Pagsasagawa (5)
Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagsalita si Jesus ng ilang mga salita at ipinatupad ang isang yugto ng gawain. Mayroong konteksto sa mga ito, at ang mga ito ay angkop sa mga katayuan ng mga tao sa panahong iyon; si Jesus ay nagsalita at gumawa na naaangkop sa konteksto sa panahong iyon. Siya rin ay nagsalita ng ilang mga propesiya. Hinulaan Niya na ang Espiritu ng katotohanan ay darating sa panahon ng mga huling araw, kung kailan ang Espiritu ng katotohanan ay magpapatupad ng isang yugto ng gawain. Na ang ibig sabihin, sa labas ng gawain na gagawin Niya Mismo sa kapanahunang iyon, hindi malinaw sa Kanya ang tungkol sa anupamang bagay; iyon ay, mayroong mga hangganan sa gawaing dala ng Diyos na nagkatawang-tao. Kaya, ginawa lamang Niya ang gawain sa kapanahunang iyon, at hindi gumawa ng ibang gawain na walang kaugnayan sa Kanya. Sa panahong iyon, Siya ay gumawa nang hindi alinsunod sa mga damdamin o mga pananaw, ngunit gaya nang angkop sa panahon at konteksto. Walang sinuman ang nanguna o gumabay sa Kanya. Ang kabuuan ng Kanyang gawain ay ang kung ano Siya, na siyang gawain na kailangang maipatupad ng nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos—ito ang kabuuang gawain na pinapangyari ng pagkakatawang-tao. Marahil, ang biyaya at kapayapaan ng Kapanahunan ng Biyaya ay nagdulot sa iyong mga karanasan na maglaman ng marami na may kinalaman sa mga damdamin o pagiging sensitibo ng tao. Si Jesus ay gumagawa lamang alinsunod sa kung ano ang Kanyang nakita at narinig. Sa ibang pananalita, ang Espiritu ay gumawa nang tuwiran; hindi kailangang magpakita ang mga sugo sa Kanya at bigyan Siya ng mga panaginip, ni ang pagsinag ng anumang matinding ilaw sa Kanya at tulutan Siyang makakita. Siya ay gumagawa nang malaya at pangkaraniwan, ito ay dahil sa hindi nakabatay sa mga damdamin ang Kanyang gawain. Sa ibang pananalita, kapag Siya ay gumawa hindi Siya nag-aapuhap o nanghuhula, ngunit ginagawa ang mga bagay nang may kagaanan, gumagawa at nagsasalita alinsunod sa Kanyang sariling mga ideya at sa Kanyang nakita sa Kanyang sariling mga mata, na kaagad Niyang itinutustos sa bawat disipulo na sumusunod sa Kanya. Ito ang kaibahan ng gawain ng Diyos at ng gawain ng mga tao: Kapag gumagawa ang mga tao, sila ay naghahanap at nag-aapuhap, palaging nanggagaya at nananadya batay sa saligan na inilatag ng iba upang magtamo ng mas malalim na pagpasok. Ang gawain ng Diyos ay ang paglalaan ng kung ano Siya, ginagawa Niya ang gawain na kailangan Niya Mismong gawin, at hindi naglalaan sa iglesia gamit ang kaalaman na nagmula sa gawain ng sinumang tao; sa halip, ginagawa Niya ang kasalukuyang gawain batay sa mga katayuan ng mga tao. Kaya, ang paggawa sa ganitong paraan ay ilang libong beses na mas malaya kaysa kapag gumagawa ang mga tao. Sa mga tao, lumilitaw pa na hindi sumusunod ang Diyos sa Kanyang tungkulin at gumagawa sa paano man Niya naisin. Ngunit lahat ng gawain na Kanyang ginagawa ay bagong gawain, at dapat mong malaman na ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay hindi kailanman nakabatay sa mga damdamin.
Nang ang mga disipulo na sumusunod kay Jesus nang panahong iyon ay nakaranas hanggang sa isang partikular na punto, nadama nila na dumating na ang araw ng Diyos, at kaagad nilang makikita ang Panginoon. Yaon ang damdamin na mayroon sila, at sa kanila, ang damdaming ito ang pinakamahalaga. Ngunit sa katunayan, ang mga damdamin sa loob ng mga tao ay hindi maaasahan. Sa loob, nadama ng mga disipulo na marahil ay halos nakarating na sila sa hangganan ng kanilang paglalakbay, o lahat ng kanilang ginawa at tiniis ay itinalaga ng Diyos. At sinabi ni Pablo na natapos niya ang kanyang takbuhin, nakipagbaka siya ng mabuting pakikipagbaka, at mayroong nakalaan sa kanyang putong ng katuwiran. Yaon ang mga damdamin na mayroon siya, at isinulat niya ang mga ito at ipinadala sa mga iglesia. Ang gayong mga pagkilos ay nagmula sa mga pasanin na kanyang binata para sa mga iglesia, at kaya hindi pinagtuunan ng pansin ng Banal na Espiritu ang gawaing ito. Sa panahong iyon, nang sinabi niyang, “buhat ngayon nakalaan sa akin ang putong ng katuwiran,” hindi siya nakadama ng pagsisisi sa loob niya—hindi siya nagkaroon ng pakiramdam na pagkabalisa, ni sinisi siya, kaya naniwala siya na ang damdaming ito ay totoong normal at talagang tama. Naniwala siya na ito ay nagmula sa Banal na Espiritu. Ngunit tingnan sa kasalukuyan, hindi ito nagmula sa Banal na Espiritu. Ito ay maling akala lamang ng isang tao. Maraming mga maling akala sa loob ng mga tao. Sa panahong iyon, hindi pinansin ng Diyos ang mga ito o nagpahayag ng anumang opinyon. Karamihan sa gawain ng Banal na Espiritu ay hindi ipinatutupad sa pamamagitan ng mga damdamin ng mga tao—ang Banal na Espiritu ay hindi gumagawa sa mga damdamin ng mga tao. Yaon ay maliban sa mahirap, madilim na mga panahon bago naging tao ang Diyos, o ang panahon nang walang mga apostol o mga manggagawa; sa panahon ng yugtong ito nagdulot ang gawain ng Banal na Espiritu ng ilang natatanging mga damdamin sa mga tao. Halimbawa: Kapag ang mga tao ay walang paggabay ng mga salita ng Diyos, kapag nanalangin sila nagkakaroon sila ng hindi maipaliwanag na pakiramdam ng kaligayahan, sa kanilang mga puso ay may damdamin ng kagalakan, at sila ay napapayapa, at napapanatag. Kung taglay nila ang paggabay ng mga salita ng Diyos, ang mga espiritu ng mga tao ay naliliwanagan, at ang kanilang mga pagkilos ay nililiwanagan ng mga salita. Mangyari pa, taglay din nila ang mga damdamin ng pagiging payapa at pagiging panatag. Kapag ang mga tao ay nasa panganib, o pinigil sila ng Diyos mula sa paggawa ng mga partikular na bagay, nakadarama sila sa kanilang mga puso ng pagkabahala at pagkabagabag, ngunit hindi ito gaya ng para bang sumikip ang kanilang lalamunan at hindi sila makahinga. Kapag nagkaroon ng ganitong damdamin ang mga tao maaring ito ay dahil sa masyadong nakatatakot o hindi kaaya-aya ang kapaligiran, na lumikha ng pakiramdam ng pagkatakot sa kanila, at kaya sila ay lubos na nag-aalala. Ngunit hindi ang Banal na Espiritu ang gumawa sa kanilang matatakutin sa gayong katindi. Sa gayong mga pagkakataon, kalahati sa damdaming ito ay nagmumula sa mga mental na reaksyon ng mga tao, at hindi lahat ng ito ay mula sa Banal na Espiritu. Ang mga tao ay palaging nabubuhay sa gitna ng kanilang sariling mga damdamin, at ginawa ito sa loob ng maraming mga taon. Kapag sila ay payapa sa kanilang mga puso, kumikilos sila (naniniwala na ang kanilang kahandaan ay isang damdamin ng kapayapaan), at kapag sila ay hindi payapa sa kanilang mga puso, hindi sila kumikilos (naniniwala na ang kanilang kawalan ng pagnanais o hindi pagkagusto ay isang damdamin ng kabalisahan). Kapag naging mainam ang mga bagay, iniisip nila na[a] ito ang kalooban ng Diyos. (Sa katunayan, ito ay isang bagay na maayos na nangyari, sa pagiging likas na kautusan ng mga bagay.) Kapag hindi nagiging maayos ang mga bagay, iniisip nila[b] na hindi ito ang kalooban ng Diyos, at dali-dali silang nagbabalik sa kanilang mga sarili. Ngunit kadalasan, kapag nasasagupa ng mga tao ang gayong mga pangyayari, ito ang likas na kautusan ng mga bagay. Kung ikaw ay lalong nagsikap, tiyak na nahaharap mo nang maayos ang bagay, at nangyari sana ito nang higit na maayos. Halimbawa kapag lumabas ka para bumili ng repolyo. Ang halaga sa palengke ay dalawang jiao[c] para sa isang jin,[d] ngunit pakiramdam mo ay dapat isang jiao para sa isang jin. Sa katunayan, pakiramdam mo lang ito sa iyong puso, at kapag sinusubukan mong bumili sa halagang ito, hindi ka kailanman naging matagumpay, at naniniwala ka na ayaw ng Diyos na bumili ka ng repolyo.
Ang mga buhay ng mga tao ay naglalaman ng napakaraming mga damdamin. Lalo na, mula sa pagsisimula nilang maniwala sa Diyos, ang mga damdamin ng mga tao ay nadaragdagan sa araw-araw, na nagiging dahilan upang sila ay malito at maguluhan sa lahat ng pagkakataon. Hindi nila alam kung saan sila magsisimula, at hindi tiyak tungkol sa maraming mga bagay—ngunit sa ilalim ng karamihan sa mga pangyayari, kapag sila ay kumikilos o nagsasalita alinsunod sa kanilang mga damdamin, hangga’t hindi ito isang bagay na lumalabag sa dakilang mga panuntunan, ang Banal na Espiritu ay hindi tumutugon. Ito ay kagaya ng korona ng katuwiran na naranasan ni Pablo: Sa loob ng maraming mga taon, walang naniwala na ang kanyang mga damdamin ay mali, ni hindi naramdaman ni Pablo sa sarili niya na nasa kamalian ang kanyang mga damdamin. Saan nagmumula ang mga damdamin ng mga tao? Ang mga ito, siyempre, ay pagtugon ng kanilang mga utak. Ang iba’t-ibang mga damdamin ay nalilikha alinsunod sa magkakaibang mga kapaligiran at magkakaibang mga bagay. Kadalasan, nahihiwatigan ng mga tao sa pamamagitan ng pantaong lohika at nakakakuha ng isang kalipunan ng mga pormula, na nagbubunga sa pagkakabuo ng maraming mga damdamin ng tao. Nang hindi namamalayan, ipinapasok ng mga tao ang kanilang sariling lohikal na pagkakamali, at sa ganitong paraan, ang mga damdaming ito ang nagiging inaasahan ng mga tao sa kanilang mga buhay, nagiging pampagaan ang mga ito sa kanilang mga buhay (kagaya ng korona ni Pablo, o ang “pakikipagtagpo sa Panginoon sa himpapawid” ng Witness Lee). Wala halos paraan ang Diyos na mamagitan sa mga damdaming ito ng tao, at kailangang hayaan ang mga ito na lumago sa kanilang sariling pagkukusa. Sa kasalukuyan, nagsasalita Ako sa iyo nang malinaw, at kapag nagpapatuloy ka pa rin sa iyong mga damdamin, hindi ba’t nabubuhay ka pa rin sa kalabuan? Hindi mo tinatanggap ang mga salita na malinaw na itinakda para sa iyo, at palaging umaasa sa iyong personal na mga damdamin. Sa ganito, hindi ka ba kagaya ng isang taong bulag na kinakapa ang isang elepante?[e] At ano ang iyong makakamtan sa bandang huli?
Sa kasalukuyan, lahat ng gawaing ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay totoo. Hindi ito isang bagay na iyong madarama, o isang bagay na iyong maiisip, lalong hindi ito isang bagay na iyong mahihiwatigan—ito ay isang bagay lamang na magagawa mong maunawaan kapag nangyari sa iyo ang mga katotohanan. May ilang mga pagkakataon, mangyari man ang mga ito, hindi mo pa rin makikita nang malinaw, at tanging kapag gumawa ang Diyos ng mga bagay sa tao, nagdadala ng malaking kalinawan sa tunay na mga katotohanan ng nagaganap, saka lamang maiintindihan ng mga tao. Sa panahong iyon, maraming mga maling akala sa gitna ng mga disipulo ni Jesus. Sila ay naniwala na ang araw ng Diyos ay paparating na at malapit na silang mamatay para kay Jesus at magagawang makipagkita sa Panginoong Jesus—ngunit ang gayong panahon ay hindi pa rin dumating. Si Pedro ay napakasensitibo sa damdaming ito. Naghintay siya ng buong pitong taon, palaging nadarama na dumating na ang panahon—ngunit hindi pa rin ito dumating. Naramdaman nila na sumulong ang kanilang mga buhay, at tumindi ang kanilang mga damdamin at naging sensitibo ang mga damdaming ito—ngunit nakaranas sila ng maraming mga kabiguan at hindi nagawang magtagumpay. Hindi nila alam mismo kung ano ang nangyayari. Maaari ba na yaong tunay na nagmula sa Banal na Espiritu ay hindi matutupad? Ang mga damdamin ng mga tao ay hindi maaasahan. Sapagkat ang mga tao ay mayroong mga utak, mga saloobin, at kanilang sariling mga ideya, batay sa konteksto at mga katayuan sa panahong iyon, lumilikha sila ng kanilang sariling mga mayayabong na ugnayang pangkaisipan. Lalo na, kapag may nangyayaring isang bagay sa mga tao na may malusog na mental na pagkamakatwiran, labis silang natutuwa, at walang magawa kung hindi ang lumikha ng mayayabong na ugnayang pangkaisipan. Ito ay pangunahing naaangkop sa “mga dalubhasa” na mayroong napakataas na kaalaman at mga teorya, na ang mga ugnayang pangkaisipan ay nagiging mas masagana pa pagkatapos ng maraming taon ng pakikitungo sa mundo; hindi nila namamalayan, sinasakop ng mga ito ang kanilang mga saloobin, nagiging napakamakapangyarihan na mga damdamin—at sa pamamagitan nito ay nasisiyahan ang mga dalubhasa. Kapag nais ng mga tao na gumawa ng isang bagay, lumilitaw ang mga damdamin at mga guni-guni, at iniisip ng mga tao na tama ang mga ito. Kalaunan, kapag nakita nila na hindi natupad ang mga ito, hindi malaman ng mga tao kung anong mali ang nangyari. Marahil naniniwala sila na nagbago ng plano ang Diyos.
Sa mga tao sa Kapanahunan ng Kautusan, marami sa mga tao ang mayroon ding partikular na mga damdamin, ngunit ang mga pagkakamali sa mga damdamin nila ay mas kaunti kaysa sa mga tao sa kasalukuyan. Yaon ay dahil, noong una, nagagawang makita ng mga tao ang kaanyuan ni Jehovah, at nagagawang makita ang mga sugo, at mayroon silang mga panaginip. Hindi nagagawang makita ng mga tao sa kasalukuyan ang mga pangitain o ang mga sugo, at kaya mayroong mas maraming mga kamalian sa kanilang mga damdamin. Hindi maiiwasan na magkaroon ng mga damdamin ang mga tao. Ang mga tao sa Lumang Tipan ay mayroon ding mga damdamin, at naniniwala na ang mga damdamin na ito ay talagang tama, ngunit madalas na magpapakita ang mga sugo sa kanila, na nagpapabawas sa mga kamalian sa kanilang mga damdamin. Kapag nararamdaman ng mga tao sa kasalukuyan na ang isang bagay at talagang tama, at nagpatuloy at isinagawa ito, hindi sila sinisisi ng Banal na Espiritu. Sa loob, wala silang damdamin o ano pa man, at sila ay payapa. Pagkatapos na sila ay matapos, tanging sa pamamagitan lamang ng pagbabahagi o pagbabasa sa mga salita ng Diyos na natutuklasan nilang mali sila. Sa isang banda, walang mga sugo ang nagpapakita sa mga tao, ang mga panaginip ay madalang, at walang nakikitang mga pangitain ang mga tao sa langit. Sa kabilang banda, hindi dinadagdagan ng Banal na Espiritu ang Kanyang hindi pagsang-ayon at disiplina sa mga tao; halos walang anuman sa gawain ng Banal na Espiritu sa mga tao. Kaya, kung hindi kakainin at hindi iinumin ng mga tao ang mga salita ng Diyos,[f] hindi nauunawaan ang landas sa pagsasagawa, at hindi talaga naghahangad, kung gayon wala silang mapapalang anuman. Ang mga panuntunan ng gawain ng Banal na Espiritu ay ang mga sumusunod: Hindi Niya pinagtutuunan ng pansin ang walang kinalaman sa Kanyang gawain; kung ang isang bagay ay wala sa loob ng saklaw ng Kanyang nasasakupan, hindi Siya kailanman namamagitan, pinahihintulutan ang mga tao na gumawa ng kahit na anong kaguluhang kanilang maibigan. Makakakilos ka paano mo man gustuhin, ngunit darating ang araw na hindi mo alam kung ano ang gagawin. Ang Diyos ay gumagawa lamang nang puspusan sa Kanyang sariling laman, hindi kailanman nakikialam o isinasangkot ang Sarili Niya sa gawain at sa maliit na mundo ng mga tao; sa halip, lumalayo ang Diyos sa iyong mundo, at ginagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin. Sa kasalukuyan, ikaw ay hindi sisisihin kung sosobra ka sa paggastos ng limang mao, ni gagantimpalaan kung makatitipid ka ng limang mao. Ang mga ito ay mga bagay ng tao, at wala ni katiting na kaugnayan sa gawain ng Banal na Espiritu—ang iyong mga pagkilos hinggil dito ay wala sa loob ng saklaw ng Aking gawain.
Sa panahong iyon, si Pedro ay nagsalita ng maraming mga salita at gumawa ng maraming gawain. Maaari ba na wala sa mga ito ang nanggaling sa mga ideya ng tao? Imposible na lubos itong manggaling sa Banal na Espiritu. Si Pedro ay nilikha lamang ng Diyos, siya ay isang tagasunod, siya si Pedro, hindi si Jesus, at ang kanilang mga sangkap ay hindi magkapareho. Bagamat si Pedro ay isinugo ng Banal na Espiritu, hindi lahat ng kanyang ginawa at sinabi[g] ay galing sa Banal na Espiritu, sapagkat siya, kung tutuusin, ay isang tao. Si Pablo ay nagsalita ng maraming mga salita at nagsulat ng napakarami sa mga iglesia, na nilikom sa Biblia. Ang Banal na Espiritu ay hindi naghayag ng anumang opinyon, sapagka’t ang panahong nang isinusulat niya ang mga sulat ay noong kinakasangkapan siya ng Banal na Espiritu. Siya ay nakakita ng mga pangitain, at isinulat at ibinahagi ang mga ito sa mga kapatid na nasa Panginoon. Hindi nagpahayag si Jesus ng mga opinyon, at walang pagtugon. Bakit kumilos nang gayon ang Banal na Espiritu? Bakit hindi siya pinigilan ng Banal na Espiritu? Sapagkat ang ilang mga karumihan ay nagmumula sa normal na saloobin ng mga tao, at hindi maiiwasan ang mga ito. Bilang karagdagan, ang kanyang mga pagkilos ay hindi nag-ugat sa pag-antala, at hindi nanghimasok sa normal na mga katayuan ng mga tao; kapag mayroong ilang gayong gawain ng pagkatao, mas madali para sa mga tao na tanggapin ito. Normal para sa normal na saloobin ng mga tao na maihalo dito, sa kondisyon na ang mga karumihang ito ay hindi manghihimasok sa anumang bagay. Sa ibang pananalita, ang mga tao na mayroong normal na mga saloobin ay may kakayahang lahat na mag-isip sa gayong paraan. Kapag ang mga tao ay nabubuhay sa laman, mayroon silang sariling mga saloobin—ngunit walang paraan upang alisin ang ganitong mga normal na saloobin. Kung mayroon kang utak, kung gayon dapat na mayroon kang mga saloobin. Gayunman, matapos maranasan ang gawain ng Diyos sa ilang panahon, magkakaroon ng mas kaunting mga saloobin sa utak ng mga tao. Kapag naranasan nila ang mas maraming mga bagay, magagawa nilang makakita nang mas malinaw, at sa gayon ay mag-aantala nang mas madalang; sa ibang pananalita, kapag ang guni-guni ng mga tao at makatuwirang pagpapalagay ay pinabulaanan, ang kanilang abnormal na mga damdamin ay mababawasan. Lahat ng mga nabubuhay sa laman ay mayroong sariling mga saloobing, ngunit sa katapusan, ang gawain ng Diyos sa kanila ay aabot sa punto na hindi makagagambala sa kanila ang kanilang mga saloobin, hindi na sila aasa sa kanilang mga damdamin upang mabuhay, ang kanilang totoong tayog ay susulong, at magagawa nilang mabuhay sa mga salita ng Diyos sa katotohanan, at hindi na gagawa ng mga bagay na malabo at walang laman, at pagkatapos ay wala na silang kakayahan na gumawa ng mga bagay na magdudulot ng mga pagkaantala. Sa ganitong paraan, titigil na sila sa pagkakaroon ng mga ilusyon, at mula sa panahong ito ang kanilang mga pagkilos ang magiging totoong tayog nila.
Mga Talababa:
a. Nilaktawan ng orihinal na teksto ang “iniisip nila na.”
b. Nilaktawan ng orihinal na teksto ang “iniisip nila.”
c. Ang “jiao” (kilala din bilang “mao”) ay isang yunit ng pera ng pananalapi ng mga Tsino. Sa Tsina, ang karaniwang yunit ng pera ay ang yuan. Mayroong sampung jiao sa isang yuan.
d. Ang “jin” ay isang panukat sa timbang ng mga Tsino, ang isang jin ay 500 gramo.
e. Ang “Kinakapa ng isang taong bulag ang isang elepante” ay mula sa talinghaga ng mga taong bulag at ng isang elepante. Inilalahad nito ang tungkol sa ilang taong bulag na kumakapa lahat sa isang elepante, naniniwala ang bawat isa na ang bahagi na kanyang hinahawakan ay kumakatawan sa kabuuan ng hayop. Ang talinghgang ito ay isang metapora ng kung paano naipagkakamali ng mga tao ang mga bahagyang obserbasyon o mga paghatol bilang ang buong katotohanan.
f. Nilaktawan ng orihinal na teksto ang “ang mga salita ng Diyos.”
g. Nilaktawan ng orihinal na teksto ang “na kanyang ginawa at
sinabi.”