglipas ng bawa’t salinlahi, masigasig nilang ipinatutupad ang kanilang “sakdal at di-malalabag” na tungkulin. Walang sinumang nangangahas na salingin sila at wala kahit isang tao ang nangangahas na lantarang sawayin sila. Sila ay nagiging “mga hari” sa tahanan ng Diyos, nagwawalâ habang tinatakot ang iba sa bawa’t lumilipas na mga kapanahunan. Itong bungkos ng mga demonyo ay naghahangad na magtulung-tulong at gibain ang Aking gawain; paano Ko napapahintulutan itong mga buháy na diyablo na umiral sa harap ng Aking mga mata? Kahit yaong mga may kalahating pagsunod ay hindi nakakalakad hanggang sa katapusan, gaano pa kaya itong mga traydor na wala kahit katiting na pagsunod sa kanilang mga puso! Ang gawain ng Diyos ay hindi madaling natatamo ng tao. Kahit pa ginagamit ng tao ang lahat ng kanyang kalakasan, makakaya lamang niyang matamo ang bahagi lamang at naaabot ang pagka-perpekto sa katapusan. Ano pa kaya para sa mga anak ng arkanghel na naghahangad na wasakin ang gawain ng Diyos? Hindi ba mas maliit pa ang kanilang pag-asa na makamit ng Diyos? Ang Aking layunin sa paggawa ng gawaing panlulupig ay hindi lamang manlupig para lamang makapanlupig, kundi manlupig nang sa gayon ay ibunyag ang pagkamatuwid at di-pagkamatuwid, upang makakuha ng patunay para sa parusa ng tao, para hamakin ang masama, at higit pa, para manlupig para sa kapakanan ng paggagawang perpekto sa mga yaon na kusang-loob na sumusunod. Sa katapusan, ang lahat ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa uri, at ang mga kaisipan at mga ideya ng lahat niyaong mga ginagawang perpekto ay puspos ng pagkamasunurin. Ito ang gawaing magaganap sa katapusan. Nguni’t yaong mga punô ng mapanghimagsik na mga gawi ay parurusahan, ipadadala upang sunugin sa mga apoy at maging layon ng walang-hanggang sumpâ. Kapag dumating ang panahong iyon, yaong mga “dakila at hindi-nalulupig na mga bayani” ng mga nakalipas na kapanahunan ay magiging ang pinakamababa at pinakaiiwasang “lampa at walang-silbing mga duwag.” Ito lamang ang nakapaglalarawan sa bawa’t aspeto ng pagkamatuwid ng Diyos at nagbubunyag ng Kanyang disposisyon na hindi nangungunsinti ng paglabag mula sa tao. Ito lamang ang nakakapagpalubag ng galit sa Aking puso. Hindi ba kayo sumasang-ayon na ito ay lubusang makatuwiran?
Hindi lahat niyaong nakakaranas ng gawain ng Banal na Espiritu ay nakakatamo ng buhay, at hindi lahat ng mga tao sa daloy na ito ay nakakatamo ng buhay. Ang buhay ay hindi isang pag-aari na pare-parehong mayroon ang buong sangkatauhan, at ang pagbabag ng disposisyon ay hindi isang bagay na madaling nakakamit ng lahat. Ang pagpapasakop sa gawain ng Diyos ay dapat na nakikita at dapat na maisabuhay. Ang pagpapasakop sa paimbabaw na antas ay hindi nakakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos, at ang pagsunod lamang sa mababaw na mga aspeto ng salita ng Diyos, nang hindi hinahangad ang pagbabago ng disposisyon ng isang tao, ay hindi nakakalugod sa puso ng Diyos. Ang pagsunod sa Diyos at pagpapasakop sa gawain ng Diyos ay iisa at magkapareho. Yaong mga nagpapasakop lamang sa Diyos nguni’t hindi sa Kanyang gawain ay hindi naituturing na masunurin, lalo na yaong mga hindi tunay na nagpapasakop kundi mga sipsip lamang sa panlabas. Yaong mga tunay na nagpapasakop sa Diyos ay kayang lahat na magtamo mula sa gawain at magkamit ng pagkaunawa tungkol sa disposisyon at gawain ng Diyos. Ang gayong mga tao lamang ang talagang nagpapasakop sa Diyos. Ang gayong mga tao ay kayang magtamo ng bagong kaalaman mula sa bagong gawain at makaranas ng bagong mga pagbabago mula roon. Ang gayong mga tao lamang ang mayroong pagsang-ayon ng Diyos; ang ganitong uri lamang ng tao ang siyang ginagawang perpekto, siyang napapasailalim sa pagbabago ng kanyang disposisyon. Yaong mga tumatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos ay yaong mga nagagalak na nagpapasakop sa Diyos, gayundin sa Kanyang salita at gawain. Ang ganitong uri lamang ng tao ang nasa tama; ang ganitong uri lamang ng tao ang taos-pusong nagnanais sa Diyos, at taos-pusong naghahanap sa Diyos. Para naman sa mga yaon na nagsasalita lamang tungkol sa kanilang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga bibig nguni’t sa katunayan ay sinusumpa Siya, sila ay mga taong nagmamaskara, na may taglay na lason ng mga ahas, ang pinaka-taksil sa mga tao. Malao’t madali, itong mga manloloko ay matatanggalan ng kanilang karima-rimarim na mga maskara. Hindi ba iyan ang gawaing ginagawa ngayon? Ang masasamang tao ay laging magiging masama at hindi kailanman makakatakas sa araw ng pagpaparusa. Ang mabubuting tao ay laging magiging mabuti at ibubunyag kapag dumating na sa katapusan ang gawain. Walang kahit isang masama ang ituturing na matuwid, ni ang sinuman sa mga matuwid ay ituturing na masama. Mapapayagan Ko ba ang sinumang tao na maakusahan nang mali?
Habang umuunlad ang iyong buhay, dapat kang laging magkaroon ng bagong pagpasok at ng bago at mas mataas na kabatiran, na lumalalim sa bawa’t paghakbang. Ito ang dapat na pasukin ng buong sangkatauhan. Sa pamamagitan ng pagtatalastasan, pakikinig sa isang mensahe, pagbabasa ng salita ng Diyos, o pagtangan sa isang usapin, magtatamo ka ng bagong kabatiran at bagong pagliliwanag. At hindi ka namumuhay sa loob ng mga alituntunin ng nakaraan at mga panahong nakaraan. Lagi kang namumuhay sa loob ng bagong liwanag, at hindi humihiwalay mula sa salita ng Diyos. Ito ang tinatawag na pagpunta sa tamang landas. Hindi maaari ang basta magbayad ng halaga sa paimbabaw na antas. Sa bawa’t paglipas ng araw, ang salita ng Diyos ay pumapasok sa isang mas mataas na kinasasaklawan, at lumilitaw ang mga bagong bagay araw-araw. Kailangan din para sa tao na gumawa ng bagong pagpasok araw-araw. Habang nagsasalita ang Diyos, Kanyang dinadala sa katuparan ang lahat ng Kanyang nasasabi; kung hindi ka nakakasabay, kung gayon ikaw ay naiiwan. Ang iyong mga panalangin ay dapat na tumagos nang mas malalim; dapat kang mas kumain pa at uminom sa salita ng Diyos, palalimin ang mga pagbubunyag na iyong tinatanggap, at bawasan yaong mga bagay-bagay na negatibo. Dapat mo ring palakasin ang iyong paghatol nang sa gayon ay makakaya mong magtamo ng kabatiran sa mga bagay-bagay, at sa pamamagitan ng pag-unawa roon sa nasa espiritu, magtamo ng kabatiran sa panlabas na mga bagay-bagay at matarok ang ubod ng anumang usapin. Kung wala kang sangkap na ganitong mga bagay, paano mo makakayang pangunahan ang iglesia? Kung nagsasalita ka lamang tungkol sa mga sulat at mga doktrina nang walang anumang realidad at walang daan ng pagsasagawa, makakaraos ka lamang sa loob ng maikling panahon. Maaaring bahagya lamang itong katanggap-tanggap kapag nagsasalita sa bagong mga mananampalataya, nguni’t pagkalipas ng sandaling panahon, kapag ang mga bagong mananampalataya ay nagkaroon ng kaunting tunay na karanasan, hindi mo na makakayang tustusan sila. Paano ka na ngayon magagamit ng Diyos? Kung walang bagong pagliliwanag, hindi ka makakagawa. Yaong mga walang bagong pagliliwanag ay yaong hindi nakakaalam kung paano ang dumanas, at ang gayong mga tao ay hindi kailanman nagtatamo ng bagong kaalaman o bagong karanasan. At, sa usapin ng pagtutustos ng buhay, hindi nila kailanman nagagampanan ang kanilang tungkulin, ni nagiging angkop sila sa paggamit ng Diyos. Ang ganitong uri ng tao ay walang silbi, nagsásayáng lamang. Sa totoo lamang, ang gayong mga tao ay lubusang walang kakayanang gampanan ang kanilang tungkulin sa gawain at walang-silbi lahat. Hindi lamang sa hindi nila nagagampanan ang kanilang tungkulin, kundi talagang nagpapabigat sila sa iglesia. Pinapayuhan Ko itong mga “kagalang-galang na matatanda” na magmadaling iwanan ang iglesia nang sa gayon ay hindi na kayo kailangang tingnan ng iba. Ang gayong mga tao ay walang pagkaunawa tungkol sa bagong gawain kundi puno ng walang-katapusang mga paniwala. Sila ay walang anupamang silbi sa iglesia; sa halip, sila’y gumagawa ng kabulastugan at nagkakalat ng pagka-negatibo kung saan-saan, kahit hanggang sa punto ng pagsangkap sa lahat ng uri ng maling-asal at panggugulo sa iglesia, at sa gayon ay isinusuong yaong mga kulang sa kabatiran tungo sa pagkalito at kawalang-kaayusan. Itong mga buháy na diyablo, itong masasamang espiritu ay dapat umalis sa iglesia sa lalong madaling panahon, kung hindi, ang iglesia ay masisira nang dahil sa iyo. Maaaring hindi mo kinatatakutan ang gawain sa ngayon, nguni’t hindi mo ba kinatatakutan ang matuwid na pagpaparusa sa hinaharap? Mayroong malaking bilang ng mga tao sa iglesia na mga pabigat, gayundin ang malaking bilang ng mga lobo na naghahangad na guluhin ang normal na gawain ng Diyos. Ang mga bagay na ito ay mga demonyong lahat na ipinadala ng Diyablo, masasamang mga lobo na naghahangad na silain ang mga walang-malay na tupa. Kung hindi itinitiwalag ang tinutukoy na mga taong ito, sila ay nagiging mga linta sa iglesia at mga gamu-gamong lumalamon ng mga kaloob. Itong mga walang-kwenta, mangmang, hamak, at karima-rimarim na mga uod ay mapaparusahan isang araw!