Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa’t ang hindi sumasampalataya ay parurusahan” (Marcos 16:16).
“Sapagka’t ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:28).
“Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng lahat ng naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay pinawalang-sala sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Nguni’t sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangan pang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa.
—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kailangan lamang tanggapin ng sangkatauhan ang Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas para ang kanyang mga kasalanan ay mapatawad. Sa pagbigkas lamang, ang mga kasalanan ng tao ay hindi na hadlang sa kanyang pagkamit ng kaligtasan at paglapit sa harap ng Diyos at hindi na batayan ng pag-usig ni Satanas sa tao. Iyon ay dahil ang Diyos Mismo ay nagsagawa na ng tunay na gawain, naging ang wangis at patikim ng makasalanang laman, at ang Diyos Mismo ang naging handog para sa kasalanan. Sa ganitong paraan, ang tao ay bumaba mula sa krus, na tinutubos at inililigtas dahil sa katawang-tao ng Diyos, ang wangis nitong makasalanang laman.
—mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang laman ng tao ay kay Satanas, ito ay puno ng masuwaying mga disposisyon, ito ay nakakahiya sa karumihan, ito ay isang bagay na hindi malinis. Masyadong iniimbot ng mga tao ang kasiyahan sa laman at mayroong napakaraming pagpapakita ng laman; ito ang dahilan kung bakit ang Diyos ay kinasusuklaman ang laman ng tao nang bahagya. Kapag itinapon ng tao ang marurumi, tiwaling mga bagay ni Satanas, nakakamit nila ang pagliligtas ng Diyos. Nguni’t kung hindi pa rin nila aalisin sa kanilang mga sarili ang karumihan at katiwalian, kung gayon sila ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas. Ang pakikipagsabwatan ng mga tao, panlilinlang, at pandaraya ay lahat mga bagay ni Satanas. Ang pagliligtas sa iyo ay tinutulutan kang tumakas mula sa mga bagay na ito. Ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring magkamali; ang lahat ay upang iligtas ang mga tao mula sa kadiliman. Kung naniwala ka na hanggang sa isang punto at magagawang alisin sa iyong sarili ang katiwalian ng laman, at hindi na nakatanikala sa katiwaliang ito, ikaw ba ay hindi sana naligtas? Kung ikaw ay nabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas wala kang kakayahan na maipakita ang Diyos, ikaw ay isang bagay na marumi, at hindi makatatanggap ng pamana ng Diyos. Sa sandaling ikaw ay malinis at gawing perpekto, ikaw ay magiging banal, ikaw ay magiging isang maayos na tao, at ikaw ay pagpapalain ng Diyos at kalugud-lugod sa Diyos.
—mula sa “Pagsasagawa (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung kaya ng isa na bigyang-kasiyahan ang Diyos kapag ginagampanan ang kanyang tungkulin, may panuntunan sa kanyang mga salita at mga kilos, at tunay na makapapasok tungo sa realidad ng lahat ng aspeto ng katotohanan, kung gayon siya ay magiging isang tao na ginagawang perpekto ng Diyos. Masasabi na ang gawain at mga salita ng Diyos ay lubos na mabisa para sa taong ito, na ang mga salita ng Diyos ay nagiging kanyang buhay, nakukuha niya ang katotohanan, at makakaya niyang mabuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos nito ang kalikasan ng kanyang laman, iyon ay, ang saligan ng kanyang katutubong pag-iral ay mauuga at mabubuwal. Pagkatapos taglayin ng isa ang mga salita ng Diyos bilang kanyang buhay siya ay nagiging isang bagong tao. Ang mga salita ng Diyos ay nagiging kanyang buhay; ang pangitain ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga kinakailangan mula sa tao, ang Kanyang pahayag sa tao, at ang mga pamantayan para sa isang tunay na buhay na kinakailangan ng Diyos na matamo ng tao ay nagiging kanyang buhay—siya ay nabubuhay alinsunod sa mga salitang ito at sa mga katotohanang ito, at ang taong ito ay nagiging perpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Nakakaranas siya ng muling-pagsilang at nagiging isang bagong tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita.
—mula sa “Paano Tahakin ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Kung nais nilang mailigtas, at nais nilang ganap na makamit ng Diyos, kung gayon lahat ng sumusunod sa Diyos ay dapat humarap sa mga tukso at paglusob na maliit at malaki galing kay Satanas. Ang mga taong mangingibabaw sa mga tukso at paglusob na ito at nagagawang ganap na talunin si Satanas ay ang mga nailigtas ng Diyos. Na ang ibig sabihin, ang mga tao na nailigtas ng Diyos ay iyong mga sumailalim sa mga pagsubok ng Diyos, at ang mga tinukso at nilusob ni Satanas nang di mabilang na pagkakataon. Nauunawaan ng mga taong nailigtas ng Diyos ang kalooban at mga kinakailangan ng Diyos, at nagagawang sumunod sa dakilang kapangyarihan at pag-aayos ng Diyos, at hindi nila itinatakwil ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan sa gitna ng mga tukso ni Satanas. Ang mga taong nailigtas ng Diyos ay nagtataglay ng katapatan, sila ay may mabuting puso, pinaghihiwalay nila ang pag-ibig at poot, may katinuan sila ng katarungan at sila ay makatwiran, at nagagawa nilang pangalagaan ang Diyos at pahalagahan ang lahat ng sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay hindi tinatalian, minamanmanan, pinaparatangan, o inaabuso ni Satanas, sila ay ganap na malaya, sila ay ganap na malaya at napakawalan na.
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang katotohanan sa ngayon ay ipinagkakaloob sa mga yaong mahigpit na nagnanasa at naghahanap dito. Ang pagliligtas na ito ay iginagawad sa mga yaong mahigpit na nagnanais na mailigtas ng Diyos, at hindi lamang ito itinakda upang makamit ninyo, kundi upang maaaring makamit din kayo ng Diyos. Nakakamit ninyo ang Diyos upang maaaring makamit kayo ng Diyos. Ngayon ay winika Ko ang mga salitang ito sa inyo, at narinig ninyo ang mga yaon, at dapat kayong magsagawa ayon sa mga salitang ito. Sa katapusan, kapag isinagawa ninyo ang mga salitang ito ay kung kailan nakamit Ko kayo sa pamamagitan ng mga salitang ito; kasabay nito, ay inyo ring makakamit ang mga salitang ito, na ibig sabihin, ay makakamit ninyo ang pinakamataas na kaligtasang ito. Kapag kayo ay nalinis, kayo ay magiging isang tunay na tao na.
—mula sa “Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung nakakaranas ang mga tao hanggang sa dumating ang araw kung kailan ang kanilang pananaw sa buhay at ang kabuluhan at ang batayan ng kanilang pag-iral ay lubusang nabago na, kapag naiba na sila hanggang sa kanilang pinaka-buto, at naging ibang tao na, hindi ba ito magiging hindi kapani-paniwala? Ito ay malaking pagbabago, isang kamangha-manghang pagbabago. Tanging kapag ikaw ay di-interesado sa katanyagan at kayamanan, katayuan, salapi, kasiyahan, at karangyaan ng mundo, at madaling napalalampas ang mga ito, magkakaroon ka ng wangis ng isang tao. Ang mga sa bandang huli ay magagawang ganap ay isang grupong katulad nito; nabubuhay sila para sa katotohanan, nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay para sa kung ano ang makatarungan. Ito ang wangis ng isang tunay na tao.
—mula sa “Pagkaunawa sa mga Pagkakatulad at mga Pagkakaiba sa Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
____________________________________
Ang totoong kahulugan ng kaligtasan ay: Naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, na tanging nangangahulugang naligtas tayo ng biyaya at napatawad na tayo sa ating kasalanan, ngunit hindi ito ang tunay na kaligtasan. Kung mararanasan lamang natin ang huling paghuhukom na gawain ng Diyos sa mga huling araw ay maaari tayong ganap na maligtas at makapasok sa kaharian ng Diyos!
Write a comment