· 

Ang Daan patungo sa Kadalisayan

 

Ni Christopher, Pilipinas

 

Ang pangalan ko ay Christopher, at isa akong pastor sa isang simbahan sa Pilipinas. Noong 1987, ako ay nabinyagan at nanalig sa Panginoong Jesus at dahil sa biyaya ng Panginoon, noong 1996 naging pastor ako sa lokal na simbahan. Noong panahong iyan, hindi lamang ako nagpagal at nangaral sa maraming lugar sa iba’t ibang dako ng Pilipinas, ngunit nangaral din ako sa mga lugar na gaya ng Hongkong at Malaysia. Sa pamamagitan ng gawain at patnubay ng Banal na Espiritu, nadama ko na hindi ako napapagod sa aking gawain para sa Panginoon at walang katapusan ang inspirasyon para sa aking mga sermon. Madalas akong magbigay ng suporta sa mga kapatid na lalaki at babae na nakadarama ng negatibo at panghihina. Kung minsan kapag masungit sa akin ang mga hindi mananampalatayang miyembro ng kanilang pamilya, nagagawa ko pa ring magpasensya at magtiyaga; hindi nawala ang pananampalataya ko sa Panginoon at naniwalang mababago sila ng Panginoon. Dahil dito, naramdaman kong tila malaki ang ipinagbago ko mula noong naging mananampalataya ako. Gayunpaman, simula noong 2011, hindi ko na maramdaman ang gawain ng Banal na Espiritu na kasinlakas ng dati. Unti-unting naglaho sa akin ang bagong kaliwanagan para sa aking mga sermon at walang lakas na makahulagpos mula sa buhay na makasalanan. Hindi ko mapigilang hindi magalit sa aking asawa at anak na babae kapag nakita kong ginagawa nila ang mga bagay na hindi ko gusto at galit na pinagsasabihan sila. Alam ko na hindi ito pagsunod sa kalooban ng Panginoon, ngunit kadalasan hindi ko mapigilan ang aking sarili. Ito ang lalo pang nagpalungkot sa akin. Upang mapalaya ang aking sarili sa buhay na makasalanan at pagkatapos ay magtapat, mas lalo kong pinagtuunan ang pagbabasa ng Biblia, pag-aayuno at pagdarasal, at naghanap saanman ng mga espirituwal na pastor para magkasama kaming maghahanap at magsasaliksik. Ngunit nawalang-saysay ang lahat ng aking pagsisikap; walang nabago sa aking makasalanang buhay at sa kadiliman na nasa kaibuturan ng aking kaluluwa.

 

Pagkatapos isang gabi noong tagsibol ng 2016, itinanong ng asawa ko, “Christopher, napansin ko na talagang balisa ka nitong mga huling araw. Ano ba ang iniisip mo?” Sinabi ko sa kanya ang bumabalisa sa akin, “Iniisip ko kung bakit hindi ako makahulagpos sa buhay na makasalanan nitong nakalipas na ilang taon sa kabila ng pagiging pastor ko at pananalig sa Panginoon nang maraming taon. Hindi ko na maramdaman ang Panginoon—para bang pinabayaan na Niya ako. Bagama’t pumupunta ako sa iba’t ibang lugar para mangaral, sa sandaling nag-iisa na lang ako, lalo na kapag malalim na ang gabi, palagi akong nakadarama ng kahungkagan at pagkabalisa, at lalo pang tumitindi ang nararamdaman kong ito. Pinag-isipan ko kung paano ako naniwala sa Panginoon sa lahat ng taong ito, binasa ko nang husto ang Biblia, nakinig ako sa napakaraming sermon ng Panginoon, at madalas na ipinapasiya ko na pasanin ang krus at lupigin ang aking sarili, ngunit palagi akong nagagapos ng kasalanan. Nagagawa kong magsabi ng mga kasinungalingan para maprotektahan ang pansarili kong interes at hindi mapahiya, at nabigo akong sundin ang ‘At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan’ (Pahayag 14:5). Kapag dumaranas ng mga paghihirap at pagpipino, bagama’t nalalaman kong nangyayari ang mga ito sa pahintulot ng Panginoon, hindi ko mapigilan ang aking sarili na magreklamo tungkol sa Panginoon at magkamali sa pagkaunawa sa Kanya. Lubos akong nabigo na kusang supilin ang aking sarili. Natakot ako na sa pamumuhay sa kasalanan sa ganitong paraan, kapag dumating ang Panginoon, ay hindi ako makakapasok sa kaharian ng langit!”

 

Nang marinig ito, sinabi ng asawa ko, “Christopher, paano mo maiisip iyan? Kailangang manampalataya ka; ikaw ay isang pastor! Bagama’t nabubuhay tayo sa kasalanan at hindi makahulagpos mula sa mga gapos ng kasalanan, sinasabi sa Biblia, ‘Sapagka’t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka’ (Roma 10:9). ‘Sapagka’t, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas’ (Roma 10:13). Hangga’t patuloy nating binabasa ang Biblia, dumadalo sa mga pagtitipon, nagdarasal sa Panginoon, at pinapasan natin ang krus, hindi nagkakamali sa pagsunod sa Kanya hanggang sa ikalawang pagparito ng Panginoon, makakapasok tayo sa kaharian ng langit at makatatanggap ng pagpapala ng Panginoon.”

 

Sinabi ko naman sa asawa ko, “Ganyan nga ang naisip ko noon, ngunit sa 1 Pedro 1:16 sinasabi rito: ‘Sapagka’t nasusulat, Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal.’ Naniwala ako sa Panginoon sa loob ng tatlumpung taon, subalit hindi pa rin ako makakasunod sa paraan ng Panginoon at, namumuhay sa kasalanan, nagagawa ko pa ring suwayin nang madalas ang Panginoon. Hindi ko matugunan kahit bahagya man ang hinihingi ng Panginoon. Ahh! Ilang beses kong pinagpasiyahang sundin ang mga turo ng Panginoon, pero hindi ko naisagawa ang Kanyang mga salita. Paano ako magiging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit sa ganitong paraan? Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit’ (Mateo 7:21). Ayon sa mga salita ng Panginoon, ang pagpasok sa kaharian ng langit ay hindi madali gaya ng iniisip natin. Ang Panginoon ay banal, kaya paano madadala sa kaharian ng langit ang mga taong hindi kayang isagawa ang Kanyang salita at kadalasang sumusuway sa Kanya? Tanging ang mga taong nagbago at gumagawa ng kalooban ng Diyos ang makakapasok sa kaharian ng langit!”

 

Saglit na nag-isip ang aking asawa at sinabing, “Makatwiran ang sinabi mo. Banal ang Panginoon at makasalanan pa rin tayo. Hindi tayo karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng Diyos. Kaya lang … bigla kong naalala …hindi ba’t inanyayahan ni Pastor Liu ang isang Koreano na si Pastor Kim sa simbahan? Ano kaya kung magtanong tayo tungkol sa bagay na ito?” Sinabi ko: “Oo, sige, magandang ideya ‘yan. Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan’ (Mateo 7:7). Hangga’t naghahanap tayo, naniniwala ako na aakayin tayo ng Panginoon. Bilang isang pastor, kailangang isaalang-alang ko ang mga buhay ng ating mga kapatid na lalaki at babae. Kung hindi ko pahahalagahan ang aking pananampalataya, ipapahamak ko sila pati na ang aking sarili. Hintayin nating dumating si Pastor Kim at magtanong tayo sa kanya tungkol sa bagay na ito.”

 

Dahil balak kong magtanong kay Pastor Kim, gusto kong malaman nang kaunti ang tungkol sa kanyang pagkatao. Nagsaliksik ako online tungkol sa Korean na simbahan na inaniban niya. Sa mga page na lumitaw, nakita ko ang website na https://www.holyspiritspeaks.org. Nang buksan ko ito, naantig ako ng mga salitang ito: “Ang tao ay nakatanggap ng labis na biyaya, tulad ng kapayapaan at kasiyahan ng laman, ang pagpapala ng buong pamilya dahil sa pananampalataya ng isa, at ang pagpapagaling ng mga sakit, at iba pa. Ang natitira ay ang mga mabuting gawa ng tao at kanilang maka-Diyos na itsura; kung ang tao ay maaaring mabuhay batay sa ganito, siya ay itinuring na isang mabuting mananampalataya. Ang mga mananampalatayang tulad lamang nito ang maaaring pumasok sa langit pagkamatay, na nangangahulugan na sila ay nailigtas. Ngunit, sa kanilang buong buhay, hindi nila lubos na naunawaan kahit kailan ang daan ng buhay. Ang ginawa lamang nila ay gumawa ng mga kasalanan at pagkatapos ay ikumpisal ang kanilang mga kasalanan nang paulit-ulit nang walang anumang paraan para mabago ang kanilang disposisyon; ganyan ang kalagayan ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang tao ba ay nakatanggap ng ganap na kaligtasan? Hindi!” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nakakapukaw ang sinasabi rito kaya talagang kailangang basahin ko pa ito: “Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ay para padalisayin ang tao sa pamamagitan ng salita at sa gayo’y bigyan siya ng isang landas na susundan. Ang yugtong ito ay hindi magiging mabunga o makahulugan kung nagpatuloy ito sa pagpapalayas ng mga demonyo, sapagkat ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi maiwawaksi at ang tao ay hihinto lamang sa pagpapatawad ng mga kasalanan. Sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagkat ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Ngunit ang tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob nila at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos; at hindi pa nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawaing ginagamit ng Diyos ang salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ng tao at hinihingi sa tao na magsagawa alinsunod sa tamang landas. Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagbibigay-buhay sa tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang pagbabasa nito ay lubos na nagpasaya sa akin. Bagama’t hindi ko lubos na naunawaan ito at napapaisip ako sa ilan sa mga ito, nakakita ako ng bahagyang pag-asa sa mga salitang ito. Nadama ko na makakahanap ako sa loob nito ng paraan para madalisay at mabago ang aking sarili. Nagpasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso dahil pinakinggan Niya ang aking panalangin. Habang patuloy akong nagbabasa, nadama ko na talagang kamangha-manghang mga salita ito na dumilig at umakay sa aking nauuhaw na kaluluwa. Nakita ko ito sa website: “Kung hindi mo mahahanap ang Gospel Hotline sa iyong bansa o rehiyon, mangyaring mag-iwan sa amin ng mensahe at kokontakin ka namin sa lalong madaling panahon.” Agad akong naghanap at walang nakitang hotline para sa Pilipinas, kaya nag-iwan ako agad ng mensahe, at isinulat nang walang pag-aalangan ang aking contact number at email address.

 

Pagkauwi ko sa bahay nang gabing iyon, sinabi ko sa asawa ko ang tungkol dito at matapos marinig ang kinakailangan kong sabihin, handa rin siyang magsaliksik. Talagang pinasalamatan ko ang Panginoon na sinagot nila ang aking mensahe kinabukasan at nakipagsundo na kokontakin kami online sa mismong hapon ding iyon. Nang hapong iyon, kinausap namin si Sister Liu at Sister Su. Mula sa pag-uusap na iyan, naramdaman kong simple, mahusay at may pananaw ang pagsasalita nila. Naging mas interesado pa kaysa sa akin ang asawa ko at sinabing, “Puwede ba akong magtanong?” Masaya nilang sinabi, “Sige po.” Sinabi ng asawa ko, “Sa website ng inyong simbahan sinasabi roon, ‘Ang Diyos ng mga huling araw ay gumawa ng isang yugto ng gawain ng paghatol at pagkastigo.’ Alam naming mag-asawa na walang makasalanang tao ang makakakita sa Panginoon dahil Siya ay banal, ngunit sinasabi sa Mga Taga-Roma, ‘Sapagka’t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka’ (Roma 10:9). ‘Sapagka’t, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas’ (Roma 10:13). Kung naniniwala tayo sa Panginoong Jesus samakatwid ligtas na tayo at makakapasok sa kaharian ng langit, kaya bakit gumagawa ang Diyos ng mga huling araw ng isang yugto ng gawain ng paghatol at pagkastigo? Nalalabuan talaga ako tungkol dito at umaasa ako na marinig ang inyong paliwanag.”

 

Sumagot si Sister Liu, “Salamat sa Diyos! Magbahaginan tayo at tulutan natin na mapatnubayan tayo ng Diyos. Alamin muna natin ang ibig sabihin dito ng ‘pagiging ligtas.’ Sa huling bahagi ng Kapanahunan ng Kautusan, lahat ng tao ay lumayo sa Diyos at wala nang pusong may takot sa Diyos. Mas lalo pa silang naging makasalanan at nagmalabis sa puntong ang inalay na nila ay mga bulag, lumpo at may sakit na hayop at mga ibon bilang sakripisyo. Ang mga tao ng panahong iyan ay hindi na sumusunod sa kautusan at lahat sila ay nanganganib na maparusahan ng kamatayan dahil sa paglabag sa kautusan. Sa sitwasyong iyan, upang mailigtas ang yaong mga namumuhay sa ilalim ng kautusan mula sa tiyak na kamatayan, ang Diyos Mismo ay naging katawang-tao at isinakatuparan ang gawain ng pagtubos, at sa huli ay ipinako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan mula sa kasalanan. Maaaring mapatawad ang mga tao sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala sa Panginoong Jesus, upang sa gayon ay maging karapat-dapat na dumulog at manalangin sa harapan ng Diyos at tamasahin ang biyaya at mga pagpapala ng Diyos. Ito ang tunay na kahulugan ng ‘pagiging ligtas’ sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa madaling salita, ang ‘pagiging ligtas’ ay wala nang iba kundi ang mapatawad ang mga kasalanan ng tao. Dahil dito, hindi na itinuturing ng Diyos ang mga tao na marumi dahil sa kasalanan, ngunit hindi iyan nangangahulugan na hindi sila likas na makasalanan. Samakatwid, ang pagiging ligtas ay hindi nangangahulugang lubos na tayong dalisay at nakamtan ang ganap na pagliligtas. Kung gusto nating maging dalisay, kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw.”

 

Pagkatapos marinig ang pagbabahagi nila ay saka pa lamang namin naunawaang mag-asawa na ang “pagiging ligtas,” tulad ng binanggit sa Sulat sa Mga Taga-Roma, ay tumutukoy sa pagtanggap sa pagliligtas ng Panginoong Jesus at hindi na parurusahan pa ng kamatayan dahil sa paglabag sa kautusan. Hindi ito ang “pagiging ligtas” na inisip namin, na pagiging lubos na dalisay. Makabuluhan ang sinabi nila. Ang paliwanag na iyon tungkol sa “pagiging ligtas” ay nauugnay sa ating sitwasyon na nabubuhay sa kalagayang nakagagawa ng mga kasalanan at pagkatapos ay ipinagtatapat ang mga kasalanang iyon. Kaya nga, ang ginawa lamang ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos, hindi ang gawain ng lubos na pagdadalisay at pagliligtas ng tao. Bagama’t kapag naniniwala ang mga tao sa Panginoon sila ay naliligtas, hindi ibig sabihin nito na sila ay lubos nang dalisay. Habang nakikinig ako sa ibinabahagi nila, nadama ko na mayroong katotohanan na dapat hanapin sa loob nito, kaya ipinahayag ko ang aking kagustuhan na magpatuloy. Sinabi ko, “Salamat sa Panginoon! Maganda ang sinasabi ninyo. Mula sa ibinahagi ninyo sa amin ngayon naunawaan namin ang tunay na kahulugan ng ‘pagiging ligtas.’ Mangyaring ituloy lamang ninyo ang pagbabahagi sa amin, at nawa’y patnubayan tayo ng Panginoon.” Nagpatuloy si Sister Su sa pagsasabing, “Sige, basahin natin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos at magiging mas malinaw ang lahat ng ito. Sinabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng lahat ng naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay pinawalang-sala sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangan pang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa’ (“Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). ‘Ang tao ay gumaling sa kanyang sakit at pinatawad sa kanyang mga kasalanan, ngunit ang gawain ng kung paano maiwawaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon sa loob ng tao ay hindi nagawa sa kanya. Ang tao ay nailigtas lamang at napatawad sa kanyang mga kasalanan dahil sa kanyang pananampalataya, ngunit ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi naalis at nanatili pa rin sa kanyang kalooban. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang tao ay walang kasalanan sa kalooban niya. Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ngunit hindi magagawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang maaaring magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan’ (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). ‘Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay’ (Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Makikita natin mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na kung sumusunod tayo sa gawain ng pagtubos ng Diyos mula sa Kapanahunan ng Biyaya at hindi tinatanggap ang Kanyang gawain ng paghatol ng mga huling araw, kung gayon hindi malulutas ang ugat ng pagiging makasalanan natin. Dumating na ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw at isinasakatuparan ang isang hakbang ng gawain sa pundasyon ng gawain ng pagtubos, hinahatulan at dinadalisay ang tao. Nangungusap Siya ng mga katotohanan para ihayag ang katotohanan ng katiwalian ng tao, hinahatulan ang malademonyong kalikasan ng tao. Dumating Siya upang baguhin ang malademonyong disposiyon ng mga tao, upang lubusan silang palayain mula sa impluwensya ni Satanas para matamo nila ang lubos na pagliligtas. Tiyak na ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ang pinakamahalaga at pangunahing gawain para sa pagdadalisay, pagliligtas, at pagperpekto ng mga tao. Samakatwid, sa pagtanggap lamang sa gawin ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw tayo magkakaroon ng tunay na pagkaunawa tungkol sa ating sariling tiwaling diwa at sa matuwid na disposisyon ng Diyos, lubos na makakahulagpos mula sa impluwensya ni Satanas, lubos na mailigtas ng Diyos at maging mga taong sumusunod, sumasamba at nakaayon sa Diyos.”

 

Talagang naliwanagan ang aking puso sa pakikinig sa lahat ng ibinahaging ito, at nadama ko na tila nalutas sa wakas ang matagal nang bumabagabag sa akin. Pinatutunayan nito na isinakatuparan lamang ng Diyos ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi ang gawain ng pag-aalis sa mga tao ng kanilang tiwali at masamang disposisyon. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa paghahayag ng katotohanan sa pamamagitan ng Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay ang lubos na pagkadalisay at pagliligtas sa sangkatauhan. Kaya paano talaga sila dinadalisay, binabago, at lubos na inililigtas ng Diyos? Interesado akong malaman ang sagot sa tanong na ito, kaya kaagad kong sinabi, “Naunawaan ko ang sinabi ninyo, at nalaman ko na ngayon na matatamo lamang natin ang pagkadalisay sa pamamagitan ng nagbalik na Panginoon na isinasakatuparan ang hakbang ng gawain ng paghatol. Ito ang matagal ko nang gustong malaman. Ang gusto ko namang malaman ngayon ay kung paano ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol upang dalisayin at iligtas ang mga tao? Mangyaring ibahagi ninyo ang inyong nalalaman.”

 

Nagpatuloy si Sister Su, “Ang tanong kung paano ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol upang linisin at iligtas ang mga tao ay napakahalaga sa sinumang nagnanais na matamo ang pagbabago at pagkadalisay. Lalong nilinaw sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang tungkol sa aspetong ito ng katotohanan. Ipapadala ko sa iyo ang mga ito, Kapatid, pakibasa mo ang mga ito!”

 

Nang natutuwa, binasa ko nang malakas ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

 

Matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, patuloy na nagbahagi si Sister Su, “Napakalinaw na ipinapaliwanag sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos kung paano hinahatulan at dinadalisay ng Diyos ang mga tao. Una sa lahat inilalahad ng Diyos sa mga huling araw ang mga katotohanan sa pagtukoy sa tiwaling disposisyon ng tao at masamang kalikasan ng pagsuway sa Diyos upang mahatulan, madalisay, at mailigtas ang sangkatauhan. Naglahad ang Makapangyarihang Diyos ng napakaraming aspeto ng mga katotohanan—kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, kung paano inililigtas ng Diyos ang mga tao, ano ang mapapala sa pagsunod lamang sa tao at ano ang kabutihan ng pagsunod sa Diyos, anong mga pananaw ang dapat mayroon tayo sa ating pananampalataya, ano ang pagbabago sa disposisyon, ano ang kahulugan ng takot sa Diyos at paglayo sa masama, ano ang pagkakasala sa disposisyon ng Diyos, paano maging matapat na tao, atbp. Ang mga katotohanang ito ay pawang nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan, at makakapaglaan sa mga tao ng lakas para sa kanilang buhay. Ang mga ito ay landas patungo sa buhay na walang hanggan na ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan. Habang tinatanggap at isinasagawa ng mga tao ang salita ng Diyos, matatamo nila ang pagkadalisay at pagliligtas. Matapos sumailalim ng ilang taon sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos personal naming naranasan ang lahat ng ito. Nang mabasa namin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa paghatol, pagkastigo, at paglalantad sa tao, nadama namin na ang mga ito ay parang isang espada na may dalawang talim, inihahayag ang aming pagiging-mapanghimagsik, katiwalian, pagsuway, maling mga hangarin, mga pagkaunawa at mga imahinasyon at maging ang mga lason ni Satanas na nakatago sa kaibuturan ng aming mga puso. Ipinakikita nito na talagang ginawang tiwali kami nang husto ni Satanas at napuno kami ng mga malademonyong disposisyon tulad ng pagiging mayabang at mapagmagaling, buktot at tuso, makasarili, masama at bulag sa lahat maliban sa aming sariling mga interes, nang walang takot sa Diyos. Nakita namin na napuno kami ng karumihan at katiwalian sa aming mga kilos, mga puso, at mga isipan, nang walang anumang kawangis ng tao. Nakadarama kami ng sobrang kahihiyan na ipakita ang aming mga mukha at natatanto na kung patuloy kaming mamuhay sa aming tiwali at masamang mga disposisyon, mananatili kaming mga tao na namumuhi sa Diyos, hindi kami kailanman makatatanggap ng papuri ng Diyos at ang kahahantungan namin ay pag-aalis at kaparusahan. Dahil sa paghatol at mga pahayag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos nakikilala namin ang maringal, poot at matuwid na disposisyon ng Diyos at unti-unting nagkaroon ng pusong may takot sa Diyos gayon din ng tunay na pagsisisi at pagbabago. Nararamdaman na namin ngayon na isinasabuhay namin ang kaunting kawangis ng tao at natitiyak namin na talagang natamo namin ang dakilang pagliligtas ng Diyos. Kung ang paghatol ng Diyos ay hindi dumating sa amin, hindi sana kami nagkaroon ng pagkakataon na malaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi nangungunsinti ng mga pagkakasala ng tao at ang Kanyang banal at mabuting diwa. Hindi namin magagawang kapootan ang aming sariling pagsuway at katiwalian, ni magagawang iwaksi ang aming katiwalian at maging dalisay. Kaya nga, kapag mas nararanasan natin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, higit na nakikita natin na makabubuti para sa atin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, iyan ang ating pinakamalaking pagpapala at pinakatunay na pagliligtas!”

 

Sinabi rin ito ni Sister Liu sa kanyang pagbabahagi, “Ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng lubos na pagdadalisay, pagliligtas at pagperpekto sa mga tao. Kung hindi natin tatanggapin ang paghatol sa harapan ng luklukan ni Cristo ng mga huling araw, hindi natin matatamo ang pagkadalisay at pagbabago sa disposisyon ng ating buhay. Tiyak na ang ating kalalabasan ay pagtanggi at pag-aalis ng Diyos; magdaranas tayo ng kapahamakan at malilipol. Hindi tayo magkakaroon ng pagkakataon na maligtas at makapasok sa kaharian ng langit. Siguradong mangyayari ito.”

 

Masaya kong sinabi, “Salamat sa Diyos! Naliwanagan nang husto ang puso ko dahil sa inyong ibinahagi. Naniwala ako sa Panginoon nang napakaraming taon pero ang totoo nabubuhay ako sa kasalanan at walang lakas na makahulagpos dito. Nauunawaan ko na ngayon na kung hindi ko mararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw, hindi ko makakayang makalaya mula sa gapos at paglupig ng kasalanan. Natagpuan ko na ngayon ang daan patungo sa pagkadalisay at lubos na pagliligtas.” Matapos ang ilang araw na pagbabahagi, naunawaan naming mag-asawa ang ilang katotohanan at tinanggap namin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

 

Nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos para sa Kanyang pagmamahal at pagliligtas sa akin! Bilang isang pastor, may responsibilidad at obligasyon ako na dalhin ang lahat ng iba pang mga pastor at mga kapatid na lalaki at babae na kilala ko sa harapan ng Diyos. Matapos gumawa kasama ng mga kapatid na ito nang ilang panahon, hindi lamang dose-dosenang mga kapatid sa simbahan na madalas na dumadalo sa mga pagtitipon ang lahat na tumanggap sa Makapangyarihang Diyos, ngunit nagdala rin sila ng isang pastor sa iba pang simbahan sa pamilya ng Diyos, at bumaling din sa Diyos ang karamihan sa mga kapatid na lalaki at babae mula sa kanyang simbahan. Tuwang-tuwa ako na nakita kong tinatanggap ng mga kapatid na lalaki at babae ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw at maibabangon sa harapan ng luklukan ng Diyos. Lahat ng ito ay bunga ng gawain ng Makapangyarihang Diyos: Nawa’y mapasa Makapangyarihang Diyos ang lahat ng kaluwalhatian!

 

________________________________

 

Gospel reading for today tagalog upang matulungan kang makahanap ng landas ng narapture at matanggap ang Panginoon sa lalong madaling panahon.

Ikaw Ba ay Nabahala sa Mga Kasalanan? Sumali sa Amin upang Mahanap Kung Paano Malilinis ang Kasalanan at Makapasok sa Makalangit na Kaharian.

Write a comment

Comments: 0