· 

Sa Pagharap sa Madalas na mga Sakuna, Paano Natin Sasalubungin ang Pagbabalik ng Panginoon?

 

Paano natin sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoon? Ating tingnan ang ilang mga talata, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake!" (Mateo 25:6). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20). Ang mga talatang ito ay nagsasaad "ay may sumigaw" at "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok" kung saan ay nangangahulugan na kapag ang Panginoon ay bumalik upang gumawa ng gawain sa mga huling araw, ang ilang mga tao ay magpapatotoo na Siya ay bumalik na, at Siya ay magbibigkas ng mas maraming mga salita at kakatok sa mga pintuan ng ating mga puso gamit ang Kanyang mga salita. Kaya, sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, ang susi ay ang pagbibigay ng higit na pansin sa pakikinig ng mabuti sa tinig ng Diyos. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin" (Juan 10:27). at ang Aklat ng Pahayag ay nagsabi, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Pahayag2:7).

 

Sa gayon, kapag naririnig natin ang ilang mga tao na nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik na upang magpahayag ng katotohanan upang gawin ang gawain ng paghatol, tayo ay dapat tumuon sa pagsasaliksik at pagsisiyasat upang makita kung naroon ang tinig ng Diyos at kung ang gawaing ito ay ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Kung makikilala natin ang tinig ng Diyos mula sa mga salita ng nagbalik na Panginoon, sa gayon makakasunod tayo sa agos ng mga yapak ng Kordero at masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon.

 

Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon

 

_________________________________________________

 

Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?