Ang Panginoong Jesus ay nagsabi: "At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo" (Juan 8:32).
Kamakailan, ilang mga kaibigan ang nagpadala sa amin ng kanilang mga mensahe, sinasabi na sila ay nakatagpo ng maraming mga problema, tulad ng kahirapan sa paghahanap ng trabaho, ang hindi masayang pag-aasawa, at hirap sa pagtuturo sa mga bata, at na sila ay nabuhay sa pasakit, na walang makilingan. Kaya, nais na ipagdasal namin sila. Sa katunayan, ang manalangin sa Diyos sa harap ng mga problema ay isang aspeto lamang ng landas ng pagsasagawa, ngunit higit na mahalaga, dapat nating alamin na maunawaan ang katotohanan at maunawaan ang mga bagay ng masinsinan. Sa ganitong paraan, ang ating mga problema ay mareresolba, at tayo ay makakaramdam nv kapayapaan at kasiyahan sa ating mga puso. Ang Panginoong Jesus ay nagsabi: "At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo" (Juan 8:32).
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ito ang hinaharap na direksyon: Yaong mga tumatanggap ng mga pagbigkas mula sa bibig ng Diyos ay magkakaroon ng landas na lalakaran sa lupa, at maging sila man ay mga negosyante o mga siyentipiko, o mga tagapagturo o mga tagagawa, yaong mga walang salita ng Diyos ay mahihirapan kahit na sa unang paghakbang, at sila ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ito ang ibig sabihin ng, "Sa katotohanan maaabot mo ang buong mundo; sa kawalan ng katotohanan, wala kang mararating.""
mula sa "Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao"
Makikita na ang katotohanan ay kayang malutas ang lahat ng ating mga paghihirap at problema at magpapakita sa atin ng landas ng pagsasagawa.
________________________________
Ang mas higit na pag-alam sa mga tanong tungkol sa pananampalataya sa Diyos, tulad ng kung bakit ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, kung paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol, ay napakahalaga para sa atin upang maging ganap na maligtas at makapasok sa kaharian ng langit!
Inirerekomenda: Mga tanong tungkol sa pananampalataya sa Diyos
Write a comment