Tagalog Christian Movie | "Hindi Pa Tapos Ang Partido" A Christian's Experience of Being Persecuted

Tagalog Christian Movie | "Hindi Pa Tapos Ang Partido" A Christian's Experience of Being Persecuted

 

Si Li Ming’ai ay mula sa mainland China. Isa siyang babaing may mabuting pagkatao, na iginagalang ang kanyang mga biyenan niya, tinutulungan ang asawa niya, at tinuturuan ang kanyang anak at may masaya at mapayapang pamilya . Gayunman, sa China, kung saan ateismo ang may hawak ng kapangyarihan, laging marahas na inaaresto at inuusig ng pamahalaang komunista ang mga taong nananalig sa Diyos. Nuong 2006, si Li Ming’ai ay inaresto at pinagpiyansa dahil sa kanyang pananalig sa Diyos. Nuong makauwi na si Li Ming’ai, siya at ang kanyang pamilya ay madalas nang pagbantaan at tinatakot ng mga pulis ng komunistang China, pati ang kanyang pamilya at at sinusubukan siyang hadlangan na ipagpatuloy ang pananalig niya sa Diyos. Isang araw, habang wala sa bahay si Li Ming’ai at nakikipagpulong, ini-report siya ng isang informer. Pumunta ang mga pulis sa kanyang bahay at sinubukan siyang arestuhin. Napilitan siyang lisanin ang tahanan niya, at mula nang oras na iyon, nabuhay si Li Ming’ai na patago-tago sa iba’t ibang lugar at palipat-lipat ng tirahan. Hindi pa rin siya tinantanan ng mga komunistang pulis, palagi pa ring minamanmanan ang kanyang tahanan, at naghihintay ng pagkakataon na arestuhin siya. Isang gabi, palihim na umuwi si Li Ming’ai sa kanyang bahay  para makita ang kanyang pamilya, pero agad na nagdatingan ang mga pulis para siya arestuhin. Sa kabutihang palad may nagsabi kay Li Ming’ai, kaya nakatakas siya.

Makalipas ang tatlong taon, habang sinasanay niya ang kanyang pananampalataya at ginagawa niya ang tungkulin niya nang malayo sa kanyang tahanan, sinundan siya at inaresto ng mga Komunistang pulis ng China. Isinagawa ng mga pulis ang hindi makataong pagpapahirap at pananakit kay Li Ming’ai, at ginamit ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya  para painan siya. Gumamit sila ng mga pagbabanta gaya ng pagkakait sa kanyang anak ng karapatang makapag-aral, at harangin  ang pagkakataon ng bata na makapagtrabaho sa gobyerno sa hinaharap para lang mapilitan siyang talikuran ang kanyang pananampalataya sa Diyos, ipagkanulo ang mga namumuno sa iglesya, at isiwalat ang pondo ng iglesya. Nang panahong iyon, nanalangin si Li Ming’ai at inilagay ang kanyang pananalig sa Diyos. Natagpuan niya sa salita ng Diyos ang kaliwanagan at pamamatnubay. Natiis niya ang pagpapahirap at pananakit ng mga pulis, nakita niya ang mga panlilinlang ni Satanas, at nanindigan na hindi niya pagtataksilan ang Diyos. Matatag siyang nagpatotoo para sa Diyos. Hindi nagbunga ang pagtatanong ng mga pulis, at napahiya sila sa galit. Dinala nila si Li Ming’ai sa sarili niyang bayan nang nakadamit-bilanggo, ipinarada siya para makita ng lahat. Ginawa nila iyon para ipahiya siya, at para hikayatin ang kanyang pamilyana pakiusapan siyang pagtaksilan ang Diyos, at ibenta ang iglesya. Ikinagalit ni Li Ming’ai kung paano isinisisi ng mga komunista ang paghihirap ng kanyang pamilya sa pananalig niya sa Diyos. Puno ng makatwirang galit, isiniwalat ni Li Ming’ai ang masamang katotohanan kung paano inaaresto at inuusig ng pamahalaang komunista ng China ang mga Kristiyano. Ipinahayag niya na ang pamahalaang komunista ang tunay na tagapangwasak ng mga pamilyang Kristiyano, na ito ang pusakal na kriminal na nagdadala sa mga tao ng lahat ng uri ng kalamidad. Samakatwid, si Ling Ming’ai ang naghahatid ng lubusan at kahiya-hiyang pagkatalo sa mga komunistang Chinese.