Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "May anumang pagkakasalungat ba sa pagitan ng pagbabago ng puso ng Diyos at sa Kanyang poot? Siyempre wala! Ito ay sapagkat may dahilan ang pagpaparaya ng Diyos sa pagkakataong ito. Ano kaya ang dahilan na ito? Ito ang sinabi sa Biblia: "Bawat tao ay lumayo sa kanyang masamang gawi" at "iniwan ang karahasan sa kanilang mga kamay."
Ang "masamang gawi" ay hindi tumutukoy sa isang dakot na masasamang gawa, kundi ang masamang pinagmumulan sa likod ng pag-uugali ng mga tao. "Ang paglayo sa kanyang masamang gawi" ay nangangahulugan na hindi na nila kailanman muling gagawin ang mga gawaing ito. Sa madaling salita, hindi na sila kailanman muling mamumuhay sa masamang gawing ito; ang paraan, pinagmulan, layunin, intensyon at prinsipyo ng kanilang mga gawain ay nagbagong lahat; hindi na nila kailanman muling gagamitin ang mga pamamaraan at mga prinsipyong ito upang magdulot ng kasiyahan at kaligayahan sa kanilang mga puso. Ang "iniwan" sa "iniwan ang karahasan sa kanilang mga kamay" ay nangangahulugan na binitawan o isinantabi, upang ganap na makawala sa nakaraan at hindi na kailanman muling babalikan. Nang iwanan ng mga taga-Ninive ang karahasan sa kanilang mga kamay, pinatunayan at kinatawan nito ang tunay nilang pagsisisi. Pinagmamasdan ng Diyos ang panlabas na kalagayan ng mga tao, gayundin ang kanilang mga puso. Nang mapansin ng Diyos ang tunay na pagsisisi nang walang pag-aalinlangan sa puso ng mga taga-Ninive, at napansin din na tinalikdan na nila ang kanilang masasamang gawi at iniwan ang karahasan sa kanilang mga kamay, binago Niya ang Kanyang puso. Ibig sabihin, ang asal at pag-uugali ng mga taong ito at ang iba’t ibang pamamaraan ng kanilang paggawa, gayundin ang kanilang tapat na pangungumpisal at pagsisisi sa mga kasalanan sa kanilang puso, ang dahilan kaya nagbago ang puso ng Diyos, nagbago ang Kanyang mga intensiyon, umatras sa Kanyang pagpapasya at hindi na sila parurusahan o lilipulin man. Kaya nagkaroon ang mga taga-Ninive ng ibang katapusan. Nailigtas nila ang kanilang sariling mga buhay at natamo rin nila ang awa at pagpaparaya ng Diyos, kung saan iniatras din ng Diyos ang Kanyang poot."
mula sa "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II"
Nakikita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng mga Puso ng mga Taga-Ninive
_________________________________________________
Ang panalangin ay isang proseso upang makipag-usap sa Diyos at ang pagdarasal sa Diyos ay dapat na maging bahagi ng buhay Kristiyano. Matapos malaman ang kahalagahan ng panalangin, alam mo ba kung paano magsanay?
Write a comment