· 

Alin ang mas Dakila: Ang Diyos, o ang Biblia? Ano ang Pagkakaugnay ng Diyos at ng Biblia?

Alin ang mas Dakila: Ang Diyos, o ang Biblia? Ano ang Pagkakaugnay ng Diyos at ng Biblia?

1. Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay paglihis sa pananampalataya, at maling paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Biblia. Na ang ibig sabihin, kung naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, at bukod sa Biblia, hindi ka dapat sumamba sa anumang aklat na walang kinalaman sa Biblia. Kung gagawin mo iyon, samakatuwid pinagtataksilan mo ang Diyos. Mula noong panahong mayroong Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay nananalig sa Panginoon, mas mabuti pang sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuti pang sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang kanilang ikinabubuhay at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay. Itinuturing ng mga tao ang Biblia na kasintaas ng Diyos, at may mga tao pa na itinuturing itong mas mataas pa kaysa sa Diyos. Kung wala sa mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari silang patuloy na mabuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga bantog na kabanata at kasabihan mula sa Biblia, parang nawalan na sila ng buhay. At kaya, sa sandaling maniwala ang tao sa Panginoon nag-uumpisa na nilang basahin ang Biblia, at kabisahin ang Biblia, at mas higit sa Biblia na kanilang makakabisa, mas napapatunayan nito ang kanilang pagmamahal sa Panginoon at may malaking pananampalataya. Ang mga taong nakapagbasa ng Biblia at nakapagsasalita nito sa iba ay lahat mabubuting kapatid na lalaki at babae. Sa buong panahong ito, ang pananampalataya ng mga tao at katapatan sa Panginoon ay sinusukat ayon sa lawak ng kanilang pag-unawa sa Biblia. Talagang hindi nauunawaan ng karamihan ng mga tao kung bakit sila kailangang maniwala sa Diyos, ni kung paano maniwala sa Diyos, at walang gagawin kundi pikit-matang naghahanap ng mga pahiwatig upang maunawaan ang mga kabanata sa Biblia. Hindi kailanman hinanap ng tao ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu; mula’t sapul, wala silang ginawa kundi desperadong mag-aral at mag-imbestiga ng Biblia, at walang sinumang naghanap kahit minsan ng bagong gawain ng Banal na Espiritu sa labas ng Biblia, walang sinumang lumihis kahit minsan mula sa Biblia, o nangahas na lumihis mula sa Biblia. Sa lahat ng nakaraang taon pinag-aralan ng mga tao ang Biblia, nakabuo sila ng napakaraming paliwanag, at nag-ukol ng napakaraming paggawa; marami rin silang magkakaibang opinyon tungkol sa Biblia, na walang katapusan nilang pinagtatalunan, kaya nga halos dalawang libong magkakaibang denominasyon na ang nabuo ngayon. Silang lahat ay nagnanais makahanap ng ilang natatanging mga paliwanag, o mas malalalim na mga misteryo sa Biblia, nais nilang galugarin ito, at makita rito ang pinagmulan ng gawain ni Jehova sa Israel, o pinagmulan ng gawain ni Jesus sa Judea, o karagdagang mga misteryo na walang sinumang nakakaalam. Ang pag-aaral ng mga tao sa Biblia ay isang pagkahumaling at pananampalataya, at walang sinuman ang lubusang malinaw tungkol sa nakapaloob na kuwento o diwa ng Biblia. Kaya, ngayon ay mayroon pa ring di-mailarawang diwa ng kahiwagaan ang mga tao pagdating sa Biblia, at mas nahuhumaling pa sila rito, at mas sumasampalataya rito. Ngayon, lahat ay nagnanais na mahanap ang mga propesiya ng mga gawain sa mga huling araw sa Biblia, nais nilang matuklasan kung anong gawain ang ginagawa ng Diyos sa mga huling araw, at kung anong mga tanda ang naroon sa mga huling araw. Sa ganitong paraan, ang kanilang pagsamba sa Biblia ay nagiging mas taimtim, at habang mas nalalapit ang mga huling araw, mas bulag silang nagtitiwala sa mga propesiya ng Biblia, partikular na tungkol sa mga huling araw. Sa gayon kabulag na paniniwala sa Biblia, sa gayong pagtitiwala sa Biblia, wala silang hangad na hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa mga pagkaintindi ng mga tao, iniisip nila na ang Biblia lamang ang maaaring maghatid ng gawain ng Banal na Espiritu; sa Biblia lamang nila makikita ang mga yapak ng Diyos; sa Biblia lamang nakatago ang mga hiwaga ng gawain ng Diyos; ang Biblia lamang—hindi ang ibang mga aklat o tao—ang maaaring maglinaw ng lahat tungkol sa Diyos at sa kabuuan ng Kanyang gawain; ang Biblia ang maaaring maghatid ng gawain ng langit sa lupa; at ang Biblia ay maaaring kapwa simulan at tapusin ang mga kapanahunan. Sa mga pagkaintinding ito, walang kagustuhan ang mga tao na hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Kaya, gaano man kalaki ang naging tulong ng Biblia sa mga tao noong araw, naging isang balakid ito sa pinakabagong gawain ng Diyos. Kung wala ang Biblia, maaaring hanapin ng mga tao ang mga yapak ng Diyos sa ibang lugar, ngunit ngayon, naglalaman na ng Kanyang mga yapak ang Biblia, at naging doble ang hirap ng pagpapalaganap ng Kanyang pinakabagong gawain, at napakahirap gawin niyon. Lahat ng ito ay dahil sa bantog na mga kabanata at kasabihan mula sa Biblia, gayundin sa iba’t ibang mga propesiya sa Biblia. Ang Biblia ay naging idolo sa isipan ng mga tao, ito ay naging isang palaisipan sa kanilang utak, at talagang hindi nila kayang paniwalaan na makakagawa ang Diyos ng gawaing wala sa Biblia, hindi nila kayang paniwalaan na maaaring makita ng mga tao ang Diyos sa labas ng Biblia, mas lalong hindi nila magawang paniwalaan na maaaring lumayo ang Diyos sa Biblia sa huling gawain at magsimulang muli. Hindi ito sukat akalain ng mga tao; hindi sila makapaniwala rito, ni hindi nila maisip ito. Naging isa nang malaking balakid ang Biblia sa pagtanggap ng mga tao sa bagong gawain ng Diyos, at nagpahirap ito sa pagpapalawak ng bagong gawaing ito.

 

Hinango mula sa “Tungkol sa Biblia (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

2. Ngayon, naniniwala ang mga tao na ang Biblia ay Diyos, at na ang Diyos ay Biblia. Kaya, naniniwala rin sila na lahat ng salita sa Biblia ay ang mga tanging salita na binigkas ng Diyos, at na lahat ng ito ay sinabi ng Diyos. Iniisip pa ng mga naniniwala sa Diyos na bagama’t lahat ng animnapu’t anim na aklat ng Luma at Bagong Tipan ay isinulat ng mga tao, lahat ng ito ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos, at isang talaan ng mga pagbigkas ng Banal na Espiritu. Ito ang maling pagkaunawa ng tao, at hindi ito lubos na naaayon sa mga totoong nangyari. Sa katunayan, maliban sa mga aklat ng propesiya, karamihan sa Lumang Tipan ay talaan ng kasaysayan. Ang ilan sa mga sulat sa Bagong Tipan ay nagmula sa mga karanasan ng mga tao, at ang ilan ay nagmula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu; ang mga sulat ni Pablo, halimbawa, ay nagmula sa gawain ng tao, resulta lahat ito ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at isinulat para sa mga iglesia, mga salitang nagpapayo at naghihikayat sa mga kapatid sa mga iglesia. Hindi ito mga salitang sinabi ng Banal na Espiritu—hindi makapagsasalita si Pablo sa ngalan ng Banal na Espiritu, at hindi siya isang propeta, at lalong hindi siya nakakita ng mga pangitain na nakita ni Juan. Ang kanyang mga sulat ay isinulat para sa mga iglesia ng Efeso, Filadelfia, Galacia, at iba pang mga iglesia. … Kung ituturing ng mga tao ang mga sulat o salita na katulad ng kay Pablo bilang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu, at sinasamba ang mga ito bilang Diyos, masasabi lamang na masyado silang hindi maselan. Sa mas masakit na pananalita, hindi ba ito’y wala nang iba kundi paglapastangan sa Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos? At paano yuyukod ang mga tao sa mga talaan ng kanyang mga sulat at ng mga salitang kanyang sinabi na para bang ang mga ito ay isang banal na aklat, o isang makalangit na aklat? Maaari bang mapagwalang-bahalang bigkasin ng tao ang mga salita ng Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos?

 

Hinango mula sa “Tungkol sa Biblia (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

3. Marami pa nga ang naniniwala na anupaman ang bagong gawain ng Diyos, kailangan itong mapatunayan ng mga hula, at sa bawat yugto ng gayong gawain, ang lahat ng sumusunod sa Kanya nang may tapat na puso ay dapat ding mapakitaan ng mga pahayag, kung hindi ang gawaing iyon ay hindi magiging sa Diyos. Hindi na madaling gawain para sa tao na makilala ang Diyos. Karagdagan pa sa katawa-tawang puso ng tao at sa kanyang mapanghimagsik na kalikasan ng pagpapahalaga sa sarili at kapalaluan sa sarili, sa gayon lalong higit na mahirap para sa tao na tanggapin ang bagong gawain ng Diyos. Hindi pinag-aaralan ng tao ang bagong gawain ng Diyos nang maingat ni tinatanggap ito nang may pagpapakumbaba; sa halip, ang tao ay nang-aalipusta, naghihintay para sa mga pagbubunyag at paggabay ng Diyos. Hindi ba ito ang asal ng tao na naghihimagsik at sumasalungat sa Diyos? Paano makakamit ng ganoong mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos?

 

Hinango mula sa “Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Limitado ang Pagkaintindi sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

4. Sa panahon ni Jesus, pinamunuan ni Jesus ang mga Judio at ang lahat ng sumunod sa Kanya ayon sa gawain ng Banal na Espiritu sa Kanya noong panahong iyon. Hindi Niya ginamit ang Biblia bilang basehan ng Kanyang ginawa, kundi nagsalita ayon sa Kanyang gawain; hindi Niya binigyang-pansin kung ano ang sinabi ng Biblia, ni naghanap Siya sa Biblia ng landas upang pamunuan ang Kanyang mga tagasunod. Mula sa kung kailan Siya nagsimulang gumawa, ipinalaganap Niya ang daan ng pagsisisi—isang salita kung saan lubusang walang nabanggit sa mga propesiya sa Lumang Tipan. Hindi lamang Siya hindi kumilos ayon sa Biblia, kundi Siya ay namuno rin sa bagong daan, at gumawa ng bagong gawain. Kahit kailanman hindi Siya sumangguni sa Biblia kapag Siya ay nangangaral. Sa Kapanahunan ng Kautusan, walang sinuman ang nakagawa ng Kanyang mga himala ng pagpapagaling sa maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo. Kaya, gayon din, ang Kanyang gawain, ang Kanyang mga turo at ang awtoridad at kapangyarihan ng Kanyang mga salita ay lampas sa sinumang tao noong Kapanahunan ng Kautusan. Basta lang ginawa ni Jesus ang Kanyang mas bagong gawain, at kahit na maraming tao ang kumondena sa Kanya gamit ang Biblia—at ginamit pa nga ang Lumang Tipan para ipako Siya sa krus—ang Kanyang gawain ay nahigitan ang Lumang Tipan; kung hindi, bakit ipinako Siya ng mga tao sa krus? Hindi ba ito dahil sa walang binanggit ang Lumang Tipan sa Kanyang turo, at ang Kanyang kakayahan na magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo? Ang Kanyang gawain ay para manguna sa bagong daan, hindi ito para sadyang maghamon ng away laban sa Biblia, o para sadyang iwaksi ang Lumang Tipan. Siya ay basta lang dumating upang gampanan ang Kanyang ministeryo, upang dalhin ang bagong gawain sa mga naghahangad at naghahanap sa Kanya. Hindi Siya dumating upang ipaliwanag ang Lumang Tipan o itaguyod ang gawain nito. Ang Kanyang gawain ay hindi para pahintulutan ang Kapanahunan ng Kautusan na magpatuloy sa pagyabong, dahil ang Kanyang gawain ay hindi nagsaalang-alang kung ang Biblia ba ang batayan nito; basta lang dumating si Jesus upang gawin ang gawain na dapat Niyang gawin. Kaya, hindi Niya ipinaliwanag ang mga propesiya ng Lumang Tipan, ni gumawa Siya ng ayon sa mga salita ng Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan. Hindi Niya pinansin ang sinabi ng Lumang Tipan, hindi mahalaga sa Kanya kung ang Kanyang gawain ay sinang-ayunan nito o hindi, at hindi mahalaga kung ano ang alam ng iba sa Kanyang gawain, o kung paano nila kinondena ito. Basta lang ipinagpatuloy Niya ang gawain na dapat Niyang gawin, kahit na maraming tao ang gumamit ng mga propesiya ng mga propeta ng Lumang Tipan upang kondenahin Siya. Sa mga tao, lumitaw na parang ang Kanyang gawain ay walang batayan, at marami rito ang salungat sa mga talaan sa Lumang Tipan. Hindi ba ito kamalian ng tao? Ang doktrina ba ay kailangang iangkop sa gawain ng Diyos? At ito ba ay dapat ayon sa mga propesiya ng mga propeta? Pagkatapos ng lahat, alin ang mas dakila: ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangang maging ayon sa Biblia ang gawain ng Diyos? Maaari kaya na walang karapatan ang Diyos na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaring lumayo ang Diyos sa Biblia at gumawa ng ibang gawain? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo ang araw ng Sabbath? Kung mangingilin Siya sa araw ng Sabbath at magsasagawa ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Sabbath nang dumating Siya, kundi sa halip ay naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, naghati-hati ng tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba wala itong lahat sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung iginalang ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Siya humiwalay sa mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Bilang Panginoon ng Sabbath, hindi ba Siya maaaring maging Panginoon din ng Biblia?

 

…Kaya, sinabi Niya: “Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.” Kaya, alinsunod sa kung ano ang naisakatuparan Niya, maraming mga doktrina ang nasira. Sa araw ng Sabbath na dinala Niya ang mga alagad sa mga palayan, sila ay nanguha at kumain ng mga ulo ng butil; hindi Niya sinunod ang Sabbath, at sinabing “ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.” Sa panahong iyon, ayon sa mga tuntunin ng mga Israelita, kung sinuman ang hindi mangilin sa Sabbath ay babatuhin hanggang kamatayan. Si Jesus, gayunpaman, ay hindi pumasok sa templo o nangilin sa Sabbath, at ang Kanyang gawa ay hindi nagawa ni Jehova sa panahon ng Lumang Tipan. Kaya, ang gawain na ginawa ni Jesus ay nahigitan ang kautusan ng Lumang Tipan, ito ay mas mataas kaysa dito, at ito ay hindi naaayon dito. Noong Kapanahunan ng Biyaya, hindi gumawa si Jesus ayon sa kautusan ng Lumang Tipan, at humiwalay na sa mga doktrinang iyon. Ngunit mabangis na kumapit ang mga Israelita sa Biblia at tinuligsa si Jesus—hindi ba ito pagtanggi sa gawain ni Jesus? Ngayon, mabangis ding kumakapit ang relihiyosong mundo sa Biblia, at sinasabi ng ilang tao, “Ang Biblia ay isang banal na aklat at ito ay dapat basahin.” Sinasabi ng ilang mga tao na, “Ang gawain ng Diyos ay dapat itaguyod magpakailanman, ang Lumang Tipan ay tipan ng Diyos sa mga Israelita, at hindi maaaring iwaksi, at ang Sabbath ay dapat laging ipangilin!” Hindi ba sila katawa-tawa? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus ang Sabbath? Siya ba’y nagkakasala? Sino ang maaaring makaaninag sa mga nasabing bagay?

 

Hinango mula sa “Tungkol sa Biblia (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

5. Ang mga pagbigkas at gawain ni Jesus sa panahong iyon ay hindi pinanghawakan ang mga doktrina, at hindi Niya isinagawa ang Kanyang mga gawain ayon sa gawain ng kautusan ng Lumang Tipan. Ito ay ayon sa gawain na dapat isagawa sa Kapanahunan ng Biyaya. Gumawa Siya ayon sa gawaing Kanyang inilahad, ayon sa sarili Niyang plano, at ayon sa Kanyang ministeryo; hindi Siya gumawa ayon sa kautusan ng Lumang Tipan. Wala sa Kanyang mga ginawa ang ayon sa kautusan ng Lumang Tipan, at hindi Siya dumating para gumawa upang isakatuparan ang mga salita ng mga propeta. Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay hindi malinaw na isinaayos upang isakatuparan ang mga hula ng mga sinaunang propeta, at hindi Siya pumarito upang sumunod sa mga doktrina o kusang maunawaan ang mga hula ng mga sinaunang propeta. Gayon pa man, ang Kanyang mga kilos ay hindi gumambala sa mga hula ng mga sinaunang propeta, ni nakagulo ang mga ito sa gawain na nauna na Niyang naisagawa. Ang kapansin-pansing bahagi ng Kanyang gawain ay hindi ang pagsunod sa anumang doktrina, at ang pagsasagawa ng mga gawain na Siya Mismo ang dapat na gagawa. Hindi Siya isang propeta o manghuhula, kundi isang tagagawa, na sa katunayan ay Siyang pumarito upang isagawa ang gawaing dapat Niyang gawin, at upang magbukas ng bagong panahon at ipagpatuloy ang Kanyang bagong gawain. Siyempre, nang dumating si Jesus upang isagawa ang Kanyang gawain, isinakatuparan din Niya ang karamihan sa mga salita na sinabi ng mga sinaunang propeta sa Lumang Tipan. Gayon din ang gawain ngayon ay nagsakatuparan ng mga propesiya ng mga sinaunang propeta ng Lumang Tipan. Hindi Ko lang itinataas ang “nanilaw na lumang almanak,” iyon lang. Sapagkat marami pang mga gawain ang nararapat Kong isagawa, marami pang mga salita ang dapat Kong sabihin sa inyo, at ang gawain at mga salitang ito ay higit na mahalaga kaysa sa pagpapaliwanag ng mga talata mula sa Biblia, dahil ang gawain katulad ng ganoon ay walang malaking kabuluhan o kahalagahan para sa inyo, at hindi kayo matutulungan o mababago. Nagbabalak Ako na magsagawa ng bagong gawain hindi para maisakatuparan ang anumang talata mula sa Biblia. Kung dumating lang ang Diyos sa lupa upang isakatuparan ang mga salita ng mga sinaunang propeta sa Biblia, sa gayon sino ang mas dakila, ang Diyos na nagkatawang-tao o ang mga sinaunang propeta? Matapos ang lahat, ang mga propeta ba ang namumuno sa Diyos, o ang Diyos ang namumuno sa mga propeta? Paano mo ipaliliwanag ang mga salitang ito?

 

Hinango mula sa “Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

6. Patuloy na sumusulong ang gawain ng Diyos, at bagaman ang layunin ng Kanyang gawain ay nananatiling di-nagbabago, palaging nagbabago ang paraan kung paano Siya gumagawa, at sa gayon pati na rin yaong mga sumusunod sa Diyos. Mas marami ang gawain ng Diyos, mas lubusang nakikilala ng tao ang Diyos, at ang disposisyon ng tao ay nagbabago kasabay ng Kanyang gawain. Gayunpaman, ito ay dahil sa ang gawain ng Diyos ay palaging nagbabago kaya yaong mga hindi nakakakilala sa gawain ng Banal na Espiritu at yaong mga taong katawa-tawa na hindi nakakaalam sa katotohanan ay nagiging kalaban ng Diyos. Hindi kailanman umaayon ang gawain ng Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, dahil laging bago ang Kanyang gawain at hindi kailanman luma. Hindi Niya kailanman inuulit ang lumang gawain bagkus ay sumusulong sa gawaing hindi pa nagawa kailanman. Dahil hindi nag-uulit ng Kanyang gawain ang Diyos at karaniwang nanghuhusga ang tao sa gawain ng Diyos ngayon batay sa Kanyang gawain sa nakaraan, lubhang mahirap para sa Diyos na isakatuparan ang bawat isang yugto ng gawain ng bagong kapanahunan. Napakaraming balakid ang tao! Masyadong makitid ang pag-iisip ng tao! Walang taong nakakaalam sa gawain ng Diyos, gayunman nagpapakahulugan silang lahat sa ganoong gawain. Malayo sa Diyos, nawawalan ang tao ng buhay, katotohanan, at mga biyaya ng Diyos, gayon man ni hindi rin tanggap ng tao ang buhay o katotohanan, mas lalo na ang mas malaking mga biyaya na ipinagkakaloob ng Diyos sa sangkatauhan. Ninanais ng lahat ng tao na makamit ang Diyos nguni’t hindi kayang pagtiisan ang anumang pagbabago sa gawain ng Diyos. Yaong mga hindi tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos ay naniniwala na ang gawain ng Diyos ay hindi nagbabago, at na magpakailanmang nananatiling nakapirmi ang gawain ng Diyos. Sa kanilang paniniwala, ang tangi lamang kailangan upang makamit ang walang-hanggang kaligtasan mula sa Diyos ay ang pagsunod sa kautusan, at hangga’t nagsisisi at nangungumpisal sila ng kanilang mga kasalanan, mabibigyang-kasiyahan magpakailanman ang kalooban ng Diyos. Ang akala nila ang Diyos ay nagiging Diyos lamang sa ilalim ng kautusan at ang Diyos na ipinako sa krus para sa tao; akala rin nila na ang Diyos ay hindi dapat at hindi nakakahigit sa Biblia. Ang mga pag-aakalang ito talaga ang mahigpit na gumagapos sa kanila sa lumang kautusan at pinanatili silang nakakadena sa mahigpit na mga tuntunin.

 

Hinango mula sa “Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Limitado ang Pagkaintindi sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

7. Ang mga Judio noong panahong iyon ay nagbabasa lahat mula sa Lumang Tipan at alam ang propesiya ni Isaias na may isang lalaking sanggol na ipapanganak sa sabsaban. Bakit kung gayon, taglay ang kaalamang ito, inusig pa rin nila si Jesus? Hindi ba ito dahil sa kanilang kalikasang mapanghimagsik at kamangmangan sa gawain ng Banal na Espiritu? Sa panahong iyon, ang mga Fariseo ay naniwala na ang gawain ni Jesus ay hindi katulad ng kanilang alam tungkol sa inihulang lalaking sanggol; tinatanggihan ng tao ngayon ang Diyos dahil sa ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos ay hindi tumutugma sa Biblia. Hindi ba ang sangkap ng kanilang pagiging-mapanghimagsik laban sa Diyos ay iisa at pareho? Kaya mo bang maging gayon na tumatanggap nang walang katanungan sa lahat ng gawain ng Banal na Espiritu? Kung ito ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ito ang ang tamang daloy. Dapat mong tanggapin ito nang wala kahit katiting na agam-agam, kaysa sa pagpulot at pagpili ng kung ano ang tatanggapin. Kung nagkakamit ka ng mas maraming kabatiran mula sa Diyos at mas nag-iingat ka sa Kanya, hindi ba hindi ito nararapat? Ang kinakailangan mong gawin ay tanggapin, nang hindi kailangan ang higit pang patunay mula sa Biblia, ang anumang gawain hangga’t ito’y mula sa Banal na Espiritu, dahil naniniwala ka sa Diyos upang sundan ang Diyos, hindi upang siyasatin Siya. Hindi ka dapat maghanap ng karagdagang patunay para sa Akin upang ipakita na Ako ang iyong Diyos. Sa halip, kinakailangan mong talusin kung Ako ay kapaki-pakinabang sa’yo; iyan ang susi. Kahit na nalalaman ninyong maraming hindi-mapabulaanang patunay sa Biblia, hindi ito nakapagdadala sa inyo nang buo sa Aking harapan. Isa ka na namumuhay sa loob ng hangganan ng Biblia, at hindi sa harapan Ko; ang Biblia ay hindi nakakatulong sa’yo na makilala Ako, ni napapalalim nito ang pagmamahal mo sa Akin. … Ang gawain ng Diyos sa bawa’t isang kapanahunan ay mayroong malinaw na mga hangganan; ginagawa Niya lamang ang gawain ng kasalukuyang kapanahunan at hindi Niya kailanman isinasakatuparan ang kasunod na yugto ng gawain nang pauna. Sa ganitong paraan lamang naisusulong ang Kanyang gawaing kumakatawan sa bawa’t isang kapanahunan. Nagsalita lamang ni Jesus tungkol sa mga palatandaan ng huling mga araw, kung paano maging mapagpasensya at kung paano maligtas, kung paano magsisi at mangumpisal, pati na rin kung paano pasanin ang krus at tiisin ang pasakit; hindi Siya kailanman nagsalita kung paano dapat pumasok ang tao sa huling mga araw o kung paano hanapin na makapagbigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos. Sa gayon, hindi ba ito isang kamalian na hanapin sa loob ng Biblia ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Ano ang iyong natatalos kung basta hawak lamang ang Biblia sa iyong mga kamay? Maging isa mang tagapagpaliwanag ng Biblia o isang tagapangaral, sino ang nakakahula sa gawain ngayon?

 

Hinango mula sa “Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Limitado ang Pagkaintindi sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

8. Ginamit ng mga Fariseong Judio ang batas ni Moises upang tuligsain si Jesus. Hindi nila hinangad na maging kaayon ni Jesus noong panahong iyon, kundi masigasig nilang sinunod nang perpekto ang batas, hanggang sa ipinako nila ang walang-salang si Jesus sa krus, pinagbintangan Siyang hindi sumusunod sa batas ng Lumang Tipan at na hindi Siya ang Mesiyas. Ano ang kanilang diwa? Hindi kaya na hindi nila hinanap ang paraan para makaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat isang salita ng Kasulatan, habang hindi nila pinapansin ang Aking kalooban at ang mga hakbang at pamamaraan ng Aking gawain. Hindi sila mga taong naghangad sa katotohanan, kundi mga taong mahigpit na sumunod sa mga salita; hindi sila mga taong nanalig sa Diyos, kundi mga taong naniwala sa Biblia. Ang totoo, mga tagapagbantay sila ng Biblia. Upang pangalagaan ang mga interes ng Biblia, at pagtibayin ang dangal nito, at protektahan ang reputasyon nito, ipinako pa nila ang maawaing si Jesus sa krus. Ginawa nila ito para lamang ipagtanggol ang Biblia, at mapanatili ang katayuan ng bawat isang salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya mas pinili nilang pabayaan ang kanilang kinabukasan at ang handog para sa kasalanan upang tuligsain si Jesus, na hindi tumalima sa doktrina ng Kasulatan, hanggang kamatayan. Hindi ba sila mga alipin sa bawat isang salita ng Kasulatan?

 

At paano naman ang mga tao ngayon? Pumarito si Cristo upang ilabas ang katotohanan, ngunit mas gusto pa nilang paalisin Siya sa gitna ng mga tao upang makapasok sa langit at tumanggap ng biyaya. Mas gusto pa nilang lubusang itanggi ang pagdating ng katotohanan para pangalagaan ang mga interes ng Biblia, at mas ginusto pa nilang muling ipako sa krus ang Cristong nagbalik sa katawang-tao upang matiyak ang walang hanggang pag-iral ng Biblia. … Naghahangad ang tao ng pagiging kaayon sa mga salita, sa Biblia, ngunit wala ni isang tao ang lumalapit sa harap Ko upang hanapin ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan. Tinitingala Ako ng tao sa langit, at naglalaan ng partikular na malasakit sa Aking pag-iral sa langit, subalit walang may pakialam sa Akin sa katawang-tao, dahil Ako na namumuhay kasama ng mga tao ay sadyang masyadong walang halaga. Ang mga naghahanap lamang ng pagiging kaayon sa mga salita sa Biblia at naghahanap lamang ng pagiging kaayon sa malabong Diyos ay kahabag-habag sa Aking paningin. Iyon ay dahil ang kanilang sinasamba ay mga patay na salita, at isang Diyos na may kakayahang magkaloob sa kanila ng napakalaking kayamanan. Ang kanilang sinasamba ay isang Diyos na inilalagay ang sarili sa pagsasaayos ng tao, at hindi umiiral. Ano, kung gayon, ang matatamo ng gayong mga tao sa Akin? Ang tao ay sadyang masyadong mababa para sa mga salita. Silang mga laban sa Akin, silang walang katapusang humihingi sa Akin, mga walang pagmamahal sa katotohanan, mga mapanghimagsik laban sa Akin—paano sila magiging kaayon sa Akin?

 

Hinango mula sa “Dapat Mong Hanapin ang Paraan para Makaayon kay Cristo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

9. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit lahat sila ay sumasamba sa mga malabong diyos-diyosan. Bagaman kinikilala nila ang Aking pangalan bilang banal, sila ay tumatahak sa landas na taliwas sa Akin, at ang kanilang mga salita ay puno ng pagmamataas at pagtitiwala sa sarili, dahil, sa pinag-ugatan, silang lahat ay laban sa Akin, at lahat ay hindi kaayon sa Akin. Araw-araw silang naghahanap ng Aking mga bakas sa Biblia, at walang layong nakatatagpo ng kahit na anong mga “angkop” na sipi na binabasa nila nang walang katapusan, at kanilang binibigkas bilang mga kasulatan. Hindi nila alam kung paano maging kaayon sa Akin, hindi nila alam ang ibig sabihin ng pakikipag-alitan sa Akin, at basta lamang nagbabasa ng mga kasulatan nang walang taros. Pinipilit nila sa Biblia ang malabong Diyos na hindi nila kailanman nakita, at walang kakayahang makita, at saka lamang nila tinitingnan kapag sila ay may libreng oras. Naniniwala sila sa Aking pag-iral ngunit sa loob lamang ng saklaw ng Biblia. Para sa kanila, Ako ay kapareho ng Biblia; kung wala ang Biblia wala rin Ako, at kung wala Ako, walang Biblia. Hindi nila pinapansin ang Aking pag-iral o mga pagkilos, kundi sa halip ay pinag-uukulan ng sobra at espesyal na pansin ang bawat isang salita ng Kasulatan, at marami pa nga sa kanila ang naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban kung ito ay hinulaan sa Kasulatan. Sobra ang pagpapahalaga nila sa Kasulatan. Masasabi na itinuturing nilang napakahalaga ang mga salita at pahayag, hanggang sa gumamit sila ng mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang Aking sinasabi, at upang tuligsain Ako. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang paraan para makaayon sila sa Akin, o ang paraan para makaayon sila sa katotohanan, kundi ang paraan para makaayon sila sa mga salita ng Biblia, at naniniwala sila na anumang hindi umaayon sa Biblia, nang walang itinatangi, ay hindi Ko gawain. Hindi ba ang gayong mga tao ang masunuring mga inapo ng mga Fariseo?

 

Hinango mula sa “Dapat Mong Hanapin ang Paraan para Makaayon kay Cristo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

10. Ang mga umiintindi lamang sa mga salita ng Biblia, ang mga walang pakialam sa katotohanan o naghahangad sa Aking mga yapak—sila ay laban sa Akin, dahil nililimitahan nila Ako ayon sa Biblia, at Ako’y kanilang pinipilit sa loob ng Biblia, kaya’t lubhang lapastangan tungo sa Akin. Paano makalalapit ang gayong mga tao sa Akin? Sila ay hindi nagbibigay ng pag-intindi sa Aking mga gawa o sa Aking kalooban, o sa katotohanan, sa halip sila ay nahuhumaling sa mga salita, mga salitang nakamamatay. Paano magiging kaayon sa Akin ang mga gayong tao?

 

Hinango mula sa “Dapat Mong Hanapin ang Paraan para Makaayon kay Cristo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

11. Ang Biblia ay isang tala ng kasaysayan ng gawain ng Diyos sa Israel, at nakasulat dito ang marami sa mga propesiya ng mga sinaunang propeta gayundin ang ilan sa mga pagbigkas ni Jehova sa Kanyang gawain sa panahong iyon. Kaya, tinitingnan ng lahat ng tao ang aklat na ito na banal (sapagkat ang Diyos ay banal at dakila). Mangyari pa, ang lahat ng ito ay resulta ng kanilang paggalang kay Jehova at ng kanilang pagsamba sa Diyos. Ang mga tao ay sumasangguni sa aklat na ito sa ganitong paraan dahil lamang sa ang mga nilalang ng Diyos ay napakamapitagan at mapagmahal sa kanilang Lumikha, at mayroon pa nga yaong mga tumatawag sa aklat na ito na isang makalangit na aklat. Sa katunayan, ito ay isa lamang tala ng tao. Ito ay hindi personal na pinangalanan ni Jehova, ni hindi rin personal na ginabayan ni Jehova ang paglikha nito. Sa ibang salita, ang may-akda ng aklat na ito ay hindi ang Diyos, kundi mga tao. Ang Banal na Biblia ay ang kagalang-galang na pamagat lamang na ibinigay dito ng tao. Ang pamagat na ito ay hindi pinagpasiyahan ni Jehova at ni Jesus matapos Silang magtalakayan; ito ay isa lamang ideya ng tao. Sapagkat ang aklat na ito ay hindi sinulat ni Jehova, lalong hindi ni Jesus. Sa halip, ito ay mga salaysay ng maraming sinaunang propeta, mga apostol, at mga nakakakita ng pangitain, na tinipon ng mga sumunod na henerasyon bilang isang aklat ng sinaunang mga kasulatan na, para sa mga tao, ay tila lubhang banal, isang aklat na sa tingin nila ay naglalaman ng maraming hindi-maarok at malalalim na misteryo na naghihintay matuklasan ng susunod na mga henerasyon.

 

Hinango mula sa “Tungkol sa Biblia (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

12. Ang Lumang Tipan ay ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang Lumang Tipan ng Biblia ay nagtatala ng lahat ng gawain ni Jehova noong Kapanahunan ng Kautusan at ang Kanyang gawain ng paglikha. Ang lahat ng ito ay nagtatala ng gawain na tinapos ni Jehova, at tinatapos nito sa bandang huli ang mga salaysay ng gawain ni Jehova sa Aklat ni Malakias. Ang Lumang Tipan ay nagtatala ng dalawang bahagi ng gawain na tinapos ng Diyos: Ang isa ay ang gawain ng paglikha, at ang isa ay pag-aatas ng mga kautusan. Ito ay parehong gawain na ginawa ni Jehova. Ang Kapanahunan ng Kautusan ay kumakatawan sa gawain sa ilalim ng pangalan ng Diyos na si Jehova; ito ay kabuuan ng mga gawain na pangunahing ipinatupad sa ilalim ng pangalan ni Jehova. Kaya, ang Lumang Tipan ay nagtatala ng gawain ni Jehova, at ang Bagong Tipan ay nagtatala ng gawain ni Jesus, gawain na pangunahing ipinatupad sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Ang kabuluhan ng pangalan ni Jesus at gawain na Kanyang ginawa ay karamihang nakatala sa Bagong Tipan. Sa panahon ng Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan, itinatag ni Jehova ang templo at altar sa Israel, ginabayan Niya ang buhay ng mga Israelita sa daigdig, pinatutunayan na sila ang Kanyang bayang pinili, ang unang grupo ng mga tao na Kanyang pinili sa daigdig at ayon sa Kanyang sariling puso, ang unang grupo na personal Niyang pinamunuan. Ang labindalawang lipi ng Israel ay ang mga unang pinili ni Jehova, at sa gayon Siya ay palaging gumawa sa kanila, hanggang sa katapusan ng gawain ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang ikalawang yugto ng gawain ay ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya ng Bagong Tipan, at ito ay isinagawa sa mga taong Judio, sa isa sa labindalawang tribo ng Israel. Ang saklaw ng gawaing ito ay mas maliit dahil si Jesus ay Diyos na naging tao. Si Jesus ay gumawa lamang sa buong lupain ng Judea, at gumawa lamang ng tatlo-at-kalahating taong gawain; sa gayon, ang nakatala sa Bagong Tipan ay malayong malagpasan ang bilang ng gawain na nakatala sa Lumang Tipan. Pangunahing nakatala ang gawain ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya sa Apat na mga Ebanghelyo. Ang landas na nilakaran ng mga tao ng Kapanahunan ng Biyaya ay ang pinakamababaw na pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay, na karamihan ay nakatala sa mga sulat.

 

Hinango mula sa “Tungkol sa Biblia (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

13. Ang mga aklat ng ebanghelyo sa Bagong Tipan ay naitala dalawampu hanggang tatlumpung taon matapos ipako sa krus si Jesus. Dati-rati, Lumang Tipan lang ang binabasa ng mga tao ng Israel. Ibig sabihin, sa simula ng Kapanahunan ng Biyaya binasa ng mga tao ang Lumang Tipan. Lumitaw lamang ang Bagong Tipan sa Kapanahunan ng Biyaya. Walang umiral na Bagong Tipan nang isagawa ni Jesus ang Kanyang gawain; itinala ito ng mga tao matapos Siyang mabuhay muli at umakyat sa langit. Noon lamang nagkaroon ng Apat na Ebanghelyo, kung saan karagdagan ang mga sulat nina Pablo at Pedro, gayundin ang Aklat ng Pahayag. Makalipas ang mahigit tatlong daang taon matapos umakyat si Jesus sa langit, mapiling tinipon ng mga sumunod na henerasyon ang mga dokumentong ito, at saka lamang nagkaroon ng Bagong Tipan ang Biblia. Nagkaroon lang ng Bagong Tipan nang makumpleto ang gawaing ito; wala ito dati. … Masasabi na ang kanilang itinala ay ayon sa antas ng kanilang pinag-aralan at kakayahan ng tao. Ang kanilang itinala ay mga karanasan ng mga tao, at bawat isa ay may sariling paraan ng pagtatala at pagkaalam, at bawat talaan ay naiiba. Kaya, kung sinasamba mo ang Biblia bilang Diyos napakamangmang at napakahangal mo!

 

Hinango mula sa “Tungkol sa Biblia (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

14. Ang lahat ng naitala sa loob ng Biblia ay limitado; hindi kayang kumatawan sa lahat ng gawain ng Diyos. Ang Apat na Ebanghelyo sa kabuuan ay may mas kaunti sa isang daang mga kabanata, na kung saan ay nakasulat ang takdang bilang ng mga pangyayari, tulad ng pagsumpa ni Jesus sa puno ng igos, tatlong pagtatwa ni Pedro sa Panginoon, pagpapakita ni Jesus sa mga alagad kasunod ng Kanyang pagkapako sa krus at muling pagkabuhay, pagtuturo tungkol sa pag-aayuno, pagtuturo tungkol sa panalangin, pagtuturo tungkol sa diborsiyo, ang kapanganakan at talaangkanan ni Jesus, paghirang ni Jesus sa mga alagad, at iba pa. Subalit, pinahahalagahan ang mga ito ng tao bilang mga kayamanan, at pinatototohanan pa ang gawain sa ngayon kaugnay sa mga nakatalang ito. Naniniwala pa nga sila na gumawa lamang nang gayon karami si Jesus sa panahon pagkatapos ng Kanyang kapanganakan. Parang naniniwala sila na gayon lamang karami ang kayang gawin ng Diyos, na wala nang maaaring karagdagang gawain. Hindi ba ito katawa-tawa?

 

Hinango mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

15. Sa pagbabasa ng Biblia ang mga tao ay makakatamo rin ng maraming daan ng pamumuhay na hindi matatagpuan sa iba pang mga aklat. Ang mga daang ito ang mga daan ng buhay ng gawain ng Banal na Espiritu na naranasan ng mga propeta at apostol sa mga nagdaang kapanahunan, at karamihan sa mga salita ay mahalaga, at nakakapagbigay ng mga pangangailangan ng mga tao. Kaya, ibig ng lahat ng tao na magbasa ng Biblia. Dahil sa napakarami ng nakatago sa Biblia, ang mga pananaw ng tao hinggil dito ay hindi tulad sa mga kasulatan ng dakilang espirituwal na mga tao. Ang Biblia ay isang talaan at tinipong mga karanasan at kaalaman ng mga taong naglingkod kina Jehova at Jesus sa luma at bagong kapanahunan, at sa gayon nakakayanang magtamo ng mga sumunod na henerasyon ng maraming kaliwanagan, pagpapalinaw, at mga landas ng pagsasagawa mula rito. Ang dahilan kung bakit ang Biblia ay mas mataas kaysa sa mga kasulatan ng sinumang dakilang espirituwal na tao ay sapagkat ang lahat ng kanilang mga kasulatan ay hinango mula sa Biblia, ang kanilang mga karanasan ay nagmula lahat sa Biblia, at lahat sila ay nagpapaliwanag ng Biblia. At sa gayon, bagaman ang mga tao ay maaaring makakuha ng panustos mula sa mga aklat ng sinumang dakilang espirituwal na tao, sinasamba pa rin nila ang Biblia, dahil ito ay tila napakataas at napakalalim para sa kanila! Kahit na pinagsasama-sama ng Biblia ang ilang aklat ng mga salita ng buhay, tulad ng mga liham ni Pablo at mga liham ni Pedro, at bagaman ang mga tao ay matutustusan at matutulungan ng mga librong ito, hindi na rin napapanahon ang mga librong ito, ang mga ito ay nabibilang pa rin sa lumang kapanahunan, at kahit na gaano kainam ang mga ito, ang mga ito ay angkop lamang para sa isang panahon, at hindi panghabang-panahon. Sapagkat ang gawain ng Diyos ay palaging umuunlad, at ito ay hindi maaaring basta na lamang titigil sa panahon nina Pablo at Pedro, o palagiang mananatili sa Kapanahunan ng Biyaya kung saan si Jesus ay ipinako sa krus. At kaya, ang mga aklat na ito ay angkop lamang para sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi para sa Kapanahunan ng Kaharian ng mga huling araw. Ang mga ito ay magkakaloob lamang para sa mga mananampalataya ng Kapanahunan ng Biyaya, hindi para sa mga banal ng Kapanahunan ng Kaharian, at hindi mahalaga kung gaano kainam ang mga ito, ang mga ito ay lipas pa rin. Ito ay kapareho ng gawain ni Jehova ng paglikha o ng Kanyang gawain sa Israel: Hindi mahalaga kung gaano kadakila ang gawaing ito, ito pa rin ay hindi na napapanahon, at ang oras ay darating pa rin kung kailan ito ay tapos na. Ang gawain ng Diyos ay kapareho rin: Ito ay dakila, ngunit darating ang panahon kung kailan natatapos ito; hindi ito palagiang mananatili sa gitna ng gawain ng paglikha, ni sa gitna ng pagpapako sa krus. Gaano man kapani-paniwala ang gawain ng pagpapako sa krus, gaano man kabisa ito sa pagdaig kay Satanas, ang gawain ay, kung tutuusin, gawain pa rin, at ang mga kapanahunan, kung tutuusin, ay mga kapanahunan pa rin; ang gawain ay hindi palaging mananatili sa parehong pundasyon, ni ang mga panahon ay hindi nagbabago kailanman, dahil mayroong paglikha at dapat mayroong mga huling araw. Ito ay tiyak na mangyayari! Kaya, ngayon ang mga salita ng buhay sa Bagong Tipan—ang mga liham ng mga apostol, at ang Apat na Ebanghelyo—ay naging mga aklat ng kasaysayan, ang mga ito ay naging lumang mga almanak, at paanong madadala ng lumang mga almanak ang mga tao sa bagong kapanahunan? Gaano man ang kakayahan ng mga almanak na ito sa pagbibigay ng buhay sa mga tao, gaano man ang kakayahan ng mga ito na akayin ang mga tao sa krus, hindi ba ang mga ito ay lipas na? Hindi ba nawalan na ang mga ito ng halaga?

 

Hinango mula sa “Tungkol sa Biblia (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

16. Ang Biblia ay walang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, at isang testamento sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pagkaunawa sa mga minimithi ng gawain ng Diyos. Alam ng lahat na nakabasa na sa Biblia na idinodokumento nito ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Isinasalaysay sa Lumang Tipan ang kasaysayan ng Israel at gawain ni Jehova mula sa panahon ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa lupa, na nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo; hindi ba mga talaan ng kasaysayan ang mga ito? Ang pagbanggit ngayon sa mga bagay na nakalipas ay gumagawa sa mga ito na kasaysayan, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi magpapatungkol sa kasalukuyan. Sapagkat ang Diyos ay hindi lumilingon sa kasaysayan! At kaya, kung iyo lamang nauunawaan ang Biblia, at walang nauunawaan sa gawain na nilalayong gawin ngayon ng Diyos, at kung naniniwala ka sa Diyos nguni’t hindi hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ay hindi mo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng hanapin ang Diyos. Kung binabasa mo ang Biblia upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng kalangitan at kalupaan, kung gayon ay hindi ka naniniwala sa Diyos. Ngunit ngayon, dahil naniniwala ka sa Diyos, at hinahangad ang buhay, dahil hinahangad mo ang pagkakilala sa Diyos, at hindi hinahangad ang mga walang-buhay na titik at doktrina, o ang pagkaunawa ng kasaysayan, dapat mong hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon, at dapat hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang arkeologo maaari mong mabasa ang Biblia—ngunit ikaw ay hindi, ikaw ang isa sa mga yaon na naniniwala sa Diyos, at pinakamainam na hanapin mo ang kalooban ng Diyos sa ngayon.

 

Hinango mula sa “Tungkol sa Biblia (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

17. Kung nais mong makita ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at makita kung paano sumunod ang mga Israelita sa landas ni Jehova, kung gayon dapat mong basahin ang Lumang Tipan; kung nais mong maunawaan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, kung gayon dapat mong basahin ang Bagong Tipan. Ngunit paano mo makikita ang mga gawain sa huling mga araw? Kailangan mong tanggapin ang pamumuno ng Diyos sa kasalukuyan, at makilahok sa gawain sa kasalukuyan, dahil ito ang bagong gawain, at wala pang nakapagtatala nito sa Biblia. Ngayon, ang Diyos ay naging tao at pumili ng ibang mga hinirang sa Tsina. Ang Diyos ay gumagawa sa mga taong ito, nagpapatuloy Siya mula sa Kanyang gawain sa daigdig, nagpapatuloy mula sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain sa kasalukuyan ay isang daan na hindi pa kailanman nalakaran ng tao, at daan na walang sinuman ang nakakita. Ito ay gawain na hindi pa kailanman nagawa—ito ang pinakabagong gawain ng Diyos sa mundo. Kaya, ang gawain na hindi pa nagawa noon ay hindi kasaysayan, dahil ang ngayon ay ngayon, at hindi pa nagiging nakaraan. Hindi alam ng mga tao na ang Diyos ay nakagawa nang mas higit, mas bagong gawain sa mundo, at sa labas ng Israel, na lumampas ito sa saklaw ng Israel, at lampas sa mga ipinropesiya ng mga propeta, na bago at kahanga-hangang gawain ito na wala sa mga propesiya, at bagong gawain na lampas sa Israel, at gawain na hindi maaaring mahiwatigan o akalain ng mga tao. Paanong ang Biblia ay naglalaman ng malinaw na mga talaan ng nasabing gawain? Sino ang maaaring magtala ng bawat isang kapiraso ng gawain ngayon, nang walang makakaligtaan, sa patiuna? Sino ang maaaring magtala nitong mas makapangyarihan, mas matalinong gawain na sumasalungat sa kinaugalian na nasa lumang inaamag na libro? Ang gawain sa kasalukuyan ay hindi kasaysayan, at dahil dito, kung nais mong lumakad sa bagong landas ngayon, sa gayon kailangan mong lisanin ang Biblia, dapat mong higitan ang mga aklat ng propesiya o kasaysayan na nasa Biblia. Saka ka lamang maaaring makalakad sa bagong landas nang maayos, at saka ka lamang makakapasok sa bagong kaharian at sa bagong gawain. Dapat mong maunawaan kung bakit, ngayon, hinihiling na huwag mong basahin ang Biblia, kung bakit mayroong ibang gawain na hiwalay sa Biblia, kung bakit ang Diyos ay hindi na naghahanap ng mas bago, mas detalyadong pagsasagawa sa Biblia, kung bakit sa halip ay mayroong mas makapangyarihang gawain sa labas ng Biblia. Ito ang lahat ng dapat ninyong maunawaan.

 

Hinango mula sa “Tungkol sa Biblia (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

18. Ang Diyos ay maaaring magkaroon ng bagong pasimula para sa karamihan ng gawain na gusto Niyang gawin at ang mga bagay na gusto Niyang sabihin. Sa oras na magkaroon Siya ng bagong simula, ni hindi Niya binabanggit ang Kanyang nakaraang gawain o ipinagpapatuloy ito. Sapagkat ang Diyos ay may mga prinsipyo sa Kanyang gawain. Kapag gusto Niyang magsimula ng bagong gawain, ito ay kapag gusto Niyang dalhin ang sangkatauhan sa isang panibagong yugto ng Kanyang gawain, at kapag ang Kanyang gawain ay nakapasok na sa isang mas mataas na bahagi. Kung ang mga tao ay patuloy na kikilos alinsunod sa mga lumang kasabihan o mga tuntunin o patuloy na manghawak nang mahigpit sa mga ito, hindi Niya maaalala o pupurihin ito. Ito ay sapagkat nagdala na Siya ng bagong gawain, at pumasok na sa bagong yugto ng Kanyang gawain. Kapag nagpapasimula Siya ng bagong gawain, nagpapakita Siya sa sangkatauhan sa isang lubos na bagong larawan, mula sa isang ganap na bagong anggulo, at sa isang ganap na bagong paraan upang maaaring makita ng mga tao ang ibat ibang mga aspeto ng Kanyang disposisyon at kung anong mayroon at kung ano Siya. Ito ang isa sa Kanyang mga layunin sa Kanyang bagong gawain. Ang Diyos ay hindi nananangan sa luma o tumatahak sa hindi kilalang daan; kapag Siya ay gumagawa at nagsasalita hindi ito gaanong nagbabawal gaya ng iniisip ng mga tao. Sa Diyos, ang lahat ay may kasarinlan at kalayaan, at walang pagbabawal, walang paghihigpit—ang dinadala Niya sa sangkatauhan ay pawang kalayaan at kasarinlan. Siya ay isang buhay na Diyos, isang Diyos na dalisay na totoong umiiral. Hindi Siya isang laruan o isang nililok na luwad, at Siya ay lubos na naiiba mula sa mga idolo na dinadambana at sinasamba ng mga tao. Siya ay buhay at masigla at ang dala ng Kanyang mga salita at gawain sa mga tao ay pawang buhay at liwanag, pawang kalayaan at kasarinlan, sapagkat hawak Niya ang katotohanan, ang buhay, at ang daan—hindi Siya nakatali sa anuman sa kahit alinman sa Kanyang gawain.

 

Hinango mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

19. Sa panahong iyon, sinabi ni Jesus na ang gawain ni Jehova ay naantala na sa Kapanahunan ng Biyaya, katulad ng sinasabi Ko ngayon na ang gawain ni Jesus ay naaantala na. Kung nagkaroon lamang ng Kapanahunan ng Kautusan at hindi ng Kapanahunan ng Biyaya, hindi sana napako sa krus si Jesus at hindi natubos ang buong sangkatauhan; kung nagkaroon lamang ng Kapanahunan ng Kautusan, maaari kayang umunlad ang sangkatauhan hanggang ngayon? Ang kasaysayan ay sumusulong; hindi ba ang kasaysayan ang likas na batas ng gawain ng Diyos? Hindi ba ito isang paglalarawan ng Kanyang pamamahala sa tao sa loob ng buong sansinukob? Ang kasaysayan ay sumusulong, pati na ang gawain ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na nagbabago. Hindi magiging praktikal para sa Diyos na magpanatili ng iisang yugto ng gawain sa loob ng anim na libong taon, sapagka’t alam ng lahat ng tao na Siya ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya maaaring ipagpatuloy ang gawaing kahalintulad ng pagpapako sa krus, at isa, dalawa, tatlong beses … na mapako sa krus. Ito ang pagkaunawa ng isang katawa-tawang tao. Hindi itinataguyod ng Diyos ang parehong gawain, at ang Kanyang gawain ay palaging nagbabago at laging bago, tulad ng kung paano Ako araw-araw na nagsasalita sa inyo ng mga bagong salita at gumagawa ng bagong gawain. Ito ang gawain na Aking ginagawa, na ang susi ay nakabatay sa mga salitang “bago” at “kamangha-mangha.”

 

Hinango mula sa “Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Limitado ang Pagkaintindi sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

20. Yamang mayroong mas mataas na daan, bakit mag-aaral ng mas mababa, makalumang daan? Yamang may bagong mga pagbigkas, at mas bagong gawain, bakit mamumuhay sa gitna ng lumang makasaysayang mga talaan? Ang mga bagong pagbigkas ay maaaring makapaglaan sa inyo, na nagpapatunay na ito ang bagong gawain; ang mga lumang talaan ay hindi magagawang pagsawain ka, o tutugon sa iyong kasalukuyang pangangailangan, na nagpapatunay na kasaysayan ang mga ito, at hindi gawain ng dito at ngayon. Ang pinakamataas na daan ay ang pinakabagong gawain, at sa bagong gawain, kahit gaano pa kataas ang daan ng nakaraan, ito pa rin ay kasaysayan ng mga pagninilay ng mga tao, at kahit gaano pa ang halaga nito bilang sanggunian, ito pa rin ay lumang daan. Kahit na ito ay naitala sa “banal na aklat,” ang lumang daan ay kasaysayan; kahit na walang nakatala nito sa “banal na aklat,” ang bagong daan ay ang dito at ngayon. Ang daan na ito ay maaari kang iligtas, at ang daan na ito ay maaari kang baguhin, dahil ito ang gawain ng Banal na Espiritu.

 

Hinango mula sa “Tungkol sa Biblia (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

21. Ang Diyos Mismo ay ang buhay, at ang katotohanan, at ang Kanyang buhay at katotohanan ay sabay na umiiral. Silang mga walang kakayahang makamtan ang katotohanan ay di-kailanman makakamtan ang buhay. Kung wala ang patnubay, tulong, at pagtustos ng katotohanan, ang makakamtan mo lang ay mga titik, mga doktrina, at, bukod diyan, kamatayan. Ang buhay ng Diyos ay laging naririyan, at ang Kanyang katotohanan at buhay ay umiiral nang sabay. Kung hindi mo mahahanap ang pinagmulan ng katotohanan, sa gayon hindi mo makakamtan ang pagkain ng buhay; kung hindi mo makakamtan ang panustos ng buhay, sa gayon tiyak na hindi ka talagang magkakaroon ng katotohanan, at sa gayon bukod sa mga imahinasyon at mga pagkaintindi, ang kabuuan ng iyong katawan ay magiging walang iba kundi laman lang, ang iyong umaalingasaw na laman. Alamin mo na ang mga salita ng mga aklat ay hindi itinuturing na buhay, ang mga talaan ng kasaysayan ay hindi maaaring ipagdiwang na katotohanan, at ang mga doktrina ng mga nakalipas na panahon ay hindi maaaring magsilbing paglalarawan ng sinambit ng Diyos sa kasalukuyan. Ang tanging mga inihahayag ng Diyos kapag Siya ay pumaparito sa lupa at namumuhay kasama ng mga tao ay ang katotohanan, ang buhay, ang kalooban ng Diyos, at ang Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa. Kapag iyong ginamit ang mga itinalang mga salita na binigkas ng Diyos noong mga sinaunang panahon hanggang sa ngayon, sa gayon isa kang arkeologo, at ang pinakamainam na itawag sa iyo ay isang dalubhasa sa mga minanang kasaysayan. Iyon ay dahil lagi kang naniniwala sa mga bakas ng mga gawain ng Diyos noong unang panahon, pinaniniwalaan lang ang aninong iniwan ng Diyos noong dati Siyang gumawa kasama ng mga tao, at pinaniniwalaan lang ang mga paraan na ibinigay ng Diyos sa Kanyang mga tagasunod noong lumipas na panahon. Hindi ka naniniwala sa direksiyon ng gawain ng Diyos ngayon, hindi naniniwala sa maluwalhating anyo ng Diyos ngayon, at hindi naniniwala sa daan ng katotohanan na inihayag ng Diyos ngayon. Sa gayon hindi maipagkakaila na isa kang nangangarap nang gising na lubos na malayo sa realidad. Kung ngayon ay nananatili ka pang nakakapit sa mga salitang walang kakayahang magbigay buhay sa tao, sa gayon tulad ka ng isang walang silbing piraso ng patay na kahoy,[a] dahil ikaw ay masyadong makaluma, masyadong suwail, masyadong hindi naaapektuhan ng pangangatuwiran!

 

Hinango mula sa “Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

22. Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, hindi mo kailanman makukuha ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagka’t ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang daan ng buhay. Iyan ay dahil ang mayroon lang sila ay malabong tubig kung saan kumapit nang libu-libong taon, sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Silang mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay ay mananatiling mga bangkay magpakailanman, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno. Kung gayon, paano nila makikita ang Diyos? Kung sinusubukan mo lang na panghawakan ang nakaraan, sinusubukan lang na panatilihin ang mga bagay na walang pagbabago, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan at itapon ang kasaysayan, sa gayon hindi ka ba magiging laging salungat sa Diyos? Ang mga hakbang sa gawain ng Diyos ay malawak at makapangyarihan, tulad ng rumaragasang mga alon ng dagat at dumadagundong na mga kulog—nguni’t nakaupo at walang imik kang naghihintay ng pagkawasak, nananatili sa iyong kahangalan at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na isang tao na sumusunod sa mga yapak ng Cordero? Paano mo mapatutunayan na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi kailanman luma? At paano ka maihahatid ng mga salita sa iyong nanilaw na mga libro patawid sa panibagong kapanahunan? Paano ka papatnubayan ng mga ito sa iyong paghahanap ng mga hakbang sa gawain ng Diyos? At paano ka madadala ng mga ito paakyat sa langit? Ang hawak mo sa iyong mga kamay ay ang mga titik na magbibigay ng panandaliang ginhawa lang, hindi ang mga katotohanan na kayang magbigay ng buhay. Ang mga kasulatan na iyong nababasa ay ang mga makakapagpayaman lang ng iyong dila, hindi mga salita ng karunungan na makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi ang mga landas na makapaghahatid sa iyo sa pagkaperpekto. Ang pagkakaiba bang ito ay hindi nagdudulot sa iyo ng pagbubulay-bulay? Hindi ba nito naipapaunawa sa iyo ang mga hiwaga na sumasaloob dito? May kakayahan ka ba na dalhin ang iyong sarili sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung hindi dumating ang Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang matamasa ang kasayahan ng pamilyang kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi Ko, sa gayon, na ihinto mo ang pananaginip, at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon, at kung sino ang tumutupad sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo gagawin, hindi mo kailanman makakamtan ang katotohanan, at hindi kailanman makakamtan ang buhay.

 

Hinango mula sa “Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

23. Kung ginagamit ninyo ang mga sarili ninyong pagkaintindi upang sukatin at limitahan ang Diyos, na parang ang Diyos ay isang di-nababagong estatuwa na gawa sa luwad, at kung ganap na nililimitahan ninyo ang Diyos sa loob ng Biblia at inilalagay Siya sa isang limitadong saklaw ng gawain, ito ay nagpapatunay na hinatulan na ninyo ang Diyos. Dahil, sa kanilang mga puso, itinuring ng mga Judio sa kapanahunan ng Lumang Tipan ang Diyos bilang isang idolo na hindi nagbabago ang anyo, na para bang ang Diyos ay matatawag lamang na Mesiyas, at tanging Siya lamang na tinawag na Mesiyas ang Diyos, at dahil pinaglingkuran at sinamba ng sangkatauhan ang Diyos na para bang Siya ay isang (walang-buhay na) estatuwang gawa sa luwad, ipinako nila ang Jesus ng panahong iyon sa krus, hinahatulan Siya ng kamatayan—ang walang-kasalanang Jesus ay sa gayon hinatulan ng kamatayan. Walang nagawang krimen ang Diyos, ngunit tumanggi ang tao na patawarin Siya, at nagpumilit na hatulan Siya ng kamatayan, at sa gayon, ipinako si Jesus sa krus. Laging naniniwala ang tao na di-nagbabago ang Diyos, at binibigyang-kahulugan Siya base lamang sa iisang aklat, ang Biblia, na para bang lubusan nang naarok ng tao ang pamamahala ng Diyos, na para bang ang lahat ng mga ginagawa ng Diyos ay nasa mga kamay na ng tao. Ang mga tao ay talaga namang katawa-tawa, sukdulan ang pagmamataas, at lahat sila ay mahilig sa eksaherasyon. Gaano man kadakila ang kaalaman mo sa Diyos, sinasabi Ko pa rin na hindi mo kilala ang Diyos, na ikaw ay isa na pinakatumututol sa Diyos, at na hinatulan mo ang Diyos, dahil lubos kang walang kakayahang sundin ang gawain ng Diyos at lumalakad sa landas ng paggawang perpekto ng Diyos.

 

Hinango mula sa “Ang Masama ay Tiyak na Parurusahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

24. Para naman sa mga pangitain ng gawain dito sa buong anim-na-libong-taong plano sa pamamahala, walang maaaring magkaroon ng panloob-na-pananaw o pagkaunawa. Ang mga gayong pangitain ay palaging nananatiling mga hiwaga. Sa mga huling araw, tanging ang gawain ng salita ang ginagawa upang ihatid ang Kapanahunan ng Kaharian ngunit hindi ito kumakatawan sa lahat ng mga kapanahunan. Ang mga huling araw ay hindi higit sa mga huling araw at hindi higit sa Kapanahunan ng Kaharian, na hindi kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya o sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang mga huling araw ay ang panahon lamang kung saan ang lahat ng gawain sa anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay ibinubunyag sa inyo. Ito ang paglalantad ng hiwaga. Ang gayong hiwaga ay hindi mailalantad ng sinumang tao. Kahit na gaano pa kalawak ang pagkaunawa ng tao sa Biblia, nananatili itong mga salita lamang, dahil hindi nauunawaan ng tao ang diwa ng Biblia. Kapag ang tao ay nagbabasa ng Biblia, maaaring makatanggap siya ng ilang katotohanan, makapagpaliwanag ng ilang salita o makapaghimay ng ilang tanyag na mga talata at mga sipi, ngunit hindi kailanman niya makukuha ang kahulugang nakapaloob sa mga salitang iyon, dahil lahat ng nakikita ng tao ay mga salitang walang buhay, hindi ang mga eksena ng gawain ni Jehova at ni Jesus, at hindi kayang lutasin ng tao ang hiwaga ng nasabing gawain. Samakatuwid, ang hiwaga ng anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay ang pinakamalaking hiwaga, ang siyang pinakanatatago at lubusang hindi maiisip ng tao. Walang sinumang direktang makakaunawa sa kalooban ng Diyos, maliban kung Siya Mismo ang nagpapaliwanag at nagbubukas sa tao, kung hindi, mananatili ang mga yaong palaisipan sa tao magpakailanman at mananatiling mga hiwagang selyado magpakailanman. Huwag pansinin ang mga nasa relihiyosong mundo; kung hindi kayo nasabihan ngayon, hindi rin kayo makakaunawa. Ang gawaing ito ng anim na libong taon ay higit na misteryoso kaysa lahat ng mga hula ng mga propeta. Ito ang pinakadakilang misteryo simula pa ng paglikha, at walang dating propeta ang nakaya kailanman na arukin ito, sapagkat ang misteryong ito ay malulutas lamang sa panghuling kapanahunan at hindi pa kailanman nabunyag noong una. Kung nauunawaan ninyo ang misteryong ito at nagagawang tanggapin ito nang lubos, yaong mga relihiyosong tao ay malulupig na lahat ng misteryong ito. Ito lamang ang pinakadakila sa mga pangitain, na siyang pinakakinasasabikan ng tao na maunawaan ngunit siya rin namang pinaka-hindi-maliwanag sa kanya.

 

Hinango mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Talababa:

a. Isang piraso ng patay na kahoy: isang kawikaang Tsino, ibig sabihin “walang pag-asa.”

 

  ________________________________

Ang pagbabasa ng Bibliya ay kinakailangan sa pang-araw-araw nating espirituwal na buhay at pati na rin ang pundasyon ng ating pag-unlad sa buhay. ang "pag-aaral ng Bibliya" ay tutulong sa atin na mabasa nang mabuti ang Bibliya!

 

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

 

Write a comment

Comments: 0