· 

Ang Puwersa ng Buhay na Hindi Kailanman Mapapawi

 

Dong Mei, Probinsya ng Henan

 

Isa akong ordinaryong tao. Hindi espesyal ang buhay na ipinamuhay ko. Tulad ng maraming naghahangad sa liwanag, sinubukan ko ang maraming paraan upang hanapin ang tunay na kahulugan ng pag-iral ng tao, sinisikap na bigyan ang aking buhay ng higit na kabuluhan. Sa huli, ang lahat ng aking mga pagsisikap ay walang kabuluhan. Ngunit pagkatapos kong mapalad na tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, nagkaroon ng mga mahimalang pagbabago sa aking buhay. Nagdala ito ng higit pang kulay sa aking buhay, at naunawaan ko na tanging ang Diyos ang tunay na Tagapagbigay sa mga espiritu at buhay ng mga tao, at tanging ang mga salita ng Diyos ang tunay na kahulugan ng buhay ng tao. Natuwa ako na sa wakas ay natagpuan ko ang tamang landas ng buhay. Gayunpaman, habang ginagawa ko ang aking tungkulin, dati akong ilegal na inaresto at malupit na pinahirapan ng gobyerno ng CCP. Mula dito, nakatamo ang paglalakbay ng aking buhay ng karanasan na hindi ko kailanman malilimutan …

 

Isang araw noong Disyembre 2011 mga alas-siyete ng umaga, ako at ang isa pang pinuno ng iglesia ay nagsasagawa ng imbentaryo sa mga ari-arian ng iglesia, nang higit sa sampung opisyal ng pulisya ang biglang bumulabog sa pintuan. Isa sa masasamang pulis na ito ang nagmadaling lumapit sa amin at nagsisigaw ng: “Huwag kikilos!” Nang makita ko kung ano ang nangyayari, nagsuray-suray ang aking ulo. Inisip ko, Masama ito—mawawalan ng maraming ari-arian ang iglesia. Nang sumunod, kinapkapan kami ng masasamang pulis na para bang mga bandidong nagsasagawa ng pagnanakaw. Hinalughog din nila ang bawat silid, ginugulo ang mga ito nang mabilis. Sa huli, nakita nila ang ilang ari-arian ng iglesia, tatlong kard ng bangko, mga resibo ng deposito, mga computer, mga cellphone, at iba pa. Kinumpiska nila ang lahat ng ito, at dinala kaming apat sa istasyon ng pulisya.

 

Sa bandang hapon, nagdala ang masasamang pulis ng tatlo pang mga kapatirang babae na kanilang inaresto. Ikinulong nila kaming pito sa isang silid at hindi kami hinayaang magsalita, ni hindi kami pinatulog nang sumapit ang gabi. Nang makita ko ang mga kapatirang babaeng ikinulong kasama ko, at iniisip kung gaano karaming pera ang nawala sa iglesia, naramdaman ko sa aking sarili ang pagkabalisa. Ang magagawa ko lamang ay manalangin agad sa Diyos: O Diyos! Sa pagharap sa suliranin na ito, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Pangalagaan po ang aking puso at pakalmahin ito. Pagkatapos manalangin, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Huwag kang matakot—kapag nangyayari ang mga ganitong bagay sa iglesia, nangyayari ang mga ito nang may pahintulot Ko. Tumayo ka at magsalita para sa Akin. Manampalataya na ang lahat ng bagay at usapin ay pinahihintulutan ng Aking trono at nagtataglay ng Aking mga hangarin sa loob ng mga ito” (“Kabanata 41” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Dapat mong malaman na lahat ng bagay sa iyong kapaligiran ay naroon dahil sa Aking pahintulot, Ako ang nagsasaayos nitong lahat. Tingnan mo nang malinaw at bigyang-kasiyahan ang Aking puso sa kapaligirang ibinigay Ko na sa iyo” (“Kabanata 26” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nasugpo ng mga salita ng Diyos ang takot sa aking puso. Natanto ko na, ngayon, sumapit sa akin ang suliraning ito nang may pahintulot ang Diyos, at dumating na ang oras ng paghingi sa akin ng Diyos na magpatotoo sa Kanya. Sa pagkaunawa ko sa kalooban ng Diyos, nanalangin ako sa Diyos at nagsabi: “O Diyos! Nais kong sundin ang Iyong mga pagsasaayos at plano, at panindigan ang aking patotoo sa Iyo—ngunit maliit ang aking tayog, at hinihiling kong bigyan Mo ako ng pananampalataya at lakas, at pangalagaan ako sa aking paninindigan.”

 

Kinabukasan, hinati nila kami at pinagtatanong kami. “Alam kong isa kang pinuno ng iglesia. Limang buwan na namin kayong sinusubaybayan,” ipinagmamalaking sinabi ng isa sa masasamang pulis. Nang marinig ko siyang inilarawan nang detalyado ang lahat ng bagay na ginawa nila upang subaybayan ako, nanginig ang aking gulugod. Inisip ko, maraming pagsisikap talaga ang ginawa ng pamahalaan ng CCP sa pag-aresto sa amin. Dahil alam na nilang isa akong pinuno ng iglesia, hindi na nila ako pakakawalan pa. Agad kong ibinigay ang aking pasiya sa harap ng Diyos: mas gugustuhin kong mamatay kaysa ipagkanulo ang Diyos at maging Judas. Sa pagkakita na walang naibubungang anumang resulta ang kanilang pagtatanong, nagtalaga sila ng isang tao upang bantayan ako at huwag akong patulugin.

 

Sa interogasyon ng ikatlong araw, ang pinuno ng masasamang pulis ay nagbukas ng computer at ipinabasa sa akin ang mga materyales na umaalipusta sa Diyos. Sa pagkakitang hindi ako naapektuhan, tinanong niya akong mabuti pagkatapos tungkol sa pananalapi ng iglesia. Lumingon ako sa isang panig at hindi ko siya pinansin. Ikinagalit niya ito nang sobra at nagsimula siyang magmura. “Hindi mahalaga kahit wala kang anumang sabihin—kaya ka naming ikulong nang walang hanggan, at papahirapan ka kahit kailan namin gusto,” nagbanta siya nang matindi. Sa kalagitnaan ng gabing iyon, sinimulan ng pulis ang kanilang pagpapahirap. Hinila nila ang isa sa aking mga bisig sa likod ng aking balikat at ang isa pa pataas mula sa aking likuran. Habang tinatapakan ng kanilang mga paa ang aking likuran, sapilitan nilang nilagyan ng posas ang pareho kong pulso nang magkasama. Sobrang sakit na napasigaw ako—ang mga buto at laman sa aking mga balikat ay parang mapuputol. Magagawa ko lamang lumuhod nang hindi gumagalaw habang ang aking ulo ay nasa sahig. Ang akala ko ay maaawa sila sa akin sa aking mga sigaw, ngunit sa halip ay naglagay sila ng tasa ng tsaa sa pagitan ng mga posas at ng aking likuran, na muling nagpadoble sa sakit. Ang mga buto sa aking itaas na bahagi ng katawan ay parang nahati sa dalawa. Sobra ang sakit na ni hindi ko nagawang huminga at bumuhos pababa sa aking mukha ang malamig na pawis. Nang hindi ko na kayang tiisin ang sakit, sinamantala ng isa sa masasamang pulis ang pagkakataong ito na sabihin sa akin: “Basta bigyan mo lang kami ng isang pangalan at palalayain ka namin agad.” Sa sandaling iyon, tumawag ako sa Diyos upang pangalagaan ang aking puso. Naisip ko agad ang isang himno: “Diyos sa katawang-tao’y nagdurusa, gaano pa kaya ako? Kung nagparaya ako sa kadiliman, paano ko makikita ang Diyos? Kapag iniisip ko ang mga salita Mo, mas lalo Kitang inaasam. Sa tuwing nakikita ko ang Iyong mukha, sa bagbag ng budhi ko, nagpupugay ako sa ’Yo. Pa’no Kita iiwan para hanapin ’di-umano’y kalayaan? Mas nais kong magdusa upang hilumin puso Mong nalulumbay” (“Naghihintay sa Mabuting Balita ng Diyos” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). “Oo,” naisip ko. “Si Cristo ang banal at matuwid na Diyos. Siya ay nagkatawang-tao at dumating sa lupa upang ihatid ang kaligtasan sa ganap na natiwaling sangkatauhan. Sa matagal ng panahon, Siya ay pinag-uusig at pinaghahanap ng pamahalaan ng CCP at nilalabanan at isinusumpa ng sangkatauhan. Hindi kailanman dapat na magdusa ang Diyos sa ganitong paraan, ngunit tahimik Niyang tinitiis ang lahat ng ito upang iligtas tayo.” Kaya, sa pagninilay-nilay, nakita ko na nagdurusa ako ngayon upang makatamo ng pagliligtas—dapat akong ilagay sa pagdurusang ito. Kung sumuko ako kay Satanas dahil hindi ko kayang matiis ang sakit, paano ko pa muling makakaharap ang Diyos? Sa pag-iisip nito ay nabigyan ako ng lakas, at hindi ako sumukong muli. Pinahirapan ako nang labis ng masasamang pulis nang halos isang oras. Nang inalis nila ang mga posas, paika-ikang bumagsak ang buo kong katawan sa lupa. “Kapag hindi ka nagsalita uulitin namin ito!” sigaw nila sa akin. Tiningnan ko sila at hindi ako umimik. Napuno ng poot ang aking puso sa masasamang pulis na ito. Lumapit ang isa sa masasamang pulis upang ibalik muli ang mga posas. Sa pag-iisip sa napakatinding sakit na kararanas ko lamang, patuloy akong nanalangin sa Diyos sa aking puso. Nagulat ako nang sinubukan niyang hilahin ang aking mga bisig sa aking likuran dahil hindi niya kayang magalaw ang mga ito. Hindi rin ito sumakit nang sobra. Puspusan niya itong sinusubukan na nabalutan na ng pawis ang kanyang buong ulo—ngunit hindi pa rin niya kayang maibalik ang mga posas. “Medyo malakas ka!” pagalit niyang sinabi. Alam kong ito ang Diyos na nag-aalaga sa akin, na binibigyan ako ng lakas ng Diyos. Salamat sa Diyos!

 

Ang makaraos hanggang sa madaling araw ay mahirap. May troma pa rin ako sa tuwing naalala ko kung paano ako pinahirapan ng masasamang pulis. Binantaan din nila ako, na sinasabi sa akin na kung wala akong sasabihin, kailangan nila akong dalhin sa liblib na kabundukan at papatayin nila ako. Pagkatapos, kapag inaresto nila ang iba pang mga mananampalataya, sasabihin nilang ipinagkanulo ko ang iglesia—sisiraan nila ang aking pangalan upang kamuhian ako ng iba pang mga kapatirang lalaki at babae sa iglesia. Habang iniisip iyon, nalubog ang aking puso sa mga alon ng kapanglawan at kawalang kakayahan. Naramdaman ko ang pagkapahiya at kahinaan. Inisip ko: mas mabuting mamatay na lang ako. Sa ganoong paraan ay hindi ako magiging isang Judas at ipagkakanulo ang Diyos, hindi rin ako itatakwil ng aking mga kapatid. Maiiwasan ko rin ang sakit ng pagpapahirap sa laman. Kaya naghintay ako hanggang sa hindi na nakatingin ang nagbabantay na masamang pulis at hinampas ko nang malakas ang aking ulo sa dingding—ngunit ang nangyari ay nahilo lamang ako; hindi ako namatay. Sa sandaling iyon, niliwanagan ako ng mga salita ng Diyos mula sa loob: “Kapag mali ang pakahulugan sa iyo ng iba, nagagawa mong manalangin sa Diyos at sinasabi: ‘O Diyos! Hindi ko hinihiling na pagtiisan ako ng iba o tratuhin ako nang maayos, ni maintindihan o sang-ayunan nila ako. Hinihiling ko lamang na magawa kong ibigin Ka sa puso ko, na mapalagay ako sa aking puso, at na maging malinis ang aking konsiyensya. Hindi ko hinihiling na purihin ako ng iba, o tingalain ako; hinahangad ko lamang na mapalugod Ka mula sa aking puso’” (“Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Inalis ng mga salita ng Diyos ang kalungkutan mula sa aking puso. Oo. Nakikita ng Diyos ang kaloob-looban ng mga puso ng mga tao. Kung pararatangan ako ng mga pulis, kahit na itakwil at hindi ako talagang maunawaan ng iba pang mga kapatid dahil hindi nila alam kung ano ang totoong nangyari, nagtitiwala ako na mabuti ang mga intensyon ng Diyos; sinusubukan ng Diyos ang aking pananampalataya at pag-ibig sa Kanya, at dapat kong ipagpatuloy ang pagpapasaya sa Diyos. Nang makita ko ang mga tusong pakana ng diyablo, bigla akong napahiya at nahiya. Nakita kong napakaliit ng aking pananampalataya sa Diyos. Hindi ko nagawang matatag na tumindig matapos mahirapan sa kaunting sakit, at naisip na tumakas at iwasan ang mga pagsasaayos ng Diyos sa pamamagitan ng kamatayan. Layunin ng masasamang pulis sa pagsasalita ng mga banta ng pananakot na talikuran ko ang Diyos. At kung hindi dahil sa pangangalaga ng Diyos, mahuhulog na ako sa kanilang tusong pamamaraan. Habang pinag-iisipan ko ang mga salita ng Diyos, napuno ang aking puso ng liwanag. Hindi ko na nais pang mamatay, kundi ang mabuhay nang mabuti, at gamitin ang mismong pagsasabuhay ko upang magpatotoo sa Diyos at pahiyain si Satanas.

 

Ang dalawang masamang pulis na nakatalaga sa pagbabantay sa akin ay nagtanong kung bakit ko hinampas ang aking ulo sa dingding. Ang sabi ko ay dahil binugbog ako ng iba pang mga pulis. “Sibilisadong paraan ang aming pangunahing ginagawa. Huwag mag-alala—hindi ko hahayaang saktan ka nila ulit,” sabi ng isa sa kanila nang nakangiti. Nang marinig ko ang kanyang mga salita ng ginhawa, naisip ko: Hindi masama ang dalawang ito; simula nang ako ay naaresto medyo naging mabait sila sa akin. Dahil doon, ibinaba ko ang aking depensa. Ngunit sa sandaling iyon, biglang sumagi sa aking puso ang mga salita ng Diyos: “Sa lahat ng oras, dapat maging handa ang Aking mga tao laban sa mga tusong pakana ni Satanas, na pinangangalagaan ang pasukan ng Aking bahay para sa Akin; … upang maiwasang mahulog sa bitag ni Satanas, kung kailan magiging huling-huli na para magsisi” (“Kabanata 3” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nagbigay ng isang napapanahong paalala sa akin ang mga salita ng Diyos, ipinakikita sa akin na maraming tusong pakana ang diyablo, at dapat akong mag-ingat laban sa mga demonyong ito sa lahat ng oras. Lingid sa aking kaalaman na ibubunyag pala nila ang kanilang mga tunay na kulay. Ang isa sa masasamang pulis ay nagsimulang manirang-puri sa Diyos, habang ang isa ay umupo sa tabi ko na tinatapik ang aking binti, umiirap sa akin at tinatanong ang tungkol sa mga pananalapi ng iglesia. Sa gabi, sa pagkakita na inaantok ako, sinimulan niyang kapain ang aking dibdib. Nang makita kong ibinunyag nila ang kanilang mga tunay na mukha, napuno ako ng galit. Ngayon ko lamang nakita na ang mga naturingang pulis ng mamamayan ay walang iba kundi mga sanggano at maton. Ito ang mga kasuklam-suklam at pangit na bagay na kaya nilang gawin. Dahil dito, maaari lamang akong agarang manalangin sa Diyos upang pangalagaan ako mula sa kanilang pananakit.

 

Sa mga sumunod na ilang araw, hindi lamang nagtanong nang mabuti ang masasamang pulis sa akin tungkol sa iglesia, kundi nagpalitan din sa pagbabantay sa akin upang huwag akong makatulog. Pagkatapos, nang malaman na wala akong ibinigay sa kanila, ang dalawang masamang pulis na nagsisiyasat sa akin ay lalong nagalit. Ang isa sa kanila ay pumatong sa akin, sinasampal ako sa mukha, hindi ko alam kung gaano karaming beses akong hinataw. Humapdi ang aking mukha, nagsimulang mamaga, at sa huli ay namanhid hanggang sa wala na akong maaaring maramdaman. Dahil walang nakuha ang kanilang mga pagtatanong sa akin, isang gabi ang pinuno ng masasamang pulis ay sumigaw sa akin at nagsabing, “Kailangan mo nang magsimulang magsalita. Sinasagad mo ang pasensya ko hayop ka—hindi ako naniniwalang wala kaming magagawa sa iyo. May nakilala na akong maraming taong mas matibay pa kaysa sa iyo. Kung hindi kami malupit sa iyo, walang paraan na hindi ka mapapasuko!” Ibinigay niya ang utos at ang ilan sa masasamang pulis ay sinimulan ang pagpapahirap sa akin. Sa gabi, madilim at nakakatakot ang silid ng interogasyon—pakiramdam ko ay para akong nasa impiyerno. Pinatingkayad nila ako sa lupa at itinali ang aking mga kamay sa pagitan ng aking mga tuhod at paa. Pagkatapos, naglagay sila ng gabilyang kahoy sa pagitan ng mga siwang ng aking bisig at sa likod ng aking tuhod, pinupuwersang ibaluktot ang aking buong katawan. Pagkatapos ay itinaas nila ang gabilya at ipinatong sa pagitan ng dalawang lamesa, nakabitin ang buo kong katawan sa hangin nang patiwarik. Nang sandaling itinaas nila ako, nahilo ako at unti-unti akong nahihirapang huminga. Parang nauupos ang aking hininga. Dahil nakabitin ako nang patiwarik sa hangin, ang lahat ng aking bigat ay napunta sa aking mga pulso. Sa simula, upang matigil ang pagsugat ng mga posas sa aking laman, pinagdikit ko nang mahigpit ang aking mga kamay, ibinaluktot ko ang aking katawan, at ginawa ko ang lahat upang manatili sa gayong posisyon. Ngunit unti-unting nawawala ang aking lakas. Dumulas ang aking mga kamay mula sa bukung-bukong papunta sa mga tuhod, at sinugatan nang malalim ng mga posas ang aking laman, na nagdudulot sa akin ng napakatinding sakit. Matapos ang halos kalahating oras ng pagbitin nang ganito, tila ang lahat ng dugo sa aking katawan ay napunta sa aking ulo. Ang masakit na paglobo sa aking ulo at mga mata ay nagdulot ng pakiramdam na parang sasabog ang mga ito. Malalim ang mga naging sugat sa aking pulso, at sobrang maga ng aking mga kamay na nagmukha itong parang dalawang alsadong tinapay. Para akong nasa bingit na ng kamatayan. “Hindi ko na kaya, ibaba na ninyo ako!” Halos wala nang pag-asang sumigaw ako. “Walang makakapagligtas sa iyo kundi ang iyong sarili. Magsabi ka lang sa amin ng pangalan at ibababa ka namin,” malupit na sabi ng isa sa masasamang pulis. Sa huli, nakita nilang talagang nasa panganib ako at ibinaba nila ako. Pinakain nila ako ng asukal at sinimulan akong tanunging muli. Nakabulagta ako na parang putik sa lupa, mahigpit ang pagkakapikit ng aking mga mata, hindi ko sila pinapansin. Sa di-inaasahan, muli akong ibinitin sa hangin ng masasamang pulis. Nang wala nang lakas humawak ang aking mga kamay, wala na akong ibang paraan kundi ang hayaang bumaon ang mga posas sa aking pulso, ang mga ngipin sa gilid ay lumalagari sa aking laman. Sa sandaling iyon, sobrang sakit na nagpakawala ako ng makadurog-pusong sigaw. Wala na akong lakas upang manatiling lumalaban at unti-unting humihina nang sobra ang aking paghinga. Tila huminto ang oras. Para akong nasa bingit na ng kamatayan. Iniisip kong mamamatay na talaga ako sa mga oras na ito, ninais kong sabihin sa Diyos ang mga salita sa aking puso bago matapos ang aking buhay: “O Diyos! Sa sandaling ito, kapag talagang nasa bingit na ako ng kamatayan, nararamdaman ko ang takot—ngunit kahit na mamatay ako sa gabing ito, pupurihin ko pa rin ang Iyong katuwiran. O Diyos! Sa maigsing paglalakbay ng aking buhay, pinasasalamatan Kita sa pagpili sa akin na makauwi na mula sa makasalanang mundong ito, pinigilan na ako mula sa pagiging lagalag at nawawala, at pinahihintulutan akong mamuhay nang walang hanggan sa Iyong mainit na yakap. O Diyos, sobra akong nasiyahan sa Iyong pagmamahal—ngunit ngayon lamang, kung kailan malapit nang matapos ang aking buhay, napagtatanto ko na hindi ko napahalagahan ang Iyong pag-ibig. Maraming beses Kitang binigo at pinalungkot; para akong isang batang walang alam na kaya lamang tamasahin ang pag-ibig ng ina nito, ngunit hindi kailanman naisip suklian ito. Ngayon lamang kung kailan malapit nang matapos ang aking buhay saka ko nauunawaan na kailangan kong pahalagahan ang Iyong pag-ibig, at ngayon ko lamang pinagsisisihan na napakaraming magandang panahon ang pinalampas ko. Ngayon, ang pinakapinagsisisihan ko ay wala akong nagawa para sa Iyo at napakarami akong utang sa Iyo, at kung kaya ko pang mabuhay, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang isagawa ang aking tungkulin, upang makabawi sa aking utang sa Iyo. Sa sandaling ito, hinihiling ko lamang na bigyan Mo ako ng lakas, na huwag na ako kailanmang muling matakot sa kamatayan, at maging malakas sa aking haharapin….” Ang bawat patak ng luha ay tumulo mula sa aking noo. Nakakatakot ang katahimikan ng gabi. Ang tanging tunog ay ang orasang pumipitik, na parang binibilang ang mga nalalabing segundo ng aking buhay. Sa pagkakataong iyon na nangyari ang isang mahimalang bagay: Parang isang mainit na sikat ng araw ang nagliliwanag sa akin, at dahan-dahang nawala ang nararamdaman kong sakit sa buo kong katawan. Umalingawngaw sa aking isipan ang mga salita ng Diyos: “Sa sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinisimulan mong gawin ang iyong tungkulin. Para sa plano ng Diyos at sa Kanyang ordinasyon, ginagampanan mo ang iyong papel at sinisimulan ang iyong paglalakbay sa buhay. Anuman ang iyong pinagmulan, at anumang paglalakbay ang nasa iyong harapan, walang makakaiwas sa mga pagsasaayos at plano ng Langit, at walang sinumang may kontrol sa sarili nilang tadhana, dahil Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahang gawin iyon” (“Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Oo—ang Diyos ang pinagmumulan ng aking buhay, pinamamahalaan ng Diyos ang aking tadhana, at dapat kong ipaubaya ang aking sarili sa mga kamay ng Diyos at ibigay ang aking sarili sa Kanyang paggamit. Nagbigay sa akin ng kapayapaan at tahimik na pakiramdam sa aking puso ang pag-iisip sa mga salita ng Diyos, para akong sumasandal sa mainit na yakap ng Diyos. Napagtanto kong inaantok na ako. Sa takot na mamamatay ako, ibinaba ako ng masasamang pulis at dali-dali akong binigyan ng asukal at tubig. Sa aking pagkalapit sa kamatayan, nasaksihan ko ang mahimalang mga gawa ng Diyos.

 

Nang sumunod na araw, buong gabing ginugol ng masasamang pulis ang pagbitin sa akin nang paulit-ulit. Tinanong nila ako tungkol sa kinaroroonan ng mga pondo para sa mga resibong kinumpiska nila. Sa kabuuan, wala akong sinabi—ngunit hindi pa rin sila sumuko. Upang mahawakan ang pera ng iglesia, ginamit nila ang lahat ng kasuklam-suklam na paraan upang pahirapan ako. Sa sandaling iyon, umalingawngaw sa aking puso ang mga salita ng Diyos: “Ang libu-libong taon ng poot ay naiipon sa puso, nakaukit sa puso ang libu-libong taon ng pagkamakasalanan—paanong hindi ito pupukaw ng pagkasuklam? Ipaghiganti ang Diyos, ganap na lipulin ang Kanyang kaaway, huwag nang hayaan pa itong patuloy na magwala, at huwag na itong hayaang magsimula pa ng problema hangga’t gusto nito! Ngayon na ang oras: Matagal nang tinipon ng tao ang lahat ng kanyang lakas, nailaan na niya ang lahat ng kanyang pagsisikap at binayaran ang bawat halaga para dito, upang punitin ang kahindik-hindik na mukha ng demonyong ito at tulutan ang mga tao, na nabulag na, at nagtiis na ng bawat uri ng pagdurusa at paghihirap, na bumangon mula sa kanilang pasakit at talikuran ang masama at matandang diyablong ito” (“Gawain at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nagbigay sa akin ng higit na lakas at pananampalataya ang mga salita ng Diyos. Makikipaglaban ako kay Satanas hanggang kamatayan, at kahit na mamatay ako, paninindigan ko ang aking patotoo sa Diyos. Sa pagbibigay inspirasyon ng mga salita ng Diyos, hindi namalayang nakalimutan ko ang sakit. Sa ganitong paraan, sa tuwing itinataas nila ako, pinasisigla at binibigyang-inspirasyon ako ng mga salita ng Diyos, kaya habang itinataas nila ako nang ilang beses pa, mas makikita ko ang kanilang sangkap—na taglay ng masasamang demonyo—at mas higit ang aking pagpapasyang panindigan ang aking patotoo at bigyang-kasiyahan ang Diyos. Sa huli, napagod ang bawat isa sa kanila sa akin. “Karamihan sa mga tao ay hindi kayang tagalan ang pagbitin nang ganito nang kalahating oras, pero tumagal siya sa buong panahong ito, talagang matatag siya!” Narinig ko silang nagkomento. Pagkarinig sa mga salitang ito, nabalutan ako ng tuwa. Inisip ko: Kapag kasama ko ang Diyos, hindi ninyo ako matatalo. Bilang karagdagan sa pisikal na pagpapahirap, sa aking siyam na araw at gabi sa istasyon ng pulisya, hindi rin ako pinatulog ng masasamang pulis. Sa tuwing ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimulang maidlip, pupukpukin nila ang kanilang mga gabilya sa lamesa o kung hindi ay patatayuin at patatakbuhin ako, o kung hindi ay sisigawan na lang ako, na sinusubukan akong pasukuin at sirain ang aking isipan. Pagkatapos ng siyam na araw, at dahil hindi nila nakuha ang kanilang gusto, hindi pa rin sumuko ang mga pulis. Dinala nila ako sa isang hotel, kung saan ipinosas nila ang aking mga kamay sa harapan ng aking mga binti, pagkatapos ay naglagay sila ng gabilyang kahoy sa pagitan ng mga siwang ng aking bisig at binti, na pinupuwersa akong umupo nang nakabaluktot ang aking katawan sa sahig. Hinayaan nila akong manatili sa ganitong posisyon na nakaupo sa sahig sa mga sumunod na ilang araw, na nagdulot sa mga posas na sugatan ang aking laman. Namaga ang aking mga kamay at pulso at nagkulay ube na, at sobrang sakit ng aking puwit na hindi ako nangahas kuskusin o hawakan ito; para akong nakaupo sa mga karayom. Isang araw, ang isa sa mga pinuno ng masasamang pulis, nang nalamang walang naging resulta ang interogasyon sa akin, ay nagngangalit na lumapit sa akin at sinampal ako nang malakas sa mukha—sobrang lakas na natanggal ang dalawa kong ngipin.

 

Sa huli, dumating ang dalawang hepe ng seksyon mula sa Panlalawigang Kagawaran ng Pampublikong Seguridad. Pagkadating na pagkadating nila, tinanggal nila ang mga posas, tinulungan akong umupo sa sopa at binigyan ako ng isang tasa ng tubig. “Nahirapan ka sa mga nakalipas na araw—ngunit huwag mo itong dibdibin, sumusunod lamang sila sa mga utos,” mapagpaimbabaw nilang sinabi. Sobrang napoot ako sa kanilang pagkukunwari na nagngalit ang aking mga ngipin. Binuksan din nila ang computer at ipinakita sa akin ang huwad na ebidensya. Nagsabi sila ng maraming salita ng pagbatikos at paglapastangan laban sa Diyos. Sa aking puso, galit na galit ako. Nais kong makipagtalo sa kanila, ngunit alam ko na kapag ginawa ko iyon ay mas lalo nilang galit na galit na lalapastanganin ang Diyos. Sa sandaling iyon, tunay kong naramdaman kung gaano kalaki ang paghihirap na dinanas ng Diyos na nagkatawang-tao, at kung gaanong panghihiya ang tiniis ng Diyos alang-alang sa pagliligtas sa tao. Bukod dito, nakita ko ang pagiging napakahamak at pagkakasuklam-suklam ng masasamang demonyong ito. Sa aking puso, lihim kong isinumpa na ganap akong kakalas kay Satanas at magpakailanmang magiging tapat sa Diyos. Pagkatapos, kahit gaano pa nila ako subukang linlangin, pinanatili kong nakatikom ang aking bibig at hindi ako nagsalita. Sa pagkakita nilang walang epekto ang kanilang mga salita, walang nagawa ang dalawang hepe ng seksyon kundi galit na umalis.

 

Sa loob ng sampung araw at gabi sa hotel, hindi nila tinanggal ang mga posas sa akin, pinatingkayad nila ako sa sahig habang hinahawakan ang aking mga binti. Sa pagbabalik-tanaw mula noong ako ay naaresto, labinsiyam na araw at gabi ang inilagi ko sa istasyon ng pulisya at hotel. Pinahintulutan akong umidlip sandali ng pangangalaga ng pagmamahal ng Diyos, ngunit hindi ako pinatulog sa magdamag ng masasamang pulis; sandali ko lamang naipipikit ang aking mga mata at ginagawa nila ang lahat upang manatili akong gising—pinupukpok ang lamesa, galit akong sinisipa, sinisigawan ako, inuutusan akong tumakbo at iba pa. Sa tuwing magugulat ako, pumipintig ang aking puso sa aking dibdib, at natatakot ako. Nakadagdag iyon sa panay na pagpapahirap ng masasamang pulis, at malubhang naubos ang aking lakas, namaga at hindi na kumportable ang buo kong katawan, at doble bista na ang aking paningin. Alam kong may mga taong nag-uusap sa aking harapan, ngunit parang nanggagaling sa malayong abot-tanaw ang tunog ng kanilang mga boses. Bukod dito, nagiging sobrang bagal na ng aking mga reaksyon. Para sa akin, nagpapasalamat ako sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa paglampas ko rito. Tulad ng sinabi ng Diyos: “Siya ang sanhi upang muling isilang ang tao, at binibigyang-daan siyang isabuhay nang masigasig ang bawat papel niya. Salamat sa Kanyang kapangyarihan at sa Kanyang di-mapapawing puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa isang salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, kung saan sa kabuuan nito ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ang pangunang sandigan sa pag-iral ng tao, at kung saan binayaran ng Diyos ang isang halagang wala pang isang karaniwang tao ang nakapagbayad. Kayang manaig ang puwersa ng buhay ng Diyos sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Walang hanggan ang Kanyang buhay, bukod-tangi ang Kanyang kapangyarihan, at hindi magagapi ng anumang nilikhang nilalang o puwersa ng kaaway ang Kanyang buhay na puwersa” (“Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa aking puso, nagbigay ako ng taos-pusong pasasalamat at papuri sa Diyos: O Diyos! Pinamumunuan Mo ang lahat ng bagay, di-matutumbasan ang Iyong mga gawa, Ikaw lamang ang makapangyarihan sa lahat, Ikaw ang di-mapapawing puwersa ng buhay, Ikaw ang bukal ng buhay na tubig para sa aking buhay. Sa espesyal na suliraning ito, nakita ko ang Iyong natatanging kapangyarihan at awtoridad. Sa huli, walang nakuhang mga sagot ang masasamang pulis sa kanilang mga tanong sa akin, at dinala nila ako sa sentro ng detensyon.

 

Sa daan patungo sa sentro ng detensyon, sinabi sa akin ng dalawang pulis: “Napakagaling mo. Maaaring nasa sentro ng detensyon kayong mga tao, ngunit mabubuting tao kayo. Maraming uri ang lahat ng naroon: mga nagtutulak ng droga, mamamatay-tao, mga kalapating mababa ang lipad—makikita mo kapag dumating ka na.” “Alam naman pala ninyong mabubuting tao kami, bakit ninyo kami inaaresto? Hindi ba tinatalakay ng gobyerno ang kalayaan sa relihiyon?” Tinanong ko. “Iyon ang Partido Komunistang nagsisinungaling sa iyo. Binibigyan kami ng kabuhayan ng Partido Komunista, kaya kailangan naming gawin ang sinasabi nito. Hindi kami napopoot sa iyo o may anumang bagay na laban sa iyo. Inaresto ka lang namin dahil naniniwala ka sa Diyos,” sabi ng isa sa mga pulis. Pagkarinig nito, nabalik-tanaw ko ang lahat ng aking dinanas. Hindi ko kayang hindi muling isipin ang mga salita ng Diyos: “Kalayaang pangrelihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga pandarayang lahat para pagtakpan ang kasalanan!” (“Gawain at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Tumagos mismo sa pinakasentro ang mga salita ng Diyos, pinahihintulutan akong talagang makita ang tunay na mukha ng gobyerno ng CCP at kung paano nito sinusubukang makuha ang mga papuri na hindi nararapat dito; sa labas, iwinawagayway nito ang bandila ng kalayaan sa relihiyon, ngunit lihim nitong inaaresto, pinapahirapan, at sinasalakay ang mga naniniwala sa Diyos sa buong bansa, sa walang kabuluhang pagbabawal sa gawain ng Diyos, at walang kahihiyan pang sinasamsam ang salapi ng iglesia, na ang lahat ay naglalantad ng mala-demonyong diwa nito na namumuhi sa Diyos at namumuhi sa katotohanan.

 

Habang nasa sentro ng detensyon, may mga oras na nanghihina at dumadaing ako. Ngunit lagi akong binibigyang inspirasyon ng mga salita ng Diyos, binibigyan ako ng lakas at pananampalataya, pinahihintulutan akong maunawaan na kahit inalisan ako ni Satanas ng kalayaan ng laman, pinatatag ako ng paghihirap, tinuturuan akong umasa sa Diyos sa pagpapahirap ng masasamang demonyong ito, pinahihintulutan akong maunawaan ang tunay na kahulugan ng maraming katotohanan, upang makita ang kahalagahan ng katotohanan, at dinaragdagan ang aking paninindigan at pagganyak upang hanapin ang katotohanan. Handa kong patuloy na sumunod sa Diyos, at danasin ang lahat ng inayos ng Diyos para sa akin. Dahil dito, kapag nagtatrabaho sa sentro ng detensyon, kumakanta ako ng mga himno at tahimik na iniisip ang pagmamahal ng Diyos. Nadama kong mas napalapit ang aking puso sa Diyos, at hindi na naramdamang masakit at nakakabalisa ang mga araw.

 

Sa panahong ito, higit na maraming beses pa akong pinagtatanong ng masasamang pulis. Pinasalamatan ko ang Diyos sa paggabay sa akin sa paggapi sa kanilang paulit-ulit na pagpapahirap. Pagkatapos, inilabas ng masasamang pulis ang lahat ng pera mula sa aking tatlong kard ng bangko. Nadurog ang aking puso sa walang kalaban-labang panonood sa pagkuha ng masasamang pulis sa pera ng iglesia. Napuno ng poot ang aking puso sa matatakaw, masasamang grupo ng mga demonyo, at minithi kong pumarito na ang kaharian ni Cristo. Sa huli, sa kabila ng walang anumang ebidensya, sinentensyahan nila ako nang isang taon at tatlong buwan ng muling pag-aaral sa pamamagitan ng paggawa dahil sa “paggambala sa pampublikong kaayusan.”

 

Matapos malupit na usigin ng gobyerno ng CCP, natamasa ko talaga ang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa akin, at napahalagahan ang pagka-makapangyarihan sa lahat at dakilang kapangyarihan ng Diyos at ang Kanyang makahimalang mga gawa, nakita ko ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita ng Diyos. Bukod dito tunay kong kinamuhian si Satanas. Sa panahong iyon ng pag-uusig, sinamahan ako ng mga salita ng Diyos sa lahat ng nakakabalisang mga araw at gabi, pinahintulutan akong makita ng mga salita ng Diyos ang mga tusong pakana ni Satanas at nagbigay ng napapanahong pangangalaga. Pinalakas at pinatapang ako ng mga salita ng Diyos, pinahihintulutan akong mapagtagumpayan ang paulit-ulit nilang salbaheng pagpapahirap. Binigyan ako ng lakas at pananampalataya ng mga salita ng Diyos, binigyan ako ng mga ito ng tapang na labanan si Satanas hanggang sa pinakahuli…. Salamat sa Diyos! Ang Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, ang daan at ang buhay! Susundin ko magpakailanman ang Makapangyarihang Diyos hanggang sa pinakahuli!

 

________________________________

 

Devotionals About Faith in Tagalog:

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Write a comment

Comments: 0