Tagalog Christian Song | "Ang Layunin ng Pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga Huling Araw"
Sa mga huling araw, ang Diyos ay naging tao
para gawin ang gawaing dapat Niyang gawin,
at gampanan ang Kanyang ministeryo ng salita.
Personal Siyang gumagawa sa piling ng tao,
dahil mithiin Niyang gawin silang perpekto
ang lahat ng kaayon ng Kanyang puso.
Mula sa paglikha hanggang ngayon,
nitong mga huling araw lang
nagkatawang-tao ang Diyos para gawin
ang napakalawak na gawain.
Pinagdurusahan Niya ang di matiis ng tao,
ngunit gawain Niya’y hindi naaantala kailanman,
kahit mapagkumbaba Siyang naging ordinaryong tao.
Nagkatawang-tao ang Diyos para lupigin ang mga tao
at mga minamahal Niya’y gawing perpekto.
Nais Niyang makita ng sarili Niyang mga mata
ang mga taong ginagawa Niyang perpekto.
Nais Niyang makita Mismo,
na magpatotoo ang mga taong ginagawa Niyang perpekto.
Kahit dakilang Diyos ay naging tao,
Kanyang plano kailanman ay hindi nalilito.
Siya’y gumagawa ayon sa Kanyang plano.
Hindi lang isa o dalawa ang naperpekto,
ngunit iilan lang sila sa grupong ito.
Sila ay mula sa iba’t ibang bansa sa mundo.
Mithiin ng maraming gawaing ito
na matamo ang grupong ito,
at ang patotoo sa Kanya ng mga taong ito.
Mithiin ng maraming gawaing ito
na gawing perpekto ang mga pinili
at kaluwalhatian ay matamo
sa pamamagitan ng iilang taong ito.
Nagkatawang-tao ang Diyos para lupigin ang mga tao
at mga minamahal Niya’y gawing perpekto.
Nais Niyang makita ng sarili Niyang mga mata
ang mga taong ginagawa Niyang perpekto.
Nais Niyang makita Mismo,
na magpatotoo ang mga taong ginagawa Niyang perpekto.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
________________________________
Makinig sa mga Tagalog Gospel Songs upang makahanap ng paraan kung paano tayo mananalangin sa Diyos upang pakinggan ng Diyos. Lumapit tayo sa Diyos!
Write a comment