Latest Christian Full Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | God Is My Savior (Tagalog Dubbed)

Latest Christian Full Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | God Is My Savior (Tagalog Dubbed)

 

Si Zheng Yi ay isang Kristiyano. Nang marinig niya ang tungkol sa malupit na pang-uusig ng pamahalaang CCP sa Kidlat ng Silanganan at ang pag-aresto sa mga Kristiyano noong nagtatrabaho siya sa Estados Unidos, nag-isip-isip siya, "Ang CCP ay isang partidong ateista, isang makademonyong rehimen na pinakamatinding kalaban ng Diyos. Sa kabila ng sumisiklab na pang-uusig at panunupil ng CCP, lalo pa ring naging maunlad ang Kidlat ng Silanganan. Malamang ay ito ang tunay na daan." Kaya sinuri niya ang Kidlat ng Silanganan sa website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natuklasan niya na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at tinig ng Diyos. Naipasiya niya na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Kaya agad niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang apat na taon, bumalik si Zheng Yi sa China at ipinasa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa kanyang kapatid na si Zheng Rui, isang mamamahayag ng balita. 

Ang ama ni Zheng Yi na si Zheng Weiguo ang pastor ng United Front Work Department sa isang lungsod sa China. Nang malaman niya na naniwala ang kanyang mga anak sa Makapangyarihang Diyos, matigas niya itong tinutulan at paulit-ulit na ginamit ang mga tsismis at kamalian ng pamahalaang CCP para patigilin sila sa paniniwala sa Diyos. Sa maraming pagkakataon, nakipagdebate si Zheng Yi at ang kanyang kapatid sa kanilang ama. Ang espirituwal na labanang ito ng pamilya ay nauwi sa pagtatagumpay ng katotohanan laban sa kamalian at ang katotohanan laban sa tsismis! Sa takot sa masamang kapangyarihan ng CCP at sa determinasyong panatilihin ang kanyang katungkulan sa pamahalaan at kabuhayan, matigas na pumanig si Zheng Weiguo sa CCP at pinilit ang kanyang mga anak na isuko ang kanilang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos pero nawalan ito ng saysay. Sa huli ay pinalayas niya sila sa kanilang tahanan … 

Matatag na pinili ni Zheng Yi at ng kanyang kapatid na iwanan ang kanilang pamilya at sundan si Cristo sa pangangaral at pagpapatotoo sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw.