· 

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Ang Mga Utos ng Bagong Kapanahunan

 

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos |  Ang Mga Utos ng Bagong Kapanahunan

 

Nasabihan na kayo na sangkapan ang inyong sarili ng salita ng Diyos, na hindi alintana kung ano ang inaayos para sa inyo, ang lahat ay binabalangkas ng sariling kamay ng Diyos, at hindi na kailangan ang inyong masigasig na pananalangin at pagmamakaawa—walang silbi ang mga ito. Subali’t sa mga tuntunin ng kasalukuyang kalagayan, ang mga praktikal na suliraning inyong kinakaharap ay di-maubos maiisip para sa inyo. Kung hinihintay ninyo lamang ang pagbabalangkas ng Diyos, ang inyong pagsulong ay magiging labis na mabagal, at sa mga hindi alam kung paano makaranas magkakaroon ng sobrang pagsasawalang-kibo. Kaya, kung hindi mo kayang lubos na matalos ang mga bagay na ito, nalalabuan ka at hangal sa iyong pagdaranas. Kung ikaw ay walang realidad at puro mga salita lamang, hindi ba’t ito ay tanda ng kalisyaan? Maraming kalisyaan ang nakikita sa inyo, sa grupong ito. Ngayon, wala kayong kakayanang makamit ang gayong mga pagsubok bilang “mga taga-serbisyo”, o kung hindi man ay walang kakayahang maisip o makamit ang ibang kadalisayang kaugnay sa mga salita ng Diyos. Dapat kayong umayon sa maraming bagay na hinihingi sa inyo na isagawa. Ibig sabihin, ang mga tao ay dapat umayon sa mga tungkulin na kailangan nilang gampanan. Ito ang dapat sang-ayunan ng mga tao, at kung ano ang dapat nilang tuparin. Hayaang gawin ng Banal na Espiritu ang dapat gawin ng Banal na Espiritu; walang bahagi ang tao rito. Ang tao ay dapat umayon sa kung ano ang kailangang gawin ng tao, na walang kaugnayan sa Banal na Espiritu. Wala iba ito kundi isang kailangang gawin ng tao, at dapat sang-ayunan dahil ito ay iniutos, katulad ng pagsang-ayon sa kautusan ng Lumang Tipan. Bagaman hindi na ngayon ang Kapanahunan ng Kautusan, mayroon pa ring mga salita sa Kapanahunan ng Kautusan na kailangang sang-ayunan, at ang mga ito ay hindi lamang naisasakatuparan sa pamamagitan ng pag-asa sa pagantig ng Banal na Espiritu, ngunit kailangang sang-ayunan ng tao. Halimbawa: Huwag mong hatulan ang gawain ng praktikal na Diyos. Huwag mong labanan ang taong pinatotohanan ng Diyos. Sa harapan ng Diyos, ingatan mo ang iyong kalagayan at huwag maging talipandas. Maging mahinahon sa iyong pananalita, at ang iyong mga salita at kilos ay dapat sinusunod ang pagsasaayos ng taong pinatotohanan ng Diyos. Igalang mo ang patotoo ng Diyos. Huwag mong bale-walain ang gawain ng Diyos at ang mga salita na nagmumula sa Kanyang labi. Huwag mong gayahin ang tono at mga hangad ng mga pagbigkas ng Diyos. Sa panlabas, huwag kang gumawa ng kahit na anumang hayagang pagsalungat sa taong pinatotohanan ng Diyos. Ito, at ang marami pang iba, ay mga dapat sang-ayunan ng bawat tao. Sa bawat panahon, maraming tuntunin ang tinutukoy ng Diyos na katulad ng mga kautusan na kailangang sang-ayunan ng tao. Sa pamamagitan nito, hinihigpitan Niya ang disposisyon ng tao, at inaalam ang kanyang katapatan. Ang mga salitang “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” sa Lumang Tipan, halimbawa. Ang mga salitang ito ay hindi na akma ngayon; sa panahong iyon, hinigpitan lamang nila ang ilan sa mga panlabas na disposisyon ng tao, ginamit ang mga ito upang ipakita ang katapatan ng paniniwala ng tao sa Diyos, at naging isang tanda ng mga naniniwala sa Diyos. Bagaman ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian, mayroon pa ring maraming tuntunin na dapat sang-ayunan ang tao. Ang mga tuntunin ng nakaraan ay hindi na angkop; ngayon, marami, ang mas akmang pagsasagawa para tuparin ng tao, at kinakailangan. Walang kinalaman dito ang gawain ng Banal na Espiritu at dapat gawin ng tao.

 

Sa Kapanahunan ng Biyaya, marami sa mga pagsasagawa sa Kapanahunan ng Kautusan ang iwinaksi dahil ang mga kautusang ito ay hindi sadyang mabisa para sa gawain sa panahong iyon. Matapos iwaksi ang mga ito, maraming mga pagsasagawa ang itinakda na mas nababagay sa panahon, at naging mga tuntunin sa ngayon. Nang ang Diyos ng panahong ito ay dumating, ang mga tuntuning ito ay inalis, at hindi na kailangang sang-ayunan, at may mga itinalagang maraming pagsasagawa na mas babagay sa gawain ngayon. Ngayon, ang mga pagsasagawang ito ay hindi mga tuntunin, ngunit para magkamit ng bunga; mas bagay ang mga ito sa ngayon—at bukas, marahil, magiging mga tuntunin ang mga ito. Bilang buod, dapat mong sundin yaong mas mabunga para sa gawain ngayon. Huwag ninyong pansinin ang bukas: Kung ano ang magagawa ngayon ay para sa kapakanan ng ngayon. Maaaring bukas ay magkakaroon ng mga mas mabuting pagsasagawa na kakailanganin mong tuparin—nguni’t huwag ninyong masyadong bigyang-pansin ito, sumunod sa kung ano ang nararapat sundin sa ngayon upang hindi salungatin ang Diyos. Ngayon, walang mas mahalaga na dapat sundin ng tao kaysa sa mga sumusunod: Huwag kang manlinlang o magtago ng kahit na ano mula sa Diyos na nakatayo sa iyong harapan. Huwag kang magbigkas ng mga marurumi at mayayabang na salita sa harap ng Diyos. Huwag mong linlangin ang Diyos sa iyong harapan sa pamamagitan ng maiinam na salita at magagandang pananalita upang makamit ang Kanyang tiwala. Huwag kang umasta nang walang paggalang sa harapan ng Diyos. Sundin mo ang lahat ng lumalabas sa bibig ng Diyos, at huwag pigilan, labanan, o makipagtalo sa Kanyang mga salita. Huwag mong ipakahulugan, sa inaakala mong angkop, ang mga salita na nanggaling sa bibig ng Diyos. Dapat bantayan mo ang iyong dila upang maiwasan mong mahulog sa bitag ng mga mapanlinlang na pakana ng masama. Dapat bantayan mo ang iyong mga hakbang upang maiwasan ang pagsuway sa mga hangganang itinalaga ng Diyos para sa’yo. Ang paggawa nito ay magiging sanhi upang magsalita ka ng mga mapagmataas at mapagmalaking salita mula sa pananaw ng Diyos, at sa gayon ay kamuhian ng Diyos. Huwag kang padalus-dalos na inuulit ang mga salitang nanggagaling sa bibig ng Diyos, baka makutya ka ng iba at gawing hangal ng diyablo. Sundin mo ang lahat ng gawain ng Diyos sa ngayon. Kahit na ito’y hindi mo nauunawaan, huwag mo itong bigyan ng paghatol; ang magagawa mo lang ay maghanap at pakikisama. Walang tao ang dapat lumabag sa orihinal na kinalalagyan ng Diyos. Wala kang ibang magagawa kundi ang paglingkuran ang Diyos ng ngayon mula sa posisyon ng tao. Hindi mo tuturuan ang Diyos ng ngayon mula sa posisyon ng tao—ang gawin ito ay lisya. Walang maaaring pumalit sa kalagayan ng taong itinalaga ng Diyos; sa iyong mga salita, kilos, at mga saloobin, nakatayo ka sa posisyon ng tao. Dapat itong sundin, responsibilidad ito ng tao, hindi ito maaaring baguhin ninuman, at ang gawin iyon ay magiging paglabag sa utos ng pangangasiwa. Dapat itong tandaan ng lahat.

 

Ang matagal na panahong nagugol na ng Diyos sa pagsasalita at pagbibigkas ay naging sanhi upang isaalang-alang ng tao na ang pagbasa at pagsaulo sa mga salita ng Diyos ay ang kanyang pangunahing tungkulin. Walang nagbibigay-pansin sa pagsasagawa, at maging ang mga kailangang sundin na hindi ninyo sinusunod, kaya’t ito ay nagdala ng maraming paghihirap at suliranin sa inyong paglilingkod. Kung, bago ang pagsasagawa sa mga salita ng Diyos, hindi mo nasang-ayunan ang mga dapat sang-ayunan, isa ka sa mga kinamumuhian at tinatanggihan ng Diyos. Sa pagsang-ayon sa mga pagsasagawang ito, dapat kang maging masigasig at tapat. Huwag mo itong ituring na mga kadena, sa halip ay sang-ayunan ang mga ito bilang mga utos. Ngayon, hindi mo dapat iukol ang sarili mo sa kung anong mga epektong makakamit; sa madaling salita, ganito kumikilos ang Banal na Espiritu, at kung sino man ang makakagawa ng pagkakasala ay nararapat mamatay. Ang Banal na Espiritu ay walang emosyon, at walang pakialam sa iyong kasalukuyang pag-unawa. Kapag ikaw ay nagkasala sa Kanya ngayon, ikaw ay Kanyang parurusahan. Kung nagkasala ka sa Kanya sa saklaw ng Kanyang sakop, hindi ka Niya palalampasin. Wala Siyang pakialam kung gaano ka katapat sa iyong pagsang-ayon sa salita ni Jesus. Ngayon, kapag gumawa ka ng masama papatawan ka ng parusang kamatayan. Paano magiging katanggap-tanggap ito sa’yo na huwag sumang-ayon? Dapat kang sumang-ayon—kahit na ito ay nangangahulugan ng pagdurusa ng kaunting kirot! Kahit na anong relihiyon, kalipunan, bansa, o denominasyon man ito, sa hinaharap sila ay dapat na sumang-ayon sa mga pagsasagawang ito. Walang di-sakop, at walang patatawarin! Dahil ang mga iyon ang gagawin ng Banal na Espiritu ngayon, at ang mga iyon ay di-makapananakit sa lahat. Kahit na hindi ito malalaking bagay, dapat gawin ito ng bawat tao, at ito ang mga utos na itinalaga para sa tao ni Jesus, na nabuhay na muli at umakyat sa langit. Hindi ba’t sinasabi ng “Ang Landas … (7)” na ang pagpapakahulugan ni Jesus kung matuwid o makasalanan ka ay alinsunod sa iyong saloobin sa Diyos ngayon? Walang sinuman ang maaaring makaligtaan ang puntong ito. Sa Lumang Tipan, bawa’t salinlahi ng mga Fariseo ay naniwala sa Diyos, ngunit sa pagdating ng Kapanahunan ng Biyaya, hindi nila nakilala si Jesus, at kinalaban Siya. Kaya ang lahat ng kanilang ginawa ay nawalan ng saysay, at nawalang kabuluhan, at hindi ito tinanggap ng Diyos. Kung matatalos mo ito, hindi ka madaling magkakasala. Maraming tao, marahil, ang nasukat na ang kanilang sarili laban sa Diyos. Ano ang lasa kapag kinalaban ang Diyos, ito ba ay mapait o matamis? Kailangan mo itong maintindihan—huwag kang magpanggap na hindi mo alam. Sa kanilang mga puso, marahil, ang ilang tao ay nananatiling di-naniniwala. Gayunman, pinapayuhan Kita na iyong subukin at nang iyong makita—tingnan mo kung ano ang lasa. Mapipigilan nito ang maraming tao sa pagiging-mapaghinala tungkol dito. Maraming tao ang nagbabasa ng mga salita ng Diyos ngunit palihim Siyang sinasalungat sa kanilang mga puso. Matapos Siyang kalabanin nang ganito, hindi mo ba nararamdaman na tila may patalim na tumutusok sa iyong puso? Kung hindi kawalang-pagkakaisa ng pamilya, ito ay kawalang-ginhawa ng katawan, o kahapisan ng mga anak na lalaki at babae. Kahit na ang iyong laman ay nakakatakas sa kamatayan, ang kamay ng Diyos ay hindi ka kailanman lulubayan. Akala mo ba ay magiging ganoon lamang ka-simple? Partikular na, mas kailangan sa maraming mga malapit sa Diyos na magtuon dito. Sa paglipas ng panahon, makakalimutan mo ito, at, walang kamalay-malay, mahuhulog ka sa tukso, hindi ka na makatutugon sa lahat, at ito ang magiging simula ng iyong pagkakasala. Ito ba’y mukhang walang kuwenta para sa’yo? Kung kaya mo itong gawin nang maayos, mayroon kang pagkakataon na gawing perpekto—ang makatanggap ng patnubay mula sa sariling bibig ng Diyos sa harapan ng Diyos. Kung hindi ito mahalaga para sa’yo, magkakaroon ka ng suliranin—magiging palaban ka sa Diyos, ang iyong salita at kilos ay talipandas, at sa huli matatangay ka ng malalaking unos at malalakas na alon. Ang mga bagay na ito ay dapat isaalang-alang ng lahat. Hindi ka man makondena ng taong pinatotohanan ng Diyos, ngunit ang Espiritu ng Diyos ay hindi pa tapos sa iyo, hindi ka Niya palalagpasin. Sa tingin mo ba ay nasa iyo kung ano ang kailangan upang makagawa ng pagkakasala? Kaya, kahit na ano ang sabihin ng Diyos, dapat isagawa ang Kanyang mga salita sa anumang paraang kaya mo. Ito ay hindi simpleng bagay!

 

Write a comment

Comments: 0