· 

Alam Mo Ba? Sa Likod ng Nangyayari na Mga Sakuna ay Nakatago ang Kaligtasan ng Diyos

mga Sakuna, Ebanghelyo

 

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Darating ang lahat ng uri ng sakuna, sunud-sunod; daranas ng mga kalamidad ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw; bagkus, kakalat ang mga iyon sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang kababalaghan ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan."

 

"Ngayon, hindi lamang Ako bumababa sa bansa ng malaking pulang dragon, bumabaling din Ako upang humarap sa buong sansinukob, na nagpapayanig sa buong kaitaasan ng langit. Mayroon bang iisang lugar kahit saan na hindi sumasailalim sa Aking paghatol? Mayroon bang iisang lugar na hindi umiiral sa ilalim ng mga kalamidad na ibinubuhos Ko roon? Saanman Ako magtungo, nagpakalat na Ako ng lahat ng uri ng ‘mga binhi ng sakuna.’ Isa ito sa mga paraan ng Aking paggawa, at walang dudang isang gawa ng pagliligtas para sa sangkatauhan, at ang ipinaaabot Ko sa kanila ay isang uri pa rin ng pagmamahal. Nais Kong tulutan ang mas maraming tao na makilala Ako at makita Ako, at sa ganitong paraan, magpitagan sa isang Diyos na hindi nila nakikita sa loob ng napakaraming taon ngunit ngayon mismo ay totoo."

 

Ngayon, ang mga sakuna sa buong mundo ay lumalala, at lalo na ang pandemya ay kumakalat pa rin ngayong taon. Ang paglitaw ng mga kalamidad na ito ay ang paghatol ng Diyos sa lahat ng mga bansa at tao. Ngayon, tayong mga tao ay malubhang napinsala ni Satanas, at kinamumuhian ng mga tao ang katotohanan, patuloy sa pagdiriwang, nagpapakasawa sa kasaganaan, at nagtataguyod ng kasamaan. Ang moralidad ay nabubulok, at ang mabubuting tao na tunay na naniniwala sa Diyos ay inaapi at pinapahirapan, ngunit ang masasamang tao ay umuunlad. Totoo na ang kasamaan at katiwalian ng mga tao ay nangingibabaw na ngayon. Ang disposisyon ng Diyos ay banal at matuwid, kaya't gumagamit ang Diyos ng mga sakuna upang parusahan ang lahat ng gumagawa ng kasamaan at lumalaban sa Diyos. Sa parehong pagkakataon, sa pamamagitan ng mga sakuna ay pinapaalalahanan ng Diyos ang mga tao: Ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay natupad, at ang Panginoong Jesus ay bumalik na upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng lubusang pagliligtas ng sangkatauhan. Nahaharap sa mga sakuna, yaong mga naghahangad sa pagpapakita ng Diyos ay puwersahan na magsaliksik sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at pagkatapos ay sundan nila ang mga yapak ng Diyos, at tanggapin ang kaligtasan at pagpeperpekto ng Diyos, upang magkaroon sila ng pagkakataong maprotektahan ng Diyos sa mga sakuna at madala sa kaharian ng langit sa huli. Ipinapakita nito ang kaligtasan at awa ng Diyos para sa tao.

 

Mga kaibigan, kapag naiintindihan natin kung bakit pinapayagan ng Diyos na bumagsak ang mga sakuna, paano natin haharapin ang mga ito? 

 

Nagbalik na ang Tagapagligtas

 

Kung nais ninyong hanapin at siyasatin ang bagong gawain ng Diyos sa mga huling araw at masalubong ang pagbabalik ng Panginoon, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Messenger, at online kami anumang oras upang makipag-usap sa inyo.

 

________________________________

 

Did you know what salvation is? How can we gain God’s salvation? Click and read salvation meaning in Tagalog, and then you can find the answer.

 

Magrekomenda nang higit pa:

Write a comment

Comments: 0