Tagalog Christian Movies | "Hindi Naglalaho ang Integridad"
Nagpapatakbo ng isang tindahan ng damit si Wang Xinyu at ang
kanyang asawa, at kahit sinikap nila noong una na patakbuhin ang kanilang tindahan nang may integridad at konsiyensya, hindi sila gaanong kumikita, at napakahirap ng buhay nila. Ngunit nang
makita nila ang mga kabarkada nilang umaasa sa pagsisinungaling at panlilinlang sa negosyo na bumibili ng mga kotse at bahay at maluho ang pamumuhay, ipinasiya nila na hindi sila magpapaiwan.
Sa paggabay ng kanilang mga kabarkada, sinunod nila ang kalakaran sa lipunan at nagsimulang magnegosyo sa pamamagitan ng pagsisinungaling at pandaraya. Makalipas ang ilang taon, bagama’t
kumita sila nang kaunti, madalas silang makonsiyensya at hungkag ang puso nila. Pagkatapos, tinanggap nila ang ebanghelyo ng Diyos, binasa ang Kanyang mga salita, na nakatulong upang
matuklasan nila na gusto ng Diyos ang matatapat na tao at kinasusuklaman ang mga manlilinlang at nalaman nila na pinagpapala ang
matatapat na tao. Gayunman, nakita rin nila ang kasamaan at kadiliman sa mundo at nag-alala na baka hindi sila kumita sa pagnenegosyo nang may integridad, at manganganib pa silang malugi,
pero kung magpapatuloy silang magsinungaling at mandaya para linlangin ang mga mamimili, alam nila na kamumuhian sila ng Diyos dahil doon…. Pagkaraan ng ilang pagpupunyagi at kabiguan, sa wakas ay pinili nilang maging
matatapat na tao ayon sa mga salita ng Diyos, at nagulat sila nang pagpalain sila ng Diyos. Hindi lamang lumago ang kanilang negosyo, tinamasa rin nila ang kapayapaan at seguridad ng pagiging
matatapat na tao.
Rekomendasyon: Ano ang isang matapat na tao? Bakit gusto ng Diyos ang matatapat na tao?