"Ang Diwa ni Cristo ay Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan" | Sipi 108
Bagaman si Cristo sa kalupaan ay may kakayahang gumawa sa ngalan ng Diyos Mismo, Siya ay hindi dumarating na may hangaring ipakita sa lahat ng tao ang Kanyang larawan sa katawang-tao. Hindi Siya dumarating upang makita Siya ng lahat ng tao; Siya ay dumarating upang pahintulutan ang tao na maakay ng Kanyang kamay, nang sa gayon ay papasok sa bagong kapanahunan. Ang katungkulan ng katawang-tao ni Cristo ay para sa gawain ng Diyos Mismo, para sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi upang bigyang kakayahan ang tao na lubusang maunawaan ang sangkap ng Kanyang laman. Kahit na sa anong paraan Siya gumagawa, hindi ito sumusobra sa kung hanggang saan ang kayang makamit ng katawang-tao. Kahit na sa anong paraan Siya gumagawa, ginagawa Niya ito sa katawang-tao na may normal na pagkatao, at hindi lubos na ibinubunyag sa tao ang totoong mukha ng Diyos. Bilang karagdagan, ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay hindi kailanman lampas sa kaya ng tao o di-kayang matantiya katulad ng iniisip ng tao. Kahit na si Cristo ang kumakatawan sa Diyos Mismo sa katawang-tao at personal na isinasakatuparan ang gawain na dapat gawin ng Diyos Mismo, hindi Niya itinatanggi ang pag-iral ng Diyos sa langit, ni mainit na ipinahahayag ang Kanyang mga sariling gawa. Sa halip, Siya ay mapagkumbabang nananatiling nakatago sa loob ng Kanyang katawang-tao. Bukod kay Cristo, silang mga may kabulaanang nag-aangking sila ay si Cristo ay wala ng mga katangian Niya. Kapag ikinumpara laban sa mga mapagmataas at mapagmapuring disposisyon niyaong mga huwad na Cristo, nagiging mas malinaw kung ano ang klase ng katawang-tao ng tunay na Cristo. Mas huwad sila, mas lalong ipinagyayabang ng gayong mga huwad na Cristo ang kanilang mga sarili, at mas may kakayahan silang gumawa ng mga palatandaan at mga kagila-gilalas na mga bagay upang linlangin ang tao. Ang mga huwad na Cristo ay walang mga katangian ng Diyos; si Cristo ay hindi nabahiran ng kahit anong katangiang mayroon ang mga huwad na Cristo. Ang Diyos ay nagkatawang-tao lamang upang tapusin ang mga gawain ng katawang-tao, hindi lamang upang pahintulutan ang lahat ng tao na makita Siya. Sa halip, hinahayaan Niya na ang Kanyang gawa ang magkumpirma ng Kanyang pagkakakilanlan, at pinahihintulutan kung ano ang Kanyang ihahayag upang patunayan ang Kanyang sangkap. Ang Kanyang sangkap ay hindi walang-basehan; ang Kanyang pagkakakilanlan ay hindi inagaw ng Kanyang kamay; ito ay nalalaman sa pamamagitan ng Kanyang gawa at ng Kanyang sangkap. Bagaman Siya ay may sangkap ng Diyos Mismo at may kakayahang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, Siya pa rin, pagkatapos ng lahat, ay katawang-taong hindi gaya ng Espiritu. Siya ay hindi Diyos na may mga katangian ng Espiritu; Siya ay Diyos na may balat ng katawang-tao. Samakatuwid, kahit na gaano kakaraniwan at gaano Siya kahina, at kahit sa anong paraan Niya hinahanap ang kalooban ng Diyos Ama, ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi maitatanggi. Sa nagkatawang-taong Diyos ay umiiral hindi lamang ang normal na pagkatao at ang mga kahinaan nito; lalo pang umiiral ang pagiging kahanga-hanga at pagiging hindi-matarok ng Kanyang pagka-Diyos, pati na ang lahat ng Kanyang mga gawa sa katawang-tao. Samakatuwid, ang pagkatao at pagka-Diyos ay parehong tunay at praktikal ba umiiral sa loob ni Cristo. Ito sa pinakamababa ay hindi hungkag o higit sa kaya ng tao. Siya ay dumating sa kalupaan na may pangunahing layunin na pagsasakatuparan ng gawain; kailangang magtaglay ng isang normal na pagkatao upang isakatuparan ang gawain sa kalupaan; kung hindi, kahit gaano kadakila ang kapangyarihan ng Kanyang pagka-Diyos, ang orihinal na katungkulan nito ay hindi maaaring mailagak sa tamang paggagamitan. Bagaman ang Kanyang pagkatao ay napakahalaga, ito ay hindi Kanyang sangkap. Ang Kanyang sangkap ay ang pagka-Diyos; samakatuwid, sa sandali na nagsisimula na Siyang ganapin ang kanyang ministeryo sa kalupaan ay ang sandali na nagsisimula rin Siyang ipahayag ang kabuuan ng Kanyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagkatao ay para lamang mapanatili ang karaniwang buhay ng Kanyang katawang-tao upang maisakatuparan ng Kanyang pagka-Diyos ang gawain bilang karaniwang nasa katawang-tao; ang pagka-Diyos ang nagpapatnubay sa kabuuan ng Kanyang gawain. Kapag matatapos na Niya ang kanyang gawain, matutupad na rin ang Kanyang ministeryo. Ang dapat malaman ng tao ay ang kabuuan ng Kanyang gawain, at ito ay sa pamamagitan ng Kanyang gawain kaya nabibigyan Niya ng kakayahan ang tao na kilalanin Siya. Sa buong takbo ng Kanyang gawain, lubusan Niyang ipinahahayag ang kabuuan ng Kanyang pagka-Diyos, na hindi isang disposisyong nabahiran ng pagkatao, o isang kabuuan na nabahiran ng kaisipan at kilos ng tao. Kapag dumating na ang oras na ang lahat ng Kanyang ministeryo ay nakarating na sa katapusan, maaaring ganap at buo na Niyang naihayag ang disposisyon na kailangan Niyang ipahayag. Ang kanyang gawain ay hindi iniutos ng sinumang tao; ang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon ay malaya rin, hindi kontrolado ng isipan o pinadaraan sa pag-iisip, bagkus ay likas na ibinubunyag. Ito ay hindi maaaring makamit ng kahit sinong tao. Kahit na ang nakapalibot ay malupit o ang mga kalagayan ay hindi akma, Siya ay may kakayahang ipahayag ang Kanyang disposisyon sa tamang oras. Ang isang Cristo ay nagpapahayag ng kabuuan ni Cristo, samantala silang mga hindi ay walang disposisyon ni Cristo. Samakatuwid, kung ang lahat ay lalaban sa Kanya o may mga haka-haka tungkol sa Kanya, walang makatatanggi batay sa mga paniwala ng tao na ang disposisyong ipinahayag ni Cristo ay yaong sa Diyos. Silang lahat na mga humahabol kay Cristo na may totoong puso o hinahangad na mahanap ang Diyos ay aamin na Siya ay si Cristo batay sa pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos. Hinding-hindi nila itatanggi si Cristo batay sa kahit anong aspeto Niya na hindi umaayon sa mga haka-haka ng tao. Bagaman ang tao ay napakahangal, lahat ay alam talaga kung ano ang kalooban ng tao at kung ano ang nagmumula sa Diyos. Ito lamang ay sa dahilang maraming tao ang tikis na nilalabanan si Cristo dahil sa kanilang sariling mga hangarin. Kung hindi dahil dito, walang kahit isang tao ang may dahilan na itanggi ang pag-iral ni Cristo, dahil sa ang pagka-Diyos na ipinahayag ni Cristo ay totoong umiiral, at ang Kanyang gawa ay maaaring masaksihan ng hubad na mata ng lahat.
Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”
____________________________________
Ngayon tayo ay nasa mga huling araw na at ang Panginoon ay matagal nang naging laman upang gawin ang gawain ng paghuhukom. Bakit ginagawa ng Panginoon ang gawain ng paghuhukom? Ano ang kahulugan ng paghuhukom? Hangga't nauunawaan natin ang aspetong ito ng katotohanan at tinatanggap ang paghuhukom, magkakaroon tayo ng mga pagkakataon na malinis at makapasok sa kaharian ng langit.