· 

Ang Tunay na Pagdalo sa Piging ay Pagpapailalim sa Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw at Mapadalisay

Ang paghatol ng Diyos ay paghatol sa pamamagitan ng katotohanan at mararanasan at matatamasa lamang ito sa loob ng tahanan ng Diyos. Hindi ito matatamo sa sanlibutan. Hindi ba ito natatanging pagtataas ng Diyos? (Oo). Pinahihintulutan tayo ng Diyos na dumalo sa piging—anong piging iyon? Iyon ay ang mapadalisay sa pamamagitan ng paghatol, at sa huli ay matamo ang katotohanan sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ni Cristo. Napakahalaga ng piging na ito. Anong mga salita ang natutupad kapag natatamo ng mga tao ang katotohanan? Ginagamit ng Diyos ang katotohanan para gawing perpekto ang mga tao, upang maging buhay nila ito at maipamuhay nila ang wangis ng katotohanan—ito ang resultang natatamo sa pagdalo sa piging, at ito ang kalooban ng Diyos. Sa tingin, ang mga salita ng paghatol ay mukhang pagsumpa, ngunit ang totoo ay nagpapadalisay at nagpeperpekto ang mga ito. Mabanggit lamang ang paghatol ay nagtatakbuhan na ang mga taong hindi nagmamahal sa katotohanan samantalang ang mga taong naghahanap sa katotohanan ay masunurin. “Kung ako ay hinahatulan, wala akong magagawa, at susunod din ako kung ako ay pupungusin at parurusahan. Paano man ako tratuhin, ayos lang; tatanggapin ko ang anumang isinasaayos ng Diyos.” Sa simula ay napakahirap nito, ngunit pagkatapos ng isang yugto ng pagdurusa, sinasabi ng mga tao: “Bakit napakaganda ng pakiramdam ko? Paano nangyari na talagang nagbago na ako nang kaunti? Paano nangyari na nagbago rin ang aking pananaw sa mga bagay-bagay at naging mas malapit ako sa Diyos? Paano nangyari na nauunawaan ko na ngayon ang ilang katotohanan? Ah, ito pala ang ibig sabihin ng pagdalo sa piging. Sa pamamagitan ng pait ay dumarating ang tamis, at natikman ko na ang tamis. Lumalabas na hindi naman pala talaga masamang dumalo sa piging. Ngayon alam ko nang ang magandang layunin ng Diyos ay gawing perpekto ang mga tao. Sa tingin, iyon ang pagsumpa, paghatol, at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos na dumarating sa atin, ngunit ang resulta sa huli ay pawang pagdalisay at pagperpekto.” Ngayo’y nauunawaan mo na kung ano ang paghatol, ano ang katotohanan, at ano ang pagdalo sa piging, tama ba?

 

mula sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (Serye 103)

 

May ilang tao na dalawampu o tatlumpung taon nang dumadalo sa piging na ito, at ang ilan ay ilang taon nang dumadalo rito. Hindi ba sila umani ng marami? Naging sagana ang ani; napakarami nilang natamo! Masasabi mo na tinulutan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos na maunawaan ng mga tao ang maraming katotohanan at hiwaga. Ang isa pa ay na tunay na naghatid ng bunga ng pagdadalisay ang mga salita ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga tao at unti-unti silang nagawang perpekto. Ano ang tinutukoy ng “bunga ng pagdadalisay?” Ang satanikong mga pilosopiya, kautusan, lohika, at lahat ng uri ng lason na umiiral sa kalooban ng mga tao ay nalinis muna at nalalaman nila ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan gayundin ang kanilang likas na satanikong pagkatao at diwa. Napakaepektibo nito sa pagpasok ng mga tao sa buhay at pagbabago sa kanilang disposisyon. At ang pinakamahalaga ay nagkakaroon sila ng iba-ibang tindi ng pagpipitagan sa kanilang puso para sa Diyos dahil natikman na nila ang katuwiran ng Diyos na nahayag sa paghatol na Kanyang isinagawa. Dahil may tunay na pagpipitagan sila sa Diyos, kaya nilang layuan ang lahat ng uri ng kasamaan at hindi na sila nangangahas na magkasala sa salita o gumawa ng anupamang karahasan. Maging ang kanilang mga pag-iisip at layunin ay lubha nang nalinis. Dati-rati lubhang karaniwan sa kanila ang lumaban sa Diyos at husgahan Siya, ngunit ngayo’y hindi na sila nangangahas na manghusga o magngangawa kung hindi nila lubos na nauunawaan ang isang bagay. Bukod pa riyan, hindi sila nangangahas na mag-isip ng maluluhong hangarin gaya ng mga pagpapala, kaharian ng langit, maputungan ng korona, o mga gantimpala. Hindi sila nangangahas na maghangad ng mga bagay na iyon, nadarama na walang kabuluhan ang matamo ang mga iyon. Nagsisimula silang lahat na magtuon sa paghahanap sa katotohanan, paglago sa kanilang buhay, pagkilala sa Diyos, at pagbabago ng kanilang disposisyon. Nagtutuon sila sa pagganap sa kanilang tungkulin na katanggap-tanggap para suklian ang pag-ibig ng Diyos. Hindi ba iyon ang proseso ng pagdadalisay? Ito rin ang resultang nakakamtan mula sa pagdadalisay. Hindi ba ang ganitong uri ng pagpasok sa buhay at ganitong mga uri ng tunay na pagbabago ang bunga ng gawain ng paghatol ng Diyos? Kapag mas marami kang napagdaraanang paghatol ng Diyos, mas marami kang matatamo. Kapag mas malinaw mong nauunawaan ang katotohanan, mas magbabago ka. Kung sumasailalim ka nang kaunti sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, aani ka rin ng kaunti at magbabago nang kaunti; ang mga katotohanang nauunawaan mo ay tiyak na magiging mababaw. Totoo iyan. Sa mga taong hinirang ng Diyos, lahat ng nakakaunawa sa katotohanan at pumapasok sa realidad, na ang masasamang disposisyon ay nalinis nang masyado sa pangkalahatan ay bihirang-bihirang lumaban sa Diyos o manghusga sa Kanya. Kahit hindi sapat ang kanilang pagsunod at pagmamahal sa Diyos, sa kaibuturan ng kanilang puso ay nadarama na nila na kaibig-ibig ang Diyos at nakita na nila kung ano ang tunay na pagsunod sa Kanya. Dahil dito, patuloy na lumalalim ang kanilang pagpasok sa buhay. Mas lalong nababawasan ang kanilang kasamaan, mas lalo nilang sinusunod ang Diyos, at mas lalong lumalago ang kanilang pagmamahal sa Diyos dahil sa paghatol at pagkastigo ng Diyos. Hindi ba napadalisay na ang ganitong mga tao? (Oo nga.) Sila ay mga taong may lugar sa kaharian ng langit.

 

mula sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (Serye 103)

 

________________________________

 

Hindi tinutukoy ng Diyos kung tayo ay mabuti o masama ayon sa kung paano ang ating panlabas na pag-uugali, at kung gaano karami ang ating tinalikuran, ginugol, at tiniis para sa Diyos, ngunit naaayon sa kung tayo ba ay nagtataguyod ng katotohanan. Ito ang tunay na kahulugan ng "hindi lahat ng tumatawag sa Panginoon ay maliligtas" na sinabi ng Panginoong Jesus.

 

 

 

 Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

 

Write a comment

Comments: 0